Stacy POV
Matagal ko ng napag-isipan ang gagawin ko at talagang buo na ang desisyon ko. Makakasama man to sa magiging plano ko pero kailangan ko ng matatakbuhan sa oras nito.
Kailangan ko ng kaibigan na makakausap sa lahat ng problema at kinikimkim ko sa dibdib ko. Oo nga't nandito si Kevin pero nangungulila din ako ng isang tunay na kaibigan na makakaintindi sa akin.
Hindi lang ako nangungulila sa pagkawala ni Dad at Nana pati na rin ang kaibigan ko. Naguguilty ako dahil nagtago ako sa loob ng ilang taon.
"Sigurado kaba sa desisyon mo?" tanong ni Kevin sa akin habang nakatingin sa labas ng clinic ni Nathalie.
"Kevin sigurado na ako dito. Mapagkakatiwalaan din naman si Nathalie kaibigan ko siya simula pa nung mga bata kami at alam kong maiintindihan niya ang kalagayan ko." may pag-aalinlangan pa rin sa mga mata ni Kevin pero hindi na siya umangal pa.
Nagpapasalamat ako dahil nirerespeto niya ang desisyon ko. "Wag kang mag-alala." tinapik ko ang balikat ni Kevin bago may ngiting bumaba sa kotse.
Malalim akong napabuntong hininga bago pumasok sa clinic. Sobrang pinagmamalaki ko si Nathalie dahil natupad nito ang mga gusto niya sa buhay.
Hindi talaga nito gustong hawakan ang companya ng mga magulang niya dahil gusto niyang maging doctor mukhang kumbinsi din niya ang mga magulang niya para magtake ng med.
Ako din naman natupad ko na lahat nf pangarap ko pero hindi ako masaya sa mga nakamit ko sa buhay ko.
Madami nga akong pera at lumalawak ang companyang hinahawakan ko pero hindi ako masaya.
"Goodmorning nandyan ba si Dr. Nathalie Hernandez?" tanong ko sa babaeng nasa desk.
"Ahh yes ma'am, may appointment po ba kayo?" tanong ng babae sa akin.
"Wala pero pwedeng pasabing kailangan ko lang siyang makausap." tumingin naman sa akin ang nurse na naka assign.
"Sorry ma'am hindi po kasi kami nagpapasok ng basta-basta kapag wala kayonga appointment."
"Sabihin mo hinahanap ko siya. l'm honey cookies." nagtaka pa siya sa sinabi ko pero tumango pa rin siya at may tinawagan sa telepono.
"Morning Doc may naghahanap po sa inyo pangalan po niya Honey cookies kailangan daw po kayong makausap." sumulyap pa sa akin ang nurse bago tumango na para bang kaharap nito si Nathalie.
"Sige po doc sasabihin ko po." binaba na niya ang tawag nakangiti itong bumaling sa akin.
"Ma'am hintayin niyo po siya sa waiting area lalabas daw po siya para makapag-usap kayo." nagpasalamat naman ako sa kanya bago umupo sa sofa na nandoon.
Ipinalibot ko ang mga mata ko sa loob ng clinic at masasabi kong napaka homey ng ambiance dito.
Hindi din nagtagal ng bumukas ang isang pintuan at humahagos si Nathalie na lumabas. Natigilan pa ito ng makita niya ako.
"Honeyyy ikaw ba talaga yannn?!" mangiyak-ngiyak niyang tanong sa akin.
"Anong akala mo sa akin multo?!" pagtataray ko sa kanya na ikinaiyak na niya ng tuluyan bago ako niyakap ng mahigpit.
"Whhaaa akala ko ngaa multo ka ehhh! Gaga ka anong nangyari sayoo? Bakit ka bilang nawala ha? Alam mo bang nag-alala sayo si Tito? Kung saan-saan ka namin hinanap. Halos halughugin na namin ang buong pilipinas kula na nga lang paliktarin pa namin ang mundo para mahanap ka. At ang gagong Laurence na yun nagawa pang makipagbalikan kay Nicole ng mawala ka!" natigilan naman siya dahil napansin nito na ang bago ang ekspersyon ko.
"Ahh sa labas na lang tayo wag dito." ngumiti naman ako sa sinabi niya bago kami umalis sa clinic nito.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse ng basagin ko ang katahimikan. "Congrats natupad mo na yung pinapangarap mo." nakatuon ang pansin niya sa daan pero napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Nang mawala ka saka lang na realize ng parents ko na dapat yung gusto ko naman ang masunod. Sa una mahirap dahil nawala ka halos mabaliw kami sa kakahanap sayo hindi din ako nakapagfocus sa pag-aaral ko pero iniisip ko na hindi ka magiging masaya kapag nagpatuloy ako sa ganong lagay kaya naman nagsumikap ako. Last month lang ako nagkalicence at sila dad mismo ang nagpatayo ng clinic ko." sumulyap siya sa akin.
"Ikaw? Madami akong kailangang malaman tungkol sa nangyari sayo Stacy. Hindi ikaw yung tipo ng babae na bigla-bigla na lang mawawala."
"Mahabang kwento pero pag-uusapan natin yan mamaya." sagot ko sa kanya naging tahimik na din kami ulit hanggang sa huminto ang kotse niya sa isang restaurant.
Sabay kaming bumaba at nagtungo sa loob ng restaurant nag-order na din kami ng kakainin namin.
"So anong nangyari sayo?" nagbuntong hininga muna ako para makakuha ng lakas ng loob na ikwento sa kanya ang nangyari.
Sinabi ko sa kanya ang pagkikita namin ni Laurence hanggang sa may dumukot sa akin at si Nicole ang pakana. Napahampas pa ito sa lamesa dahil tama daw ang hinala niya pero wala silang makuhang lead kaya naging innocente si Nicole sa madaming tao. Sinabi ko din sa kanya ang panghahalay sa akin ng paulit-ulit.
Hindi ako umiyak sa pagkwekwento sa kanya pero masakit pa rin sa puso ko. Napagod na siguro yung mga mata ko sa pag-iyak sa loob ng dalawang taon.
Sinabi ko din sa kanya ang pagkahulog ko sa bangin hanggang sa mahanap ako ni Kevin at nacoma sa loob ng ilang buwan. Ang pagkawala ng anak ko hanggang sa nagkunwari kaming mag-asawa ni Kevin lalo na ang pagpapatakbo ng kompanya na ako mismo ang naghirap.
Umiiyak na ito dahil sa lahat ng sinabi ko sa kanya nakailang box na din ito ng tissue. "Pagbabayaran nila kung ano man ang ginawa nila sa akin Nathalie. Dahil sa kanila naging mesirable ang buhay ko ng dahil sa kanila nawala ang anak ko." yinakap ako ni Nathalie at hinagod niya ang likod ko.
"Pagbabayarin natin sila Stacy wag kang mag-alala nandito lang ako para sayo. Sorry kung hindi kita nahanap kung sinunod ko lang ang kutob ko edi sana buhay pa ang papa at ang anak mo." mapait akong ngumiti sa kanya.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Nathalie pare-pareho lang tayong nasira ang buhay dahil sa kagagawan ng babaeng yun. Pero sana walang maka-alam nito. Nakilala na ako ni Nicole at Laurence bilang Nadine Albro."
"Wag kang walang makakaalam na ikaw si Stacy na kaibigan ko. Ok kana ba ngayon? Nagpapasalamat ako na kinaya mo lahat nf problema na ibinigay sayo ng Diyos."
"Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil binuhay niya ako Nathalie dahil pagbabayarin ko sila sa paraang alam kong tama. Hindi ko ilalagay sa mga kamay ko ang hustisya hahayaan ko ang batas ang gumawa nun. Sa ngayon kailangan ko munang hanapin ang taong gumahasa sa akin."
"Paano mo naman hahanapin yun?" tanong ni Nicole.
"Wag kang mag-alala alam ko ang pangalan niya at kasalukuyan na siyang hinahanap ni Kevin." napanatag naman siya sa sinabi ko pero patuloy pa rin siya sa pag singa dahil sa sipon nito.
"Buti naman kung ganon pag nahanap niyo na siya ano ang sunod na gagawin niyo?" makahulugan lang ako tumingin sa kanya.
"Kami na ang bahala doon." nagkibit balikat na lang siya bago inayos ang nga tissue na ginamit nito.
"Hindi pa rin talaga ako nakapaniwala sa mga nangyayari sayo. Ok kana ba talaga?" nag-aalala nitong tanong sa akin.
"Pang sampung beses mo na yang sinabi sa akin Nathalie." ok pa naman ako.
Sasagot na sana siya ng magring ang cellphone ko agad ko yung sinagot ng makita kong si Kevin iyon.
"Hell—"
"Nadine paalisin mo na yang kaibigan mo sa restaurant papasok na dyan si Laurence at Nicole!"nagmamadali niyang sabi sa akin.
"Nathalie mag tago ka sa restroom nandito daw sila Laurence at Nicole!"
"Ha? Tekaaa sigeee!" nagmamadali nitong kinuha ang mga gamit niya kasama ang tissue bago nagmamadaling nagtungo sa restroom. Sakto naman na nakita kong pumasok si Nicole at Laurence na magkahawak kamay pa.
"Kevin papunta kana ba?" tanong ko sa kanya, napatingin ako sa plato ni Nathalie na hindi pa nagagalaw.
Nakita ko sa peripheral view ko na napunta sila sa gawi ko. Napansin din naman ako ni Nicole kaya kinausap ko agad si Kevin sa kabilang linya.
"Hon kanina pa ako nandito! Malamig na din yung order ko sayo! Noo come here or else I'll leave you!" nagkunware ako na galit bago binaba yung tawag.
"Ohh Mrs. Albro I'm suprise your here what a coincidence." nakangisi pa ito sa akin habang nakayakap na ngayon sa braso ni Laurence.
Ngumiti din ako sa kanya. "Yeah it's nice to see you." gusto kong magsuka dahil sa babaeng to pero nanatili akong nakaupo. Bumaling naman ako kay Laurence na titig na titig sa akin.
Hindi naging normal ang t***k ng puso ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha Mr. Santiago?" imbis na sagutin ang tanong ko ag nanatili itong nakatitig sa akin kaya naman siniko ito ni Nicole dahilan para matauhan siya.
"Ahh what is it again Mrs. Albro?" ngumiti naman ako habang umiiling.
"Nothing don't mind it." ani ko sa kanya na ikinatango nito. Kita ko kung gaano kasama ng tingin sa akin ni Nicole ng dumating na din sa wakas si Kevin.
"Honn sorry I'm late." ani nito hinalikan niya ako sa pisnge.
"I hate you!" pinagkrus ko pa ang kamay ko sa dibdib ko.
"Ok ano gusto mong gawin ko para mawala na yang galit mo?" tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Sigurado kaba dyan sa sinabi mo?" tumango naman siya at inangat pa nito ang kamay niya para mag promise.
"Promise!" natawa ako sa sinabi niya.
"Ok promise! Sabi mo eh." tinanggap ko ang pinky promise nito.
Biglang tumikhim si Laurence. "Uupo ba kami maiwan na namin kayo dito." paalam niya.
"Enjoy your lunch." ani naman ni Nicole na halatang peke ang ngiti.
"Kayo din." sagot naman ni Kevin sa dalawa.
Hindi kalaunan ay umalis na din sila para umupo na ikinahinga ko ng maluwag.
"Kain ka muna dyan pupunta lang ako sa banyo." paalam ko sa kanya.
Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at nagmamadali akong nagtungo sa banyo para tignan si Nathalie pero wala na siya doon ng makapunta ako.
Siguro umalis na siya ng makakita ito ng tyempo.
'Buti naman hindi siya nakita nila Nicole.'
Lalabas na sana ako ng banyo ng biglang may humila sa akin papasok sa isang cubicle.
"Ano baa—" tinakpan nito ang bibig ko doon ko lang napagtanto na si Laurence ang humila sa akin.
"Alam kong ikaw yan Stacy." puno ng pangungulila ang mga mata nito pero pinalis ko ang pag-asa sa katawan ko dahil sa sinabi ni Nathalie kanina.
Nagawa niyang makipagrelasyon ng mawala ako. Sino ang niloloko ng taong to?!
Pinalis ko ang kamay niya na nasa bibig ko. " Ano bang pinag-sasabi mo dyan?! Umalis ka dyan bago pa ako sumigaw ng rape!" singhal ko sa kanya pero malalim lang itong nakatingin sa akin na parang sinusuri nito ang mukha ko.
"Ikaw ang girlfriend ko." paos nitong sabi.
Kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ito na naman ako ginugulo na naman niya ang puso't isipan ko!
"Anong girlfriend? Diba mag fiance ka? Wag mo nga akong pinagloloko may asawa na ak—" natigilan ako ng sinakop niya ang labi ko.
Ilang segundo lang yun pero sobrang apektado ako sa nangyari. "A-anong g-ginawa mo?" nauutal kong sabi sa kanya.
"Sa oras na malaman kong ikaw nga si Stacy pagbabayarin mo to ng malaki dahil sa pang-iiwan sa akin!" ani niya bago umalis.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatayo sa loob ng cubicle hindi ang halik niya ang nasa isip ko kundi ang sinabi nito.
'Ako? iniwan ko siya?'