Po'v Stacy
"Becaus I love Nicole, I'm badly inlove with her,Stacy." hindi ko inaasahan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa pisnge ko kaya naman agad ko yung pinahid.
Nag bago ang ekspresyon niya ng makita niya ang luha ko. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Bakit ba kasi kailangan pang kumawala ng luhang yun!
"Pasensya kana, itetext ko lang si Nana para buksan ang pintuan." tumalikod ako sa kanya at pumunta sa table ng Daddy ko. Magtitipa na sana ako sa telepono ng maramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.
Sa gulat ko hindi ako nakahinga ng maayos. God bakit niya ako niyayakap ngayon! Anong gagawin ko? Tang*na naman oh!
"I'm sorry I didn't mean to hurt you." malambing nitong pagkakasabi at mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa bewang ko habang ang ulo naman niya hinalikan ang balikat ko.
"Laurence alam mo sa ginagawa mong to umaasa na naman ako. Alam ko mahal mo si Nicole pero hindi mo yun kailangang ipamukha sa akin. Oo mahal kita... mahal na mahal kita at nasasaktan ako kasi may minamahal kang iba." humarap ako sa kanya nilakasan ko ang loob ko na makipagtitigan sa kanya.
"Sa bawat ginagawa mo mas sinasabi mo lang sa akin na agawin kita sa kanya. Tell me may parte ba ako dyan sa puso mo? Kahit konti? Kasi kung wala paano mo ieexplain tong mga aksyon mo?" napayuko siya at hindi na makatingin sa akin.
"Laurence pinapaasa mo ako!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Hindi ko sinabi sayo na mahalin mo ako!" may bahid ng pangu-ngutyang ani nito. Natawa ako sa sinabi niya ganon na pala ang tingin niya ngayon?
"Hindi nga! Dahil hindi ko din naman ginustong mahalin ka!"n
nagulat siya sa sinabi ko nakatingin siya sa akin na para bang nabingi lang siya sa narinig niya.
"Ayokong mahalin ka alam mo ba yun? Pero ang hirap eh! Ang hirap-hirap mong hindi mahalin! Nakakainis kasi kahit na nagmumukha na akong desperada sa ibang tao sige parin ako ng sige!" kinagat ko ang labi ko para pigilan yung hikbing gustong kumawala.
Akala niya ba madali lang ang mahalin siya? Hindi! Nasasaktan ako! Umaasa na sana mahalin niya din ako! Napapagod din ako eh pero ayoko namang sumuko.
Tumalikod ako sa kanya at tinawagan ko ang numero ng leadline namin. Nakailang ring naman yun bago may sumagot.
"Hello, sino po sila?" boses ni Nana Selya.
"Nana Selya ako po to si Stacy. Nana pabukas na lang nung pinto ng office ni Dad." hindi kona hinintay na sumagot si Nana at binaba ko na ang tawag.
Bumaling ako sa kanya na nakatitig sa akin. "Hintayin mo na lang bubuksan na ni Nana yung pinto"walang emosyon kong sabi. Pinatatag ko ang sarili ko na para bang walang nangyaring kahit na ano.
Na parang wala akong sinabi na sa kanya. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Tahimik lang kami hanggang sa bumukas ang pintuan.
Ako ang unang lumabas ng pinto. "Nana pahatid na lang po siya sa gate. Magpapahinga na po ako." magalang kong sabi saka ako nagtungo sa kwarto ko.
Papakalmahin ko muna ang sarili ko para sa susunod na pagkikita namin ni Laurence ay matapang na ulit akong harapin siya at para may lakas na loob ulit ako para ipaglaban siya sa Nicole na yun.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama at nagtalukbong. Gusto kong umiyak pero walang luhang gustong kumawala.
Tang*na naman self eh bakit kanina umiyak ka tapos ngayon hindi ka lalabas?
Halos trentang minutos yata ako na nakatalukbong ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Stacy anak pwede ba akong pumasok?" boses ni Nana Selya.
"Opo Nana bukas po yang pinto." sagot ko sa kanya. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
"Ija may dala akong chocolate ice cream." napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa sinabi niya. Paborito ko ang chocolate ice cream at alam ni Nana na ito ang isa sa magpapagaan ng loob ko.
"Thank you Nana the best ka talaga!" masayang anas ko. Inabot naman niya sa akin ang isang galong Ice cream alam kasi ni Nana na mauubos ko to dahil sa katakawan kong kumain.
"Ano bang nangyari Ija?" hmpisa niya. Sumubo ako ng Ice cream at ngumiti sa kanya.
"Nana ok lang po ako." sumubo ulit ako ng ice cream. Ang sarap talaga!
"Hindi ko tinatanong kung ok ka! Ikaw talagang bata ka malamang ok kana kumakain ka ng Ice cream eh." natawa ako sa sinabi niya si Nana talaga.
"Nana wag niyo na pong isipin yung nangyari medyo lang naman na hindi kami nagkaintindihan." ani ko saka ayokong sabihin yung ginawa ko kay Laurence ang alam lang kasi nito ay may ipapapirma akong deal sa kanya para kuno tigilan kona siya.
Aba pang sinabi kong aakitin ko siya baka kinurot na niya ako sa singit ko. Lumaki pa naman si Nana sa probinsya kaya dapat ang mga babae ay mayumi pero sa akin walang lang yun. Naiintindihan naman din ako ni Nana kung bakit ko hinahabol si Laurence eh.
Nagpaalam na si Nana na aalis na at may mahalaga pa siyang gagawin. Tumango lang ako kasi kumakain ako ng Ice cream na bigay niya.
Simula bata pa kasi kami ni Laurence ay may gusto na ako sa kanya. Naging magkaibigan din kami ni Laurence nung mga bata kami pero hindi niya ako naalala dahil nag ka head trauma ito ang sabi may chance na hindi na niya yun maalala kaya ayun hindi na niya ako naalala. Kinukulit ko siya nung mga bata pa kami at naiinis siya sa akin hanggang sa ngayong College na kami umaasa ako na maalala niya ako pero wala eh.
Dahil sa pangungulit ko din sa kanya noon, doon siya naasar kaya lagi niya akong hindi pinapansin hanggang sa malaman kong may nililigawan ito at naging sila. Matagal na din sila pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nag hihiwalay.
Naiisip ko nga kung iuntog ko kaya siya baka sakaling maalala niya ako diba? Hindi pa rin mawala sa isip ko yung scenario kung saan niyakap niya ako mula sa likod kanina.
Sh*t bakit ba late reaction ako kung kiligin! Nakakainis tuloy pero nakaramdam din naman ako ng kilig kanina. Dapat pala akong maiyak para lang yakapin niya ako. Naramdaman ko lang yung maiinit niyang katawan. Kahit na papaano ay naging maganda ang gabi ko kahit pa medyo hindi kami ok nasanay na din naman ako kasi lagi naman siyang badtrip sa akin dati ewan ko na lang ngayon.
Nang matapos akong kumain ng Ice cream ay pinatawag ako nakakain na nang hapunan pero nabusog ako sa Ice cream kaya sinabi ko na sila na lang ang kumain.
Nakatulog ako dahil sa pag-iisip ng anong susunod kong gagawin para mapasakin si Laurence.
Nagising ako dahil sa sinag na tumatama sa sliding door ko na papunta sa terrence dito sa kwarto ko.
Tumingin ako sa side table ko at nakita kong 7:18 na ng umaga. Bumangon na ako dahil may 9:00 am class pa ako ngayong araw.
Nagtungo ako sa banyo upang maligo, ilang minuto din akong naligo bago ko napagdesisyunan na magbihis na. Sinuot ko ang uniform namin. Tumingin ako sa salamin para makita kung maayos ba ang mukha ko. Nang masipat ko naman na desinte akong tignan ay lumabas na ako ng kwarto ay nag tungo sa kusina.
"Goodmorning Nana." ani ko at humalik sa pisnge niya. Wala na akong nanay dahil namatay ang mommy ko ng ipinapanganak niya ako. Kaya si Nana ang tumayong naging nanay ko dito. Si Daddy naman ayun busy sa pag-aasikaso ng business niya minsan nga hindi na niya yata ako naalala kahit man lang kamustahin ako ah hindi niya magawa. Hindi din siya nagtatagal dito sa bahay. Ang masasabi ko lang hindi kami close na Daddy ko. Na parang may gap sa aming dalawa.
Hindi din kami nagsasalo sa hapagkainan pag andito siya. Pag nagkakasalubungan nga kami dito sa bahay ay parang wala lang. Kaya hindi din ako masisisi ni Nana kong malayo ang loob ko sa Daddy ko.
"Kumain kana ija." umupo naman na ako sa pwesto ko at nag umpisa ng kumain. Sinasaluhan ako ni Nana at ni Manong Rone. Si Manong Rone ay driver ko hinahatid at sundo niya ako sa school pero hindi ako nagpapahatid sa kanya minsan dahil sinasabay ako minsan ni Nathalie pag nakaabang na agad ang driver nila.
"Ingat kayo sa byahe." bilin ni Nana dahil ihahatid na ako sa University.
"Opo Nana, mag-iingat din po kayo dito." humalik ako sa pisnge niya bago sumakay sa kotse. Makikita ko kaya si Laurence ngayon kahit na hindi ko siya puntahan?
Sana gumawa din ang tadhana para sa akin kasi minsan napapagod akong maghanap at mag habol sa taong ayaw naman akong makita.
Nang nakarating na kami nagpaalam lang ako kay Manong Rone bago pumasok sa University. Sukbit ko ang bag ko sa balikat ko ng may kumalabit sa akin. Parang dininig ng langit ang dasal ko dahil hito na si Laurence sa harapan ko ngayon.
"Aga mo ah." sabi nito.
"Simpre maaga ako magkaklase tayo ngayon sa first class ko remember?" yung ibang estudyante ay napapatingin sa amin nagtataka siguro sila bat kami magkasama.
"Ganon." tipid niyang ani.
"Bakit ka sumasabay sa paglalakad ko?" kailangan kong itago ang kilig na nararamdaman ko.
"Gusto sana kitang makausap, sumunod ka sa akin." nakakunot ang noo ko ng lagpasan niya ako. Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanya.
Nandito kami ngayon sa music room at walang tao ngayon dito.
"Anong gusto mong pagusapan natin?" tanong ko sa kanya.
"Tungkol sa nangyari kagabi gusto ko na sana walang makaalam nun. At gusto ko tigilan mona ako. Mali yung ginawa ko nadala lang siguro ako sa init dahil sa biglaan mong ginawa." pakutya akong tumingin sa kanya.
"Wow, Just wow Laurence grabe ka naman sa dala ng init? Nahiya ako f*ck!" feeling ko ang baba kong babae dahil sa sinabi niya. Hindi ko naisip ang magiging consequences ng mga ginagawa ko. Sh*t lang!
"Hindi kita mamahalin alam mo yan! Hindi ko masusuklian yang pagmamahal mo kasi may mahal akong iba. Yan ang paulit-ulit kong sasabihin sayo dahil yun ang totoo! Wala na akong pakialam kung masaktan pa kita." sinampal ko siya sa kaliwang pisnge niya. Ang gago niya! At ako naman tong si tanga kasi umaasa ako dahil lang sa yakap niya!
"Fine! Simula ngayong hindi na kita guguluhin! Anong akala mo ha? Na maghahabol ako sayo habang buhay? Pwes para sabihin ko sayo madaming nagkakandarapa para makuha ako!" sinampal ko ulit siya "Yan para sa pag-yakap mo sa akin!"sinampal ko siya sa kabila niyang pisnge. "Ito para sa pagtungon mo sa halik ko!" nanlilisik ko siyang tinignan sa mata saka ko sinipa ang gitna niya.
"F*ck! B-bakit mo yun ginawa sh*t!" namimilipit siya sa sakit habang hawak-hawak ang sinipa ko.
"Yan para sa sakit na pinaramdam mo sa akin! Kulang pa yan para sayo. Maiwan na nga kita isa kang malaking jerk! At ito ang itaga mo sa bato hinding-hindi na kita hahabulin simula ngayon!" nagpupuyos ako sa galit na umalis.
Akala mo hahabulin pa kita. I swear hinding-hindi na kita hahabulin simula ngayon!