MALALIM ang buntong hiningang pinakawalan ko nang ibagsak ko ang sarili paupo sa swivel chair. Isinandal ko ang sarili dito at napatitig sa kisame ng opisina ko. Nasa ganoong posisyon ako nang makarinig ng pagri-ring. Umayos ako ng upo at napunta ang tingin ko sa bagong phone ko na nakalapag sa ibabaw ng office table. Tamad kong inabot 'yon. Nang makita ang pangalan ni Belle sa screen nito ay mabilis kong sinagot ang tawag. "Any update?" bungad ko, hindi na nag-abalang batiin pa siya. "Mission accomplished, Ate Chloe. Bukod sa groceries na una kong ibinigay sa kanila, nagbigay pa ulit ako ng ibang tulong para sa kanila," aniya sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. Kahit na umalis na ako sa Antipolo ay ipinagpatuloy ko pa rin ang inutos kay

