Laurence POV Napabalikwas ako ng higa dahil sa frustrasyon na nararamdaman ko. Ngayon na may napakulong na na sangkot sa pagkuha kay Stacy alam ko na hindi din mag tatagal at mahuhuli na din ang may pakana nito. Gusto ko ding tawagan si Stacy—si Nadine para makipagkita. Ngayon na tapos na ang relasyon namin ni Nicole siguro panahon na para sundin ko din ang tinitibok ng puso ko. Alam ko na siya si Stacy at tinatago niya lang iyon, hindi magkakamali ang puso ko. "Ganon na lang ba ang galit niya sa akin?" bulong ko sa kawalan dahil ayoko mang aminin pero nasasaktan ako sa pagtatago niya. Pero ang isipin na may asawa na ito ay mas nasasaktan ako dahil dapat ako yun. Ako yung nasa katayuan ni Kevin at hindi siya. Aaminin ko na sa t'wing nakikita ko silang magkasama ay nasasaktan ako per

