Kabanata 3
Namiss
Napahawak ako sa braso ni Manuela. Bakit hindi mo sinabi?
Nilakihan ko siya ng mata. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Tatakbo ba ako o mag aarteng mahimatay? Ano ba!
"Ay grabe, Girl! Ang sakit-sakit na ng braso ko. Huwag ako ang panggigilan mo teh! Nasa likod ang asawa mo."
I mouthed 'fvck you' to Manuela at pinaningkitan siya ng tingin.
I breathe deeply, the nerves throughout my system seems like being alarmed with a red cloth in arena. Napalunok ako. At dahan-dahan kong nilingon ang likod na sinasabi niya.
Help me, God!
Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko ngayon. Wala akong maigalaw sa aking mga daliri.
He stared blankly straight to my face. Para akong natutunaw sa mata niyang tila ibon kung maghanap ng pagkaing makakain.
Arcise. Make a move! Don't be stupid.
Pukaw iyon ng isang bahagi ng utak ko.
"H-hi." Nahihiyang sabi ko. Napakagat labi na lang ako. Nakatitig pa din siya sa mata ko at napatitig ako sa ilong niya. Damn it... Manuela!! At bakit ako nag-'hi'? Gusto kong magmura at tumakbo palabas ng opisina niya. Naiiyak ako. Parang hindi siya nasiyahan na makita ako. Seryosong-seryoso ang mukha niya.
Unti-unting bumaba ang mata niya at napahinga ako ng maluwag. That was breathtaking. I never thought his stares affect me that much.
"What happen to your wrist?" bigla niyang kinuha ang kamay ko at napatingin ako tinutukoy niya. May kung anong-init ang hindi ko maintindihan sa hawak niyang ito. Napapikit ako saglit sa pamilyar na hawak niyang ito. Gusto ko siyang yakapin at halikan.
"L-lamok." Napakagat labi ako. Arcise! Umayos ka! Huwag mong ipahalata na kinakabahan ka!
Help me, god.
"Lamok?" tumigas ang boses niya.
Tumango ako at binalikan siya ng tingin.
"O-oo. Mga lamok. Madaming lamok kasi s-sa tinir-rhan nami—"
"Ay, oo Sir Red. Maraming lamok talaga sa tinirhan naming bahay. Tapos maliit lang iyong nabili naming electric fan. Hindi lang diyan. Marami pa siyang kagat ng lamok sa kanyang legs at likod. At nasa kanyang tiyan din. Nako. Talaga Sir. Sobrang kawawa niyang si Ma'am. Tapos hindi pa kami kumai—"
"MANUEL!" napasigaw ako ng wala sa oras. What the hell is he saying?!
"I see." Binitiwan niya ang kamay ko at gusto kong magreklamo. Bakit mo binitiwan?
"Bakit kayo nandito?" nawala ang kung anong emosyon sa aking puso. Para na lang bulang naglaho ang saya sa aking puso. Ayaw ba niyang nandito ako? Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nakakawalang puso.
"Sir Red. Upo muna tayo at nang magkausap tayo ng masinsinan." Sumingit si Manuela at pinaupo niya ako. Umupo din si Red at nasa harap namin siya.
"Una sa lahat, Sir-"
"Nagpagupit ka?" singit ni Red.
Inirapan ko na lang siya at tumingin sa ibang direksyon.
"Oo, Sir. Red. Nagpagupit siya. Nagustuhan niyo ba? Ako ang nag gupit diyan." Nanatili pa din ang tingin ko sa ibang direksyon.
"Bakit ang laki ng eyebags mo?" Who you! Hindi kita kakausapin!
"Nagtatrabaho kasi iyan sa gabi at kapag umaga naman, naglalabandera kami sa aming mga kapitbahay. May tanong pa ba kayo Sir?" ramdam ko ang pagkainis sa boses ni Manuela.
"Bakit ka pumayat?"
What is with him and his questions?
"Sir. Ay ano ba! Bakit ba ako ang sumasagot dito eh hindi naman ako ang tinanong. Bahala nga kayo!"
Umalis si Manuel at biglang lumabas. Napalunok akong maikailang kami na lang dalawa ang natira dito sa loob. Bakit niya kami iniwan? Gusto kong kunin pabalik si Manuela at ipapasok dito pero alam kong hindi ko iyon magagawa.
"Why are you here?" Ito na naman! Ano ba Red! Hindi ba pwedeng sabihin mo munang namiss mo ako at hahalikan mo ako bago ang maraming tanong?
"Arcise."
"Ayaw mo bang nandito ako?" lasang-lasa ko ang tabang sa aking pananalita.
"Sinong may sabi?" tumalon ang puso ko sa tanong niya. Wala namang may sabi. Gusto ko lang mag-inarte.
"Ikaw."
"I didn't say that.."
"Eh bakit mo tinanong kung bakit ako nandito? Wala na ba akong karapatan Red? May pumalit na ba? Kaya ba hindi ako pinapasok agad dito? At may access-access code ka pang nalalaman??! Sige. Aalis na ako. Fine." Tumayo ako at uminit ang gilid ng mata ko. Naiiyak na ako at gusto ko nalang umalis.
Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaupo ulit. Gusto kong magwala. Akala ko hahayaan niya lang akong umalis.
Napatikom na lang ako sa bibig sa ginawa niya.
"Sir. You have a meeting in 5 minutes." Napatingin ako kay Nadia na biglang pumasok at may dalang papel.
"Putang ina! Cancel that f*****g meeting, Nadia! Cancel everything bago ko pa maisipang ipaalis kayong lahat sa kompanya ko!!" Nanlaki ang mata ko sa inasta niya kay Nadia. Ramdam kong tumalon ang puso ko sa kaba. Hindi ko na nakita ang reaksyon sa mukha nung Nadia at bigla iyong umalis at isinara ang pinto.
"Where are your things?" bumalik ang boses niya sa mahina pero mabigat.
Yumuko na lang ako.
"I said Where Are Your Things!"
"Huwag mo akong sigawan Red! Hindi ako bumalik dito para sigawan lang! Kung ayaw mo akong makita, sabihin mo! Hindi iyong sinisigawan mo ako!" sambat ko sa kanya. Ang bigat talaga ng puso ko. Gusto ko lang namang mag-inarte para suyuin niya ako kasi miss na miss ko na siya tapos eto pala ang mangyayari?
"Hindi kita sinigawan. Inulit ko lang ang sinabi ko." Binitiwan niya ang kamay ko at napayuko siya. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa kanyang batok. He cursed of frustrations. Gumapang agad ang awa sa puso ko.
Hindi ko kayang makita si Red na ganito. Nakakaguilty!
Napatayo ako at nilapitan niya. Agad kong kinuha ang kamay niya sa kanyang batok at hinawakan iyon. Umangat ang tingin niya at napakagat labi na lang ako.
"I'm sorry, Red." Bumigat ulit ang puso ko. Katulad pa din ako ng dati. Ako pa din pala ang manunuyo sa aming dalawa.
Umupo ako na nakaharap sa kaliwa niya sa hita niya at pinalibot ko ang kamay niya sa aking beywang. Niyakap ko ang leeg niya at isiniksik ang sarili ko dito. Alam ko namang hindi niya kayang ipulupot ang kamay sa aking beywang kaya ginabayan ko na. Masakit na nilunok ko iyon.
"Nasaan ang mga gamit mo?" sumeryoso ulit ang boses niya.
"Iniwan ko sa ibaba."
"Ok. Let's go home first." Home. He says home. Paano ang trabaho niya? Napatahimik na lang ako.
Pinatayo niya ako at sumunod siya. Pwede bang bumalik ulit ako sa pagkayakap sa kanya?
May pinindot siya sa gilid at hinawakan niya ulit ang kamay ko. s**t.
Lumabas kaming opisina niya at agad kong nakasalubong ang gulat na gulat na mukha ni Manuela at Nadia. Pumasok kaming elevator at kasama na namin si Manuela. Binigyan niya lang ako ng isang ngiti at umayos siya ng tayo sa tabi ni Red. Inirapan ko ang bakla. Grabe! Pagkatapos niya akong iwanan kanina sa loob, may gana pa siyang ngitian ako?
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak at palihim na napangiti. Kulang pa. Kulang na kulang pa ang paghahawak kamay namin.
Pwede bang habang naglalakad kami palabas ay nakayakap ako sa kanya? Pwede ba iyon?
Nagiging ewan na ata ako. Iba na ang pumapasok sa isipan ko.
"Arcise, hindi ako pwedeng magtagal. Alam mo iyan." Singit bigla ni Manuela sa katahimikan bumalot sa loob ng elevator.
Patay! Wala talagang timing itong Manuela na ito. Hindi ba niya alam na medyo hindi kami okay sa ngayon?
"Bakit?" napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni Red dito.
"Sa totoo niyan Sir. Gusto talaga kitang makausap eh. Magpapatulong sana ako sa inyo para mapagamot ang anak ko. Wala na kasi akong ibang matatakbuhan. At isa pa, gutom na gutom na po kami ni Aricse. Kagabi pa kami walang kain. Hindi kasi siya nabigyan ng sweldo sa kanyang amo dahil may nagawa daw siyang kasalanan. Sir."
"Kaya ba kayo bumalik?" seryoso padin ang boses niya. Sort of.
"Iyan po ang rason ko. Si Ma'am Arcise po, bumalik dahil miss na miss na niya kayo. Narinig niyo naman siguro sa loob iyon kanina di ba? Hindi niyo po alam kung anong pinagdaanan niya gabi-gabi. Halos isigaw na niya ang buong pangalan mo sa kalawakan dahil miss na miss ka na niya." Napaawang ang bibig ko dinagdag ni Manuela.