Nakatingin lang si Nikyle sa lalaking prenteng naka upo sa gilid ng kalsada. Naka tingala ito sa kalangitan na tila may inaabangan. She was there standing beside him with her arms crossed tapping her slippers on the ground. Doon lang nya napag tanto na hindi pala pamilyar ang suot nitong sapin sa paa. She even checked her clothes and realized it wasn't hers, nataranta syang sinilip ang soot na panloob at naalarma sya ng mapagtantong iba na ang suot nyang underwears. Napa mulagat ito saka muling napatingin kay Kendrick na naka tanga parin sa kalangitan.
"What did you do to me?" Tanung nito sa alanganing ngunit suspetsyadong boses.
"What do you mean? I didn't do anything to you lady!" Subalit ay walang pakialam na sagot nito na hindi sya tinitignan.
"Why am I dressed like this? My... my clothes, where are they? My shoes, my bag.... ohhhh my God! My car? Nasaan ang sasakyan ko?" Panic nitong tanung sa lalaki.
"Tsk! Seryoso ka? Halos itapon mo nga ang buhay mo kanina sa dagat tapos sa mga materyal na possessions mo may pakialam ka? Jesus!" ani Kendrick.
"Ha?" Napa tangang ani Nikyle.
"Oh! Huwag mong sabihin saakin na hindi mo alam ang nangyari kanina doon sa beach? For Pete's sake huwag naman sana! Doon man lang ay mahiya at magpa salamat ka saakin sa pag sagip ko sayong buhay!" Halukipkip ni Kendrick saka tumayo sa pagkaka upo.
Kumunot ang noo ni Nikyle. "You were there?" hindi makapaniwalang tanung nito.
"Uhuh... who do you think save you from drowning yourself? Superman? Poseidon, the king of the sea? Tsk!" Ikot matang sagot ni Kendrick.
"Why? Why did you save me? Dapat pinabayaan mo nalang ako. Wala na din namang silbi kung patuloy pa akong mabuhay." Wala sa sariling si Nikyle.
"Jesus! Seryoso kaba? Pambihira naman, sige sabihin na nating gusto mong magpaka matay pero atleast man lang sana yung hindi ko mawiwitness. Dapat yung walang makaka kitang ibang tao. Even if wala kang paki sa buhay mo, you must still consider others, hindi lang yang gusto mo. Just imagine the trauma kapag nasaksihan nila kung paano ka namatay! O kaya naman bago mo man lang sana kitilin ang sarili mong buhay ay magkawang gawa ka man lang! Donate your organs, atleast naka tulong kapa sa ibang taong nangangailangan!" Mahabang litanya ni Kendrick.
Hindi naman nakasagot si Nikyle. Iniisip kase nya na may punto ang lalaki. Isa pa, maling mali ang kanyang ginawa. That time kase ay lunod na lunod sya sa kalungkutan at kasawian. Idagdag pang wala na syang nakikitang pag-asa upang maisalba ang kumpanya ng Daddy nya.
"Oh natigilan kana jan? Hello!" Kendrick snap her fingers ng makita ang naka tulalang si Nikyle. Tumingala ito saka hinawakan ang batok at tila may iniisip.
Panaka naka pa itong humahakbang ng paroot parito. Mahabang katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa, habang iniisip ni Nikyle kung paano didiskartehan ang kanyang patong patong na mga problema ay nag iisip din ng mabuti si Kendrick kung anu ba ang tama nyang gawin sa dalaga.
Walang ano'y lumuhod bigla ang dalaga sa matigas at kongkretong kalsada saka yumuko.
"I will do anything na gustuhin mo. Kahit ano kaya kong ibigay at gagawin ko lahat ng kahit na anong utos mo just please help me." Maluha luhang sumamo nito. Nilunok na nya ang kanyang pride at saka napapikit ng mariin, ayaw nyang magpaka baba ngunit disperada na sya, kung kaya naman nyang kitilin ang kanyang buhay ay mas lalong kaya nyang lunukin at tiisin ang lahat para sa ikabubuti ng mga taong umaasa sa kanya.
"Oh come on! Please don't do that! You're just embarrassing yourself you know? I'm not God!" Kendrick in his surprised. Saka maingat na tinulungang makatayo ang dalaga at pina upo sa gilid ng kalsada. Tumabi din ito sa kanya ng may kaunting pagitan.
"Are you really that desperate kaya kong anu nalang ang maisipan mong gawin ay ginagawa mo?"
"Do I still have any other options? Wala na akong ibang malalapitan. Ang mga kaibigan ni Daddy noon ay tinalikuran na sya kahit noong nabubuhay pa ito. They only knew him when he's at the peak of his career, kapag may kailangan lang sila sa kanya o kung gusto nila idikit ang mga pangalan nila noong syay nasa taas saka lang nila kaibigan ang Daddy ko. Pero nang bumagsak sya, wala ni isa ang gustong tumulong to pick himself up again. Mas lalo pa nga nilang inapakan ang pangalan at pagkatao ni Daddy. They were all ruthless." May sakit sa bawat salitang bigkas ng dalaga.
"What about your mom? She's still alive naman diba?" Kendrick asked.
"She's also dead." Deretsahang ani Nikyle saka mabilis na pinunasan ang mga tumulong luha sa kanyang pisngi.
"I already considered her good as dead. I already cut off lahat ng bagay na maaring kumunekta saamin. After all, sa kanya nagsimula ang lahat ng kameserablehan naming mag-ama. She's the one who brought this misery to us kaya dapat sya nalang ang nawala at hindi ang Daddy ko!" May bahid na galit na tinig ng dalaga.
"Do you really hate her that much for you to wish her dead? I mean... she's still the one who delivers you here on earth, the very same reason why you are here right now infront of me." Gulo at takang tanung ni Kendrick.
"I don't hate her. I loathed her. I'm disgusted with the fact that she's my mother." Puno ng hinanakit na ani Nikyle.
"Hmn.. muka ngang malalim ang pinanghuhugutan mo. You wanna grab some drink?" Kendrick asked na nagpakusot sa mukha ni Nikyle.
"Why?... I mean why are you offering me to have a drink with you? As far as I remember hindi tayo close. You hated me, remember what you did this morning? Nireject mo na nga ako kaagad without me explaining and discussing the proposal? Tapos kanina sa hapag ninyo, halos gusto mo akong patayin ng mga nanlilisik mong mga mata. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, baka kanina pa ako naka bulagta sa harap ng mga magulang at bisita mo."
"Geez! Isa lang ang tanung ko pero masyado ka nang maraming idinaldal. For once, hindi moba pwedeng maitikum yang bibig mo?" Kendrick in an irritated tone.
Hindi naman umimik si Nikyle bagkus ay niyakap nito ang sarili saka hinaplos haplos ang sariling likuran. She was there minding her own business, pinapainit ang kanyang tagiliran at likuran ng muling magsalita si Kendrick na ngayon ay naka tayo na habang naiinis na nakatingin sa kanya.
"Nice talking to the polluted air! Yeah! What a nice conversation! Grabe ang saya mo kausap!" inis na sipa nito sa maliit na batong nasa gilid ng kalsada.
"Ano bang problema mo? Sira ulo kadin noh? Sabi mo itikom ko bibig ko, nung ginawa ko naman ayan ka't naiinis at patuyang nagagalit ngayon? Ano ba? Are you drugs? My ghhhaaaadd!! I hate drugs!!" Himutok ni Nikyle sabay napa face palm.
"I... uuurrrggghhhh!!!!" Pigil na sigaw ni Kendrick.
"It's okay Mr. Zarate, sumigaw kalang wag mong pigilan ganyan din ako pag naiinis. Go ahead, I won't judge!" Walang anong kumento ni Nikyle.
Marahas na inihilamos ni Kendrick ang palad sa kanyang mukha saka napasabunot sa kanyang may kahabaang buhok. Nang dumako kay Nikyle ang kanyang mga mata ay natigilan ito sa ginagawa ng dalaga. "Stand up... Let's go home!" Sukong wika nya ng makitang tila nilalamig na ito dahil kanina pa nya pinapa init ang kanyang mga palad at tagiliran.
"Hoy! Anong let's go home? Kanina inaaya mo akong mag alak, ngayon gusto mo ako iuwe? Ano susunod aayain mo ako sa kama? Nakuh oyy! Wag ako, alam ko yang mga yan! Advance ako mag isip kaya hindi pwede yang mga diskarteng yan. Sabi nga nila pag may alak may balak! Kaya hindi, hindi pwede! No!" Pagtanggi ni Nikyle.
"My God Ms. Silva! Napaka wild ng mga imaginations mo! Wala akong gagawing masama sa iyo dahil hindi nga kita type! You're not my taste. Wala ka sa mga standards ko kaya pwede ba huwag kang feeling? Ako na nga nag magandang loob sa iyo na iligtas ka sa dagat tapos ganyan pa pala iisipin mo sa taga pagligtas mo? Kung totoong may balak akong masama sayo di sana sa dagat palang na walang kang malay ay kanina pa kita hinalay! O kaya naman noong natutulog ka sa guest room kung saan nasa loob ka ng teritoryo ko pero hindi ko ginawa. Mahiya ka naman! I am inviting you home dahil wala ka namang matutuluyan ngayong gabi diba? Your car and belongings are obviously not here. Ni ang suot mo ngang panty at bra hindi sa iyo, pasalamat ka at may mga stocks si Mama ng mga new undergarments for our guests dahil kong hindi baka bakat na bakat yang u***g at biyak mo jan sa suot mo! You're so ungrateful!" Singhal ni Kendrick ng dina matiis ang pang ookray sa kanya ng dalaga.
Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig si Nikyle sa mga narinig. Pakiramdam nya ay sinampal sya ng magkabilaang kahihiyan sa mga salita ni Kendrick.
"I'm sorry!" Malikot ang mga matang hinging paumanhin niya sa lalaki. Totoo nga naman ang mga sinabi nito, dapat pa syang magpasalamat sa lahat ng pabor na ginawa nya para sa kanya at mas lalong kailangan nya ngayon ang tulong ng lalaki dahil wala ang kanyang mga gamit o kahit sasakyan man lang sana nya upang makauwi kung saang lupalop man. "Pasensya kana, ganito lang talaga ako, pero promised mabait ako! Sabi ng Mommy ko, matabil daw ang dila ko. Kaya nga binugbog nya ako noon at nagka fracture ako sa braso ng mahulog ako sa hagdan. Siguro nga madaldal at matabil ako kaya siguro ayaw modin saakin kase halos pareho kayong ayaw ng maingay na tao. Pasensya kana. Sorry talaga." Paulit ulit nyang hingi ng paumanhin saka tumalikod upang umalis sana ngunit mariin itong nakapikit at binibilang ang mga hakbang habang umaasa na pigilan sya ni Kendrick na umalis. Kagat kagat nya ang kanyang labi na lumalayo ngunit lumipas pa ang ilang segundo ay hindi nya marinig ang sanay pagpigil sa kanya ng lalaki. Hindi na ito naka tiis at muli nyang nilingon ang bahagi kong saan nya ito iniwan ngunit wala na ito sa dating kinatatayuan.
Her teeth grinds at nanginig ang kanyang mga panga kasabay ng muling pagragasa ng mga luha sa kanyang mga pisngi.
Humagulgol syang naglalakad habang tinatahak ang daan papalabas ng subdivision na iyon. Gulong gulo ito kong saan sya pupunta, wala itong dala ni kahit isang kusing. Maging ang cellphone nya ay iniwan nya sa kanyang bag na nasa loob ng kanyang kotse. Ginulo gulo nito ang kanyang mahabang buhok saka mas lalong nilakasan pa ang paghagulhol. Nakaramdam sya ng kawalang pag-asa at awa para sa sarili.
"Malas kang bata ka! Sana pinalaglag nalang kita, sana ipinunas ka nalang sa kumot. Buwisit ka sa buhay ko! Wala kang ibang hatid kung hindi kamalasan!" Ito ang mga katagang muling nanumbalik sa alaala ni Nikyle, naalala nanaman nya ang mga paulit ulit na katagang binabanggit sa kanya ng kanyang ina sa tuwing mainit ang ulo nito kapag natatalo sa sugal o kaya naman ay iniiwan sya ng kanyang mga nagiging kalaguyo. Nagtangis ang kanyang kalooban, at nag ngitngit ang kanyang mga ngipin sa mga mapapait na alaalang pilit nyang kinakalimutan.
"Peeeeppppp!!!!" Mahabang busina ng sasakyan sa kanyang likuran na syang nagdala sa kanya sa kasalukuyan. Lumingon sya sa kanyang likuran saka lang nya nakita ang nagmamanehong si Kendrick na sinenyasan syang lumapit.
Habang sumisinghot at pinupunasan ang kanyang mga luha ay sumunod ito sa utos ng lalaki.
"The damsel in distressed as usual." Palatak na wika ni Kendrick ng mapansin ang namumula nitong mga mata at ilong. Halatang kagagaling lang nito sa matinding pag iyak.
"Anong kailangan mo?" sa halip ay tanung ni Nikyle.
"Alam kong wala kang ibang pupuntahan. You don't have money, car or even your phone. At dahil may konsensya akong tao, I am letting you spend the night to my parents house. You have nowhere else to go."
"Tsk! What's makes you think so? I have a friend na pwede kong lapitan, mas gusto ko pang humingi ng tulong sa kanya kesa sayo!" Nikyle turning him down.
"Ohhhh.... reall? Hmn... okay then hop on, ihahatid na kita doon." Nakangiting ani Kendrick.
"Huwag na nakakahiya naman sayo, aabalahin pa kita!"
"Ohhhh please! Naabala mo na nga ako since this morning edi sagarin mo na! Nahiya kapa sa lagay na yan?" Subalit ay patuloy ni Kendrick na may naglalarong ngiti sa labi.
"Aba't! Hah! Kapal ng mukha ng lalaking ito!" Bulong ni Nikyle sa sarili.
"You're saying something?" Kendrick asked.
"Ah wala, sabi ko huwag na. Umuwi kana at yung mga bisita nyo naghihintay. Diba sabi mo importante silang guest? Oh di anu pa ginagawa mo dito? Layas na!" Taboy ni Nikyle.
"Oh you mean the El Diejos? They already left. That means my hands are free to be your driver wherever you're heading at? Now can you please come inside na?"
"Tang*na naman nito, apaka kulit!" Mura ni Nikyle sa isip.
"Honestly, wala akong ibang mapupuntahan ngayon. I don't have any friends here in Manila. The only persons that I can think about is my ex boyfriend and my ex best friend which you already met at the bar that night." Nahihiyang pag amin ni Nikyle.
"I know. And I understand, now hop on bago pa magbago ang isip ko at hayaan kang magpa gala gala sa kalye." Kendrick answered, at sinunod naman ni Nikyle.
"Finally!" Kendrick mumbled.
"Finally what?" Takang tanung ni Nikyle nang maka upo na ito sa passengers seat.
"Finally nakinig ka din saakin. But the heck! Pwede ba dito ka sa driver's side? Nagmumukha akong driver mo gayong ako may ari ng auto nato!" Utos ni Kendrick.
"Oh ehh diba yun naman sabi mo kanina? That you can be my driver wherever I'm heading at?" Kunot noong sagot ni Nikyle.
"Will you please seat beside me?!" Deretsahang pahayag ni Kendrick sa naiinis at matatag na tono.
"Okay, chill! You don't need to yell, ghaad!!" Sukong kamay na ani Nikyle.
"Thank you!" Muling tinig ni Kendrick ng maka upo na ito sa kanyang tabi.
Hindi naman muling umimik si Nikyle. Tahimik silang bumalik patungo sa mansion ng mga Zarate kung saan ang iba sa mga kasambahay ay nagsisimula nading magpahinga mula sa mahabang araw ng kanilang mga trabaho.
"Come on!" Anyaya ni Kendrick ng maiparada na nito ang kotse sa garahe.
Nanatili namang tikom ang bibig ng dalaga at tahimik na sinundan ang lalaki.
"Are you hungry?" Tanung nito ng makapasok na sila sa loob.
"Nahhh!" Maikling sagot nito ngunit hindi nakisama ang kanyang tyan na nag aalburoto at ito na mismo ang sumagot para sa kanya.
"As I suspected. Come, dun tayo sa kusina." Muling pa anyaya ni Kendrick.
"What do you wanna eat? My Mom prepared a feast kanina para sa mga bisita pero halos hindi pa ata nangalahati ang naubos. Come on help yourself. Feel at home!" Ani Kendrick.
"Thank you." Nahihiyang sagot ni Nikyle, hindi na ito nagpa kiyeme kiyeme pa ehh sa totoong gutom na sya kayat nag sandok na ito ng mga pagkain na inilagay nya sa kanyang plato.
"Hey, careful baka naman mabilaukan ka nyan?" Awat ni Kendrick ng makita ang sunod sunod na pag subo ng dalaga.
"I'm shorri.. gutom na gutom na kase ako sa totoo lang." Nahihiyang ngiti nito saka nagdahan dahan sa pagsubo. Nakaramdam naman ng awa ang lalaki para sa kanya. Lalo pa itong naawa ng dumako sa mga paa ng dalaga ang kanyang mga mata. Saka lang nya narealize na naka pang inside slippers pala ito.
"When you're done, you can go ahead to your room and rest." Kendrick instructed at tuluyan syang iniwan sa kusina.
Nakailang subo pa si Nikyle sa pagkain saka nagdesisyong iligpit ang kanyang pinagkainan. Hindi pa sya busog ngunit sapat lang upang mawala ang kanyang gutom. Nawalan kase ito ng gana nang muling mag isa sa kusina. Pagkatapos nyang magligpit ay hinahanap ng kanyang mga mata ang bulto ng lalaki. Nasisiguro nito na hindi pa sya umaakyat ng hagdan dahil makikita nya mula sa glass divider ang pag panhik at pag akyat nito kung sakali man.
Luminga linga sya sa paligid ng walang ano'y may tumikhim mula sa kanyang likuran.
"Are you lost bebe gerl?" Kendrick asked in a funny and playful tone.
"Ayy kabayong bakla!" Gulat na bulalas ni Nikyle. "'to naman eh, nang gugulat! Alam mo bang hate na hate ko yung nagugulat ako kase parang nalulunod yung puso ko? Ghad! Nagsitayuan kaya mga balahibo ko!"
"I'm so sorry, are you okay?" Kendrick asked again sa pag aakalang may sakit sa puso ang dalaga.
"Yeah, nothing serious I'll be fine. Anong sabi mo kanina pala?" Nikyle asked with her lifted eyebrows.
"uhmn... which one?" kunway maang ni Kendrick.
"Tsk! Ikaw ha, na nonuod ka ng mga ganong klase ng movie pala. Hmn.." Nakakalokong ngiting ani Nikyle.
"I'm sorry, I don't follow." Kunot ang noong ani Kendrick.
"Wehhh... ichurahh mo! Pabebeng pavirgin ang loko! Di ka na inosente uy! May asawa't anak kana, dapat ako ang mag gagaganyan!" Nikyle doubting Kendrick's honest reaction.
"Ano nanaman bang pinag sasasabi mo? May tama kana naman ba sa ulo? Ang labo labo mo talagang kausap!" Kendrick in frustration.
"Wehh? Seryoso?" Ngunit ay pagdadalawang isip ni Nikyle ng makitang seryoso ang kausap.
"Wait. San mo ba nakuha yung pinagsasabi mo kanina saakin? May pa "Are you lost bebe gerl?" kapang nalalaman na parang natutuwa ka pang nagtatanung saakin?"
"I heard it a lot of times sa opisina and kay Toni. I thought it was just a trend so I also used it to get your attention, since it seems like you're lost in our humble abode." He honestly answered.
"Ano ba kaseng hinahanap mo? May kailangan ka ba?" Kunot noong tanung ni Kendrick.
Napakamot naman ng uko si Nikyle.
"Hhindi ko kase matandaan kong saan ba yung kwartong nanggalingan ko kanina." Napipilitang ngiti niya.
"Oh. Okay. I get it! Nagpapahinga na marahil sila Tiya Rose at mga kasama nya, sige samahan nalang kita."Ani Kendrick na tumingin tingin pa sa paligid kung may mga gising pa sa kanilang mga kasambahay.
"Uhmn." Nikyle mumbled saka pumikit sa hiya. "Can I also have some of those? Please?" Nguso ni Nikyle.
Nalukot naman ang kilay ni Kendrick na tumingin sa hawak nyang kupita ng alak.
"I'm sorry. I'm having trouble sleeping kase." Kagat labing si Nikyle.
Alanganin man ay sinenyasan ni Kendrick si Nikyle na sumunod sa kanya. Nagtungo sila sa malawak na bar sa loob ng mansion. Naka display doon ang ibat-ibang uri ng alak, karamihan pa dito ay mga high end liquor brands. Iginala ni Nikyle ang mga mata, namangha ito sa mga disenyo at artifacts na naka display. Nakita din nito ang mga luxury leathered and velvet couches. Kapansin pansin din ang medieval rugs and tapestry's sa loob ng kwartong iyon. Maging ang fireplace kung saan may mga naka ukit na mga simbolo. Napangiti sya sa ganda at disenyo na halatang pinag isipan ng interior designer.
Napansin naman ni Kendrick ang mga ngiti ng dalaga habang pinagmamasdan ang paligid.
"Wow! I bet you really appreciate the beauty of this room kaya ka napangiti ng ganyan."
"It's fascinating. Marami na akong napasok na mga magagarang bahay pero so far ito palang ang nagpa amaze saakin at nakapag bigay ng wow factor sa taste ko." Nikyle answered.
"So pareho pala kayo ni Mama ng taste." ani Kendrick "Here." Abot pa nito sa baso na may lamang alak.
"Thank you!" sagot ni Nikyle.
Silence is the next thing that occupied the space.
Mahabang katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa.
Nilalaro laro muna ni Nikyle ang natitirang lamang alak sa kanyang baso saka nya ito nilagok. Pagkatapos ay inipon ang kanyang lakas ng loob at nagsimulang makiusap sa lalaki.
"Look, I thank you for all of the favors and help that you did for me. Alam kong hindi pa kita napapasalamatan ng maayos sa pagliligtas mo sa aking buhay. Actually hindi ko rin alam kung papaano, marahil sa mga patong patong na problema na nagtulak saakin para wakasan ang aking buhay. I don't honestly know kung bakit nandoon ka sa lugar na yun kaya pasensya kana if nasabi kong sinusundan mo ako, pasensya kana sa mga inasta ko sa iyo, sa mga salitang nabitawan ko. If ever naoffend kita I'm so sorry. With all sincerity I wanted to apologize and tell you how thankful I am. I just realized how a good person you are. Hindi mo ako lubos na kilala, but you save my life and now you're hosting me as your guest sa loob ng pamamahay nyo sa kabila ng mga pang iinsulto ko saiyo. I really, really appreciate all of it. Thank you, really." Mahaba at madamdamin nyang wika.
Tanging tango naman ang naisagot ni Kendrick sa dalaga.
"Hindi mo ba talaga kayang bigyan ng chance ang company ng Daddy ko?" Pikit matang tanong ni Nikyle dahil ayaw nyang isipin ni Kendrick na kinukuha nya lang ang loob nito para humingi ng pabor.
"I already gave my answer to that Ms. Silva." Kendrick straightforwardly answered.
"I know! But can you just please hear me out? Please?" Nakikiusap na tanung ng dalaga.
"I already examined your proposal. As good as it is, but as bad as your companies soiled image." Sagot ni Kendrick na nagsalin ng alak sa kanyang baso.
"Can you look away from our company's image and just focus on what good can we make? You're my only hope. The people behind that company has high hopes in me. Just please, please give us the chance." salikop ang mga kamay na pakiusap ng dalaga. "Please reconsider." hirit pa nito.
"Bakit ba ayaw mong pakawalan ang kumpanya nyo gayong mas mapapadali para sayo kung hahayaan mo nalang na kunin ito ng bangko. Bakit hindi mo nalang sila pabayaan gayong hindi mo naman sila responsibilidad. Hindi naman lahat ng business tumatagal at laging nasa taas. Mas magiging magaan pa para saiyo kung ilet go mo nalang lahat diba? Besides, mas kailangan mong magfocus sa sarili mo. Kamamatay lang ng father mo at hindi rin maganda ang pagwawakas ng relasyon nyo ng boyfriend mo. Why don't you take a break at iwan ang lahat ng mga nagpapa bigat ng buhay mo. Masokista kaba? Gustong gusto mo saktan sarili mo gayong alam mong hopeless case na ang company nyo?" Kendrick amusedly asked.
"Because they were my father's family. My family. And a family never leaves no one behind. My father is the only family that I have in this world, and now that his gone I wanted to saved the same family who accepts and appreciate him even when the whole world turns it's back from him. I am my father's daughter, and it is my duty to preserve his legacy. It is my responsibility to ensure and keep that company no matter what. Yung kumpanyang tinatanggihan mo? Dugo,pawis at oras ang ginugul ni Daddy para lang maitayo ang kumpanyang iyon. Kaya hindi ko pwedeng basta basta nalang ibigay at lamunin ng bangko. Hindi ako pwedeng maging selfish at unahin ang kapakanan ko. Hindi din lang ako matatahimik, nangako ako kay Dad. Hindi ko kaya, ayoko." Nikyle's tears begun to draw.
Hindi naman naka sagot si Kendrick, bagkus ay lumagok ito ng dalawang shot ng alak. Naaburido nadin ito sa pangungulit at pangungunsensya ng dalaga.
"I'll think about it." Sa wakas ay sabi nito na syang nagpaliwanag sa mukha ng dalaga.
"Talaga? Seryoso ka jan ha? Sinabi mo yan wala ng bawian!" ani Nikyle na tila batang natutuwa.
"I said I'll think about it. I didn't say yes. Hindi pa ako nagcoconfirm." Subalit ay putol ng lalaki sa dalaga.
"I know, but it's okay. Atleast there's hope!" Masaya at naka ngiting tango ni Nikyle.
"Don't get your hopes high. Marami akong dapat iconsider before deciding whether we'll take your hand or reject it." Ani Kendrick na ayaw bigyan ng sapat na pag asa ang dalaga dahil alam nitong tagilid talaga ang kumpanya nila. Nasabi nya lamang na pag iisipan nya ito dahil naaawa siya sa dalaga. Pero ngayon narealize nya na mukhang magkaka problema pa sya lalo dahil binigyan nya ito ng katiting na pag asa.
" Can we stop talking about business and work? Pasensya kana ha pero I'm so fed up by it. Araw-araw yun nalang lagi ko hinaharap, and it's really stressing me out!" Kendrick told her.
"Kita mo to! Alam mo ikaw itong dapat need ng break ehh, mas kailangan mo yun." Nikyle answered.
"You're really good on using words against words noh? Nakaka bilib ka!" Patuyang ani Kendrick.
"Woi grabe, totoo naman kase. Kung na iistress ka sa trabaho mo edi mag relax ka muna. Mayaman ka naman diba? Can afford mo naman yun. Tsaka for sure marami kang alipores na pwedeng gumawa ng mga maiiwan mong trabaho." Muling daldal ni Nikyle na tila komportable na sa presensya ng lalaki.
"Iba parin kapag ako ang gagawa. No one can replace Kendrick Zarate. No one can even copycat what I can do." Taas noong ani Kendrick.
"Wow! Yabang!" Bulalas ni Nikyle at napatakip ng kanyang bibig dahil sa katabilan. As much as possible ay gusto nyang maging maingat sa mga salitang binibitawan dahil ayaw nyang maoffend ang lalaki.
"Tsk! What?" Mulagat ni Kendrick.
"I don't wanna offend you. Kaya sorrrrryyy!" Napipilitang ngiti kasabay ng peace sign ni Nikyle.
"You don't have to pretend. Be natural, mas gugustuhin kopa if you speak your mind kesa nagkukunwari ka jan." Muling nagsalin si Kendrick ng alak sa kanyang baso at sinenyasan din nya si Nikyle kung gusto nya din ang alak na hawak nya.
"Yes please, salamat!" Nikyle answered.