Chapter 75 Bumaling ulit sa akin si Darren at hinila ang upuan sa harapan ko saka siya naupo. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko ulit. "Chinicheck ka. Gusto ko lang masigurong safe ka." "Oh, okay na ko, uwi ka na." "Allergic ka talaga sa’kin ah?" "Halata ba?" "Sabrina…papasok ka naman ulit sa school di ba? Gusto mong makagraduate kaya aattend ka sa lahat ng subjects na enrolled ka. Tatapusin mo ang pag-aaral mo." Natahimik ako. Ramdam ko talaga ang concern sa boses niya. Paano ko namang tatarayan ‘to? Isa pa ramdam ko, medyo nabawasan na ang sama ng loob ko sa kanya, dahil nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dati. "Wag kang mag-alala, nakapag-isip isip na ko. Kailangan ko talagang makatapos. Ayokong habang-buhay na ganito. Gusto kong magkaroon ng magandang b

