"I'm so sorry for confusing you about this uninvited guests." Pagbibigay diin ni Kendrick sa mga huling kataga.
"She's Nikyle Silva. The daughter of Joaquin Silva and the founder and CEO of Binhi Brews Corporation. This morning she came into my office for a business proposal but I rejected it. My father on the other hand wanted to give them a chance for his old friends sake but still, I do not want to take the risk. Although their proposal is promising that can open a lot of opportunities, we cannot accept a company with a soiled image and a lot of controversies. What do you do with a company like that, plus the fact that they are going bankrupt?" Walang preno at gatol na ani Kendrick.
Napapikit naman ang ina nito sa mga naririnig habang ang kanyang ama naman ay napa sandal na lamang sa upuan habang nakahalukipkip.
"You are a businessman yourself Mr. Sylvester El Diejos, if you were me I'm sure you will also do the same." Kendrick confidently uttered.
"So where is this Joaquin Silva?" Tatango tangong si Sylvester.
"Dead." Agaw na sagot ni Nikyle na ngayon ay nahimasmasan at muling nagpanting ang mga tenga sa mga salitang binitawan ni Kendrick.
"Oh! I am so sorry!" Sylvester in an apologetic voice.
"Your Dad is gone? Uncle Joaquin is dead?" Tila hindi naman makapaniwalang ani Blythe. Noong nasa Paris kase ito upang mag aral ng fine arts ay nagstay ito sa tinutuluyang apartment ni Nikyle kung saan doon din tumuloy ang ama nito na nagbakasyon upang bisitahin ang anak. At sa loob ng higit dalawang buwan na iyon ay pinangarap nyang magkaroon ng amang katulad ng ama ni Nikyle. Maalaga, maalalahanin,mapagmahal at cool na dad. Kaya naman ng magpaalam na ito upang bumalik ng Pilipinas ay nalungkot ito, ngunit nangako ang huli na magkikita pa sila bagay na hindi na nangyari.
"Yeah, just this month."
Blythe froze in a split second. Her face speak a lot of emotions. Nag uunahan ang mga emosyong naglalambitin sa kanyang puso. Nabigla, nalungkot at marami pang katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan.
"Iha are you alright?" Sylvester asked when he saw Blythe 's red face.
"Why?" garagal na tanung ni Blythe at hindi pinansin ang nag aalalang tanong ng ama.
"He suffered too much from his illness until he's body deteriorated and gave up on him. He is so determined to live but his body can't. During his last days, I remember he speaks out your name. He told me he's lucky and happy that he became your second father even in a short span of time. That he's thankful for letting him experience how to be a father of two wonderful girls, that atleast he became a real father during those days because he didn't have that chance when his still strong and healthy." Nikyle with a teary eyes.
"But why didn't you tell me? I'm his bunso remember? You should've atleast told me because if you did, I might have the chance to say goodbye to him." Blythe sob.
"I called you a hundred times Blythe. I sent you tons of messages and even tried to reach you on your social media account but you didn't respond." Nikyle trying to explain.
Hindi sumagot si Blythe ngunit nakapinta sa kanya ang sari-saring mga emosyon at tuluyan na ngang nalaglag ang pinipigilan nitong mga luha. Narealize nya na nagpalit na pala ito ng cellphone number at hindi na nya binubuksan ang social media account na ibinigay nito sa kaibigan. Kaya't ang makontak sya ay talagang imposible.
"estas bien?" (You okay?) Bryce asked his twin sister ng mapaupo ito sa kanyang silya, her knees and hands are shaking.
Nanatili lang siyang tahimik ng ilang segundo habang pilit ikinakalma ang sarili.
"si, solo estoy bien." (Yeah I'm fine). Saka madaling pinunasan ni Blythe ang mga luha.
"I bet he wouldn't want seeing me cry like this because of him so yeah, I'm fine. I'll be fine."
Napalabi naman si Nikyle sa sinabi ng dating kaibigan. Pilit nyang pinipigilan ang muling pag iyak ngunit sadyang marupok sya ng mga oras na iyon. Muling yumogyug ang kanyang mga balikat kasabay ng mga nag uunahang ala-ala nila ng kanyang ama ng nabubuhay pa ito. Kahit kahiya hiya man dahil sa mga estrangherong tao na kaharap nya ngayon, gaanu man sya kagaling magtago ng kanyang emosyon ay dumating parin sya sa puntong bigla nalang syang humagulgol ng iyak, she broke down.
She cried her heart out. Kahit anung pagpapa kalma nito sa sarili ay sadyang nag uunahan ang kanyang mga luha sa pagpatak na para bang may mga sariling buhay. Hiyang hiya sya sa kanyang itsura ngunit wala itong magawa sa emosyong pilit kumakawala sa kanyang dibdib.
Her audience are there, silently watching her weeps. Wala man syang ni isang katagang sinabi ay ramdam nila ang bigat sa bawat pagtangis ng dalaga. Niyakap ni Blythe si Nikyle para aluin ngunit maging sya ay unti unti nading nilamon ng lungkot kayat heto silang dalawa ngayon, parehong nag iiyakan habang yakap yakap ang isa't isa. Kung sya nga na hindi kadugo ay labis na nalulungkot sa nalamang paglisan ni Joaquin Silva sa mundong ibabaw, ay paano nalang kaya ang kanyang nag iisang anak. Batid nito ang sobrang pagmamahal ng dalaga sa ama. Saksi ito kung gaanu pinapahalagahan, mahalin at asikasuhin ng ama ang kanyang anak. At inaamin nyang may lungkot at inggit syang naramdaman noon para kay Nikyle. Minsan na din nyang pinangarap na sana ay totoong magkapatid nalang sila.
Napabalik tanaw si Blythe while consoling her old friend.
She always knew Nikyle as a fierce, bold and determined woman. Which is the exact opposite of her father. A soft hearted, kind person but a cool dad.
Nang mag aral si Blythe ng fine arts sa Paris ay mag isa lang ito at nagsisimula pa lamang sa pagiging independent. Wala din syang mga kaibigan, maging sa klase ay aloof siya. She's that timid and shy girl in the corner. She hates the crowd. But Nikyle came into the picture and everything has changed.
May isang insidente noon na nagpahanga kay Blythe sa kapwa nya dalagang si Nikyle.
Eksaktong nasa isang parke sya noon at naka upo sa bench, enjoying the summer breeze. May isang turista sa Paris na tila naliligaw at nagtanung ng dereksyon sa isang lalaking may kalakihan ang katawan. Sa kahabaan ng kanilang pag uusap ay napataas ang boses ng babaeng turista na tila nakiki pag talo, na sya namang pumukaw sa atensyon ni Blythe sa di kalayuan. Napatingin si Blythe sa kabuuan ng parke sa pagbabaka sakaling may mga pulis sa paligid ngunit sa halip ay nadaanan ng kanyang mga mata at nasino ang kaklaseng si Nikyle. Tahimik lang ito habang nakaupo sa damuhan ng parke't inilalarawan ang view ng sikat na Eiffel tower sa kanyang sketch pad. Nagtatalo parin ang dalawang estranghero sa di kalayuan ng kanilang inuupuan at dinig nila na nais palang ideretso ng lalaki ang turistang babae sa isang lugar kung saan kasalukuyang may ginaganap umanong party, bagay na tinanggihan ng turistang babae. Ngunit mapilit ang lalaki at pilit na hinahawakan sa braso ang turista upang kaladkarin, kayat agad na tumayo si Nikyle upang lumapit at kinuwestyon ang estrangherong lalaki. Habang pinapanood ni Blythe si Nikyle na nakikipag usap ay bigla nalang itong nagulat ng biglang hampasin ng kanyang dalang bag ang lalaki kasunod ang kanyang sketch pad. Nang akmang aambangan sana sya ng sapak ng lalaki ay itinutok nito ang kanyang dala dalang lapis na kanina'y gamit nya sa pag ddrawing. At ng napatigil ang lalaki sa akmang pag suntok ay sinipa nya ito sa maselang bahagi kaya naman namilipit ito sa sobrang sakit. Agad nyang hinila ang turistang babae saka inilapit sa mga pulis at nagfile nadin ito ng report upang hindi na umulit at hindi sya balikan nito kung sakali.
Ninais noon ni Blythe na kaibiganin si Nikyle ngunit hindi nya alam kung papaano nya ito iaaproach. Sa tuwing mangahas itong lumapit at kausapin sya ay bigla syang nauunahan ng hiya kayat dali dali din syang tatalikod. Ngunit napansin pala ng huli ang laging pag titig at ang lagi nitong paglapit sa kanya kaya naman ito na ang kusang lumapit at kumausap dito, hanggang sa naging araw araw na silang nag kaka usap at magka sama. Dumating pa sa puntong lumipat na si Blythe sa apartment ni Nikyle, nagdahilan ito na pinalayas sya ng kanyang kahera dahil umano ilang buwan na syang delay sa pagbabayad ng upa sa kanyang tinutuluyan, kahit na ang katotohanan ay nag mamay-ari pala ito ng dalawang buong building sa sentro ng syudad.
Hindi alam ni Nikyle ang totoong katauhan ni Blythe dahil sinadya nyang ilihim ito. Ang gusto nito ay totoong kaibigan na makakasama, makakausap at makakaramay nya, hindi kaibigan lang dahil sa kung anong meron sya.
Nang magbakasyon ang ama ni Nikyle sa Paris ay kinumbinsi nya itong tumuloy sa kanyang apartment. Hindi nagustuhan ni Joaquin ang request ng kanyang anak lalo pa at may kasama din itong kapwa babae sa kanyang tinutuluyan. Ayaw niya ang ideyang iyon kayat nag check in nalang ito sa isang malapit na hotel. Ngunit mapilit si Nikyle at talagang hindi sya kinausap ng magdamag. Ani Nikyle ay walang masama sa pagpapatuloy nito sa kanyang apartment dahil ama naman niya ito. Tanging mga malisyosong tao lamang umano ang makakaisip ng masama sa set up na nais nya. Ilang beses na ipina intindi ni Joaquin sa anak ang kanyang side ngunit sadyang mapilit ang dalaga. Nais lang umano nitong makasama ang ama sa iisang bubong dahil hindi niya nagawang maranasan ito habang siya ay lumalaki. Nais umano nyang maramdaman ang pakiramdam na may ama syang naghihintay sa kanya sa pag uwi, at amang aasikaso sakanya kapag ito ay may sakit o amang makakaramay at mag tatanggol kapag may nang aapi sa kanyang anak. Sa mga salitang iyon ni Nikyle ay hindi na nakatanggi ang kanyang ama at nangyari nga ang gusto nitong mangyari.
Bagaman hindi kalakihan ang apartment ni Nikyle ay masasabi ni Blythe na isa ito sa kanyang naging tahanan. The days with Mr. Joaquin Silva and her daughter were a total ten for her. He's the best dad. He pampered her daughter with love and care. He makes sure that he felt loved and wanted in this cruel world. He's a cool dad who tolerates her daughter's madness. Yet he's strict and on point about things that she should consider. At kasama na sya doon dahil hindi iba ang pagturing nito sa kanya. He considered her as his youngest daughter dahil nauna ng dalawang buwan si Nikyle sa kanya. Naalala pa nga ni Blythe na tinatawag sya nito noong "bunso". Kayat minsan hindi maiwasang ikumpara ni Blythe ang sariling ama sa Daddy ni Nikyle. Which makes her very guilty and sad.
For her, Nikyle and Joaquin Silva are her favorite person in the world. She love and considered them as her family.
But just like every stories, everything has an end. Nagpaalam si Joaquin at Nikyle na uuwi ng Pilipinas upang asikasuhin ang mga personal nilang problema lalo na sa kanilang negosyo. Nalungkot man ay wala itong nagawa. They promised to keep in touch and Blythe even promised na ito naman ang magbabakasyon sa Pilipinas, bagay na hindi na nangyari. Noong una ay halos gabi-gabi pa silang nagkaka usap o kaya naman ay kung may bakante silang mga oras. Ngunit dumating sa puntong pareho silang naging abala sa mga personal nilang buhay hanggang sa nabawasan ng nabawasan ang kanilang komunikasyon at napabarkada na nga si Blythe sa ibang grupo ng kababaihan na mahilig magpunta sa mga club upang magparty. Naglaon ay wala na silang kumustahan.
"What an interesting evening." Sylvester mumbled na pumukaw sa pagbabalik tanaw ni Blythe sa nakaraan.
"Perhaps this night were really destined to happen for some reason don't you think?" baling nito kay Nestor na napatahimik din sa mga narinig at nalungkot para sa kanyang dating kaibigan.
"Yes indeed." tanging nasambit nito.
"I'm so sorry, I really I am. I didn't mean it. I didn't mean all of this. I... Im sorry for interrupting your dinner. I'm sorry for ruining the mood." Hinging paumanhin ni Nikyle sa gitna ng kanyang pag iyak.
"Im sorry if kayo yung naisip kong hingan ng tulong. I'm so sorry if you don't want us. I'm so sorry if I caused you too much trouble! I really am sorry!" Baling ni Nikyle kay Kendrick na sinubukang tumingin sa kanyang mga mata.
"Pasensya napo kayo, hindi kopo sinasadya! Sobrang sorry po talaga!" Baling din nito sa mag asawang Nestor at Nathalie, yumuko yuko pa ito sa lahat saka patakbong umalis.
Somehow Kendrick felt a glimpse of guilt in his heart. Saglit lang nagtama ang tingin nila ni Nikyle ngunit kitang kita nya ang sakit sa mga mata nito. Ang bigat ng dinadala nito sa kanyang mga balikat. He understands the burden na tanging ikaw lang ang inaasahan ng maraming tao kaya dapat araw-araw ay kailangan mong gawin ang best mo. Because he himself does it. Araw-araw itong nagtatrabaho at nag iisip ng ikabubuti para sa kanilang kumpanya, ang kumpanyang inaasahan ng libo libong manggagawa.
Tila dinaanan naman ng mga santo ang hapag. Nobody uttered any words. Biglang tumayo si Kendrick sa kanyang kinauupuan ng maalala nito ang tagpo kanina sa dagat. Nakaramdam ito ng pag aalala para sa kakaalis na dalaga. Hinabol nya ito ngunit hindi nya makita, kaya naman lumabas na ito ng kanilang solar. Lakad takbo ito habang palinga linga sa paligid. Tumigil sya saglit sa paghahanap upang habulin ang kanyang paghinga. Napa yuko pa ito at napahawak sa kanyang mga tuhod. Saka panaka nakang tumitingin sa paligid. Bahagya pang kumunot ang kanyang noo ng may maaninag na bulto na naka upo habang nakayuko sa gutter ng kalsada. Unti unti itong humakbang palapit habang sinusubukang sinuin ang bulto upang makasiguro.
Saka napabuntong hininga ng makumpirma na ang dalagang hinahanap nga ang taong naka upo sa gilid ng kalsada.
"Alam mo bang mukha kang ewan sa itsura mo dito?" Ani Kendrick na naka pameywang. "You looked like a runaway bride or if not, a runaway patient from a mental hospital!" Dagdag niya. Wala sa plano ni Kendrick na ganun ang sasabihin sa dalaga ngunit sa hindi nya malaman ay gustong gusto nya itong supladuhan. Maging siya ay nagtataka sa sarili at sa mga salitang lumalabas sa bibig. "Damn it Kendrick!" Mura nya sa kanyang isip.
Hindi naman sumagot si Nikyle sa mga ibinulalas ni Kendrick bagkus ay tiningala nya ito saka sinamaan ng tingin.
"Tsk! May multiple disorder ka ba? Kanina todo iyak ka sa beach. Tapos balak mopa magpalunod, idadamay mo pa ako na nandoon para sana magrelax! And then at the dinner table you were weeping again. Halos maghalo na yung luha at uhog mo sa ilong saying how sorry you are! Tapos ngayon naman ang sama mo maka tingin saakin? Nag aaddict kaba?" Yamot na tanung ni Kendrick.
"Bakit kaba kase andun? At bakit karin nandito ngayon? Ano, sinusundan mo ako?" Taray na tanung ng dalaga.
Hindi naman makapaniwala si Kendrick sa narinig, hindi kase ito ang ineexpect nyang reaksyon mula sa dalaga.
"Wow! Who are you para sundan ko?" Mulagat nito.
"Exactly! Ako, may valid reason ako kung bakit ako nandoon eh ikaw? Anu rason mo para mapunta sa lugar na iyon gayong dapat ay nandoon ka sa opisina mo? Don't tell me nagpunta ka doon upang mag swimming na naka business suit?" Pasupladang sagot nito.
"Ahh! Ganun ba? Valid reason pala ngayon ang pagpapalunod o pagpapaka matay.. mmmnn 'kay!" patuyang sagot ng lalaki saka napamulsa.
"Huh! Aba't! Haaaahhhhhhh!!!!!" Sigaw ni Nikyle habang ginugulo gulo ang buhok, bagay na nagpa lundag kay Kendrick sa sobrang gulat.
"What the heck? Are you crazy?" Inis nyang tanung.
"Sorry! Ganun talaga ako pag nang gagalaiti sa inis. Sa sigaw ko inilalabas!" Patuyang sagot ni Nikyle habang pinanlalakihan ng mga mata ang lalaki, unti unti pa itong tumayo habang mabagal na humahakbang palapit kay Kendrick.
"You're creeping me out lady!" Kendrick mumbled.
"Oh yeah?" Ani ni Nikyle na nananatiling pinalalaki ang nga mata upang asarin lalo ang lalaki. Kung may makaka kita siguro ngayon ng itsura nya ay matatakot din dahil mukha itong nawawala sa sarili na handang manakit.
"Ssstopp it! Stopp right there! Don't come any closer! Hey!" Nabubulol na ani Kendrick na tila apektado sa ginagawang pananakot ng dalaga.
"Hahahaha!" Halakhak ni Nikyle na umalingaw ngaw sa lugar na iyon. Mejo madilim pa naman sa pwestong iyon kaya nakaka dagdag talaga ng takot ang itsura nito. Idagdag pang tahimik at walang katao tao.
"God you're crazy!" Muling tinig ni Kendrick na umaatras habang umaabante naman palapit ang dalaga.
"Oh please, please stop!" Kendrick yelled.
"Awww... you're so cute when you beg!" Nikyle in a sarcastic voice. "Scared much? Hah! I can't believe that a Kendrick Zarate will get scared that easily. Tsk, weak!"
"Hey! I am not scared!" Sagot ni Kendrick.
"Tologoh buhh?? Weehhh!" Tuloy na pang aasar ni Nikyle.
"If you're not going to stop I'll leave you alone at hahayaan kitang maglakad pauwe sa kung saang lupalop ka man nakatira kahit pa gabi na!" Kendrick tried to flip the card.
Napahalakhak naman si Nikyle sa narinig na lalong nagpa asar kay Kendrick. "You really are a weird mammal!" Bulong nito sa sarili ngunit sapat upang marinig ni Nikyle na patuloy lamang sa pagtawa.
"Naka high ka ba? You know what, never mind! Bahala ka sa buhay mo! Alam moba kung anong iniwan ko sa bahay para sundan ka? Iniwan ko lang naman ang mga El Diejos, an international company! Mga importanteng bisita ang iniwan ko doon dahil akala ko ipapahamak muna naman ang sarili mo! Nag aalala ako para sa sayo! Pero mali pala, dapat hinayaan nalang kita! Baliw!" Galit na singhal nito saka humakbang paalis.
Napatigil naman si Nikyle sa paghalakhak saka pinagmamasdan ang papaalis na bulto ng lalaki.
Napag tagni tagni nya ang sitwasyon mula sa pagkikita nilang muli ni Blythe hanggang sa mga huling salita ni Kendrick sa kanya. Napagtanto nyang ang sikat at namamayagpag na El Diejos Group sa larangan ng kape at alak ang nakaharap nya pala kanina sa hapag. Nakuha nya kaagad kung bakit nandoon ang mga ito. Business.
At unti unti nadin itong nalilinawan kung bakit nandoon si Blythe. Kung totoo nga ang kanyang hinuha ay ibig sabihin lang na niloko sya ni Blythe. Wala syang nakikitang rason kong bakit inilihim nito ang kanyang totoong pagkatao gayong naging totoo ito sa kanya. Naalala din nyang naikwento noon ni Blythe na may kakambal syang lalaki, marahil ay ito ang katabi nya kanina at ang kanyang ama, ang sikat na si Sylvester El Diejos ay ang ginoong nagtanung kung nasaan ang kanyang ama. Tugma ito sa isang editorial na nabasa nya noon, na may fraternal twins nga daw na taga pagmana ang El Diejos Group at halos kaedad lamang nya. Lahat ng ito ay mabilis na naiproseso nya sa kanyang isipan. Napatakip pa sya ng bibig ng maalala ang litrato ng ginoo at kasama ang kambal sa mga gamit ni Blythe, bagaman nag ahit lang ngayon ng bigote sa mukha ang ginoo ngunit hindi maikakailang siya nga ang nasa litrato. Bukod pa doon ay mula si Blythe sa bansang Spain. Ang tahanan ng El Diejos Group.
Napaisip si Nikyle, maraming mga tao at pamilya ang umaasa at naka atang sa kanyang mga balikat. Bukod pa doon ay nakatayang maglaho ang legacy ng kumpanyang pinayabong at pinaghirapan ng maraming taon ng kanyang pinaka mamahal na ama at hindi nya gusto iyon. Mas lalong hindi sya papayag na hayaang mawala ng hindi sinusubukan ang lahat. Para sa kanya bahala na si Batman kung anung kahihinatnan ng kalokohang naiisip nya, it is her last resort anyway.
Walang anuy tila natauhan ang dalaga at biglang nagliwanag ang kanyang mukha saka dali daling hinabol si Kendrick. Nang malapit na ito sa lalaki ay agad nyang inihagis ang sarili sa likuran nito. Naglambitin sya sa leeg ni Kendrick, mabuti nalamang at naibalanse agad ng lalaki ang katawan kayat hindi sila parehong natumba.
Balak sana ni Nikyle na sakalin ito patalikod gamit ang kanyang braso. Ngunit sa kasamaang palad ay nagkamali sya ng tantya, napasubsub sya sa matigas na likuran ni Kendrick at ang sanay pagsakal niya ay naging lambitin. Pasalamat nalang ito at hindi sya o sila parehong natumba kung hindi ay mas nakakahiya ang palpak na kagagahang naisip nya.
"What the f**k is wrong with you? Are you a real retard?!" Galit na tanung ni Kendrick sa pagkaka bigla at nasaktan din sya sa ginawa ng dalaga. Umubo ubo pa ito dahil sa pagkaka sakal.
"Ahh.. anu kase yung-" Hindi malaman ang sasabihing ani ni Nikyle saka malakas na umiling at huminga ng malalim at pinatatag ang sarili.
"Mr. Kendrick Zarate, I am Nikyle Silva. Daughter of Joaquin Silva the owner of Binhi Brews Corporation I made my own kagagahan just now to threaten you in exchange for a deal." Matatag at taas noong ani Nikyle.
Tumaas naman ang kilay ni Kendrick sa narinig saka ito naman ang humalakhak na parang sira ulo.
"You're unbelievable! You are a something do you know that? Tsk, threaten who? Me? How?" Pagmamaliit nito.
"Blythe El Diejos. Only daughter of Sylvester El Diejos the chairman of El Diejos Group. Alam ko kung bakit sila nandito. At kung ano ang ginagawa nila sa bahay nyo. You were in a middle of a deal tama ba ako?"
"Por favor mujer, but you can't used that against me. He is a businessman, he thinks, acts and decides professionally. Hindi sya katulad ng iba jan na parang galing pa sa mundo ng mga Apes kaya napaka uncivilized maki tungo sa mga tao!" Sarkastikong sagot ni Kendrick.
"You sound confident Mr. Zarate! Baka nakakalimutan mo Blythe also have an important position in their company. Mataas ang posisyon nya!" Pagyayabang ni Nikyle kahit na hindi sigurado sa mga lumalabas sa kanyang bibig. Kung maari lang ay gusto nyang sabunutan ang sarili sa kanyang ginagawa. Pakiramdam nya ay nagmumukha na syang timang at nonsense person sa kanyang mga naiisip na gawin. Ngunit nandoon na sya. Wala ng bawian kaya makikipag sapalaran nalang ito.
"So? I'm so sorry to disappoint you Miss Silva pero ang chairman na nila mismo ang nag confirm at nagsabi, tuloy ang partnership namin." Nakangising ani Kendrick na tila nang aasar. Gusto nyang ibalik sa babae ang asar na kanina nya pa nararamdaman dito. Kanina pa kase ito napipikon sa mga pinag gagagawa ng babaeng kaharap.
"Ehh anu ngayon? Nagkapirmahan naba ha? May kontrata? Asan?" Subalit ay hindi sumusukong anang dalaga.
Hindi naman sumagot kaagad si Kendrick dahil may punto nga naman ito. Ngunit mas naniniwala syang may isang salita ang CEO ng El Diejos kaya't pinunas nya ang alalahaning iyon. Bagkus ay sinalubong nya ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng dalaga. He saw through her eyes. Bagaman mataray ang asta nito hindi maikakaila na nasa mga mata nito ang kalungkutan. Ang mejo namumugto at mamasa masang mga mata nito ay mas lalong nagpaganda ng kanyang inosenteng mga mata. Nagkatitigan lang sila ng matagal, at meron pa syang isang nababanaag sa mga mata ng dalaga, takot.
"You don't need to behave like this just to get what you want. Huwag mo masyadong kawawain ang sarili mo para sa ibang tao." Mahinahong sagot ni Kendrick na titig na titig parin sa dalaga.
Right there Nikyle snap. Lumunok ito saka binawi ang tinging ipinukol kay Kendrick. She felt something warm right straight into her heart. Ayaw nyang maniwala ngunit hindi kaya'y nag iilusyon lang ito o assuming lang sya para isiping may senseridad ang huling kataga ng lalaki? Nagtatalo ang kanyang isip. Nais nya pa sanang tarayan ito to test him. She already prepared her sharp glare but when she looked back, Kendrick wasn't there, sa halip ay prente itong naupo sa gilid ng kalsada habang naka tingala sa kalangitan.
Ipinag kunot noo ito ng dalaga. She was behaving like a crazy b*tch a while ago, pero mukhang nireverse card ata ng tukmol na lalaki ang kanyang diskarte. Napahalukipkip na lamang ito saka tumayo sa mismong harapan niya.
"What are you doing? Tanung nito.
"Do you know the legend about the moon and sun?" He answered instead.
Ano na naman kayang paandar neto? Bulong niya sa isip. She frowned. "There sad love story? That they can't be with each other that's why this unusual eclipse where born? Is that it?"
"Uhm-hmn.. as expected, I bet you admired it yeah? Malamang you don't know din the saddest and dark part of their story." Kendrick still looking at the moon, surrounded by the stars.
"Saddest part? Ehh diba sa love story nila saddest part na yung mala Romeo and Juliet peg nila? Buti nga sila may eclipse pang nalalaman na nagtatagpo sa kanila kahit pa once in a blue moon lang! Kaya hindi nadin yun masyadong nakakalungkot nuh! Atleast, there's still hope for them to be with each other even if saglitan lang. Sa saglit na yun nayayakap at baka pa nga nahahalikan ni Moon si Sun oh edi naka pogi points na agad sya nun! Oh ehh paano nalang kung higit pa pala doon ang nangyayari pag nag mimeet sila? Sus!" Tuloy tuloy na daldal na sagot ni Nikyle na syang nagpa kunot ng noo ni Kendrick sabay tingin sa kanya na tila ba napapa "What the F!" sa kung ano anung sinasabi nito. He was too serious watching the skies while remembering the old story about it tapos may isang madaldal na babae sa harap nyang kung anu ano ang pinag sasasabi.
Marahas na napahilamos si Kendrick sa kanyang mukha saka napatingin sa dalaga na nakatingin din pala sa kanya habang nakataas ang dalawang kilay at nakahalukipkip.
" Wow! Ang green minded mo palang tao Miss Silva noh?! Tsk!" Tanging sambit nya.
"Oh eh bakit parang dismayado ka? Saka sinasabi ko lang naman ang mga posibilidad noh! Ikaw ba kung paminsan minsan mo lang mameet yung asawa mo sa loob ng ilang taon imposibleng walang mangyayari sa inyo. Jusko! Huwag ako! Kilala ko kayong mga lalaki!" Ismid ni Nikyle.
"You do sound like a married woman for you to be bold in uttering such words, but in reality you are not. Well, what can I say base sa pananalita mo at sa mga galaw mo halatang may experience kana." Kendrick answered as he remained seated, he relaxed his back in the air while his palms are rested in the ground.
"Hoy! Ganto ganto lang ako pero virgin pa to noh! Nagka boyfriend oo pero hindi ko sinuko sa kanya ang bataan ko! Excuse me!" Mataray na sagot ni Nikyle.
"Bat ang defensive mo?" Nakangising ani Kendrick na tila naaaliw sa reaksyon ng dalaga.
"Defensive? Hah! Abay dapat lang! Kase hindi naman talaga totoo mga sinasabi mo!"
"Alin ba doon ang hindi totoo? Na.... ?" Pambibitin ni Kendrick sa iba pang sasabihin.
"Hindi totoong may experience na ako okay! Birhen ako birhen! Naiintindihan mo?" Gigil na wika ni Nikyle na pinamumulahan na ng mukha. Hindi kase nito alam pero nahihiya syang pag usapan ang tungkol sa s*x life nya, marahil ay dahil totoong inosente pa naman talaga sya kung kayat naasiwa ito sa topiko at halatang inaasar pa sya ng lalaking kaharap nya ngayon.
"Pero bakit kaya ayaw kong maniwala sa iyo Ms. Nikyle Silva?" Patuloy ni Kendrick.
"Aba't tong lokong ito. Hah! Kung ayaw mo maniwala edi don't! Bahala ka sa buhay mo! Sinasabi na nga sayo ang totoo kaloka!" Ngitngit ni Nikyle.
"Prove it to me then." Kendrick confidently challenge her.
"Ppproove?" Tila naman nagslow ang utak ni Nikyle at nagloloading sa kanyang isipan ang sinabi ng huli. Ilang sandali pa ay napa mulagat ito at napa takip ng bibig.
"Hoyyyy!!! Anong akala mo saakin kaladkaring babae? Prove? Ano ako appliances na binibili mo sa mall? Tetestingin, gagamitin at kapag na overused iiwanan at papalitan? Hah!!! Over my dead sexy, curvy hot body! Noooo way!!!" Mahabang sagot ni Nikyle na tila umuusok ang ilong sa galit at sobrang kapikonan.
Napangiti naman si Kendrick sa asta ng babae. He won. That's exactly what he likes. Sa wakas ay ito naman ang nangpikon sa dalaga, nakabawi din ito sa kanya sa wakas.
"Anong nginingiti ngiti mo jan?" Takang tanung pa ni Nikyle ng makita ang nakaka lokong ngiti nito.
"Are you trying to undressed me in your imagination?" Sabi pa nito saka napatakip ng sarili gamit ang mga kamay.
"Tsk! As if! Excuse me din ha pero hindi kita type! Ayoko ng babaeng maingay at may sinto sinto! Para sabihin ko sa iyo, hindi ka ganoon kaganda! At hindi ka din ganoon ka sexy! Kaya pwede ba tigilan mo yan! Baka nga ikaw tong may gusto saakin eh! Kung ako sa iyo tigilan mo na yan, huwag mo akong pag pantasyahan, iniisip ko palang tumatayo na mga balahibo ko geez!" Tila diring ani Kendrick.
"s**t ka! Hoyy Mr. Kendrick Zarate itong nilalait lait mong katawan at mukha pinapangarap to ng maraming kalalakihan! Tapos ikaw dimo type kuno? Ang pangit na nga ng ugali mo, ang pangit pa ng taste mo! Pweh!" Inis na inis na may halong galit na singhal ni Nikyle dito.
"Glad I'm not one of those guy's then." Ngunit ay tila naka relaxed lang na ani Kendrick. He is celebrating his triumph inside. He felt victorious by pissing the woman who caused him a lot of trouble. Para sa kanya kulang pa iyon sa lahat ng abala na ginawa nito, not to mention ang pagka dismaya sa kanya ng kanyang ama, pagkatapos ay iniwan pa niya ang kanilang mga importanteng bisita. Lahat ng iyon ay dahil sa iisang tao, si Nikyle Silva.