CHAPTER 13: THE LOST BITS OF HIS MEMORY

1193 Words
ANDREI CASTRIEL “Kuya, okay ka lang ba?” tanong sa aking ng kapatid ko habang nakasakay kami sa kotseng minamaneho ni Eren. Nasa likuran kaming dalawa ng kapatid ko pumuwesto habang si Chandra ay nasa shotgun seat. “Oo, ayos lang ako.” Tumango pa ako nang marahan at ngumiti sa kapatid ko para ipakitang ayos lang ako. Narinig ko naman ang kaniyang pagbuntong-hininga bago muling sumandal sa backrest. Marahan niyang hinaplos ang kaniyang sintido. “Bakit? Ikaw ayos ka lang ba?” tanong ko nang mapansing tila hindi siya mapakali. “Masakit lang ang ulo ko, Kuya. Siguro ay dahil sa dami ng alak na nainom natin kagabi. Kainis. Sigurado akong lutang ang diwa ko nito mamaya sa seminar.” He blew a short breath of frustration. Ako naman ay bumalik sa dating pagkakaupo ko. Gaya ng kapatid ko, masakit din ang ulo ko pero hindi na ako nagrereklamo. Ayoko kasing marinig iyon ni Chandra. Natatakot ako na baka mainis siya sa akin o hindi kaya ay mapagalitan niya ako. Nang bumaling ako sa rearview mirror ng sasakyan ay napansin kong nakatingin sa akin si Eren. Hindi ko alam kung tama ba iyong nakita kong nakangisi siya o namamalikmata lang ako. Ilang minuto ko ring pasimpleng tiningnan para i-check ang kaniyang reaksiyon, ang kaso, ay wala namang bakas ng pagngisi o kahit pagngiti sa kaniyang labi. Marahan akong umiling. Umusod ako palapit ng bintana ng sasakyan at isinandal ko ang aking gilid ng aking ulo sa salamin nito. Pinagmasdan ko lamang ang mga nadadaanan naming bahay at mga punong mayayabong ang sanga. Sa apat na bayan na magkakasunod na iyon, kabilang na roon ang Addison, sila ang mapalad na lugar na kailanman ay hindi sinikatan ng araw. Noong bata ako, gustong-gusto kong tumira sa isang lugar na tahimik, malamig at iyong walang bakas ng araw. Ayaw ko kasi talagang naiinitan. Pakiramdam ko ay nasusunog ako. Mabilis ding mamula ang balat ko kahit na sandali lang itong tumama sa akin. Minsan sa buhay ko, pinangarap ko ring dito manirahan. Ang kaso, napag-alaman kong halos mayayamang pamilya lang ang maaaring manirahan dito. Hindi ka rin maaaring bumili ng lupa sa bayang ito kung walang magre-rekomenda sa iyo na isang local na residente ng bayan mismo. Kaya magmula noon, hindi ko na tinuloy ang pangarap kong manirahan dito dahil napakaimposible rin naman. Pagkahinto ng sasakyan sa parking area, nagpasalamat kami ng kapatid ko kina Chandra at Eren. Bumalik kami pansamantala sa aming mga tinutuluyan para makapaglinis ng katawan at makapag-asikaso ng mga gamit na kailangan namin para sa mga gaganapin ngayong araw. Hindi rin naman ako nagtagal sa pag-aayos. Naligo lang ako, I also shaved the stubbles under my chin. Pagkatapos ay nagbihis at inilagay lahat ng gamit ko sa bag at lumabas na. Napahinto ako sa aking kinatatayuan nang makita si Chandra na nakatayo sa labas ng room na tinutuluyan ko. Nakasandal siya sa pader habang ang kaniyang dalawang kamay ay nakalagay sa dalawang bulsa sa harapan ng kaniyang suot na trench coat. Agad siyang umayos sa pagkakatayo at humarap sa akin. Nakakunot nang bahagya ang kaniyang noo habang pinapasadahan niya nang tingin ang kabubuan ko. “You’re not wearing scarf,” aniya habang ang kaniyang tingin ay nasa leeg ko. Alanganin akong tumango. “Ah, hindi kasi ako nakadala ng kahit isa noong pumunta kami rito. Hindi ko naman kasi kailangan.” “Bakit? Hindi ka ba nilalamig?” ‘takang tanong niya. “May mga oras na nilalamig ako pero may pagkakataon din na sakto lang sa akin ang klima ng lugar na ito.” “You mean, mataas ang tolerance mo sa lamig.” Tumango-tango siya bago tumalikod at naunang naglakad sa hallway. Dahil may iilan na ring estudyanteng gising noong mga oras na iyon, napapalingon sila sa amin ni Chandra. Chanda can easily catch someone’s attention. Maganda siya. And she has this kind of aura that is very unique. Yung kahit na hindi siya revealing magdamit, kahit na hindi siya ngumingiti, you can’t still help yourself but to look at her and admire her beauty. Yumuko ako dahil hindi naman ako sanay na nabibigyan ng atensiyon ng mga tao. Ayoko na pakiramdam ko ay kinikilatis ako ng mga ito. “Bakit ka nga pala pumunta rito?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya. Bahagya niyang binagalan ang paglalakad at saka bumaling siya sa akin. “Gusto kitang sunduin.” Kumunot ang aking noo. Bakit naman niya ako susunduin? Maliban sa pagiging kasama sa kaniyang grupo sa kompetisyon, may iba pa ba siyang dahilan? I know Chandra. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, hindi siya iyong approachable na tao. For sure she has a reason why she is doing this. “I want to see if you feel better. Naparami ang inom mo kagabi. Sigurado akong ngayon ay sumasakit pa rin ang ulo mo.” And as if on cue,pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin, bigla namang sumakit ang sintido ko. Parang may pumitik na kung ano roon kaya napapikit ako nang mariin at napahawak sa ulo ko. Agad naman niya akong dinaluhan. “Ayos ka lang ba?” Hindi ko alam kung saan ako nagulat, nang marinig ko ba ang kaniyang nag-aalalang boses o nang bigla niyang hawakan aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang malalambot na palad. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko kaya mabilis akong lumayo sa kaniya. “O-oo ayos lang.” Yumuko ako sandali pero kasabay niyon ang pakiramdam na parang umiikot ang mundo ko. Sinubukan kong ibalanse nang maayos ang aking sarili sa aking pagkakatayo. Nang muli kong ipinikit ang aking mga mata ay biglang mayroong may dumaan sa aking isipan. Isang sitwasyon kagabi. It was fast. But in that vision, malinaw na nakita ko si Chandra. Mayroon pa siyang isang babaeng kasama. “Okay ka lang ba, Andrei?” Hinawakan ni Chandra ang kamay ko at agad mabilis akong napaigtad nang maramdaman ang kakaibang lamig ng kaniyang kamay. Binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at marahan akong nag-bow. “Pasensiya na. Hindi kasi ako sanay na hinahawakan ng ibang tao.” She nodded. “That’s understandable.” Tipid siyang ngumiti bago nauna muling naglakad. Napansin ko ang pagbaling niya sa kaliwang garden area ng Menos Grande kung saan naroon ang mga magagandang halaman. May mga benches din doon na yari sa semento. Walang tao roon, pero nakita ko ang kaniyang simpleng pagtango. Kaya hindi ko na napigilang kumunot ang aking noo. Why did she do that? Eh wala namang tao roon? “Bilisan na natin. Kailangan pa nating magtungo ng Artemis Complex for the briefing.” Matipid na tango lang ang sagot ko. Sinabi niyang nakaabang si Eren sa parking area, kaya doon kami pupunta. At habang naglalakad kami patungo roon, tila sirang plaka ang aking isipan na paulit-ulit nire-replay ang vision na nakita ko kanina. “Ano iyon?” Napalingon si Chandra sa akin. “Ha? May sinasabi ka?” Napaturo ako sa sarili ko. “Ha? Wala. Ano, kausap ko ang sarili ko. Hindi ko alam na napalakas pala ang boses ko.” This is weird. Pakiramdam ko ay may nangyari sa Rivia na hindi ko matandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD