Stacy POV "Gusto kita—hindi mahal kita, mahal na mahal kita Stacy." Nagulo ko ang buhok ko dahil pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Kevin sa akin. Isang linggo na nang sabihin niya sa akin yun pero heto ako hindi parin nalilimutan yung sinabi niya. "Anong gagawin ko?" nakatitig ako ngayon sa kisame. Madami ng nagawa si Kevin para sa kapakanan ko pero hindi ko man lang napansin na ako pala yung sinasabi niyang babaeng gustong gusto nito. Bakit ba humantong sa ganito? Wala naman akong maalala na dahilan para magustuhan niya ako. "Mababaliw na ata ako!" gumulong-gulong ako sa kama. "Grrrr nakakainissss!" sigaw ko. Pabalikwas akong umupo sa kama. "Bakit niya ba ako nagustuhan?!" Nakatitig pa rin ako sa kawalan ng may kumatok sa pintuan ko. "Bukas yan!" sigaw ko. Narinig kung

