NANG makababa ng grab ay agad akong sinalubong ni Belle na siyang naghihintay sa akin sa labas ng M Tower. Nagtungo siya sa bintana ng kotse kung nasaan ang driver's seat para magbigay ng bayad. Nang mabayaran ay tuluyan nang umalis ang grab dahilan para magtungo na si Belle sa harapan ko. "What happened?" tanong niya, puno ng pag-aalala. Mabuti na lang ay hawak ko ang phone ni Yohann nang magtalo kami, kaya nagawa ko pang magpadala ng mensahe kay Belle bago ako magpunta rito. I still don't have anything in my pocket. Tanging ang dala ko lang ay ang damit na suot ko noong tumakas ako at ang kwintas. Wala ako ni piso sa bulsa. Kaya kay Belle ko pinabayaran ang grab na sinakyan ko. Pati ang pagbu-book nito ay sa kanya ko pinagawa. Natahimik ako nang maisip na naman ang nangyari bago ako

