CHAPTER 14: THE BACKSTORY OF THE FORGOTTEN FRIENDSHIP

1073 Words
“Alam mo naman sigurong mahirap itong pinasok natin, ano?” saad ni Eren sa akin habang nasa likuran kami ni Chandra at naglalakad papasok ng Artemis Complex. Maaga pa at sa tingin ko ay kami ang nauna sa pagtungo roon. Pero bago pa man kami tuluyang makapasok ay may humahangos na staff patungo sa amin. Nang makita nito si Chandra ay agad itong huminto, marahang yumuko, at saka bumati sa kaniya. Nilingon din kami nito at marahang tumango. “Yes?” tanong ni Chandra sa babae. “Ah, tungkol po pala sa venue. Dahil konti nalang po kayong sasali sa mismong competition, pinapasabi po ni Sir Heldrick Cruz na sa ibang venue na po gaganapin ang briefing. Sa mas enclosed place raw po.” Lumingon si Chandra sa amin ni Eren. Bakas sa kaniyang mga mata na naguguluhan siya. Si Eren naman ay marahang naglakad palapit kay Chandra at may binulong dito. Habang nakikinig siya sa sinasabi ni Eren, mas lalong kumukunot ang kaniyang noo. Muling bumalik sa aking tabi si Eren pagkatapos ng ilang sandali. “Enclosed place huh…” mahinang saad ni Chandra. Marahang nagkamot ng batok ang staff at tumango. “Sa Apollo’s Auditorium po sa Gaia’s building ang bagong location ng event. Pasensiya na po sa pagbabago, Miss Ricafort. Biglaan din po kasi. Sinubukan po namin kayong contact-in kagabi, ang kaso, naka-off po ang phone niyo.” Tipid na ngumiti si Chandra sa staff at tumango. “Ayos lang naman.” The moment I heard her answer was the moment I saw Eren’s lips twitched. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ni Chandra. The staff guided us hanggang sa makarating kami ng Gaia’s building. Sumakay kami sa elevator at nang huminto kami sa 10th floor ng building, hinanda ko na ang aking sarili. Chandra and Eren looks fine. Ang nasa isip ko, wala naman siguro akong dapat ipag-aalala. Nang makita namin ang Apollo’s Auditorium, diretso kaming pumasok doon. Ngunit nasa malayo palang kami, dinig na dinig ko na ang ingay ng mga babaeng nagkukuwentuhan na nakapuwesto sa harap. Huminto si Chandra sa paglalakad, kaya huminto na rin kami. Sinundan ko ang kaniyang tingin. Tila awtomatikong tumaas ang kilay niya nang makita ang tatlong babae na naroon sa unahan. Masaya ang mga ito at nagbibiruan pa. Ngunit, agad ding huminto ang mga ito nang mapansin ang aming presensiya. “Chandra!” tuwang tawag sa kaniya ng pamilyar na babae. Nakalimutan ko na ang pangalan nito pero sigurado akong hindi sila magkaibigan ni Chandra. Chandra sighed. Hindi niya pinansin ang tawag ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa unahang bahagi ng auditorium. Katapat namin ang upuan ng tatlong babae. “It’s the first time I saw you being late,” dagdag pa nito. Chandra’s brow raised. “Late? Hindi ako late.” Paanong nasabi ng babaeng ito na late kami eh wala pa namang ibang tao rito sa Audi kundi kami. “Oh, I see. Baka talagang mas maaga lang ako ngayon.” The girl sighed. Iyong tipo ng pagbuntong-hininga na puno ng sarkasmo. “Dati ang aga-aga mo laging pumunta ng event. You are the most punctual among all the participants. Hmm, anong nangyari, Chandra?” The thing is, this girl, in front of us, is trying to provoke her. Kung ano man ang rason nito, hindi ko alam. I was hoping Chandra won’t give in to her nonsense statement. “Go away, Alissa. Wala akong panahon sa’yo. You can say whatever you want. Pero sasabihin ko sa’yo.” Humakbang palapit si Chandra sa babae at hinawakan ito sa balikat. “I don’t care about anything you’re saying. I don’t care about you because you don’t matter to me.” Chandra smiled and tapped the girl’s shoulder before she turned her back on her. Naunang naglakad si Chandra patungo sa upuan. Pagkaupo niya sa malambot na upuan, sumandal agad siya roon at pumikit. Sumunod naman sa kaniya si Eren na marahang hinawi si Alissa palayo sa daan. “If you’ll excuse me,” he told her and smiled a little. Ako ang nahuli kaya ako ang nagkaroon ng pagkakataon para mapansin ang hitsura ni Alissa. She seemed pissed at tila hindi rin siya makapaniwala sa nangyari. Nang makita niya akong nakatitig sa kaniya ay bigla niya akong sinamaan nang tingin. “Ikaw? Anong tinitingin-tingin mo riyan?” aniya habang nakalagay ang isang kamay sa kaniyang beywang. Umiling naman ako. As much as I want to explain myself, hindi ko na sinubukan. Mukhang hindi rin niya ako papakinggan sa paliwanag ko. Hindi naman ako slow para hindi mapansin na may galit siya kay Chandra. Galit o inggit. Hindi ko alam kung alin sa dalawa o baka nga pareho pa. Binilisan ko ang paglalakad para makaupo na rin. Sumenyas si Eren na sa kaniyang tabi ako umupo kaya sinunod ko naman. “That girl is Alissa Vergara. She’s from Mifflin. The town near Ezra. On our first year joining Writer’s Cup, nakasama namin siya. She became our friend. Naging kasa-kasama namin siya ni Chandra sa pag-iikot dito sa Camp. Pero noon palang, alam ko na agad na gusto niyang manalo sa Cup. But Chandra is way better than her. Chandra won the award everyone’s wishing to have. Maraming nainis. Maraming nagalit. At isa na roon si Alissa. She was once a good friend. Now, she’s her enemy.” Marahang akong tumango. Kaya pala ganoon nalang kung ipamukha niya kay Chandra ang mga simple at maliliit na bagay na nagagawa niya. “Pero okay lang naman siya hindi ba? Nasaktan ba siya sa nangyari?” I asked. I was referring to Chandra. Nakapikit ito at mukhang umiidlip. “Chandra is a strong woman. She still cares for her. But most of the time, wala na siyang pakialam. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay kailangan niyang bigyan ng atensiyon. Chandra knows when to lose her cool and when to keep it.” Muli ay tumango ako. Habang naghihintay kami ng ibang mga participant, ibinaling ko pansamantala ang aking atensiyon sa kinaroroonan ni Alissa. Hindi ko maiwasang maalala ang nag-iisang tao na pinagkatiwalaan ko rin noon, ang taong akala ko ay kaibigan din ang tingin sa akin. Chandra and I have similarities. She might admit it or not, but the reality is, the two of us had been betrayed by the people we once trust. And that is one of the most painful thing that I’ve ever experienced.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD