Ilang araw na akong nakakulong. . . nakakulong sa lugar kung saan hindi naman ako nararapat na naroon. Hindi ako nababagay sa lugar na ito. “Bakit ba binibigyan niyo ako ng gamot? Hindi nga sabi ako baliw, nakikinig ba kayo sa akin, ha? Hindi ako baliw! Mukha ba akong baliw?” Malakas na sigaw ko at sinamaan sila ng tingin. My eyes landed on the tray with medicines on it. “Lahat ng napupunta rito, iyan din ang sinasabi, Miss. Sumunod ka na lamang para gumaling ka na---“ Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya sa pamamagitan ng pagtampal sa tray kung saan nakalagay ang mga gamot. Tumilapon iyon sa lapag kaya’t sabay-sabay na nagpakawala ng malakas na buntong hininga ang mga nurse na nasa aking harapan. “Hindi ko kailangang magpagaling dahil magaling naman ako! Wala akong sakit! Hindi

