Chapter 74 "Ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba?" tanong ni Darren at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, matapos niyang hawiin ang magulo kong buhok. "K-Kapitan, manyak…h-hawak, piga niya dibdib---" "Sshhh…sige na ’wag mo na lang ikwento," masuyong awat niya nang mapansin ang pautal-utal kong kwento kakaiyak. "Teka sino ka ba? Bakit kung makayakap ka kay Sabrina daig mo pa boyfriend? Jowa ka ba ha?" mapanuring tanong ni Tonyo habang yakap pa rin ako ni Darren ng isang kamay. "Darren Villamor," matipid na pakilala ni Darren. "Tonyo. Manliligaw niya. Sabrina, halika na uwi na tayo para makapagpahinga ka, sabi ko sa patrol sasabay tayo pauwi, eh," yakag ni Tonyo "Ako na maghahatid sa kanya," seryosong ani Darren. "S-Sige na Tonyo, mauna ka na, sa kanya na lang ako magpapahatid," sabi k

