"UMINOM ka muna," nag-aalalang sabi ko nang makita ang pagod sa mukha ni Yohann. Inilahad ko sa harapan niya ang hawak kong baso ng tubig. Mula sa mukha ay bumaba ang tingin niya sa kamay ko, sa basong hawak ko. Ang buong akala ko ay tatanggapin niya iyon ngunit umiling lang siya. "Hindi ako nauuhaw," malamig niyang sabi at nilampasan ako. Tuluya na siyang nagtungo ng sofa upang maupo roon. Naiwan akong nakatanga sa pinag-iwanan sa akin ni Yohann. Hindi ko maitago ang sakit sa ginawa niyang pagtrato sa akin. At ngayon, malinaw na sa akin na hindi lang siya nagkakaganito dahil pagod lang siya. Sigurado ako, may iba pang dahilan. Dahil kung pagod lang siya, paano niya nagawa sa akin ang mga ganitong bagay sa mga lumipas na dalawang araw. Yes, for freaking two days, he's acting cold to me

