CHANDRA RICAFORT
“Hey man, easy! Huwag mong masyadong galingan. Baka nakakalimutan mo, bampira ka at tao siya, hindi kayo magkasing-lakas.”
Naabutan kong pinangangaralan ni Sky si Hayden. Kagagaling ko lang sa cabin para kunin ang iba pang gamit na kailangan para sa training ngayong araw. Tapos pagdating ko, nagkakagulo na sila. Nakaharang si Kiara at Eren kay Andrei habang si Sky ay kinakausap si Hayden.
I don’t know what’s happening that’s why I stayed still in my position. Hindi muna ako lumapit sa kanila. I have to know what’s happening first before going there to meddle.
“We’re starting training, Sky. Normal lang na magkasakitan. Isa pa, kaya nga natin siya sinasanay para kaya niyang humarap sa iba pang bampira kagaya natin. What’s wrong with what I did?”
Mula kay Hayden ay nilipat ko ang aking paningin kay Andrei na nakatayo sa likuran ni Kiara at bahagyang humihingal. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang braso. Kitang-kita ko ang tumutulo niyang dugo mula roon.
“You’re going too far, Hayden. Hindi mo siya kailangang sugatan,” sagot naman ni Kiara.
“I’m just trying to help.”
“Andrei don’t mind getting hurt. Let them continue what they’re doing.”
Lahat sila ay napatingin sa akin. Kumunot ang noo nina Sky at Kiara. Habang si Eren ay nakatingin lang sa akin. Si Hayden naman ay nakasalubong din ang dalawang kilay.
“See? I was right. Even Chandra says that we must continue.”
I didn’t bother looking at Hayden. Si Andrei ang pinagmasdan ko. And I can see from his expression that he wants to finish what they’ve started. Lumapit ako kay Andrei para tingnan ang sugat niya.
“Malalim ba?” tanong ko sa kaniya habang sinisiyasat nang mabuti ang kaniyang sugat. Ang iba kong mga kasama ay bahagyang lumayo sa amin. And I know why. They simply can’t stand the smell of his blood. They could get easily tempted of how fragrant his blood was.
“Hindi naman. The pain was bearable.”
“For now. Thanks to your adrenaline. Mamaya, mararamdaman mo ang sakit. Mas mabuting lagyan natin ng cover ang braso mo. Baka magulat ka at bigla ka nalang nila atakihin ng isa sa kanila.”
Tila nahintakutan naman siya sa sinabi ko.
“Just kidding.”
He rolled his eyes on me. That reaction from him made me laugh. Binilisan ko ang pagtatali sa sugat niya para makabalik na agad siya sa training ground nila ni Hayden dito sa burol.
“I’m mazed of his improvement huh,” bulong sa akin ni Eren.
“From being not so good in fighting to being good in defensing himself. Kaya inis na inis sa kaniya si Hayden eh,” pagpapatuloy pa niya.
I smiled.
“Wala eh, mas pursigido pa siyang mag-training kumpara sa akin.”
“He loves you so much, Cha. To the point that he’s willing to become like us so he could stay by your side.”
Nilingon ko si Eren. Matagal akong napatulala sa kaniya.
“I know that he likes to be like us. But I won’t let that happen. I will never.”
Eren just nod. Hindi na siya nagsalita pa. Instead, he readied himself dahil siya na ang susunod na makakalaban ni Andrei.
The training was hard. But it is ever harder if you train with the Quin members. The five of us are all special. We have our own different gifts that can be used to take down an enemy. Normal vampires are afraid of us. But Andrei isn’t. That what makes him so different from others. Kahit ilang beses siyang bumagsak, gumulong sa lupa, masuntok sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan, hindi pa rin siya sumusuko.
The two of us talked about this. That I would never intervene unless he’s the one who concedes. Mahirap para sa akin na makitang nabubugbog siya pero kailangan ko iyong tiisin.
“Sky, enough!” sigaw ni Kiara nang lumipad sa ere si Andrei at bumagsak ito sa lupa. Napatayo ako at mabilis na dinaluhan si Andrei.
Mukhang hindi rin sinasadya ni Sky ang nangyari. Kagaya ko ay lumapit din siya kay Andrei.
“Cha, hindi ko sinasadya,” agad niyang paliwanag sa akin.
“I know. It’s no one’s fault.”
Tinawag ko si Eren para magpatulong sa kaniya na buhatin si Andrei. He’s like a half dead. Halos hindi niya na maimulat ang kaniyang mga mata.
Lahat ay tumulong maliban kay Hayden na nakatayo lang sa likuran namin at nakamasid.
Nang makabalik kami sa cabin, agad kong inasikaso ang panglinis ng katawan ni Andrei. Nasa tabi ko si Kiara, may mga dala siyang gamot na makakatulong para mabilis na maghilom ang sugat ni Andrei sa katawan.
“Grabe yung pagmamahal niya sa’yo ‘no?” mahinang sambit ni Kiara nang iabot niya sa akin ang isang cotton ball na mayroong betadine. Ginagamit ko iyon para gamutin ang ilang galos ni Andrei sa braso.
“He’s really willing to sacrifice everything just for you. I suddenly remember Elliot.”
Bumaling ako sa kaniya.
“It is indeed not easy to love a mortal. Ngayon alam ko na yung naranasan mo noon. Kaya pala hindi mo maiwan si Elliot.”
Marahan siyang tumango.
“Loving a human is definitely challenging. But it’s worthy to love a person like them.”
I agree to her. It’s definitely worthy loving Andrei.
Pagkatapos kong maasikaso si Andrei, lumabas na rin ako ng kaniyang silid. Lumipat ako sa kabilang kuwarto para magpalit ng damit pagkatapos ay nagtungo sa kusina para magluto ng pagkain ni Andrei. Baka kasi magising siya mamaya. Kailangan ko siyang pakainin nang sa gayon ay bumalik ang kaniyang lakas.
Nang masigurado kong okay na ang lahat saka ako nagtungo sa labas. Naroon sina Hayden, Kiara, Sky at Eren. Nakaupo sila sa nakapaikot na benches at nasa gitna nila ang isang maliit na bonfire.
“I didn’t know that you’ll stay here.”
Sabay-sabay silang lumingon sa akin.
“The guards and other vampires are on the hunt right now. Hindi kami puwedeng umalis ngayon. Lalo na at hindi pa kaya ni Andrei ang sarili niya.”
I heaved a sigh and nodded at Sky’s statement. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Sa kabilang bench ay naroon si Hayden.
“Do you really think it’s all worth it, Cha?” Hayden asked.
Bumaling ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Ang ibang kasama namin ay tumahimik at nagpalipat-lipat nang tingin sa akin at kay Hayden.
“Yes, Hay. I think it’s worth it.”
He lightly shakes his head.
“I’m sorry. Until now, it’s still a shock to me. All of these. You loving a human. You getting away from your parents, hiding, and everything. I don’t know, I feel like it’s not you anymore. Hindi na ikaw iyong Chandra Ricafort na kilala namin.”
Inalis ko ang tingin sa kaniya. Itinuon ko ang aking atensiyon sa kagubatan. Pinagsiklop ko ang aking kamay saka nagsalita.
“Back then, all I ever thought was doing the things that would make my parents proud of me. Killing rouges, doing lots of trainings, attending important events, guarding the normal vampires from rouges, protecting human from harm. Akala ko noon, hanggang doon lang ang mundo ko. Masyado akong nasanay sa paulit-ulit na gawain. Akala ko noon, hindi na ako makakaranas ng ibang bagay. Ng ibang pakiramdam kagaya ng nararamdaman ko ngayon. Noon, hindi ako nakakaramdam ng takot. Dahil alam kong kaya ko ang sarili ko. Pero ngayon, hindi nalang sarili ko ang kailangan kong protektahan. I have someone in my life who needs protection too. For the first time in my life, I experience to love and be loved by the man I like.”
Bumaling akong muli kay Hayden.
“I don’t know if you ever fallen in love with someone. I don’t know if there came a time in your life when you think you need to protect someone. Pero sinasabi ko sa’yo, Hayden. Kapag dumating ang pagkakataong iyon, sigurado akong magbabago ang buhay mo. It will make your world turn upside down.”
“I’m sorry, Chandra.”
“You don’t have to say sorry, Hay. I totally understand. Hindi lang naman ikaw ang na-curious tungkol sa amin ni Andrei. All of you actually. Pinili lang nitong tatlo na manahimik.”
The four of them gave me a concerned look.
“You don’t give me that kind of look, the four of you.” Tumawa ako nang mahina saka pumulot ng maliliit na bato at saka ibinato iyon sa bawat isa sa kanila.
Sa paglipas ng mga araw, habang hinihintay namin ang paggaling ni Andrei nang tuluyan, nagplano na kami kung anong gagawin namin kapag dumating na ang araw na umalis kami ng Hale. Si Eren at Kiara ang pansamantalang naiwan kasama namin habang sina Hayden at Sky at bumalik muna ng Wesley at Oslo.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ko kay Andrei habang nililinis ko ang nag-iisang sugat niya na hindi pa gaanong naghihilom.
“Okay na. Pakiramdam ko bumabalik na yung lakas ko. Puwede na akong bumalik sa training bukas.”
“Light training palang ang puwede sa’yo.”
Ngumiti siya sa akin.
“Alam ko naman iyon. Huwag kang mag-alala, hindi ko bibiglain ang sarili ko.”
“Dapat lang. One week from now, babalik na tayo ng Addison. We’ll face the council leaders in the Ashville.”
Nang marinig niya ang sinabi ko, agad kong nasilayan ang ngiti sa kaniyang mga labi.
“Totoo ba? Hindi ka nagbibiro?”
Umiling ako.
“Kaya dapat, magpagaling ka. At bago tayo umalis ng Hale, dapat kaya mo nang akong talunin sa training.”
He laughs.
“As if I could really do that.”