Nikyle walked out of the room with a straight and serious face. She may not look like it but she is bothered deep inside. Nag aalala ito para sa kanyang mga kasamahan,mga empleyado at magsasaka na maaapektuhan dahil ang inaasahan nyang sanay magliligtas sa kinalulugmukan ng kanilang kumpanya ay hindi man lang sya binigyan ng pagkakataon upang sanay idetalye at ipresent ang kanilang business proposal. Kung tutuusin ay malaki sana ang potensyal ng kanilang kumpanya kung hindi lamang dahil sa mga kasong kinasangkutan noon ng kanyang ama. Mula ng masangkot kase ito sa kung anu anong kontrobersiya ay isa isa nading nag pupull out ang kanilang mga investors. Bumagsak din ang kanilang stocks sa merkado sa kabila ng magandang kaledad ng kanilang mga produkto.
Naiinis sya at nanghihinayang sa pagkakataon. Nasa loob parin sya ng gusali ng Z building, nga lamang at sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Sa sobrang inis nito ay pinagdiskitahan nyang sinipa ang gulong ng kanyang kotse at saka lang nito napag tanto na matigas pala ang bagay na iyon kesa sa kanyang mga daliri sa paa. Paimpit itong namilipit sa sakit at kirot at iika ikang pumasok sa loob ng driver's seat.
"Ugghh! That damn stupid Kendrick! Hah! Lakas mong mamintang pero wala ka naman palang ibubuga kapag ako na ang bumanat. Tsk!" Ismid nito na kinakausap ang sarili. Napangiwi pa ito habang inaalis ang high heels sa kanyang nasaktang paa at nakitang namumula ito, napa awang din ang kanyang bibig sa kirot na nararamdaman habang iginagalaw galaw ang mga daliri nito sa paa.
"Awww! Hooohhh!" Sigaw nito habang hinahaplos ang mga apektadong bahagi. " s**t! Badtrip naman! Wala na nga akong napala sa Kendrick na yun kundi sama ng loob tapos dumagdag pa itong-.... haisisst! May sa demonyo ata yun eh!" Muling sigaw nito saka inis na ginulo ang kanyang mahabang buhok. Ilang sandali pa ang itinagal niya sa loob ng kotse saka nagpasyang lisanin na ang lugar na iyon.
Samantala, sa loob ng opisina ni Kendrick ay nandoon parin ang kanyang mga magulang. Hindi umiimik ang kanyang ama ngunit alam kaagad ni Kendrick kung para saan ang pananahimik nyang iyon.
Batid nyang hindi maganda ang kanyang naging asal kanina at hindi ito nagustuhan ng kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay tahimik na naka upo sa tabi ng kanyang ama at nakikiramdam din sa mga susunod na mangyayari. Tatlong katao lamang ang nasa loob ng malawak na opisinang iyon ngunit pakiramdam ni Kendrick ay tila naiipit sya sa pagitan ng dalawang kongkretong pader at hindi makahinga ng maayos dahil sa nakaka asiwang katahimikan ng mga oras na iyon. Si Toni na kaninang nakatayo malapit sa pintuan ay agad ding umalis makaraan ang ilang segundo pagka labas ng dalagang panauhin kanina.
"Tell your son to bring me the project proposal of Silva Brews Corporation." Ani Mr. Zarate sa kanyang misis na agad namang napatingin sa dako ni Kendrick.
Hindi naman nag atubili ang huli at iniabot sa ina ang hinihingi ng ama. And just like that, again- dead silence.
"I believe na niriview mo munang mabuti ang sinubmit nilang proposal sa iyo bago ka pumayag sa formal meeting nyo ni Ms. Silva kaya sya nandito kanina hindi ba?" Sa wakas ay tanung ng ama pagkatapos basahin ang mga pahina na ibinigay sa kanya ng asawa.
"You just rejected an excellent candidate for the job." Dismayadong tinig ni Mr. Nestor Zarate.
"Their excellency is not enough to be part of Zarate Empire." Subalit ay tanggi ni Kendrick.
"Why? Because of the late chairman's case?" Tanung ng ama.
"Dad, their company is in the verge of bankruptcy. Ahhh.....no let me rephrase that- I mean bankrupt na talaga ang company nila." Kendrick insisted.
"And that's the reason why that lady came here upang humingi ng tulong saatin hindi ba? Upang maisalba ang kanilang kumpanya." sagot ng ama.
It's collapsing! And it won't do no good to our company. Besides, ayokong makaladkad ang pangalan natin dahil sa mga kontrobersiyang naka dikit na sa kumpanyang iyon. Dad, alam kong kaibigan nyo sya and you wanted to help because of an utang na loob. But you shouldn't take it personal. This is business!" Kendrick tried to explicate.
"Look who's talking! Am I really the one who's taking it personal? You know sometimes, there are things that you have to take personally, lalo na kung para sa ika bubuti ng marami. And don't you dare lecture me about business! Baka nakakalimutan mong bago ikaw, ako muna ang naka upo sa silyang iyan!" Anang kanyang ama sa mababa ngunit seryosong tinig.
"I'm sorry Dad. I didn't mean it that way." Yukong paumanhin ni Kendrick. "And I am so sorry, but we won't take the risk. Gaya nga po ng sinabi nyo mas matagal na kayo sa linyang ito kesa saakin, so you should have known better. It's too risky." Buong pasyang ani Kendrick.
Hindi naman muling umimik ang matandang lalaki sa halip ay hinuli nito ang mga mata ng anak saka tumayo at inayos ang kurbata.
"Alam mo bang kung hindi dahil sa taong may ari ng kumpanyang tinatanggihan mo ay baka wala ako dito ngayon sa harapan mo at malamang hindi ka nabuo?" saad nito saka humakbang palabas sana ng opisina ngunit muli pa itong lumingon ulit sa anak.
"I understand that you care about the companies welfare. But do you know what's making me feel bad? That lady did not came here for you to humiliate, she came here for the people behind the success of their company. They needed our help, pero ni hindi mo man lang sya binigyan ng pagkakataon. You are aware about the issues in the first place, pero bakit nag set-up ka parin ng meeting sa kanila? Nakakapag taka!" Nestor paused.
"Did you not sense any sincerity from her words manlang? Remember, we are also on the same shoes with the El Diejos. So how do you expect them to deal with us gayong may kontrobersiya kading kinakaharap ngayon?" Nagpakawala ng buntong hininga ang ama saka tuluyang umalis ng kanyang opisina.
Naiwan naman doon ang kanyang ina na naka upo parin sa sofa habang sapo ang noo.
"What you did and how you handled things a while ago is very unprofessional Kendrick." Mrs. Zarate told her son pagka lapat palang ng pintuan.
"Ma..... pati ba naman ikaw?" reklamo ni Kendrick sa ina.
"Can you even hear yourself a while ago Kendrick? Alam mo anak hindi mo ako maloloko. Alam ko ang totoong dahilan kung tinanggihan mo ang pobreng panauhin mo kanina." Nathalie raised her eyebrows while looking at her son intently.
"Nalaman mong ang babaeng kahalikan mo sa viral video at ang babaeng kameeting mo ay iisa. Ayaw mong mas mainvolved sa kanya dahil mas iinit ang mga mata ng tao sa inyo. Mas lalo kayong pag pipiyestahan ng media at ayaw mong mangyari iyon because you don't want Milcah to think na may namamagitan nga sa inyo ni Ms. Silva. You wanted to come clean from those malicious words they're throwing at you dahil natatakot ka sa iisipin ng asawa mo. Tsk!" Nathalie rolled her eyes.
Hindi naman agad nakasagot si Kendrick sa ina. Nadale kase nito ang totoong dahilan ng kanyang pagtanggi sa dalaga. Right now he feels guilty and at the same time he feels like he is on a hot seat.
"You acted so immature kanina. Hindi mo man lang ba naisip na maraming tao ang maaapektuhan? Those people also have a family to feed. Yet here you are behaving foolishly at mas inisip ang personal mong interes kesa sa mga taong iyon!"
"Bakit parang kasalanan ko pa po ata kung bakit nagka ganun ang company nila Ma? Bakit parang bigla akong na obliga sa kumpanyang ni minsan ay hindi naman natin naka sagupang palad, infact kung tutuusin ay rival company pa nga natin sila sa industriya? Why are you making me feel so bad? Marahil nga ay naging makasarili ako pero may bahid din naman ng katotohanan ang inilatag kong mga dahilan kung bakit hindi natin sila maaring makatrabaho?" Kendrick protested.
"Yes, I understand where you're coming from iho. Still maling mali ang ginawa mo sa pag handle ng issue na ito. And the worst? You insulted and disrespected her father. Anak, narinig mo naman siguro sya kanina hindi ba? Kamamatay lang ng ama nya. She's still grieving. At isa pa walang matinung anak ang papayag na insultuhin ang magulang nila. Try to pur yourself in her shoes." Mahinahon ng wika ng ina.
Kendrick massage his head in frustration. "Sorry" tanging sambit nito.
"You owe that apology to that young lady, not me son." Nathalie answered as she grab her phone on her clutch bag. Bahagya pang tumaas ang sulok ng labi nito ng mabasa ang text na ipinadala sa kanya.
"I have to go now son, I need to talk to someone then I'll go straight ahead sa supermarket para mamili."
"Really?" Biglang taas ng kilay ni Kendrick.
"Don't get me wrong Mom, but you don't usually step foot sa mga supermarkets, mas suki ka pa nga ng luxury stores ng mga bags and shoes sa pagkakaalam ko."
"Oh! You're embarrassing me naman iho! Nag gogrocery din naman ako hindi nga lang madalas dahil meron naman si Rose na tiga gawa noon. Tsaka I wanted to serve you a feast tonight. Diba sabi mo you're going to join us for dinner? So paanu ba yan? Nasa baba na ang driver ko, ciao!" Masayang paalam ng ina.
Pagkaalis ng ina ni Kendrick sa kanyang opisina ay umupo ito at tila mabigat ang mga pasang isinandal ang likod sa kanyang swivel chair. Binabalikan nya sa kanyang alala ang mga nangyari kanina mula ng dumating ang dalagang si Nikyle Silva. Napahilamos sya ng kanyang mukha saka napapasabunot sa buhok at pumanga lumbaba sa kanyang desk. Nais nyang irelax sana ang sarili kaya naman huminga ito ng malalim saka nagpaka wala ng hangin sa kanyang baga. Ipinikit pa nito ang kanyang mga mata ngunit ilang segundo pa lamang ay ang tila nagmamakaawang mga mata ng bisita nya kanina ang nakikita ng kanyang imahinasyon kaya naman agad din itong dumilat. Ngunit sa pagdilat ng kanyang mga mata ay naririnig nya ang umaalingawngaw na musika sa bar ng gabing iyon, pagkatapos ay ang unti unting paglapat ng mga labi nila ng dalagang si Nikyle.
Ipinilig ni Kendrick ang kanyang ulo. Nais nyang magtrabaho kaya naman inabala nya ang sarili sa mga naka tambak na papeles sa kanyang mesa. Ngunit makaraan lang ang ilang mga oras ay muli syang ginugulo ng kung anu anong mga imahinasyon sa kanyang isip. Hanggang sa hindi na ito nakatiis at tumayo ito upang lumabas ng opisina.
Agad namang napatayo si Toni ng makita ang pag bungad ng amo mula sa kanyang opisina.
"Do I have an important appointments this afternoon?" Kendrick asked.
"Uhmn.. aside from Ms. Silva which is scheduled this morning, you were also supposed to have an after lunch meeting with the El Diejos pero hindi po sila natuloy so.... " kikibot kibot na labing sagot ni Toni.
Muling inihilamos ni Kendrick ang dalawang palad sa kanyang mukha saka nagpakawala ng mahabang buntong hininga. "In that case... I think kailangan na nating maghanap ng kapalit nila. El Diejos are good but there must be someone better than them." Kompyansang anito.
"Uhhh FYI, they are the best sir. Diba nga naparangalan pa sila ng mga International Coffee Organizations because of their excellency? Tsaka napostpone lang naman po yung meeting dahil sa aberya. Wala naman silang sinabing rejected nila tayo right?" Toni replied but Kendrick just glared at him.
"Alam mo Toni, doing business is a competition. Araw-araw ay kumpetisyon, kaya dapat araw-araw din tayong nag iimprove dahil kung hindi mawawala sa iyo ang mga opportunidad. Do you actually believe na nagka aberya ang flight nila? Oh come on Toni, those guy's have bunches of private f*cki*g plane!" Kendrick in frustration.
"But you know what Toni? I'll prove them wrong! Naniniwala ako na sa haba ng panahon na inilagi nila sa taas ay may isang company na hindi man sila mahigitan, then atleast kaya silang tapatan. And I will find that company no matter what!" Desididong ani Kendrick.
"Hey Chill! Ako lang to, hindi ako El Diejos para panggigilan mo!" awat ni Toni dito.
"Hindi mo ba naisip na kaya nananatiling nasa top ang El Diejos ay dahil wala talagang kumpanya na kayang tumapat sa kanila?" Ngunit ay hirit ni Toni.
"Or maybe that company didn't make it yet because of some factors. Maraming mga maliliit na kumpanya ang may malaking potential to make it big, but they just don't have that chance." Ani Kendrick.
"Yeah maybe! Example nalang nga po ay ang pag reject mo sa Binhi Brews Corporation." Walang gatol na sagot ni Toni na agad syang sinamaan ng tingin ni Kendrick.
"That company, again? Bakit ba ganun nalang kung ipagtanggol nyo yung babaeng yun? Nagsasabi lang naman ako ng totoo about them!" Kendrick's teeth grinds.
"Alam nyo sir dahil bukod sa boss ay kaibigan and kababata din kita, kaya I will be frank on you and promise me you won't fire me after this." Nakahalukipkip na paninigurado ni Toni.
"Tsk! As if I can do that? Tsaka kailan ka ba hindi naging prangka? You usually tells me mean words pa nga ehh, kahit ilang beses na akong napipikon sayo. Palibhasa you have the Queen's favor, so?" Kibit balikat na ani Kendrick. "Baka mamaya lasonin pa ako ni Tiya Rose pag nalaman nyang tinanggal ko sa trabaho ang nag iisang prinsesa nya!" Bulalas nito.
Toni Lee is the son of Nathalie's besfriend na sya ding kanilang mayordomang si Tiya Rose.
Matagal ng nangangamuhan ang pamilya nila Toni sa pamilya nila Kendrick mula pa sa kanyang lolo at lola. Ang kanyang lola ay nagsilbi din bilang mayordoma ng Zarate Mansion noong nabubuhay pa ang ina ni Mr. Sr. Zarate na si Donya Conching samantalang ang lolo naman nito ay syang personal driver ng namayapang si Don Mateo Zarate. Nang makapangasawa ang ina nitong si tiya Rose ay nagpaalam ito sa kanilang pamilya upang sumama sa kanyang asawang si Tony Lee sa kanilang bansa at doon na mamalagi. Ngunit sa kasawiang palad ay nasawi ito sa isang aksidente at naiwan ang kanyang mag ina. Mula ng mamatay ang ama nito ay ibat ibang trabaho ang pinasok ng kanyang ina mula sa pagiging basurera hanggang sa paglalako ng mga newspapers at tiga deliver ng mga gatas sa mga bahay bahay.
Nang malaman ito nila Mr. Zarate ay agad nilang tinulungang makabalik sa Pilipinas ang mag ina at muli silang tinggap ng pamilya Zarate.
Magkasamang lumaki si Toni at Kendrick, nag aral at parehong nakapag tapos sa iisang unibersidad. Halos magkapatid na silang dalawa ngunit nang makapag trabaho si Toni sa kumpanya nila Kendrick ay hiniling nya sa ina na bumukod na ang mga ito at sya naman ang magtatrabaho para sa kanila bagay na hindi sinang ayunan ni Tiya Rose. Ayon sa kanya malaki ang utang na loob nito sa pamilya Zarate at hindi ito sanay na walang ginagawa, na masaya ito sa pamilyang tumanggap sa kanila at itinuring nadin silang miyembro ng pamilya. Kaya naman si Toni ang mag isang umalis at bumukod kahit pa nakiusap si Nathalie sa kanya na mag stay sa kanilang bahay. Aniya ay malawak ang kanilang mansyon at maraming espasyo ang naka laan para sa kaniya ngunit ipinagpatuloy parin nito ang kanyang pasya kaya naman wala na itong nagawa.
Nang alukin sya ng trabaho ni Nathalie bilang sekretarya ni Kendrick ay hindi na ito nag dalawang isip pa. Para sa kanya mahirap maghanap ng magandang trabaho sa isang malaking kumpanya na gaya ng Zarate Empire. Bukod pa doon ay hindi naman sila naiiba at maganda ang mga benepisyong kanyang makukuha. Sa pagiging sekretarya nya ay hindi na nya kailangang magbayad ng buwanang renta ng apartment dahil provided sya ng isang exclusive condo sa Makati, malaki din ang kanyang nasasahod sa loob ng isang buwan at may mga insurances din para sa kanya at sa kanyang ina. Bukod sa mga rason na ito ay nais nya ding hindi na mapalayo sa ina gaya ng balak sana nyang mangibang bansa.
"But of course! Ako kaya ang favorite na babaeng anak ni Mommy NZ!" Pagmamalaking sagot nito sabay tikwas ng kanyang kilay. Saka inaayos ang kunwariy mahabang buhok. "Aminin mo, kahit napangasawa muna noon si Milcah ay ako padin ang may hawak ng korona!" Irap nito sa kanyang boss.
"Tsk! Yabang mo!" tanging sambit ni Kendrick.
Normal na para sa kanila ang magusap na parang hindi mag amo at kung minsan ay mas malala pa kung asarin ito ni Toni na lagi namang ikinapipikon ni Kendrick.
"Dont worry Kenny... willing naman akong ipasa ang korona sa karapatdapat na tao. Syempre doon sa taong hindi ka na sasaktan at lolokohin." Pag didiin ni Toni sa mga huling salita. Alam din kase nito ang nangyari sa kanyang buhay may asawa.
"You can keep it for yourself, hindi na ako interesado sa mga babae!" sagot ni Kendrick.
"Hahaha! Wehh? Talaga ba? Wag kang nagsasalita ng hindi pa tapos. Baka kainin mo yang mga sinabi mo." Toni warned.
"But of course! Pang gulo lang sa buhay ang mga babae. Atleast I have my boys with me. At kung sakali man baka pagselosan pa niya mga anak ko at pagmalupitan nya.. No way! Most stepmothers from fairytales are wicked and evil so no, thank you!" Mahabang paliwanag ni Kendrick but to his surprise ay humalakhak pa lalo ang kanyang sekretarya.
"You are so funny eh? I do not know na until now naniniwala ka parin sa mga fairytales! Gosh! Its 21st century for crying out loud! Kaya nga sa bungad ng bawat fairytales ay may pasakalye silang... a long long time ago o once upon a time!" Toni wiped the tears that build up from his laugh's.
"Fairytale or not totoong nangyayari iyon sa totoong buhay!" Kendrick's teeth grinds.
"Okay, allright chill! Sinabon kaba ng Daddy mo at ni mommy NZ kaya mababa ngayon ang kurdon mo? Jeez!" Sukong tanung ni Toni na itinaas pa ang dalawang kamay as a sign of retreat.
"Basta aalis ako, pag may naghanap saakin alam mo na kung anung sasabihin mo!" anito kay Toni.
"Fine!" Toni rolled his eyes.
Makalipas ang ilang minuto ay binabagtas na nga ni Kendrick ang kahabaan ng Edsa patungo sa kung saan sya dadalhin ng kanyang kotse. Wala itong ideya kung saan sya papunta basta't hinahayaan nalamang nitong tangayin sya ng sariling kamalayan.
After a while he finds himself in a shore outside the city.
Palubog na noon ang araw, kaya naman ang kalangitan ay nagsimula nang maging kulay ginto. The scenery, the breeze that touches Kendrick's skin made him reminisce the past when he proposed to his wife Milcah.
It was a lovely evening.
Rose petals on the sand, candles are lit like they were also dancing with the soulful sweet music echoing from the spot where he chose to set up. The flowers matches the colors of the sunset that it almost makes it magical and surreal. And from there he pictures Milcah walking forward, wearing her sweetest smile. She looks beautiful and gorgeous that radiates the entire place. He feels so happy like he was the luckiest man in the world when the girl he chose to be his better half agreed and said yes. That moment, he couldn't asked for anything anymore. His heart is overflowing with joy and happiness.
Kendrick felt a warm drops on his cheeks. There he is again. Crying for that woman. Crying because of that same girl he chose to be with for the rest of his life.
He closed his eyes and inhaled the fresh cold air from the sea. Hinayaan nitong matuyo ng hangin ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. Nanatili lang itong nakapikit habang ninanamnam ang sandali ngunit dipa man nagtatagal ay napa kunot ang kanyang noo. Dinig nya ang palahaw na iyak hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Awtomatikong bumukas ang kanyang mga mata at hinanap ang pinag mumulan ng pag iyak. Sa di kalayuan ay nakita nga nya ang isang babaeng naka salumpak sa buhanginan. Yumuyugyug ang balikat nito dala ng pag hagulgul at gulong gulo ang kanyang mahaba at kulay tsokolateng buhok.
Batid ni Kendrick ang hinagpis at bigat sa bawat pag tangis nito. Panaka naka ay sumisigaw din ito na para bang kanyang paraan upang ilabas ang damdaming pilit kumakawala sa kanyang dibdib. Nakaramdam si Kendrick ng awa para sa babae.
Alam nitong kahit na sino ay ayaw makita na nasa ganoong sitwasyon kaya napag pasyahan nyang umalis upang bigyan sana ito ng privacy.
Mula sa dalampasigan ay nilakad ni Kendrick sa di kalayuan ang kalsada kung saan nito iniwan ang kanyang kotse. Sumakay na sya sa drivers seat at pinaandar ang makina saka muling nilingon ang babaeng iniwan nyang umiiyak ngunit anung panlalaki ng mga mata nito ng makitang wala na ito sa dalampasigan at unti unting nagpapalamon sa alon ng dagat. Hindi na ito nagdalawang isip pa. Dali dali itong bumaba at tinakbo ng matulin ang dagat. Pinipilit nyang hanapin sa katubigan ang babae sa pag asang maililigtas nya ito. Muli pa syang sumisid upang hanapin ito ng sa wakas ay may naaninag syang kamay mula sa ilalim ng dagat. Hirap man ito dahil sa lakas ng mga alon at alat ng tubig ay sinikap nyang maiahon ang dalaga at napag tagumpayan naman niya ito.
Nang maka tungtong sila sa pampang ay agad nya itong niyugyug at tsinek ang pala pulsuhan. Ang kanyang mahabang buhok ay tumabing sa kanyang mukha, na sya namang hinawi ni Kendrick upang sanay mabigyan ng paunang lunas ngunit agad nanamang nagsalubong ang kanyang mga kilay ng mapag sino ang taong kanyang inililigtas.
What the f*ck! Sigaw ng kanyang isip.
Bahagyang napatitig si Kendrick sa mukha ng taong iyon saka ito dumako sa mga labi nyang tinatakasan na ng kulay at doon pa lamang nagising ang tila nalulunod na kamalayan ni Kendrick. Napamura pa ito sa sarili kung bakit ganoon ang kanyang naging reaksyon na para bang pinag nanasaan nya pa ang taglay na kagandahan ng babae gayung nag aagaw buhay na nga ito.
Dali daling huminga ng malalim si Kendrick saka inilapat ang bibig sa bahagyang naka bukas na labi ng babae upang magsilbing daluyan ng hangin papunta sa kanyang baga. Salitang pinapump at binibigyan ng hangin ni Kendrick ang dalaga habang patuloy na nagmumura dahil nadin sa pag aalala. Sa nakaka tarantang oras na iyon ay pumasok pa sa isipan ni Kendrick ang tagpo kanina sa kanyang opisina kung saan ininsulto at nireject nya ang babaeng nagtangkang mag propose sana ng proyekto sa kaniya. Nakukunsensya siya dahil baka ito ang dahilan kung bakit naisipan ng dalaga na kitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapalunod. Hindi maaatim ng kanyang konsensya na may mangyaring masama sa dalaga lalo pa at malaki ang posibilidad na bahagi sya ng problema ng babae.