Stacy POV
Apat na taon na ang nakakaraan pero sariwa pa rin sa isip ko kung paano ako binaboy ng mga lalaking yun. Gusto ko pa rin ng hustisya para sa sarili ko at sa anak ko.
Nawala ang anak ko ng hindi ko man lang namamalayan. Sa apat na taon na yun hindi ko magawang makalimut hindi agad mawawala sa buong sistema ko ang nangyari.
Nagpapasalamat ako dahil nakaligtas ako sa trahedyang nangyari sa akin. Hindi ako nakalimut ng magising ako na ikinapapasalamat ko dahil gusto kong makulong ang mga taong gumawa sa akin ng masama.
Ilang taon akong nag tiis para hindi magpakita sa pamilya ko. Lalo na sa ama ko na alam kung nangungulila sa pagkawala ko.
Abala ako sa pagpipirma ng ilang documento na kailangan kung pirmahan ng bumukas ang pintuan at pumasok doon si Kevin Albro ang nag ligtas sa akin sa dagat. Nakita niya kung paano ako binaril at kung paano ako nahulog sa bangin. Laking papasalamat ko sa kanya na naitago niya ako ng tatlong buwan.
Tatlong buwan akong nacoma dahil sa pagkahulog ko sa dagat.
"I have a bad news."sabi nito agad na ikinaangat ng tingin ko.
"Spill it Kevin."umupo naman siya sa harapan ng table ko at may inabot itong envelop.
"Here see it yourself Nadine." Yes I'm Nadine Albro now pinalitan namin ang pangalan ko pinalabas din namin na mag-asawa kami ni Kevin. Madali lang sa kanya ang gumawa ng kwento dahil sinabi din niya na nacoma ako dahil sa isang car accident kaya hindi ako napakilala sa mga ama ko at iba pang tao na malapit sa akin.
Hindi ako tumutol doon dahil siya lang ang makakatulong sa akin. Sinabi ko din sa kanya na wala siyang pag-asa sa akin lalo na isa na akong maduming babae pero ipinaliwanag niya din sa akin na gusto niya lang akong tulungan at may nagugustuhan na ito hindi lang yun ang dahilan may mas malalim pa bukod doom. Dahil kay Laurence siya pa rin ang tinitibok ng puso ko at hindi na yun magbabago.
"Ok."tipid kong sagot saka kinuha ang envelop. Binuksan ko yun nilabas ko ang mga litratong nandoon.
Litrato iyon ni Nicole at Laurence na masayang kumakain sa harap ng maraming tao, meron din itong litratong nakaluhod habang may hawak-hawak na kahon ng singsing.
"As you can see Nicole and Laurence are engaged. So what's your plan?"kalmado kung inilapag ang litrato sa lamesa ko.
"I think it's time to go home Kevin. Besides I have a promise to full fill. I keep my promise anyway."tumaas ang sulok ng labi nito.
"So I will arrange our flight tommorow morning, I gotta go now."tumango ako sa sinabi niya pero bago ito makalabas ay bumalik ulit ito na parang may nakalimutan.
"I have a question Nadine."
"What question?" I asked, Kevin and I are good friends we didn't share room. We are free to do what ever we wanted to do. It's a chill relationship to the both of us and that's ok with me. I'm comfortable with this set up anyway.
"Are you ready to face him?"tinutukoy nito si Laurence.
"I'm born to be ready Kevin besides I'm not Stacy Montenegro anymore."
Nagkibit balikay ito sa sinabi ko."Whatever you say, byee don't wait for me ok? I have a dinner date."kumindat pa ito bago lumabas ng opisina ko.
Nailing na lang ako sa kanya. May nagugustuhan itong babae bago niya pa ako nakilala pero mas minabuti nito na tulungan ako kaysa sa kaligayahan niya. Nakausap ko na din naman ang babaeng mahal niya at naging ok naman kami.
Naipaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon ko at naiintindihan niya ang kalagayan ko—namin ni Kevin.
Bibihira na lang ang mga babaeng ganon ang pag-uugali at masasabi kong swerte si Kevin dahil nakakilala siya ng ganong babae. Masaya ako para sa kanya pero ako kaya kailan sasaya?
Mapakla akong natawa ng maalala kong magpapakasal na sila Laurence. Hindi ko tuloy magawang isipin kung hinanap niya ba ako o nagkaroon ba siya ng idea na si Nicole ang nagpadukot sa akin.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko hindi ko dapat isipin ang mga ganong bagay. Ang mas mahalaga ngayon ay makakuha ako ng hustisya sa nangyari sa akin.
Gagawin ko din ang lahat lahat para masira ang buhay ni Nicole. Minsan na niyang sinira ang buhay ko kaya double ang ang sakit na ipaparanas ko sa kanya.
NAKALAPAG NA ang pribadong eroplanong sinasakyan namin na pag mamay-ari ko. Nagtrabaho ako sa companya ni Kevin hanggang sa makapagpatayo ako ng sarili kong companya at dahil sa tulong nito ay mabilis akong nakilala sa industriya.
"Did you call a reporter?"I asked Kevin beside me.
"Yeah and you know them magkakandarapa sila para lang makilala ka at makunan ng litrato."
"Thank you for your help Kevin I really appreciate it." sincere kung sabi sa kanya.
"No worries libre mo na lang ako ng lunch mamaya nagutom ako eh."hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Lately kasi tumataba ito sa hindi ko malamang dahilan.
"Tumataba kana Kevin."sabi ko sa kaya dahil nahahalata ko na kain na ito ng kain.
"It's ok gwapo pa rin naman ako."nag pogi sign pa ito at kinindatan pa ako.
Nandidiri naman akong niyakap ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Sobrang hangin talaga ng lalaking to.
"Whatever."umirap pa ako bago bumaba sa eroplano. Nakataas ang noo ko habang naglalakad lahat ng makakita sa gawi namin ay napapatingin sa amin.
I ware my sunglasses when I step out at the airport. Sakto naman na nag flash ang lahat ng camera na nakapaligid sa akin.
"Mrs. Albro are you staying here in the Philippines for good?"
"Mrs. Albro why are you hiding all this years since you are announced to be one of the top best businesswoman?"
"Mrs. Albro it is true that you have a car accident before?"
Wala akong sinagot ni isang tanong nila hanggang sa makasakay ako sa limousine na pagmamay-ari ni Kevin.
Gusto ko lang pag-usapan ako ng mga tao dahil sa pagpapaalam ko na darating ako sa pilipinas.
"We should rest, god I think I have a jetlag."ani nito at sumandal sa upuan.
"You should go first."nakakunot noo naman siyang napatingin sa akin.
"Why? Saan ka pupunta?"
"Bibisitahin ko si Dad."malungkot kong sabi sa kanya. Mukhang nakuha naman nito ang ibig kung sabihin.
"Ok ihahatid kana namin tutal madadaanan naman natin ang daddy mo."ngumiti ako sa sinabi niya.
"Salamat." tipid kong sabi.
Sumandal ako sa upuan habang nakatingin sa labas ng bintana. Apat na taon din akong nalayo sa kinalakihan kong bansa pero feeling ko hindi na ako nababagay dito.
Naalala ko na dito ko nawala ang anak ko dito ako binaboy. Pero may pangako ako sa sarili ko na hindi ko pwedeng baliin.
Madami na akong narating sa buhay at may sapat na akong pera para pagbayarin lahat ng taong nanaakin sa akin.
Hindi ko alam kubg ilang minuto kaming nasa byahe ng huminto na ang limousine na sinasakyan namin.
"I'll be home at 9:00"ani ko bago bumaba habang bitbit ang sling bag ko.
Pumasok ako sa malaking gate bago ko tinahak ang daan papunta sa punto ni Mommy. Tumigil ako sa puntod ni Mommy lumuhod ako para mahaplos ko ang lapida.
"Hi mom sorry kung ngayon lang ako nakabisita. Ang dami kasing nangyari sa akin na hindi inaasahan. Wag po kayong mag-alala sa akin kinakaya ko naman po lahat ng problema."pinahid ko ang luhang lumandas sa pisnge ko.
"Naiinggit ako dati sa mga kaklase ko dahil may nanay silang nag-aalaga sa kanila. Inaayos ang buhok, hahalikan sa noo at mamahalin sila ng buong-buo."tipid akong ngumiti habang nakatingin sa lapida ni Mommy. "Mommy akala ko magagawa ko yung mga bagay na yun. Pero hindi eh nawala yung batang dinadala ko."natuptop ko ang bibig ko dahil gustong kumawala ng hagulgol ko.
"Hindi ko man lang nalaman kung anong kasarian ng anak ko. Hindi ko man lang siya nakita kahit sa unang pagkakataon. Hindi ko siya nabuhat at nahalikan man lang. Hindi ko man lang naparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sobrang sakit mawalan at hito ako ngayon nag-iisa na." bumaling ako sa katabi nitong puntod.
"Dad sorry sobrang tagal ko bago nakabalik. I'm sorry kung nagtago ako natakot lang ako. Sobrang takot na takot ako sa pwedeng mangyari sa inyo." Tatlong taon na din simula ng pumanaw ang ama ko dahil sa heart attack.
Hindi niya natanggap ang pagkawala ko at sinsisi ko din ang sarili ko dahil sa pagkawala ni Dad. Sarili ko lang ang iniisip ko at paghihiganti pero ng mawala ang ama ko sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang tama.
Hindi ako magiging kagaya nila na hindi ako papatay ng tao dahil sa ginawa nila sa akin. Hahayaan ko ang batas na mag bigay ng parusa sa kanila. Kaya gagawin ko ang lahat para makulong sila.
"Aalis na muna ako Daddy bumisita lang ako saglit. Babalik po ak—"
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Laurence.
Isinuot ko ang shades ko pero nanatili akong nakatayo at hindi gumagalaw.
"Sino ka sabi eh—"nang hawakan niya ang kamay ko ay mabilis ko itong ibinalibag at bago pa siya makabangon ay sinuntok ko ang batok niya dahilan para mawalan ito ng malay.
Inayos ko ang damit ko bago ko kinuha ang cellphone ko at tinawakan si Kevin.
"Sunduin mo na ako."binaba ko agad ang tawag ng sinabi ko na iyon sa kanya. Napatingin naman ako kay Laurence na wala ng malay habang nakahiga sa damuhan.
"It's nice to see you again Laurence."