Chapter 33

1568 Words
Umupo ako sa pwesto kung saan tinuro ng reyna noon ang pinto . Hinde ko talaga nakita ang pintong nakabukas ng oras na yon. Dahil may nga halaman ang mga nakasabit sa pader kayat hinde ko makita ang pinto sinabi ng reyna. Kinapa kapa ko ang pader hanggang sa may madiinan akong bato dahilan para kusang bumukas ang batong yon. Akala ko ay hinde ko na kakailanganin ng susi ngunit may bakal na pintuan sa loob nito. Doon ay nakita ko ang susian kaagad kong hinulma ng isang likido ang pinaka butas ng susiang iyon. kaagad ay nilagay ko sa bote ng buhangin upang kaagad tumigas ang aking kinulma. Tila na pansin ko na may aninong pababa sa hagdan mula sa loob nito kayat kaagad kong sinara ang batong pinto. Kailangan ko nang umalis dito dahil baka may makakita pa sa akin. Nilagay ko na ang bote sa aking lalagyan . " Ano yon! May narinig kabang yabag mula sa loob?" . - narinig ko sabi ng kawal at binubuksan nito ang tarangkahan papasok ng puno ng velvet . Mabilis naman akong nakaakyat ng pader at pumunta sa labas na prang walang nangyari. " Mga ginoo!" . .- sigaw ko sa kawal na nasa loob na ng puno ng velvet " Walang tao siguro ay guni guni lamang natin ang ating nga narinig !" . .- sabi ng isang kawal . "Oh nasaan na ang iyong kasintahan?" . .- tanong ng isang kawal Umarte ako na parang nabigo sa pagibig . " Malabo ginoo! Hinde pala ako ang kanyang iniibig ! Tila hinde umaayon sa akin ang panahong ito!" . .- aking sabi na tila may lungkot sa aking mukha. " Ganyan talaga ang pagibig iho talagang minsan ay ikaw ay mabibigo!" . - sabi ng isang kawal na habang sinasara ang tarangkahan " Maraming salamat ginoo ! lalot sa pag babantay nyo sa aking alaga! Bigo man ako sa pag ibig ay may alaga naman akong kabayo hehe !" . . - pagbibiro ko sa mga ito " Ang mahal mahal ng iyong kabayo makakabili kana ng malawak na lupain . Kayat kung ako sayo bata ka pa naman ay paramihin mo ang iyong kabayo at ibenta mo rin ito sa malaking halaga!" . - pag papayo nito Dahil sa may ginto akong dala ay inabot ko din sa kanila ang tag isang ginto . Dahil hinde rin biro ang pag babantay nila sa puno ng velvet. " Handog ko sa inyo ang nga gintong yan pasasalamat sa pag babantay ng aking kabayo ." . " Maraming salamat !" . .- nakangiti nitong sabi Sumakay na ako sa kabayo at umalis . Tapos na ang aking pakay ngayon ay kailangan ko nang gumawa ng susi na kagaya nitong nasa hulmahan. Ang nga kagamitan ko sa pag papanday ay nasa veril na magagamit ko sana sa pag gawa ng mga susi. Kung pupunta ko ng veril ay isasama ko si Eight upang makapamasyal narin ito sa veril. Nakauwi na ako sa bahay nila fuego at bumangad sa akin ang nag lalambingan na si fuego at fussia. Tila walang minuto na hinde sila magkayakap o mag kasama. " Maari ko ba kayong maistorbo! Ibabalik ko na sana itong iyong kabayo!" - sabi ko at tila wala silang narinig kayat tinali ko nalang ito at syaka pumasok sa loob ng bahay Pag pasok ko ay bumungad naman sakin si Eight. Kung si feugo at fussia ay hinde mapaghiwalay . Ang matandang si Eight naman ay hinde mapaghiwalay sa pag kain. " Manong! Gusto mong sumama sa veril?" . .- tanong ko kay eight " Saan ito?" . . " Sa dulo ng kaharian , doon ko gagawin ang aking susi dahil naroroon ang aking mga kagamitan!" . "Sasama ako sa iyo ngunit tiyakin mo na marami doong pagkain!" . - sabi nito na kahit kailan ay hinde nabubusog Inayos ko na ang aking gamit at maging ang bigay ni hirae na damit na aking susuotin mamaya sa aking misyon. Paglabas namin ay namataan namin na nag hahalikan ang mag kasintahan. " ehemmm!" . .- kunwaring umubo ang matandang si Eight Nagulat ang dalawa nang nakatitig kaming ni Eight sa kanila at may mga dalang gamit. " Oh ginoo narito kana pala! Anong mga dala ninyo?" . - tanong ni fuego " Hinde kayay lalayas na kayo ?" . - sabi naman ni fussia " Pupunta kaming veril at doon mag lalagi ng isang gabi !" . . - aking sabi " Kung ganon ay sasama ako!" . .- sabi ni fussia at bigla itong niyakap ni fuego " Huwag ! huwag kang umalis sa aking tabi!" . - pagmamakaawa ni fuego kay fussia na tila sa ibang kaharian ito pupunta . " Nasosobrahan na ata kayo sa pag mamahalan!" . - napansin ni eight " Tama tila iba na ang kinikilos nilang dalawa ! Wala na sa tamang katinuan ! Mas mabuti pa siguro na mag kaaway kayo!" . .- dagdag ko naman sa sinabi ni eight " Manahimik kayong dalawa ! Sasama ako sa inyo dahil ilang araw ko na din hinde nakikita ang mga bata ! Mahal ko babalik ako bukas ngunit hinde ako mag tatagal dahil may pupuntahan ako na ilang araw ko na din hinde napupuntahan!" . .- paalam nito kay fuego " Maari bang sumama ako?" . - tanong naman ni fuego " Aisshhhh nakakaumay kayong dalawa ! Tara na at humanap ng sasakyang kalesa !" . - Sabi ni Eight " Ako na lamang ang mag hahatid sa inyo!" . - sabi nito. Nang natapos ang diskusyon ay si Feugo ang nag hatid sa amin sa veril. Tila nilalangam sa tamis ang dalawang mag kasintahan . Nang natatanaw ko na ang kagandahan ng veril ay biglang sumakit ang aking ulo at may alalang pumasok sa aking isipan. " Maaring tama ka pero paano kung hinde mo mamayan ang pwedeng gumawa sayo ng bagay nang hinde mo inaasahan ?". " tulad mo?" Biglang pumasok ang usapan naming iyon ng reyna sa aking panaginip. Tila may pahiwatig ang biglang pag pasok ng alalang iyon. " Anonv nangyayari sayo Mora !?" . .- napansin ni Eight na nakahawak ako sa aking ulo " Tila biglang sumakit ang ulo ko at may naalala akong usapan namin ng isang babae sa aking panaginip!" . .- sabi ko dito " Ano ito?' - tanong nya sa akin ngunit hinde ko ito pwedeng sabihin sa iba dahil baka isipin nila na akoy may sakit sa aking utak. Sa wakas ay nakarating na kami sa veril. Natatanaw ko na ang mga batang nag lalaro sa labas ng aking tahanan. Mas mabuti siguro kung mag patayo ako ng mas malaking bahay . Kakasya naman siguro ang tatalong ginto. " fusssiaaa !" . .- sigaw ng mga bata ng makita kami na nakasakay sa kalesa " Ginoong Mora ! yohoo!" " Mga ate nandito na sila !" . . .- walang paglagyan ang tuwa ng mga alaga ni fussia . Biglang lumabas si Casu na gulo gulo ang buhok nito . Bumaba na kami sa kalesa ay tila nagulat din si casu ng makita ang alalay ni fuego kay fussia ng pababa ito. " Ano ang aking nasasaksihan? " . . - tanong ni casu sa kanyang sarili . Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nito . " Ilang araw na silang ganyan ! kailangan mo nang masanay casu!" . - sabi ko " oh ginoo kamusta ! ang tagal mo nawala ! Mabuti at nakabalik kana!" . . tuwang tuwa ito at niyakap ako " Tila na hinahanap ko ang luto mo noong nawala ako ! Sandali bakit naman ganyan ang itsura mo?" . - tanong ko kay casu na may mga uling sa mukha nito at gulo gulo ang buhok pati narin sira sirang nga damit . " hay nako ginoo! sino hinde magiging itsura kapag iniwanan ka ng napaka raming bata na makukulit. Ilang araw na ako ang nag aalaga sa kanila. Si Daisy ay abala sa mga negosyong iniwan ni fussia ! Sya nga pala ginoo!? Sino ang lalaking matandang iyon?" . ,- tanong nito nang makita si Eight na pinag kakaguluhan ng mga bata. " Tulong !" . - sigaw nito at nag tawanan naman kaming dalawa . Pumasok na kaming sa loob at hinayaan lang namin si Eigjt na pag laruan ng nga bata. " Ang lalaking nasa labas ay aking tiyuhin ! " . - sabi ko " Ah ito pala ang sinasabi ni daisy na kasama mong bumalik dito! Pero ginoo paano at ganyan na kalapit ang dalawang iyan?" . .- pag tatakang tanong ni casu dahil nag haharutan sa harapan namin si fuego at fussia " Maaring sila ang iyong tanungin! Maiwan muna kita may kailangan akong gawin !" . - sabi ko at hinanap ko ang mga kagamitan ko sa pag papanday pati na rin ang kagamitan sa pagtunaw ng ginto o metal. Sa likod ako ng bahay gumawa dahil ang hangin ay pasalubong sa harap ng bahay . At delikado din sa mga bata na pumunta sa aking ginagawa dahil kakailanganin ko ng apoy. " Meow! Meow !" - nagulat ako ng may pusa pala sa aking tabi at maamong nakatingin sa akin kayat hinimas himas ko ang ulo nito at bigla na naman sumakit ang aking ulo at may alala na namang sumagi sa aking isipan ... ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD