Chapter 12

2083 Words
Stacy POV "Baby boy!! I'm glad you're here!"yumakap ako sa leeg nito bago halikan sa labi. Bumaling naman ako kay Nicole na nakangising nakatingin sa  kanya na hindi makapaniwala sa nakikita niya. "Seriously Laurence? Pinagpalit mo ako sa babaeng to?" nangangalit nitong sigaw kay Laurence na kalmadong naka-akbay sa akin. "Bakit? Hindi naman siguro yun nakakapagtaka diba? Hindi naman sa panlalait pero sa ugali mong pakitang tao lang nakakasawa. Besides sa ating dalawa ikaw lang naman ang mas desperada." "Really ako pa talaga?"mapakla siyang tumawa habang nakatingin sa amin ni Laurence. "Eh ikaw nga tong nang-agaw ng boyfriend eh. Kung hindi ka ba naman pokpok na babae." "Tapos na tayo Nicole, Si Stacy ang mahal ko at hind ikaw. So please leave us alone!"madiin na sabi ni Laurence. "Ano bang nakita mo dyan sa babaeng yan na wala ako?!"dinuro pa niya ako pero  binaba yun ni Laurence at tinago niya ako sa likod niya. Palihim ako na ngumiti dahik pinoprotektahan niya ako sa babaeng to! Kinikilig ako sa nangyayari pero ipinilig ko iyon sa isip ko. "Wag na wag mong iduduro si Stacy ng ganyan dahil ako ang makakalaban mo. Anong meron si Stacy na wala ka? Marami Nicole... marami, kaya tanungin mo yang sarili mo. Kahit kailan naman hindi kita minahal alam mo yan!" Umalis ako sa likod ni Laurence, nilapitan ko si Nicole na nanlilisik ang mga mata sa galit. "Yung sinasabihan mo ng pokpok ngayon. Ako ang pupokpok sa utak mong mapurol alam mo kung bakit? Dahil isa kang baliw na babae! Sa tingin mo ba masaya sayo si Laurence? Para sabihin ko sayo kahit kailan hindi siya mapapasayo ulit! Ako ang mahal niya kaya tangapin mo na lang na ako talaga ang nag mamay-ari kay Laurence!"malakas ko siyang sinampal sa magkabilang pisnge. Bago pa siya makabawi sa pagkabigla ay nahila ko na si Laurence paalis. Nangigigil ako sa galit ang lakas niyang sabihan ako ng pokpok sa harap ng maraming tao. Kung hindi lang ako buntis nasisigurado ko na hindi lang sampal ang mapapatikim ko sa kanya. Bumibigat na din ang panghinga ko dahil kinakalma ko ang sarili ko ng hilain ako ni Laurence paliko sa pasilyo papunta sa mini park dito sa school. Pinaupo niya ako sa isang beach habang hawak-hawak pa rin nito ang balikat ko. "Look at me baby!"utos niya pero nanatili akong nakapikit dahil sa kinakalma ko ang sarili ko. "Please look at me baby."masuyo niya akong hinalikan sa noo. Dahan-dahan ko tuloy na iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Laurence na nakangiti sa akin. Naging kalmado ang buong systema ko ng makita ko siyang nakangiti. Minsan talaga hindi ko maiwasan na magalit sa kanya pero agad din yun nawawala sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti sa akin. Yun din siguro ang dahilan bakit ako nahulog sa kanya ng ganito. Aaminin ko sa sarili ko na matagal ko na siyang pinapangarap inisip man ng iba na naging desperada ako pero hinayaan ko lang yun dahil sa pagmamahal ko sa lalaking to. Nabalik ako sa realidad ng tapikin niya ng mahina ang pisnge ko."Hey... you ok?"tanong nito sa akin. "Ha?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Umupo naman ito sa harapan ko na ngayon ay hawak hawak na nito ang kamay ko. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. Iniisip mo ba yung nangyari kanina?"tanong niya sa akin. Umiling naman ako, tahimik ko lang siyang tinitigan ng mag salita ulit ito. "Kung patuloy mo akong titigan ng ganyan hahalikan na kita."natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. "Iniisip ko lang na dahil sa ngiti mong yan nahulog ako ng tuluyan sayo. Naalala ko nung naglalaro ka ng basketball  nung junior high tayo bigla kang napatingin sa gawi ko. Ngumiti ako sayo noon akala ko hindi mo ako papansinin pero alam mo ba nung oras na yun ngumiti ka sa akin bago nagpatuloy sa paglalaro. Nung araw na din na yun tuluyan na akong nagcrush sayo. Nung una akala ko hanggang crush lang naging stalker mo ako. Lagi akong pumupunta sa mga laban mo, lagi din akong nanonood ng practice niyo at isa ako sa libong-libong babae dito na sinisigaw ang pangalan mo."yumuko ako, napatitig ako sa kamay namin na magkahawak kamay. Hindi ko naiwasan na ngumiti, pinagsalikop ko ang mga kamay namin. Tumingin ako sa kanya na nakangiti pa rin. "Nung una hanggang doon lang yung paghanga ko sayo eh. Pero ng uwian na noon at umuulan wala akong dalang payong late na din ng mga oras na yun dahil tinapos ko ang research ko. Sumakto pa na nalowbat ang cellphone ko kaya hindi ako makatext na sunduin ako. Naghintay lang ako doon habang pinapanood kung paano mahulog ang mga patak ng ulan ng dumating ka." "Naalala mo ba yun?"tanong ko sa kanya. "I'm sorry pero hindi ko maalala."ngumiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman masisisi kung nakalimutan na niya yun dati dahil sobrang tagal na din college na kami ngayon at gragraduate na din ngayong taon. "Yung dala mong payong ibinigay mo sa akin yun bago ka kumaripas ng takbo habang bitbit mo ang bag mo na nakapatong sa ulo mo para 'di ka mabasa. Nagulat ako sa una pero sa huli ay natawa ako dahil kahit naman takpan mo ang ulo mo mababasa ka pa rin.  Ang nakakainis pa noon tumibok ng mabilis yung puso ko kaya sinabi ko sa sarili ko na hindi lang paghanga ang nararamdaman ko sayo." "Anong ginawa mo? Hindi mo ba ako nilapitan?"umiling ako sa tanong niya. "Hindi, natatakot kasi ako na hindi mo ako maalala kaya nakontento na lang ako na pinagmamasdan ka sa malayo pero ng malaman ko na nililigawan mo si Nicole doon na ako nagpapansin sayo. Pero wala akong napala dahil lagi mo akong pinagtatabuyan."kita ko ang guilty sa nga mata nito. "I'm sorry nung mga panahon na yun sinabi niya sa akin na may nararamdaman siya sa akin pero tumanggi ako sa kanya. Ilang beses ko siyang sinabihan na hindi ko siya gusto hanggang sa mabalitaan ko na tinangka niyang patayin ang sarili niya dahil hindi ko ito mahal. Binisita ko siya sa hospital dahil naguilty ako iilan lang kami nakakaalam na may deperensya ito sa pag-iisip kaya naman ng malaman ko yun pinalabas namin na nililigawan ko ito. Hanggang sa naging kami, ginawa ko ang lahat ng gusto niya dahil sa takot na magpakamatay ulit ito."hinalikan niya ang kamay ko. "Yung mga panahon din na lagi mo akong dinadalhan ng pagkain pinapakita ko lang sayo na binibigay ko yun sa mga kaibigan ko pero ang totoo nun kinukuha ko din agad pagnakaalis kana. Lahat ng binibigay mo sa akin na appreciate ko. Hindi ko man masabi at mapakita sayo pero lahat yun pinapahalagahan ko. Kaya ng halikan mo ako ng unang beses hindi na kita malimutan pa. Laging pumapasok sa isip ko kung gaano kalambot ang mga labi mo. Nababaliw ako ng mga oras na yun kaya ng sabihin mo sa akin na hahayaan mo na ako nasaktan ako. Alam ko napakaselfish ko dahil tinutulak kita palayo pero ako naman tong lapit ng lapit sayo. Kaya ng may mangyari sa atin hindi ako nagsisi pero naisip ko ang kayang gawin ni Nicole sayo."umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang leeg ko pero nahahaplos nito ang pisnge ko. "Binantaan niya ako ng malaman niyang kinakain ko ang mga dinadala mo sa akin. Na kapag hinayaan kitang lumapit lapit sa akin sasaktan ka niya."bakas sa mga mata nito kung gaano siya natatakot sa pwedeng mangyari sa akin. "Alam ko naman na proprotektahan mo ako—kami ng anak mo."tumango siya sa sinabi ko. "Sinabi ko na yan sa sarili ko ng malaman kong buntis ka. Hindi ko hahayaan na mawala kayo sa akin Stacy alam ko na napakabata pa natin para dito pero magsusumikap ako sa buhay para lang sa inyo ng magiging anak natin." ngumiti ako dahil determinado siya sa lahat ng sinabi niya. Alam ko yun dahil nalaman ko na binabalak niyang pumasok sa companya ng tiyuhin nito na nagpapaaral sa kanya. "Laurence hindi kami mawawala sayo ng anak natin pangako ko yan sayo." "Tara na ihahatid na kita sa room niyo bak malate kapa."napatingin naman ako sa wristwatch ko. "Well late na nga ako."kinuha nito ang bag ko at siya ang nagbitbit habang naglalakad kami patungo sa classroom ko. Nang makarating kami roon ay nagkaklase na si Ma'am Sadalgo nagpapasalamat na lang ako dahil mabait siya sa mga late na estudyante hindi kagaya ng iba na sesermonan pa ang ibang estudyante. Nagpasalamat at humingi ako ng paumanhin kay ma'am bago umupo sa tabi ni Nathalie. Sigurado ako na tutuksuhin na naman niya ako mamaya dahil hinatid ako ni Laurence dito. Tama nga ang hinala ko dahil pagkatapos ng isang oras naming klase at pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am ay nagtanong agad siya. "Hoy ano yun ahh? Alam ko naman na nag lilive in na kayo pero ngayon ka jang niya hinatid sa room bago yan ahh."sinuntod pa ako ng gaga kaya pinanlakihan ko ito ng mata. "Tumigil-tigil ka nga dya baka masapak kita eh."alam na nga niyang may kiliti ako sa tagiliran eh tapos manunundot pa. "Ewan ko sayo Stacy ahh saka ano tong nabalitaan ko na sinampal mo daw si Nicole? Kung ano ano pa daw sinabi mo sa kanya."nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya. "Wag na nating pag-usapan dahil sasakit lang ang ulo ko saka isa pa bawal akong ma stress diba?"saka lang ata niya naalaa na buntis ako dahil sumang-ayon siya sa sinabi ko. "Muntik ko ng nakalimutan na buntis ka pala. Ano bang gusto mong pagkain? Treat ko!"excited nitong sabi habang nagtaas baba ang kilay niya. "Sige ba gusto ko ng macaroni salad, orange juice saka shawarma."napadila pa ako ng wala sa oras na cracrave talaga ako sa shawarma! "Ano pang hinihintay mo taraa naa!" ISANG BUWAN na din ang nakakaraan ng sampalin ko si Nicole sa magkabila nitong pisnge. Halos dalawang buwan na din akong nag-dadalang tao. Ang masasabi ko lang sa loob ng isang buwan na yun ay naging mapayapa na ang buhay ko. Kahit na may mga ibang tao parin na pinagchichismisan ako ay wala akong pakealam. Ganon naman palagi eh. Iniisip ko lang naman ngayon ay ang anak at magiging asawa ko. Alas syete na ng gabi sinabihan ako ni Laurence na pumunta sa paborito kong restaurant. Simple lang ang suot kong damit ngayon isang pares ng red dress na above the knee na tinernuhan ko ng red flat shoes. Hindi na ako nag suot ng may takong dahil baka mapatid ako at magdugo. Iniingatan ko ang sarili ko para sa anak namin ni Laurence. Nang makuntento ako sa itsura ko ay bumababa na ako sa sala at nagpahatid sa driver ko papunta sa Windy Restaurant. Abala ako sa pagtingin sa labas ng bintana ng magvibrate ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ko na galing iyon kay Laurence. From: Baby boy I'm already here,  I'll wait for you baby While looking at Laurence message I can't help but to smile widely. Lalo na ng makita ko ang emoji malapit sa callsign ko sa kanya. Siya kasi mismo ang naglagay noon. Naalala ko tuloy kung paano niya sinabi na hot siya kaya ganon dapat ang emoji na nakalagay doon. I'm coming baby boy, wait for me ok? I replied. He immediately reply back that I can't  help but to chuckle. Ohh this man really know that he's making me blush as always. From: Baby boy I always wait for you baby, btw I love youu Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. My god! Kung nandito lang si Laurence baka nahalikan ko na ito ng wala sa oras. Bumuntong hininga muna ako bago mag reply sa kanya. From: Baby boy Hey where's my i love you moree? Napailing na lang ako sa nabasa ko. Don't hey me and when I reach there I tell you my I love you. You just give me a heart attack Laurence!  I replied. Sakto naman na pagkasend ko nun ay tumigil na ang kotse. Nagmamadali naman akong bumaba. Nakita ko agad si Laurence na nakatayo sa labas ng entrance kaya naman masaya akong kumaway ako sa kanya. Kumaway naman din siya pabalik. Maglalakad na sana ako papalapit sa kanya ng may humarang na itim na van sa dinadaanan ko at bigla na lang nila akong hinila papasok. "Bitawan niyo akoo!"sinipa ko ang isang lalaki pero may tumakip sa ilong at bibig ko. May nalanghap akong mabahong amoy bago unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko. Laurence save me please!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD