CHANDRA RICAFORT
“Hey, Andrei slow down!” sigaw ko sa kaniya nang makitang imbes na dapat ay bumabagal na ang kaniyang takbo ay mas binibilisan niya pa ito.
He was running for almost an hour, without a rest just to test his speed.
Halos isang buwan na rin ang lumilipas magmula noong magsimula kaming mag-train. Araw-araw, wala siyang tigil sa pag-e ensayo. The training slowly getting hard day by day pero kahit minsan, hindi ko man lang siya narinig na nagreklamo. Halatang-halata sa kaniya na desidido siya at pursigido sa paggawa ng bawat task na binibigay ko sa kaniya.
I was amazed by his determination. Pero may mga araw rin na naiinis ako dahil hindi siya nakikinig sa akin. Katulad nalang ngayon. He was supposed to cool down after the hard punching and the running, pero heto siya ngayon, nagiging pasaway na naman.
“Stop now!” muling sigaw ko. Nilampasan niya ako at patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Nang marating niya ang pinakadulong puno, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at kumaway sa akin.
Sa sobrang inis ko ay binilisan ko ang pag-pack ng mga gamit ko sa bag na dala ko. Nakita ko siyang tumatakbo pabalik sa kinaroroonan ko. And in a matter of minute, nakabalik na siya.
“How was my speed these days? Do you think it improved?”
Hindi ko siya tiningnan. Mas lalong hindi ko sinagot ang kaniyang tanong.
“Hey, Cha. Come on, pansinin mo naman ako.”
Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pag-aasikaso. Iniharap niya ako sa kaniya at niyakap ako. Inilagay niya ang kaniyang baba sa aking balikat habang ang kaniyang palad ay humahaplos sa aking likuran.
“Alright. Hindi na ako magiging makulit.”
Inis na tinulak ko siya palayo sa akin.
“Ganiyan din ang sinabi mo sa akin kahapon. Pero ngayon hindi ka na naman nakinig. What am I to you, Andrei? A joke? Oh, come on!”
Lalapit pa sana siya para yumakap sa akin muli pero pinigilan ko siya. Mablis kong hinablot ang bag at naglakad ako palayo sa kaniya.
Sa totoo lang, wala naman talaga akong plano na magalit. Kung hindi lang talaga matigas ang ulo niya. Nakakadismaya kasi yung paulit-ulit ako sa pagpapaalala.
“Cha, sorry na!” aniya na humahabol sa likuran ko.
“Promise talaga, hindi ko na uulitin. Makikinig na ako sa’yo palagi.”
Nang huminto ako at humarap sa kaniya ay kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata.
“Ang hirap kasi sa’yo, nag-o-over exert ka ng effort. Hindi ba palagi kong sinasabi na hindi mo kailangang puwersahin ang sarili mo?”
“But I’m doing fine, Cha. Wala namang mali sa ginagawa ko ah. I’m just focusing on my training. Ginagawa ko ang lahat ng ito para mas maging kapaki-pakinabang sa’yo.”
Pagak akong tumawa. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa aking balikat bago humakbang palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang braso.
“You’re doing fine? Talaga ba? Eh ano ito?” tanong ko sa kaniya sabay turo ng mga pasa sa braso niya. Nakuha niya ito mula sa training niya sa pag-akyat sa mga puno. Hindi pa nga siya nakaka-recover, kahapon ay ilang beses din siyang gumulong pababa sa burol kung saan kami nag-ensayo kahapon.
“At iyang mga galos mo sa binti, ganiyan ba ang okay?”
Marahan niyang binawi ang kaniyang braso sa pagkakahawak ko. He looked away and blew a short breath of frustration.
“I’m doing what I can so I could prove myself to you, Cha. Gusto kong makatulong sa’yo. You think doing all of these are easy for me? Of course not. Hindi madali sa akin ang gumising araw-araw para gawin ito. But I chose to do it because I want to stay by your side. Marami na akong sinakripisyo, Cha. Don’t make me feel bad right now, please.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay sinampal niya ako ng katotohanan. Tama siya. Marami na siyang sinakripisyo. Una, ang pag-iwan niya sa kapatid niya, pangalawa, ang hindi niya pag-uwi sa Ezra. Pangatlo, ang career na sisimulan palang niya. He chose me over those things.
Inabot niya ang kamay ko at dinala iyon sa kaniyang pisngi.
“I can’t leave you. I can’t Cha. Kaya ginagawa ko ang makakaya ko para matulungan ka. Para hindi mo na ako kailangan pang itago. Para malaya na tayong magkasama. The least thing you could do to make me feel better is to cheer for me.”
I bit my lower lip and gave him a light nod.
“I’m sorry. Tara na, umuwi na tayo. Gagamutin ko pa ang mga sugat mo.”
Kinuha ko ang kaniyang braso at inalalayan siya sa paglalakad. Alam ko rin kasing masakit ang kaniyang binti dahil nasobrahan siya katatakbo.
Pagdating namin sa cabin, inasikaso ko na ang pangligo niya. Kailangang mainit ang tubig para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Nagpakulo ako ng tubig at sinalin iyon sa batya.
I let him shower for almost thirty minutes. Paglabas niya, nagbihis na rin siya. Sa sofa ako naghintay. Inihanda ko na rin ang panggamot sa mga sugat niya.
“Bukas ay darating sina Eren, Kiara, Hayden, at Sky. Ang sabi nila, tutulong sila sa training mo. Nasanay ka kasi na ako palagi ang kalaban mo, naisip kong mas mabuti kung may ibang tutulong sa akin para hasain iyang pakikipaglaban mo. Kapag naging maayos ang training mo, hindi na tayo magtatagal dito. Puwede na tayong bumalik ng Addison, puwede ka na ring bumalik sa Ezra at makita ulit ang pamilya mo kahit sandali lang. Sasamahan pa kita”
Andrei was smiling all throughout. Kahit na nasasaktan siya sa paggamot ko ng kaniyang mga sugat, nagagawa niya pa ring tumawa sa mga simpleng biro ko.
Pagkatapos naming mag-ayos, inalalayan ko na siya patungo sa kaniyang kuwarto. Pagkahiga niya sa kama, agad niyang hinawakan ang braso ko.
“Will you read me a story? Read for me until I fell asleep.”
Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
“I will.”
Looking at him peacefully sleeping, I can’t help but to feel at peace too. Konting panahon nalang, makakaalis na kami rito.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil maaga ring dumating sa Hale ang apat na bisita namin sa araw na ito.
“This place is lit, Kiara,” saad ni Sky habang nakaturo sa cabin.
“Oh no, no, this became lit because of Chandra. For the past months, sila ni Andrei ang nag-alaga nito. Kung nakita mo lang ang cabin nito noong una nilang dating dito, baka tanggihan mo kung sakaling ikaw ang pinatuloy ko rito.”
Sky smirked at her.
“So, they made it a home? Like a couple home?”
I rolled my eyes when I heard Sky’s playful tone. Halata namang nang-aasar lang siya.
“Can you just keep quiet? Andrei’s still sleeping. And it’s just four in the morning.”
Hayden shrugged.
“Good for him he’s able to sleep. I wish I could do the same.”
Nang bumaling ako kay Eren, nakita kong tahimik ito. Magmula nang dumating sila, hindi pa ito nagsasalita. Lumapit ako sa kaniya at marahang tinapik ang kaniyang balikat. Nang tumingin siya sa akin ay sinenyasan ko siya na magtungo kami sa labas.
I think I need to talk to him. Matagal na rin kasi kaming dalawa na hindi nag-uusap. Minsan, pakiramdam ko ay sinasadya niya nalang na umiwas sa akin para hindi ko siya kausapin.
“Kumusta ka?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa kakahuyan.
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa’yo? Kumusta ka, Chandra?”
Huminto ako sa paglalakad at tumingin ako sa kaniya.
“I think I’m fine. As long as Andrei’s safe, I think I will be okay.”
He smiled at me and nodded.
“Yeah, I see that.”
“How’s my family? Are they mad at me? Do they want me to remove on our family registry?”
Natahimik siya sandali. Napansin ko ang pag-aalangan niyang sagutin ang tanong ko.
“You know until now they thought you ran away. And the four of us, they still don’t know that we’re helping you. You’re like a fugitive to the council.”
I sighed heavily.
“Sa Addison ka pa rin ba nakatira?”
Umiling siya.
“Hindi na. Ang totoo niyan, pinaalis na rin ako ng mga kapatid mo sa mansiyon niyo. I took all the blame. I told them that it’s my fault that you left.”
Nakaramdam ako ng lungkot. Dahil matagal na kaming hindi nagkakausap, hindi ko man lang siya natanong noon kung ayos lang ba siya.
“Sorry, Eren. Kung alam ko lang.”
“I’m fine, Chandra. Huwag mo akong isipin. Mas okay nang ganoon ang nangyari. Kiara took me in. Minsan naman ay kina Sky at Hayden ako tumutuloy. Maayos ako, inaasikaso nila ako. Inaalagaan nila ako.”
“But because of me, you lost a home.”
Umiling siya.
“I don’t mind losing home, Cha. Basta ang mahalaga para sa akin ngayon ay ligtas ka. You’re my home, Chandra. We’re other’s home.”
I lightly nodded. Lumapit ako kaniya para yakapin siya nang mahigpit.
“You sacrificed a lot for me, Eren. I hope one day I could repay your kindness to me.”