Chapter 10
Kinabukasan ay napabalikwas si Kendrick mula sa kanyang kama. Inakala nito na huli na sya sa kanyang trabaho ngunit ng icheck nya ang orasan sa katabing side table ay napa buntong hininga na lamang ito. May sapat pa syang oras para ayusin ang kanyang sarili bago pumasok. Kung tutuusin ay maari syang pumasok ng kahit anung oras nya gustuhin dahil sya naman ang presidente ng kumpanya. Subalit sa araw na iyon ay higit na mas kailangan sya ng kompanya dahil kailangan nyang masuyo ang isang international company para maging kanilang business partner ulit. Bagamat dati na nila itong katransact sa negosyo ay nais nya itong ihandle ng personal lalo pa at patapos na ang kanilang kontrata dito. Panatag sana ang kanyang loob na madali nyang makukuha ulit ang deal ngunit napag alaman nyang may ibang bagong kompanya na nanliligaw dito at malaki din ang tsansang masungkit ng kumpanyang iyon ang kanilang dating business partner. Nag aalala sya dahil batid nyang maapektuhan ang export business nila kung sakaling mapunta sa iba ang kumpanyang nais nyang suyuin. Pagka labas nya ng pintuan ng kanyang silid ay agad pumanhik si Kendrick sa kanilang hagdan at nagtungo sa kusina kung nasaan ang kanyang dalawang anak at ina gayundin ang isang kasambahay na mula pa sa mansyon ng kanyang mga magulang at hindi narin naiiba sa kanya dahil kasakasama niya na ito mula pagkabata.
"Good morning everyone! Eating well my prince's? Pakiss nga sa mga little prince's ko!" Masiglang bati niya. "Uhmmuahh!! Pampa swerte! "Ngiting gulo pa nito sa buhok ng mga anak na abala sa pagkain, saka kumuha ng ilang sliced pancakes sa hapag. Nanatili namang tahimik ang ina at kasambahay na pinag mamasdan lamang ang kanyang mga ginagawa.
"I'll go ahead Ma, may kameeting pa ako!" Paalam ni Kendrick sa ina at hinalikan din ito sa pisngi pagkatapos sa kanyang mga anak. "Tiya Rose! Superb ka talaga magluto kahit simpleng pancakes lang. Dahil dyan uuwi ako ng maaga for dinner, ayos ba?" Nakangiti pading bulalas nya sa may edad ng katiwala at nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay, habang iniwang pipi padin ang ina sa kanyang mga naging aksyon.
Pagdating ni Kendrick sa kumpanya ay napansin nya ang bahagyang bulong bulongan ng kanyang mga empleyado habang sya ay naglalakad patungo sa kanyang opisina. Ramdam din nya ang mga tinging ipinupukol sa kanya ngunit hindi nya na ito masyadong binibigyang pansin dahil nasanay na sya. Mula kase ng bumalik sya galing New York mag aapat na buwan na ang nakakaraan ay nagsimulang maging talk of the town sya sa kanyang sariling kompanya. Alam nya ang mga bali balita at kuro kuro ng kanyang mga katrabaho patungkol sa kanya ngunit alin man sa mga ito ay hindi nya kinumpirma. Nabanggit din noon ng kanyang sekretaryang si Toni na malapit din nyang kaibigan ang ilan sa mga haka-haka patungkol sa kanya. From "Cool boss" to "Cold boss" ito ang bagong bansag nila kay Kendrick na hindi pinalampas ni Toni na ireport sa kanyang kaibigan na amo din niya. Sa sobrang pagka dismaya pa ng kanyang sekretarya sa mga empleyadong iyon ay nagsuhestyon syang sesantehen ang mga ito subalit ipinag kibit balikat lamang ni Kendrick ang kanyang mga sinabi. " Let me entertain them." Tanging sagot nya dito. But that day was different. He can witness their eyes openly staring at him. The way they stare at him makes him feel like a criminal who was caught red handed. Hindi nakikita ng mga tao ang kanyang mga naniningkit na mga mata dahil sa kanyang maitim na sunglasses. Kaya naman hindi din nila malalaman na pinupukulan din sila ng masamang tingin ni Kendrick. Naguguluhan man sya ay binalewala na lamang nya ito at mas binilisan pa ang mga hakbang. Pagdating nya sa elevator ay agad na umiwas ang mga tao sa kanya saka sila isa isang lumabas upang bigyang daan ang kanilang boss. Ikina kunot man ito ng kanyang noo ay hindi na lamang sya nagbigay ng kumento kaya naman mag isa nyang inokupa ang buong elevator patungo sa palapag kung nasaan ang kanyang opisina.
"Morning boss, uyy nag ahit tayo ngayon ah! Buti naman at hindi nangalawang yung razor mo, kundi baka natetano kana. Sana sunod mong gupitan yang buhok mo boss, para neat and tidy kana ulit tignan!" Bati at kumento ni Toni na bumuntot agad sa kanya pagka bukas pa lamang ng elevator na sinasakyan nya kanina lamang.
"What's with their eyes?" Subalit ay tanong ni Kendrick sa sekretarya na kekembot kembot ang balakang na animoy rumarampa sa red carpet.
"Ehh? Eyes nino?" Takang tanung ni Toni na lumingon pa sa likuran upang tignan ang tinutukoy nito.
"The moment I laid my foot sa building na ito, pinagtitinginan na ako ng mga tao. Parang ngayon lang sila nakakita ng gwapong malakas ang appeal!" Pikon na sagot ni Kendrick sabay pamulsa.
"What's new ba sir eh lagi naman silang ganun? Palibhasa hindi interesting ang mga life nila!" Sagot ni Toni na tumigil sa paglakad ng harapin sya bigla ni Kendrick.
"No, it feels off this time. Alam kong may pagka chismosa ang mga empleyado natin, at sa loob ng apat na buwan na pinag pipiyestahan nila ang buhay ko ay hindi ko sila pinansin kahit na pupwede ko sila sipain paalis ng kompanya. Pero ngayong umaga pagka pasok ko palang sa lobby ramdam kona ang kakaibang tingin nila saakin. Noon, out of respect and fear na baka matanggal sila sa trabaho kaya palihim kung pag usapan nila ako. Pero ngayon lantaran silang nag bubulong bulongan na para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan. Bawat tingin nila ay nang uusig. Tell me, did I miss something?" Kakamot kamot sa ulong tanung padin ni Kendrick.
"Uhmnnn..." Ngingiwi ngiwing kamot ulo nading sagot ni Toni.
"What?" Tanung ulit ni Kendrick saka pinandilatan ito ng mga mata.
"Viral kana kase boss!" Kagat kukong wika ni Toni. Nalukot naman ang mukha ni Kendrick sa narinig at pilit hinahanap sa isip ang ibig sabihin ng sekretarya sa sagot nya.
Tumipa tipa si Toni sa screen ng tablet na hawak hawak saka iniabot ito sa kanyang amo. Hindi na tinapos ni Kendrick ang pinapanood at madaling inihagis ang tablet kay Toni. Mabuti na lamang at nasalo ito ng huli dahil kung hindi ay tiyak na basag ito. Niyakap ng mahigpit ni Toni ang bagay na iyon na para bang naka depende dito ang kanyang buhay saka dali daling humakbang na sinundan ang amo.
Pagka bukas pa lamang ng pinto ni Kendrick sa kanyang opisina ay agad nyang niluwagan ang kanyang kurbata at inalis ang ilang pagkaka butones ng kanyang polo. Inilislis din niya ang manggas nito saka naka pamewang na humarap sa glass window ng opisina. Mula sa kanyang bintana ay makikita ang view ng busy city. Ang gusali ng kanilang kumpanya ang pinaka mataas na gusali sa lungsod. At ang kanyang opisina ay matatagpuan sa mataas na palapag kaya naman kitang kita nito ang mga tanawin sa karatig bayan at ang abalang siyudad ng lungsod.
"Take down that video immediately." Mababang tinig nito kay Toni.
"I already did sir. But unfortunately marami na ang nakapanuod sa viral video saka marami nadin ang nagshare at nagsave nito. May mga gumawa na nga din ng headlines about it sir." Pagbibigay impormasyon ni Toni.
Mariing napapikit si Kendrick. "Of all the best time? Bakit ngayon pa? Kung kailan may importante akong deal?" Ani Kendrick saka minamasahe ang magkabilaang sentido nito.
"With all due respect sir, El Diejos group are professional businessmen. Hindi naman siguro sila magdedesisyon batay sa personal na issues ninyo bagkus ang titignan nila ay ang performance ng company at kung kaya nating imeet ang demands nila." Toni confidently answered.
"I know. But I represent Zarate Empire. I am the only heir and the face of this company. That's why everything must be perfect! I don't tolerate any flaws regarding my image!" Kendrick with a bothered voice.
Aside from being famous because of his family name and business, ay kilala din si Kendrick bilang isang teenage sweetheart na kinababaliwan noon ng mga kababaihan. At the age of fifteen ay nagsimula na syang maging commercial model ng ibat-ibang produkto ng kanilang kumpanya hanggang sa sya ay maging bente dos anyos. Sa katunayan sa mga unang labas nya sa telebisyon ay marami na kaagad nagka interes sa kanya sa mundo ng entertainment industry dahil sa angkin nitong karisma at kagwapuhan. Maraming offers ang naka pila sa kanya mula sa ibat-ibang ahensya ng showbiz ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nya binigyan ng interes. Sa katunayan pa nga ay lagi silang nagtatalo ng kanyang ina sa tuwing magshshoot sila sa bawat commercial na kanyang gagawin dahil hindi ito ang karerang nais nyang tahakin. Tumigil lamang ang kanyang ina sa pangungulit na maging mukha ito ng kanilang mga produkto ng masangkot sya sa isang gulo kasama ang dating kaibigang si Calvin.
"Anumang makikita nilang defects saakin, even the slightest, will affect everything. It has a domino effect Toni. And I won't let that hap-!"
Hindi pa man natatapos ni Kendrick ang ibang sasabihin ay tumunog ang cellphone ng kanyang sekretarya.
"Hello? Yes... Yes I understand. Okay, I will tell Mr. Zarate, thank you!" Dinig nyang paalam ni Toni sa kabilang linya.
"It's El Diejos secretary sir. Hindi daw po matutuloy ang meeting ninyo ngayon. May nangyari daw po kaseng aberya sa flight nila ng kanyang mga anak papunta dito sa bansa. Tatawag na lang daw po sila ulit kung kailan iseset ang meeting."
"Oh God! This isn't happening!" Sabunot ni Kendrick sa kanyang may kahabaang buhok. " Ito na nga ba ang sinasabi ko! They're just making excuses pero ang totoo wala na silang balak makipag deal saatin dahil nakuha na sila ng ibang company! Jesus!" Hilamos ni Kendrick sa mukha.
Mga katok sa pinto ang pumukaw kay Kendrick mula sa pag iisip ng ilang segundo. Agad namang binuksan ni Toni ang pinto na iniluwa si Mrs. Zarate,ang kanyang ina.
"Mom? Why are you here?" Takang tanung ni Kendrick.
"Why? Hindi ba ako pwedeng pumunta sa sarili kung kumpanya?" Walang anung sagot ni Nathalie saka prenteng umupo sa couch na nasa loob ng opisina.
"Can I get you something Madam?" Toni asked.
"Nah! Don't bother! So tell me, anung ikina aaburido ng sir mo this early in the morning? Kanina ng umalis yan sa bahay eh napaka sigla." She asked.
"Actually maam, may meeting po sana si sir Kendrick ngayon sa mga El Diejos pero nag cancel sila the last minute. May naging aberya daw po sa flight nila papunta dito sa bansa kaya they won't be able to make it." Toni answered.
"El Diejos? But it will take at least twenty hours from Spain to Philippines. Bakit ngayon lang sila tumawag only to cancel the meeting? Dapat they already called yesterday in advance!" Magka salubong na kilay ni Mrs. Nathalie.
"Exactly! That's exactly my point Ma. Ibig sabihin lang nuon ay nagdadalawang isip sila or worst may iba ng naka kuha ng deal nila saatin!" Kendrick frustratedly answered.
"What do you mean? Eh ilang dekada na tayong nakikipag negotiate at ka business partner nila? Kahit maraming mga kumpanya jaan na nais sulutin ang El Diejos mula saatin ay tayo parin ang kanilang first choice because of our quality, stability and success. I doubt na naka kita sila ng ibang kumpanyang kayang ibigay ang demands and conditions nila. Many to mention pa nga kung tutuusin ang achievements natin. So bakit ngayon pa sila mag dadalawang isip na makipag partnership saatin ulit?" Anang ginang.
Sabay na nagtinginan sina Kendrick at Toni bagay na ikina singkit ng mga mata ng ina.
"Hello?? Am I talking to the polluted air?" Walang ano'y tikhim nito ng ilang segundo pang tila napipi ang dalawang binata.
Magsasalita na sana si Kendrick ng biglang muling bumukas ang pinto ng kanyang opisina at tumambad sa kanila ang ama nitong si Mr. Nestor Zarate.
"Kendrick we need to talk." His father barged in with a serious face in his navy blue suit. "No! You stay right there!" Utos nito sa sekretarya ng anak ng makita ang pagyuko nito at pag exit sana mula sa pinto.
Napalunok na lamang si Toni mula sa narinig at dahan dahang lumayo sa pintuan.
"What's the matter?" Nathalie confusedly asked.
"Why don't you asked your son! Right now, he is the most popular celebrity and talk of the town!" Mr. Zarate answered with a sarcastic voice.
"Dad it's not what you think it is!" Depensa ni Kendrick. na alam kaagad ang tinutukoy ng ama.
"Son, it doesn't matter what I think. It's the other peoples judgement that I'm worrying for." Subalit ay sagot nito.
"Anu ba ang nangyayari? Can someone please tell me?" Nathalie raised her voice. Good thing Toni is on standby, he hurriedly gave the tablet to Mrs. Zarate as an answer but only to get shocked by the video she just watched.
"What on earth?! Explain this!" Nathalie in a stiff voice.
"Ma? Pati ba naman ikaw? Diba kagabi lang noong nag iyakan pa tayong mag ina while sharing my burden with you. Tapos ngayon parang.... Oh! Jesus!" Sabunot ni Kendrick na hindi alam kung papaano dedepensahan ang sarili.
"Tell us what happened." Ngayon ay mahinahong tanung ni Nathalie sa anak. Pinilit nyang ikalma ang sarili habang binabasa ang mga malisyosong headlines na ipinapakita ni Toni patungkol sa anak.
"Stop that Toni. It's not helping! Those are just made up stories without any basis. Ako ang nakaka alam ng totoong nangyari kaya saakin kayo makinig." Giit ni Kendrick.
"I'm all ears." Pahalukipkip na sagot ng ama saka umupo sa couch ng kanyang opisina.
" I was at the bar last night. Alone." Pagbibigay diin nito sa mga huling salita. "Suddenly two women are arguing beside me, I guess they are friends before but not anymore because this blonde lady snatched her friends boyfriend."
"So what does it have to do with you?" Muling tanung ng ina.
"Well, nandoon din pala yung dati nyang boyfriend. They were arguing until nahaharass na nya ung babaeng katabi ko sa stool, that's why I stood up and tried to help the poor lady." Ani Kendrick.
"By kissing that woman in black?" His father asked in disbelief.
"Well....... ugghh!" Himutok ni Kendrick. "Dad it's not what it looks like, okay? Marami pa ang mga nangyari at mga salitang ibinabato nila sa isa't isa. Tinulungan ko lang namang ipagtanggol yung babae only to find myself in this another difficult situation. Ako na nga nag magandang loob ako pa itong pinag pipiyestahan ngayon na ginagawan ng kung anu anong istorya!"
.
"Kahit naman sino talagang ma iissue with a kissing scene ba naman tapos may asawa pa kayong tao!" Wala sa loob na bulalas ni Toni at huli na ng marealize nito ang mga nasabi.
Lahat ng mga mata sa loob ng kwartong iyon ay sa kanya naka tingin. Kaya naman halos dumugo na ang labi nito sa pagkakakagat sa sobrang hiya at pressure ng mga tingin na ipinupukol sa kaniya.
"Find her! I wanted to meet this woman!" Utos ni Mrs. Zarate.
"What for?" Subalit ay protesta ni Kendrick.
"Because!" Pandidilat ni Nathalie sa anak. I understand, sige ipagpalagay na nating you wanted to help her, but you're not that bold enough to kiss a stranger do you?" Taas kilay na tanung nito sa anak.
"Actually maam, we don't need to find the girl. She already delivered herself here."Pagmamalaking wika ni Toni.
"Why?" Agad na tanung ni Kendrick na salubong ang dalawang kilay.
"Papasukin ko na po ba sya?" Subalit ay balik tanung ni Toni na tila naeexcite na tinanguan naman ng ginang bilang pag sang ayon.
Makalipas ang ilang minuto ay nagbukas ang pinto ng opisina ni Kendrick. Hindi nya agad nilingon ang bagong dating na panauhin bagkus ay tumalikod ito at humarap sa glass window ng opisina. His eyes concentrated on the view behind the glass but his ears focused on every little sound he hears.
"Good morning Maam, good morning Sir!" Yukong bati ng bagong dating. Saka nginitian si Toni na nagbukas ng pinto para sa kanya na kanya ding niyukuan.
"Good morning, you are?!" Balik na bati ni Nathalie habang pinagmamasdan ang babae na nasa harapan nya. Samantalang tumango lamang ang asawa nito na titig na titig din sa bultong nasa kanyang harapan.
"My name is Nikyle Silva. I came to represent Binhi Brews Corporation." Magiliw nitong pagpapa kilala sa sarili. "I am here to present and discuss about a business proposal to Mr. Zarate." Dagdag pa nito saka mahinhing bumaling kay Kendrick na hindi tumalima sa mga narinig.
"Kendrick iho! Aren't you going to say something?" Untag ni Nathalie sa mahabang katahimikang isinagot ng anak.
Kumibot naman ang mga labi ng dalaga na tila dismayado sa naging asta ng lalaking naka tayo sa bintana na sa malayo naka tingin.
"Silva!" Bulalas ng ama ni Kendrick na tila may kinakapang kung anu sa kanyang memorya. "How are you related to Joaqin Silva?" Tanung nito.
"Oh! He is my father, sir!" Masiglang sagot ng dalaga. na naka ngiti.
"Joaquin Silva? As in Joaquin Silva of the North? That Joaquin Silva?" Hirit na tanung ni Nathalie na naninigurado.
"Yes, that Joaquin! Oh what a small world! You know, your father and I are classmates back in highschool, magkatabi pa nga kami dati eh kase sa likod ng klase ang paborito naming pwesto noong araw. Then naging magkaklase kami ulit until my junior year in college, but because I have to pursue my studies abroad ay naging madalang nalang kami noon magkita hanggang sa nawalan na din kami ng communication. How is he?" Naka ngiti ng tanung ni Mr. Zarate.
"Hhe passed away just this month." Nakayukong sagot ni Nikyle. Hindi naman naka sagot kaagad ang matanda mula sa kanyang narinig samantalang napa takip naman ng bibig ang ginang.
"I'm so sorry to hear that. I... I don't know." Gulat na reaksyon ng matanda. "The last time na magkita kami at magkausap ay noong nasa trip ako papuntang states. It happened na nasa iisa kaming eroplanong sinasakyan. Oh my!" Mr. Zarate Sr. in a sad voice.
"That was the time when he left the country to get treated po sana. Pero kumalat na sa buong katawan nya ang cancer cells, maging mga doktor ay wala na ding magagawa sa kanyang kalagayan. We tried everything we could but only miracle can help us during that difficult time." Nikyle's eyes begun to moisten.
"Poor man. He must have been in pain." Malungkot na boses ng ginoo. "I'm so sorry for your lost iha. Joaquin is a very good friend. He's reliable and trustworthy. Masaya ako na nagkita at nagkausap padin kami kahit pa paanu sa tagal ng panahon."
"Salamat po sir. For me he is the best person. I kept on telling that to him when he was still alive. I'm so happy na kahit wala na sya meron paring nag aaknowledge ng pagiging mabuti nyang tao sa kabila ng lahat." Makahulugang wika ni Nikyle.
"Bakit naman iha? Joaquin is one of the kindest and purest person na nakilala ko. Bakit mo nasabi iyan?" Mr. Zarate Sr. asked.
"I'll tell you why Dad." Kendrick interrupted. "Malayo sa pagkaka kilala mo si Joaquin Silva. He is not an honest man. He was laundering money from his own company. Not only that, he is allegedly the prime suspect for killing his wife's lover." Kendrick looked straight at Nikyle's dark eyes na tila inaarok nito ang kanyang pagkatao.
Ramdam ni Nikyle ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng lalaking kaharap nya ngayon. Kung hindi lang dahil sa naka lukot nyang noo at magka salubong na kilay ay pogi sana ito, anito sa kanyang sarili na kaagad naman nyang binura sa isipan. "Focus! This is not the time para jan!"Ito ang sigaw ng kanyang isip.
"With all due respect, my father is innocent to all the accusations that you are throwing at him." Depensa ng dalaga para sa kanyang ama.
"But of course you're going to defend him! He's your father! I understand." Nakapamulsa at kibit balikat na sagot ni Kendrick.
"My father came clean month's before he passed away. He was acquitted from all of those cases na ibinintang laban sa kanya. Hindi sya nag nakaw ng kahit na kusing sa kanyang sariling kompanya at mas lalong hindi mamamatay tao ang tatay ko! Napatunayan na inosente sya at set-up lang ang lahat. Maging ang mga pulis at hukom ay itinama ang maling paratang sa kanya. Kaya hindi mo pwedeng iconclude ang mga suspetsa mo sir!" Taas noong sagot ni Nikyle kay Kendrick.
"Yes, napawalang sala sya... but why did he tried to flee that very same night na pinatay ang lover ng mother mo. Nakaka pag taka lang kase all the evidence are pointing at him. Hindi bat nagbigay pa ng testimony ang driver ninyo against your Dad? That after daw nyang pumasok sa loob ng Villa ninyo ay lumabas syang duguan at nag mamadaling makaalis? Bakit kaya? What's the rush? Kung talagang inosente sya, hindi ba dapat ang una mong gagawin kapag may namatay sa pamamahay mo is to report it to the police? Pero hindi nya ginawa iyon. Marahil ay naabutan nya ang Mommy mo at ang kalaguyo nya kaya sya nakagawa ng karumal dumal na krimen, he has a motive para patayin ang lover ng mother mo."
"Those are just circumstantial! And that driver is a fake witness! I don't know if I'll be flattered by your detailed story, mukhang alam na alam mo ang lahat eh?! O madidismaya ba ako dahil napaka judgemental at maduda ka palang tao Mr. Zarate. I'm so sorry, I didn't expect that from a man like you. Mataas pa naman ang tingin ko sa iyo." Nikyle slowly shooked her head to portray her dismay.
"Oh no! Kung gayun, may motibo ka din ba kaya ka nagpanggap na boyfriend ko kagabi sa bar. Binigyan mo din ba ng ibang kulay ang halikan natin kagabi?" Tila gulat at napatakip ng bibig na ani Nikyle na syang nagpamulagat naman kay Kendrick.
"Ganyan ka pala Mr. Kendrick, panay speculations na hindi ginagamitan ng logic at mindset ang mga bagay bagay, akala ko pa naman ay wise ka!" Patuyang ani Nikyle.
Naningkit ang mga mata ni Kendrick kasabay ng pag akyat ng dugo sa kanyang ulo mula sa mga narinig. Hindi naman nagpatalo si Nikyle sa matatalim na titig ng lalaki sa kanya at nakipag tagisan din ito.
Sa kabilang banda ay nais nang makialam ni Nathalie sa mga naririnig na girian ng dalawa, ngunit mahigpit na hinawakan ng asawa ang kamay nito tanda na huwag itong makialam at manahimik.
Si Toni naman na nasa sulok ay napapa mulagat na lamang sa mga maaanghang na salita na kanyang naririnig mula sa amo at dalaga. Sa tagal nyang naging sekretarya ni Kendrick ay ito palang ang unang pagkakataon na namalayan nyang may nagtangkang makipag diskusyon sa kanya na may kasamang pang iinsulto. Mabait ang boss nito but knowing Kendrick's temper for the past few months, he won't tolerate any insults specially with a crowd. Sigurado syang hindi niya palalampasin ang paglapastangan ng dalaga sa kanya.
"Hmpft! Akala ko ba nandito ka for business purposes. Bakit parang napaka pait naman ata ng nahigup mong kape kanina at imbes na suyuin mo ang prospect investor mo eh iniinsulto mo pa? Ganyan ka ba sumuyo sa kumpanyang tanging pag-asa mo para maisalba ang palugi nyo nang negosyo?" Naka ngising tanung ni Kendrick. Nais nitong ipamukha sa dalaga na hawak niya ang desisyon sa kinabukasan ng kanilang kumpanya at hawak sya nito sa leeg. He wants to remind her that he has the power to be their saviour.
"Yes I do. If we are going to talked about business, I am very much willing to act and speak professionally. But you insulted me first sir! You mocked my father and now you're threatening me. If this is how you treat a small company na ang nais lamang ay maisalba ang mga trabahador,empleyado at mga magsasaka na umaasa sa kanila then I am sorry to say this. You don't deserve your position. You don't deserve that kind of power!" Taas noong sagot ni Nikyle kay Kendrick.
"Hah!" Tanging naisagot ni Kendrick sa litanya ng dalaga. Wala itong masabi sa talas ng kanyang dila. Ibang iba ito sa kanyang asawa na mahinhin,mapagkumbaba at mabait. Agad pinukaw ni Kendrick ang isiping iyon saka nagtatalo ang kanyang isip kung bakit nya ikinukumpara ang asawa sa dalagang kaka kilala pa lamang nya.
"Your father praised my father. But you doubted it. Does that mean you do not trust your father's judgement? Are you trying to tell me that your father is a liar?" Muling tinig ni Nikyle na nagpalaki sa mga mata ng mga taong nasa silid na iyon maliban sa kanya.
"You!" Duro ni Kendrick ngunit hindi alam ang mga susunod na sasabihin. "You are clearly using my words to turn the table!" Bulalas nalang nito.
"Oh My bad! Am I?" Turo ni Nikyle sa sarili.
"Oh I am so sorry. You started it! It's words against words. I just played the game your trying to pull. Right from the start alam ko namang malabo ninyo kaming bigyan ng opportunity na makakuha sa inyo ng deal. Sino ba naman kase ang Silva Brews Corporation kumpara sa Zarate Empire hindi ba? But I still came here. I gathered all the courage that I have because there are families who rely on our shoulders. Kaya kahit hiyang hiya akong magpunta ngayon dito upang harapin ka sa kabila ng nangyari kagabi ay kinapalan ko parin ang mukha ko because I have to. I gotta do something for my father's company and for our people!" Madamdaming wika ni Nikyle.
"I'm so sorry Mr. and Mrs. Zarate for being rude and dramatic but as my father's daughter, I can't tolerate someone who will insult my late father kahit naman po siguro sino. He already suffered ng nabubuhay pa sya, pati ba naman ngayon kung kailan his already six feet on the ground?" Madamdaming wika ni Nikyle saka pasimpleng pinahid ang mga naglandas na luha.
"I know that you are a fair person sir." Tukoy nito kay Nestor Zarate. "I hope you will understand where I'm coming from and I really do appreciate your kind words about my father." Nikyle bowed infront of the elders.
"Thank you for your time, I won't bother you anymore." Mapait na ngiti ni Nikyle saka tumalikod at humakbang paalis ng opisinang iyon.