"Sino yong guy na bumaba mula sa kwarto mo?" Tanong ni Acey na ikinabigla ko.
Akala ko kasi walang may nakakita sa pagbaba namin ni Andres kanina. Sinakto ko na wala si Acey sa sala. Ngunit di ko akalain na mahuhuli niya kami.
"Boyfriend mo ba? Alam ba yan ni Lola? Parang hindi kasi tinatakas mo..." Wika niya sa seryosong itsura.
Nakaupo ako sa kama, siya nama'y nakahiga na. Tumambol ng sobrang malakas ang puso ko sa mga sinasabi niya. Di ko akalain na mahuhuli ako ng ganito. At lalong hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng mga ganito.
"Alam ni Mama..." Lunok ko.
Tumango siya ngunit nakikita ko pa rin ang kuryusong mga tanong sa mga mata niya. Ayaw ata ako lubayan kung hindi pa ako unang yumuko.
"Hindi ko maintindihan kung bakit tumatakas kayo. Galing pa sa itaas, dito. Nagsex ba kayo?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan! At masyado siyang bulgar para sa isang katorse! Ganoon ba ang tinuturo sa kanya ni Ana? O dahil laking Maynila siya kaya naaadapt din niya iyong ugali ng kalahati ng populasyon doon?
"Acey..." Hingang malalim ko. Para akong sasabog sa batang 'to. Masyado siyang straightforward. At naalala ko na naman ang pagiging vocal ko kay Andres. Ganito rin kaya ang nararamdaman niya noong sinasabi ko lahat ng gusto ko?
"Hmmm... Sa nakikita ko, Oo, pero hindi naman kita isusumbong kay Lola. Masarap ba?"
"Acey..." Malumanay na saway ko. Bumibilis na ang t***k ng puso ko.
Naiinis ako. At natatakot din, para kasing sinubukan niya na kung makapagtanong.
Tumawa siya at umiling saka tumalikod sa akin para matulog.
Kinakabahan ako, para sa kapatid ko. Ewan ko nga ba at mukhang hindi naman pinalaki ni Ana nang may galang ang batang 'to. Ganito ba ang tinuturo niya dito noon?
"Good morning, 'La." Bati niya kay Mama. Kumakain na ako noon, tapos na rin akong maligo. Tinanghali siya ng gising. Hindi ko alam kung bakit gayong mas nauna itong matulog kesa sa akin.
"May lakad ka?" Taas kilay na tanong niya sa akin pagkatabi niya sa hapag.
"Magbabantay sa Store ni Mama." Sabi ko na lang.
"Talaga? Pwede bang sumama?" Tanong niya.
"May lakad daw kayo ni Mama..." Sabi ko at nilingon si Mama na naglilinis sa counter ng kusina.
"Pwede namang ipagsabukas..." Simangot nito.
Doon na lumingon si Mama. Kunot noo.
"Eeenroll kita, Acey. Saka na pag tapos na tayong mag-enroll."
Tumango lang ito pero kita mong nalulungkot. Mukhang spoiled. Gusto kong umirap, pero di naman ako gano'n.
"Ate Ka!" Tawag ko kay Ate Ka nang datnan siyang naroon sa kabilang counter. Tumalon pa ako paharap sa kanya para mayakap siya ng mahigpit. Tuwang-tuwa ako kasi parang kailan lang no'ng huli ko siyang nakita. Dalawang buwan itong nawala.
"Buntis na ako, Anya." Ngisi nito.
Nalaglag ang panga ko at napatalon sa tuwa. Sumama pa si Girlie na akala mo'y matagal ng kilala si Ate Ka.
"Nandiyan si Drei..." Bulong niya sa akin ng bumalik ako sa counter. Napalingon tuloy ako sa labas kung saan naroon nga si Drei at naglalakad patungo sa pintuan ng Store. Napangiti tuloy ako.
"Swerte naman nito... Ang gwapo niya talaga, Anya. Saka yong muscles. Sarap higaan, at dilaan." Wika ni Girlie. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Si Ate Ka nama'y napatawa lang.
"Kung ganyan ba naman ang vitamins sa mga mata natin... Parang gusto ko na lang umuwi sa bahay saka kami magmimilagro ng asawa ko." Dugtong ni Ate Ka.
Parang sasabog ang ulo ko sa pinagsasabi nila.
Mabuti at tumigil sila ng lumapit na si Andres. Binati niya ang dalawa na nahuli ko pang namula at ngumisi lang.
Tinutulang ako ni Andres sa pag-aayos ng ilang display. Nag-uusap-usap lang kami ng mga kung ano-anong bagay. Kung ano ang naiisipan. Hanggang sa sinabi ko ang mga nangyari sa'min ng kapatid ko.
"Kaugali mo siya..."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"Ha? May galang pa rin naman ako, a!"
"Hindi... Yong pagiging straightforward." Tawa niya.
Napatawa na lang din ako.
Nagtaka lang ako noong tumingin-tingin siya sa paligid saka mas lalong lumapit sa akin.
Napasinghap tuloy ako ng dumikit ang balat niya sa balat ko. Para akong napaso kahit wala naman kaming ginagawang kalaswaan.
"Sayang yong kahapon." Wika niya sabay haplos sa bewang ko. Nanindig tuloy ang mga balahibo ko sa kilabot.
"Nasa Store tayo, Drei." Kahit gustuhin ko rin naman, nasa Store kami. Baka may makahuli at nakakahiya naman.
"I know." Wika niya sabay gapang ng mga mumunti niyang halik sa tenga ko. Nanginig tuloy ang kamay ko sa ginawa niya. Malikot din kasi ang hagod ng kamay niya sa bewang ko kaya umaakyat ang kilabot sa ulo ko.
"Hm?" Wika niya, at inangat ang mukha ko. Sa unang lapat pa lang umawang na ang labi ko sa ginawa niya. Ang lagkit ng hagod ng dila niya. Malikot. Kinakalikot ang loob ng bibig ko. Sinundan ko tuloy ang ginagawa ng dila niya.
Shit!
Para akong maiihi habang nagmamalikot ang mga dila namin. Humahagod sa bawat dila ng isa't isa. Paulit-ulit. Naririnig ko na nga ang ingay. Napapaungol na rin ako ng konti.
Tinigilan lang namin ng pareho kaming hinapo.
"Mahuhuli nga talaga tayo kung ganyan ka kaingay." Tukso niya.
Hinampas ko tuloy ang braso niya at nahihiya sa ingay ko. Hindi ko kasi mapigilan. Talagang napapadaing ako.
Tumawa lang siya at inakbayan ako palapit sa kanya.
"Nakakamiss pala..." Bulong niya sa akin.
Nanginig naman ang mga tuhod ko, parang naihi pa nga ako. Nakakapanghina. Yong gitna ko, halos manginig din. Nakakamiss nga talaga kasi naiisip ko naman ang nangyari noon. Matagal-tagal na rin... At gusto kong masubukan ulit. Ewan ko nga lang at bakit hindi matuloy-tuloy.
"Drei..." Bulong ko. Bumaba ang mga mata niya sa akin. Namumula yata ang mga pisngi ko dahil hinaplos-haplos niya iyon.
"Motel tayo mamaya," sabi niya.
Napaawang ang labi ko at parang may bumara sa lalamunan ko. At napalunok ng sunod-sunod.
"Sa bahay mo?" Tanong ko.
"I wanna try something new." Ngisi niya.
Bumilis naman ang paghinga ko.
Shit!
Nagiging manyak na kaming pareho ni Drei!