TAMIE Araw ng Sabado ay nagising ako sa malakas na tahol ng aso. Pupungas-pungas na binalingan ko si Tristan pero wala na ito sa tabi ko. Ang batang iyon, kahit weekend ay gumigising ng maaga. Tinatamad na bumangon ako ng muli kong narinig ang tahol. Paano nagkaroon ng aso sa bahay? Tinungo ko ang banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos ay lumabas ng silid kahit magulo pa ang buhok. Habang pababa ng hagdan ay naririnig ko ang hagikgik ng kapatid ko. “Tris, bakit parang may narinig akong tahol ng aso? Wala namang aso sa bahay, ‘di ba?” tanong ko habang pupungas-pungas ng mata. “May aso na tayo, Ate Tamie. Tingnan mo po, o. Ang laki niya,” narinig kong tugon ni Tristan. Sinulyapan ko siya ngunit nanlaki ang mata ko at napasigaw ng makita ko ang malaking aso na katabi n

