Chapter 76 Kakalabas ko lang ng gate ng bahay nang may bumusina sa likuran ko. "Kabayo!" Gigil na pumaling ako sa kung sinumang talipandas ang nanggulat. Nakita ko si Darren na nakasakay sa kotse niyang nakababa ang bintana at ngiting-ngiting nakatitig sa’kin. Mabilis siyang bumaba at kinuha sa akin ang echo bag kong malaki na may mga lamang kabuhayan showcase. "Ba’t ka nanggugulat ha?" "Good morning! Pasok ka na ba? Hatid na kita." "’Wag na ‘no! May pangjeep pa ko," inarte ko at inagaw ang bag. "Alam ko pero mas okay kung kasama mo ko, bigat pa niyang dala mo." "Machismis pa tayo sa school. Haler?" "Doon kita ibababa sa malapit sa back gate. Halika na," seryosong aniya at isinakay nasa backseat ang bag ko. Napakamot ako sa batok. Sige na nga! Sayang din pamasahe. Pinagbuksan n

