Chapter 31 - Chance

2320 Words

"ATE Chloe." Kulang na lang ay manginig ako sa sobrang lamig na dulot ng boses ni Silent. Kahit akong sariling ate niya ay nakaramdam ng takot sa kanya lalo na nang makita ang ekspresiyon sa mukha niya ngayon. Halata sa kanyang hindi siya nasisiyahan na makita ako ngayon sa harapan niya. Pakiramdam ko pa nga ay tila gusto niya akong sugurin sa kinauupuan ko. Kahit si Mr. Mercedes at ang magkambal ay tila hindi masaya sa pagdating ko, pero hindi tulad nila ay mas matindi pa rin ang galit na ipinaparamdam sa akin ni Silent. Sa isang tingin niya lang, alam ko na kaagad na sukdulan ang galit niya para sa akin. Sinenyasan ni Mr. Mercedes ang anak na si Yesxia na sumunod ito sa kanya. Kaya kahit tila gustong manatili rito ni Yesxia sa salas ay napipilitan siyang sundan ang ama sa pangalawang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD