Chapter 73 Nagdecide na rin akong pumunta sa L.A. kung saan ang madalas naming tagpuan noon. Ganoon pa rin ang L.A. maaliwalas. Halos walang nagbago, kundi kaming dalawa. Nakita ko siya sa may bandang dulo ng L.A. nakaupo sa isang bench. Tumayo siya nang makalapit ako. "Mabuti naman nakarating ka," tila narelieve na aniya. "Ano bang gusto mong sabihin?" Napabuntong hininga siya at naupo kaya napasunod din ako. Naupo ako sa tabi niya. "Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit palagi kang absent?" "Bakit ba tanong ka nang tanong?" "Dahil concern ako sa’yo." Natawa ako ng pagak. Unti-unting nangilid ang luha. "Concern? Talaga? Bakit ngayon lang? Hindi ko na kailangan ng concern mo. Wanna know why? ‘Cause it’s too late. I needed it 8 years ago. Pero nasa’n ka? Para kang bulang nawala! Hindi

