Kabanata 4
ARCED
Walang naging imik si Red sa sinabi Manuela. Akala ko maiinis siya o ano pero wala man lang siyang pinakita na kahit anong pagkagusto sa sinabi ni Manuela kanina.
Pinanood ko muna ang sasakyan niya habang papaalis ng ospital. Bumalik kami ni Manuela dito. Ayaw ko mang malayo sa tabi ni Red pero kinailangan ng kaibigan ko ang suporta ko bilang pamilya niya.
Hinatid kami ni Red dito. Again, wala pa din siyang reaksyon. Nang sabihin kong sasamahan ko muna si Manuela, wala pa din siyang sinabi.
Napahiling na lang ako. Sana may kakayahan akong basahin ang iniisip niya. Kahit na hindi siya magsasalita, alam ko na ang sagot niya.
Red, akala ko magbabago ka na. Katulad ka pa din pala noong iniwan kita.
"Sir, Ma'am. Hindi na po natin hihintayin ang bukas. Diretso na po tayong operating room. Masyadong kritikal na sitwasyon ng bata."
Napayakap sa akin Manuela habang umiiyak sa sinabi ng doktor ni Rica, ang kanyang ampon.
**
"Thank you for being here, Arcise." Malambing na sabi ni Manuela sa amin. Okay na ang kanyang anak. Nakalabas na sa operating room. Napatingin ako sa orasan sa aking pulso.
38 minutes passed 12 in the morning.
"Okay lang, ano ka ba! Kaibigan kaya tayo.. best friend pa nga." Naiiyak kong sabi.
"Kahit na. Salamat pa din at sa asawa mo. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ito mangyayari." Napangiti na lang ako sa kawalan.
"Welcome Manuela, You know I'll do everything for you. Masyado ko nang ginambala ang pagkatao mo." If only there is greater than thank you and I love you, nasabi ko na iyon kay Manuela. I don't know if I can survive being away kung wala siya.
"At gagawin ko din ang lahat para sa napakaibait kong Ma'am na akala ko sa sobrang yaman ay hindi ko na malalapitan noon." Memories of yesterday came back flashing. Totoo nga naman si Manuela.
"Sorry kanina ha? Gusto ko lang namang makitang ngumiti si Sir Red. Gusto ko lang walain ang seryosong mundo na namamagitan sainyo. But you can't stop me for being like this, Arcise. I told you I will help you win your husband again."
Alam na alam ko iyon kay Manuela. Naalala ko tuloy ang plano namin noon. Akala ko sa pag-alis ko, tatakbuhin niya at ipabalik ako, pero hindi iyon nangyari. That was really painful. And hard. Nag-assume kasi ako sa isang bagay na akala ko mangyayari.
"Labas muna akong ospital. Papahangin lang ako." Pa-iibang usapan ko. Dahil kilala ko ang sarili ko. Iiyak na sa ano mang oras na ito.
Napayakap ako sa sarili ko at napatingin ako sa wall clock na nasa entrance ng ospital. Passed 1 o'clock in the morning na pala.
Dinamdam ko ang malamig na simoy ng hangin ng tagoloan. It's always been better than any other place. The air is so fresh at mapapahimbing ang tulog ko kapag ganito palagi.
Napatingin ako sa kulay puting Hi-Ace Van na nakapark malapit sa entrance gate ng ospital. Sobrang pamilyar.. parang..
Medyo lumapit ako para makita ang plate number nito. My heart starts to pound faster than I think. Hindi ako nagkakamali. Pero maari din namang may kapareho lang siyang sasakyan. Mas lumapit pa ako.
ARCED 512
Napahawak ako agad sa aking dibdib. May kung anong malamig na bagay ang bumuhos sa aking mukha at napabalik ako sa aking pwesto kanina.
There is no way na nandito siya. Oh my god. Nandito siya?
Tiningnan ko ulit ang plate number.
It is really ARCED 512.
Kabaliwan ko noon na ipagisa ang pangalan namin. And he started liking the combination of our name. lahat ng sasakyan niya, may ARCED 512. I really thought back there mas maging close kami pero hindi iyon nangyari. Nagpasalamat na lang ako sa ginawa niyang iyon at hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon, ginagamit pa din niya ang plate number na iyon. It was a personalize car identification plate. Buwan-buwan kaming nagbabayad sa personalized plate na iyon. 512 was actually our wedding anniversary.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pabalik-balik ako sa paglalakad. Bumuntong hininga ako at humugot ng lakas. Napagdisesyonan kong puntahan siya. My hands are now shaking. Parang nakalimutan ko ang lamig ng panahon sa lugar na ito.
I knock the wind shield. Dahan-dahan itong bumaba at bumungad ang mukha ng driver niya sa driver seat. Para akong nalungkot na ewan..
Akala ko.. akala ko si Red. Gusto kong magwala.
"Hi, Ma'am. Nasa loob si Sir Red, nakatulog ata sa paghihintay sa iyo." Napaawang ang bibig ko. Agad kong binuksan ang kilid ng van. At nakita ko si Red na nakahilig sa kabilang pintuan at tulog.
Sumaya ulit ang puso ko. He is here. Akala ko.. akala ko wala siya. But damn it! He is here!
Pumasok ako at umupo sa tabi niya saka sinara ang pinto.
"Kanina pa kayo?" tanong ko sa driver.
"Yes po Ma'am. Pauwi na sana kami kanina pero ipinabalik ni Sir Red ang rota ko." Kumalabog ang puso ko sinabi niya.
"Wala pa kayong kain?" nag-aalang sabi ko.
"Kumain na po kami sa Aticles kanina Ma'am. Nagmamadali nga po kami baka kasi lumabas ka. Ayun nakatulog si Sir sa kahihintay."
"Sorry. Akala ko kasi iniwan niyo na ako. Sorry talaga. Hindi ko sana kayo pinaghintay. Hindi din kasi niya sinabi sa akin na maghihintay siya." Pagdidipensa ko sa driver niya.
"Ganun po si Sir Ma'am. Maraming siyang galaw na hindi na siya nagsasalita pa. Kahit noon paman.."
Napasulyap ako sa mukha ng driver. Hindi naman siya pamilyar ah.
"Kung nagtataka po kayo, driver na po ako noon pa man. Hindi niyo nga lang pansin kasi kapag may lakad ka, si Sir naman ang laging naghahatid sa inyo o kukuha."
Napatango na lang ako. Oo nga pala. Wala din akong mga driver niyang napansin noon. Dahil lagi ko siyang pinipilit na ihatid ako kahit nasa trabaho pa siya.
Napaismid ako. Noon, kailan ko pa siyang pilitin para mangyari ang gusto ko.
"Pwede mo bang puntahan sa loob si Manuela at sabihin mong babalik na lang ako mamayang hapon. Gusto ko munang katabi ang asawa ko." Bulong ko sa driver. Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti.
"Sure po Ma'am. May bilin pa po ba kayo?"
May kinuha ako sa aking bulsa at nakita kong 1000 ito. Bigay ito ni Red na kanina at hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan. Hindi din naman siya nagsalita doon.
Ibinigay ko ito sa driver at napatingin siya sa akin.
"Ibigay mo na din kay Manuela ito. Sabihin mo huwag siyang pagutom.
Umalis ang driver at umusog ako palapit kay Red. Nang maramdaman ko na ang siko niya sa braso ko, palihim akong napangiti. I always wanted to be this close to him. At ngayon, gagawin ko na ang lahat para mangyari ito.
Medyo gumalaw siya at napatingin ako. Tulog pa din siya.
"Red." Bulong ko.
Gumalaw na naman siya at mas siniksik ko ang sarili sa kanya.
Agad kong kinuha ang kamay niya at ipinagsiklop ang mga daliri namin.
Napangiti na lang ako sa sariling kabaliwan ko.
Gumalaw ulit siya at biglang humilig sa aking ulo.
"Red." Sabi ko. Ang bigat niya. Para na akong nahiligan ng poste.
"Red, ang bigat mo." Bulong ko ulit. Gumalaw siya at pinanood kong dahan-dahang bumukas ang mata niya. Nakasimangot siya at pinigilan kong huwag pang-gigilan ang mukha niya. He look so cute na parang wala siyang alam kung nasaan siya. Dahan-dahan atang bumalik ang kaalaman niya at tumingin sa gawi ko.
Binigyan niya ako ng isang tingin at umiwas din.
"Kanina ka pa?" how I love to hear his husky voice.
"Sorry kung napaghintay kita. Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na maghihintay ka. Sorry ulit. Kararating ko lang. Kung hindi ko sana nakilala ang plate number mo, hindi ko sana malalaman na nandito ka." Sunod-sunod kong sabi. Nanatili ang pagkakunot ng noo niya.
"Where's the driver?"
"Pinapunta ko siya saglit kay Manuela. Siya nalang ang pinagpaalam ko. I can't leave you." Medyo humina ang boses ko sa huling sinabi ko sa kanya. Napakagat labi din ako. I doubt if he heard that.
"What time is it?"
"Near 2 AM na." maikling sabi ko.
"I see. Let's just wait for the driver so we could leave. I know we are both sleepy." Medyo nagtaka ako sa WE niya pero pinalipas ko nalang. Tama nga siya, inaantok na nga ako.
"Ma'am." Sabay kaming napatingin sa driver at naglahad siya akin ng payong.
"Naiwan niyo daw sabi ni Manuela. At sabi din niya salamat daw. Kahit huwag na po daw kayong bumalik bukas. Sa tabi na lang po daw kayo ni Sir Red." Napaawang ang bibig ko. What?
At sinabi pa talaga niya ito sa harapan ni Red?
Sobrang pasasalamat ko na lang at may kadiliman ang loob ng sasakyan at hindi nila makikita ang pamumula ng pisnge ko. I should have known Manuela. Damn him!