Chapter 4

2148 Words
Stacy POV "Sh*t bakit ko ba yun sinabi? Paano na yan? Paano ko na siya malalapitan ngayon? Bakit ba naman kasi napaka boba mong babae ka!" kausap ko sa sarili ko. "Ano ka ba Stacy tumahimik kana nga dyan wala ka ng magagawa kaya panindigan mo yung mga sinabi mo. Hindi porque tumungon siya sa mga halik mo may gusto na siya sayo tandaan mo init lang yung dala mo sa kanya. Kaya wag kang mag assume ng kung ano-ano dyan." nabuburyong sabi ni Nathalie. "Oo na... Oo na! Alam ko naman eh! Pero mali bang umasa ako? Kahit pasaktan niya ako ng paulit-ulit wala akong paki kasi Nathalie tinamaan ako eh! Walang magagawa yung puso ko kung hindi ang mahalin siya. Alam mo naman kung bakit ako nagkakaganito diba? Alam mo yan since ikaw ang bestfriend ko! Nakakainis lang kasing isip na ikaw na nga lang ang nakakaalam ng nakaraan namin pero ikaw pa tong kontrabida." umiiyak kong sabi. Kahit naman siya lang ang maniwala at sumuporta sa akin kasi siya lang naman ang kaibigan ko pero wala eh. Feeling ko ako lang yung nagpapahalaga sa pagkakaibigan namin. "I'm sorry Stacy hindi ko naman alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo sa akin. Kaya ko lang naman sinabi yung mga bagay na yun dahil ayokong mas masaktan ka. Oo alam ko ang nakaraan niyo at alam ko din kung gaano kamahal ni Laurence ang girlfriend niya. Alam natin yung ng pareho kasi pareho tayong nanonood sa kanila. At ilang beses na kitang nakitang umiyak ng dahil lang sa lalaking yun. Kaya nag-umpisa na akong hindi siya magustuhan dahil nasasaktan ka niya ng hindi niya nalalaman." hinila niya ako payakap sa kanya. Sa pagkakataong to naintinidhan ko siya. Ayaw niya lang akong masaktan sa taong hindi naman ako mahal. Sa mga oras na to naramdaman ko ang pagmamahal ng kaibigan ko sa akin. Sobrang tanga ko para isipin na hindi niya ako kinakampihan. Pero gusto lang niya akong magising sa kahibangan ko kaya niya sinasabi ang mga ganong bagay na muntikan ng makasira sa relasyon naming magkaibigan. "I'm sorry if I think you that way Nathalie. Ang sakit, lang kasi ehh akala ko hindi mo ako pinapahalagahan pero gusto mo lang pala akong magising sa katotohanan." Umiyak ako sa balikat niya habang siya naman ay hinahagod ang likod ko. "You know what? We need to unwind. Matagal na din naman tayong hindi nakakapunta ng bar eh. So we need to party kahit na sawi ka, para naman nakalimutan mo yung problema mo ngayon." humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko. "Kita mo oh ang pangit mo na! Asaan na yung Stacy na kilala ko bilang matapang? Nawala na ba?" tinampal ko ang kamay niya. "Hell no! hinding hindi yan mangyayari. Iiyak lang ako pero hindi ibig sabihin nun ay mahina ako." matapang kong pagkakasabi. "Ganyan nga ang bestfriend ko so tayo na? Kailangan mo munang ayusin yang sarili mo ang pangit mo tignan eh." natatawa nitong sabi naging magaan naman kahit papaano ang loob ko dahil sa kanya. Atleast ngayon nalinawan na ako sa lahat. "May class ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Balak kong mag pa-parlor since wala na din naman akong class ngayon. "Wala naman ikaw ba?" tanong niya umiling naman ako sa kanya. "Great... tara punta na tayo sa parlor para bongga tayo mamaya sa bar." aya ko sa kanya. Sumangayon na din naman siya sa akin. Nagtungo kami sa parking lot at siya ang nagmaneho ng dala niyang kotse. Buti na lang at nadala nito ang kotse niya dahil hindi ako pinapayagan ni Dad na magmaneho ng kotse dahil wala pa daw ako sa edad na 19 eh ang legal age naman sa pagkakaroon ng lisensya ay 18. Umoo na lang din naman aki kasi mag hihintay lang naman ko ng isang taon bago makapagmaneho ng sarili kong kotse. "Andito na tayo!" pareho kaming excited dahil ngayon lang ulit kami nagparlor at pupunta pa kami sa bar. Sisiguraduhin ko na makakalimutan ko ngayon gabi si Laurence. Mag eengjoy ako at hindi ko siya iisipin. Tama si Nathalie hindi dapat ako umiiyak sa iisang lalaki lang dahil alam ko na deserve kong mahalin dahil kamahal-mahal akong babae. "Good afternoon ma'am Welcome sa Cindys." nakangiting sabi ng isang bakla sa amin. "Goodafternoon,  gusto naming ayusan niyo kami pupunta kasi kami sa bar mamaya. Alam niyo na para manghunting ng mga boys." masayang ani ni Nathalie. "This way po Ma'am." iginayak niya kami paupo. May tinawag pa siyang isang kasamahan niya na mag-aasikaso sa akin. Nakaupo ako sa harap ng salamin at napansin ko na halata na umiyak ako. Ang pangit ko sa lagay na to pero ok lang alam ko naman na mawawala yung bahid ng luha na lumandas sa mukha ko. Binati ako ng mag-aayos sa akin kaya binati ko siya pabalik. "Ang ganda niyo po ma'am, bagay po sa inyo ang magpaikli ng buhom tapos kulayan ng blonde." suggestion niya mahaba na din kasi ang buhok ko ng hindi ko namamamlayan siguro panahon na din para ipagupit ko ang buhok ko. Tanda na naguumpisa na akong kalimutan si Laurence kahit na hindi naging kami may karapatan akong magmove-on dahil sa nangyari sa amin. Yes mababaw yung mga dahilan ko pero hindi nila alam kung gaano kasakit ang magmahal na alam mong sa una pa lang talo ka na. Sumugal at umasa ako sa bagay na hindi ako sigurado. Kaya ito ako ngayon nasasaktan dahil sa pagsugal ko. Atleast I tried my best. After all masasabi ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat at alam ko sa sarili ko na hindi ko pag-sisisihan ang mga naging desisyon ko kahit pa nasaktan at lumuha ako ng paulit-ulit sa kanya. "Bagay ba talaga sa akin?" tanong ko pumalakpak naman ang baklang mag aayos sa akin. "Nako ma'am bagay na bagay sayo pero hindi mo makikita ang pagbabago mo kung hindi mo susubukan diba?" napangiti ako sa sinabi niya. May point siya sa sinabi niya para bang nag rereflect yun sa pagkatao ko na kailangan ko na talagang magbago hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko. "Ok then do it." masaya kong sabi. "My plesure madame." magalang niyang sabi. Halos dalawang oras kaming nakaupo ni Nathalie, masakit na din ang pang-upo ko pero buti na lang at natapod na sila. May make-up na din ako na hindi masyadong makapal at makikitavpa rin ang tunay na ganda ko. Parang inayusan lang niya ako ng konti pero bongga na ang mukha ko. "You like it ma'am." nakatingin ako sa salamin ngayon habang nakangiti. Maikli na din ang buhok ko at blonde na iyon. Isa tong magandang pagbabago, at ang ganda ko! "No... I love it." masaya naman na nakatingin sa akin sa salamin ang nag-ayos sa akin. "I told you madame." ngiting-ngiti niyang sabi para ba siyang gumawa ng isang masterpiece at ako ang masterpiece na ginawa niya. "Thank you." kumuha ako ng tip sa bag ko at inabot sa kanya. "Nako madame hindi ako tumatanggap ng tip. Masaya ako na inayosan ko kayo kaya hindi na ho kailangan." tanggi niya pero mapilit ako. "No take it, nagustuhan ko ang ginawa mo sa akin wag kang mag-alala kasi pasasalamat ko din yan sayo. Malay mo magamit mo to pagnangangailangan ka." nahihiya naman niyang inabot ang bigay ko sa kanya. "Salamat po madame." ngumiti lang ako sa kanya. Pumunta na ako kay Nathalie na katatapos lang din ayusan. Ang masasabi ko lang sa aming dalawa ang ganda namin! "Whoa nagpaikli ka ng buhok! Ang ganda mi Stacy!" tuwa niyang sabi at hinawakan pa niya ang buhok ko. "Ang ganda mo din gaga ka! Tara sa bahay niyo doon ako pipili ng isusuot ko. Kilala mo naman si Dad ayaw na ayaw niyang pumupunta ako sa bar." "Oo nga tara na sakto din baka mga 9:00 pm na tayo makapunta sa bar." Wala kaming sinayang na oras nagtungo agad kami sa bahay nila sakto din na wala ang mga magulang niya dahil may business trip ang mga ito kagaya ng Daddy ko. "Hi Aling Nena kamusta po kayo?" masayang tanong ko sa mayordoma ng bahay nila Nathalie. "Oh buti at napadalaw ka Stacy mag babar na naman kayo ano?" humalik ako sa pisnge niya. "Nako naman ngayon na nga lang ho kami nag babar eh." "Oh siya sige mag-ayos na kayo at alam ko madaling araw na naman kayo makakauwi." nagpaalam na ako sa kanya at nagtungo ako sa kwarto ni Nathalie nauna kasi itong umakyat dahil ilalabas niya ang mga damit niya. "Buti naman andito kana. Pumili kana dyan ng isusuot mo." lumapit naman ako sa kama niya na punong-puno ng sexy na damit. Habang pumipili ay nakuha ng atensyon ko ang sleeveless silly shirt na alam kong hanggang pwet ko lang. Inabot ko yun at pinakita kay Nathalie. "What do you think?" I asked at her. "It will suit you Stacy." napangiti ako sa sinabi niya. Siya ang nagiging second choice ko lalo na kapag sa ganitong sitwasyon kasi sasabihin niya talaga kung babagay ba sa akin o hindi. Nangmatapos kaming magbihis ay nagtungo na kami sa Night bar. Pagpasok pa lang namin ay amoy na amoy mo na ang usok ng sigarilyo at amoy ng mga alak. Isa sa mga sikat na Night Bar ang Cello dahil puro mayayaman ang pumupunta dito. "Hi miss." bati sa akin ng isang lalaki at inipuan ang pang-upo ko. Tinignan ko naman ito at may itsura siya kaya hinayaan ko na lang dahil kahit papaano ay hindi pangit ang nanghipo sa akin. Nakakainis lang sa mga ibang babae kapag pumupunta dito sa bar ay ayaw naman palang mabastos pero ang lakas ng loob na pumasok dito. Madami na akong naincounter na ganon pero mas lamang pa rin naman ang mga babaeng nagpapatira sa kung sino-sinong lalaki. Nagtungo kami ni Nathalie sa counter bar. Umupo kami ni Nathalie sa pinaka dulo para magkaintindihan kaming dalawa. "Mukhang mas dumami pa ang pumupunta dito ah" tumango naman ako sa kanya. May mga ibang mukha ako na nakikita ngayon siguro bago lang sila dito. "Ano pong order niyo madame?" tanong sa amin ng bartender. "Bigyan mo ako ng anim na tequila." ani ko. "Sa inyo po madame?" baling niya kay Nathalie. "Vodka." tipid niyang sabi habang titig na titig sa bartender. Ngumiti naman sa kanya ang bartender "Right away madame " tumingin ako kay Nathalie at sinundan pa nito ng tingin yung bartender. "Hoy! type mo no?" panunukso ko sa kanya. "Gaga tinamaan ata ako." ani niya habang nakatingin sa akin. "Ano gagawin ko?" tanong niya. "Aba malay ko sayo! Bahala ka dyan na mag-isip aba!" Dumating na ang order namin pero hindi ko na pinansin si Nathalie at lumagok ako ng sunod-sunod na shot. Sinuway pa ako ni Nathalie pero hindi ako nagpaawat. "Mukhang may problema ang kaibigan mo ah." rinig kong sabi ng bartender. "Oo eh broken hearted yan." ani ni Nathalie pero hindi ko na narinig ang susunod na sinabi niya dahil nakaramdam ako ng pagkahilo kaya yumuko muna ako sa lamesa. Ilang minuto akong naka yuko ng inangat ko ang ulo ko. Inubos ko ang dalawang shot bago tumayo sa pagkakaupo ko. Hindi ko naman na pinansin si Nathalie ng tanungin niya kung saan ako pupunta. Pagewang-gewang akong naglakad may iba din na dumidikit sa akin pero tinutulak ko dahil feeling ko anytime ay magsusuka na ako kaya kailangan kong magtungo sa banyo. Sobrang dami ng tao dito sa bar kaya halos magbanggan na kami ng mga taong nadadaanan ko pero wala akong pakialam dahili tinutulak ko sila palayo. Masakit sa mata ang ilaw sa bar pero ang mga tao ay umiindayog sa tugtoh dahil sa magandang tugtg ng DJ. Malapit na ako sa gilid kung saan wala masyadong tao. Pero biglag may bumangga sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse. Pumikit ako ng mata at hinintay ko na maramdaman ko ang sakit dulot ng pagkahulog ko pero ilang minuto na wala pa rin. Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko si Laurence ang taong huli kong gugustuhing makita ay nasa harapan ko habang nakaalalay siya sa bewang ko. "What the hell are you doing in this place Stacy?!" pagalit nitong sabi. Inalalayan niya akong tumayo ng maayos pero tinawanan ko lang siya at tinulak. "Lasing na nga talaga ako hahaha nakikita ko si Laurence sa harapan ko na galit na galit. Hays nako nagpapatawa ka self" winagayway ko ang kamay ko at nilagpasan siya. Pero hinigit niya ang mga kamay ko. "I can't bear seeing you wearing like that and I'm going to kill them because they looking at you! damn it Stacy!" Parang nawala ang kalasingan ko dahil sa galit niya. Totoo ba to? Si Laurence ba ang nasa harapan ko? Hindi ba ako nagha-hallucination? "Laurence?"anas ko ko. "Yes it's me Stacy... I'm here to take you home and I will make sure your going to pay for what you did tonight!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD