Stacy POV Pala-isipan sa aming tatlo ang nangyari kay Frenan Domingo ang lalaking unang gumahasa sa akin. May bahagi sa kalooban ko ang natuwa pero mas nanaig ang pa rin ang pagtataka. Naghihintay na lang ako sa pag-iimbestiga ni Kevin ng mapanood ko sa news na nadakip si Frenan dahil sa isang video kung saan ako binugbog ng walang kalaban laban. "Ohh my goddd! Hindi ko alam na mas malala pa sa inaakala ko ang ginawa nila sayo. Mga hayopp silaa!" nangigigil si Nathalie sa tabi ko habang pinapanood sa f*******: ang pambubugbog sa akin. Isa pa to sa problema ko dahil may nag post sa social media nang video kung saan binubugbog ako. At dahil ako bilang si Nadine Albro na kamukha si Stacy Montenegro which is ako. Naging instant trending din ako dahil kilala ako sa business industry.

