Chapter 17

1495 Words
Stacy POV Bumabagabag pa rin sa loob ko ang sinabi ni Laurence sa banyo kanina hindi na din ako makapag-isip ng maayos dahil doon. Lalo na ang paghalik niya sa akin ng walang permiso. Alam naman niyang may asawa na ako pero bakit niya yun ginawa? Naghihinala din siya na ako talaga si Stacy pero bakit? Sinigurado naman namin na walang makakaalam na ako nga si Stacy. Abala ako sa pag liligpit ng hapagkainan ng tawagin ako ni Kevin na titig na titig pala sa akin. "Ok ka lang ba? Kanina kapa walang imik dyan mula ng makabalik tayp galing restaurant." nag-aalala nitong tanong sa akin. "Naguguluhan kasi ako Kevin sinugurado naman natin na walang makakaalam na ako si Stacy pero si Laurence nag hihinala na ako si Stacy." naalarma naman siya sa sinabi ko. "Bakit? Anong ginawa niya sayo?" nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko ba o hindi pero gusto ko din naman na may makaalam ng nangyari sa pagitan namin ni Laurence. "Kasi kanina nang mag banyo ako papalabas na ako ng hilain niya ako pabalik sa loob, tapos..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Taposs?" yumuko ako nakatingin ako ngayon sa mga platong nagamit namin. "Tapos h-hinalikan niya ako, sinabi niya din na sa oras na mapatunayan niyang ako si Stacy maghanda daw ako." napaitlad naman ako sa gulat ng hampasin niya ang lamesa. "Hinalikan ka niya?! Magbabayad sa akin yung lalaking yun!  Ang lakas ng loob niyang halikan ka at talagang binantaan ka pa ng lalaking yun!  Hindi niya alam ang nangyari sayo pero kung maka-akto siya parang hinanap ka niya!" "Wag mo nang alalahanin yun ok lang ako." tinapik ko siya sa balikat. Tinapos ko na din ang pag-liligpit sa mga pinagkainan namin. "Ok ka lang ba talaga? Alam mo naman na nandito lang kami para sayo Nadine." tinapik ko ang balikat niya. "Maglalakad lakad muna ako sa park tawagan mo na lang si Joy alam ko na mimiss kana nun." "Gusto mo bang samahan kita?" umiling ako sa sinabi niya. "Hindi kaya ko naman na ang sarili ko Kevin, sigee alis na ako ahh." paalam ko sa kanya. Kumuha lang ako ng jacket sa kwarto ko bago ako umalis. Gusto ko munang malakad-lakad para makapag-isip ako ng matino. Malaki na ang narating ko ngayon at hindi ko hahayaan na mawala ang lahat ng yun dahil lang sa naapektuhan ako kay Laurence. Kahit na malaman niya na ako si Stacy hindi na ako babalik sa kanya. Napakadumi ko na! Madami ng lalaki ang nakagalaw sa akin at hindi ko maatim na angkinin ako ni Laurence lalo na may iba ng nakagalaw sa akin. Natatakot din ako na sa oras na malaman niyang may nakagalaw na sa akin at hindi lang iisa ay baka ipagtabuyan niya pa ako. Tumigil ako sa paglalakad, tumingala ako sa langit na puno ng mga bituin sa langit. "Bakit ba naging magulo ang buhay ko? Ayaw niyo ba akong maging masaya? Kinuha niyo na ang anak ko wala ma ding natitira sa akin. Kinuha niyo na ang lahat-lahat ang pamilya ko pati na rin ang dignidad ko sa sarili ko." mapait akong napangiti bago nagpatuloy sa paglalakad. Totoo nga ang sabi sabi ng iba napakaunfair ng mundo pati na rin ang mga taong nakapaligid sa akin. Wala naman akong ginawang masama pero patuloy akong hinihila pababa. Napapagod na ako sa ganitong sitwasyon pero gusto ko ng hustisya hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na rin sa anak ko. Nasira ang buhay ko ng dahil sa kanila. Kumuyom ang kamao ko ng maalala ko kung paano ako pinadukot at pinanood ni Nicole na gahasain ng mga tauhan niya. Kahit kailan hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Nakarating na din ako sa park umupo ako sa isa sa mga beaches. Gusto ko lang ng hustisya sana naman ibigay yun sa akin. "Bakit ba ang hirap maging masaya?" "Kasi kinukulong mo yung sarili mo sa nakaraan mo." napatayo ako ng wala sa oras ng may marinig akong pamilyar na boses. "Laurence!" anas ko ng makita ko itong nasa likuran ko. "Anong ginagawa mo dito?" nagkibit balikat lang ito at umupo sa inuupuan ko kanina. "Bawal na din ba akong pumunta sa park?" umiling ako sa sinabi niya. "Aalis na ako." paalam ko pero hinila niya ang braso ko paupo sa tabo niya. "Dito ka lang samahan mo muna ako, Stacy." nahigit ko ang hininga ko ng marinig ko na naman ang pangalan na kinalimutan ko na. "Bitawan mo ako uuwi na ako." matigas kong sabi pero hindi niya hinayaan na makawala ako sa pagpupumiglas ko hanggang sa mapagod ako. "Ano bang kailangan mo? Wag na wag mo din akong tatawaging Stacy! Nadine ang pangalan ko... Nadine Albro, naiintindihan mo ba?" "Hindi ako na niniwala sa mga sinasabi mo alam mo ba yun?" tinuro niya ang dibdib niya. "Alam ng puso ko kung sino ka talaga at sinisisigaw nito na ikaw si Stacy... ang babaeng mahal na mahal ko." natawa naman ako sa sinabi niya. "Mahal na mahal mo? Nagbibiro kaba? Akala ko ba si Nicole ang mahal mo?" masama akong tumingin sa kanya. "Baka nakakalimutan mo ang paghalik sa akin na walang permiso?  Kaya kaya kitang ipakulong dahil sa ginawa mo sa akin." kampante naman itong nakatingin sa akin. "Then put me in jail." simple nitong pagkakasabi. Natawa ako ng mapakla dahil sa inakto nito. "May kasalanan kapa sa akin sorry lang naman ang hinihintay ko sayo. Pasalamat ka dahil hindi ko pa nasasabi kay Kevin ang ginawa mo sa akin!" may mapaglarong ngiti naman ang nakapaskil sa mukha nito. "Sorry but not sorry, ginusto ko ang ginawa ko kanina at gugustuhin ko ulit gawin yun sayo." pinagloloko ba ako ng lalaking to?! Ikakasal na nga siya pero heto siya at sinasabi sa akin na gusto niya ulit gawin yung bagay na yun! "Wag mo nga akong pinagloloko ikakasal kana at kasal na ako! Bigyan mo naman ako ng respeto bilang babae! Mabuti pang bitawan mo na ako bago pa ako sumigaw dito!" inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko. Napakurap ako ng ilang beses sobrang lapit ng mukha namin na gahibla na lang ang pagitan namin! Bumilis din ang pagtibok ng puso ko ng dahil doon. "Pagsumigaw ka hahalikan kita ng walang pag-aalinlangan." "Wag mo akong iblockmail hindi yan uubra sa akin." tumaas naman ang gilid ng mga labi nito. "Don't tease me, kayang-kaya kitang halikan ngayon pa lang." natahimik ako sa sinabi niya. Nag bigay ako ng espasyo sa aming dalawa pero hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko. "Ano bang kailangan mo sa akin?" naiinis kong tanong sa kanya. "Ikaw." masama ko siyang tinignan. "Sinasabi ko sayo wag mo akong pinagloloko." tumingala ito sa langit napagaya tuloy ako sa ginawa niya. Napakaganda ng bituin pero mas gumanda pa yata dahil nandito si Laurence sa tabi ko. Alam kong mali tong nararamdaman ko pero hindi ko maiwasan maging masaya kahit papaano. Gumaan din ang loob ko lalo na ng pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Pinipilit kong alisin yun pero hindi niya ako hinayaan. "Hindi mo ba papakawalan ang kamay ko?" "Ayokong pakawalan ka baka sa susunod mawala ka na naman sa akin." natahimik ako ng ilang minuto dahil sa sinabi niya. "Bakit kaba nagkakaganito? Bakit mo to ginagawa sa akin?" kahit na alam ko na ang rason mas minabuti ko na lang tanungin iyon para mabigyan siya ng hit na hindi ako si Stacy pero hindi ko alam kubg uubra ba yun. "Kasi ikaw si Stacy." "Puro ka Stacy hindi nga ako yun sabi eh!" "Hindi magkakamali ang t***k ng puso ko." anas niya. "Pwes nag kakamali ka, nagkakamali din yang puso mo." simple kong sabi sa kanya pero ang totoo may isang bahagi ng puso ko na masaya dahil sa akin parin tumitibok ang puso nito. Mas minabuti ko na lang na tumahimik dahil baka hindi ko na kakayanin kung ano pa ang lalabas sa mga bibig nito. "May tanong ako." basag niya sa katahimikan. "Siguraduhin mo lang na matino yang tanong mo." balik kong sabi sa kanya. "Matino to this time." tumango na lang ako habang nakatingin sa mga bituin sa langit. "Matagal naba kayong kasal ni Kevin?" napatingin ako sa kanya. "Oo mag dadalawang taon na." napatango naman siya sa sagot ko, humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Mahal mo ba siya?" tanong ulit niya. "Oo naman mahal ko siya, mahal na mahal ko siya kaya please bitawan mo na ang kamay ko." 'Ikaw pa rin yung mahal ko.' "Hindi ko binitawan ang kamay mo." hinawakam niya ang pisnge ko. "Ayoko." Hindi ako nakagalaw ng halikan niya ako sa labi ko. Nagtagal ng ilang minuto na nakalapat lang ang labi namin ng mag umpisang gumalaw ang labi nito. Tumigil ito sa paghalik sa akin pero hindi pa rin niya nilalayo ang mukha niya sa akin.  "Kiss me back Stacy." paos nitong sabi bago inangkin ang mga labi ko at sa hindi malaman na dahilan tumungon ako sa mga halik niya. 'NALOKO NAA! '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD