Laurence POV "Tigilan mo na ako Nicole!" mariin kong ani sa kanya. Pumunta ito ngayon sa opisina ko para makipagbalikan sa akin. Pero kahit anong gawin niyang pagmamakaawa hinding hindi na ako babalik sa kanya. Ngayon pa na nahanap ko na si Stacy? Hindi ko na papakawalan ang babaeng mahal ko madami na akong pagkakamali na nagawa at hindi na yun mauulit pa. "Hindi... alam nating pareho na naguguluhan ka lang sa mga nangyayari ngayon. Pero ako talaga ang mahal mo hindi siya." hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko. "Ako lang ang para sayo Laurence... ako lang dapat ang para sayo." hinawakan ko ang braso niya at sapilitan ko siyang inilayo sa akin. Naririndi na ako sa kanya pero hindi ko siya magawang saktan dahil babae pa rin siya. "Nababaliw ka na Nicole, alam mong hindi kita min

