Chapter 32

1512 Words
***KINABUKASAN*** Maganda ang aking gising dahil sa pinabaon na tsaa ni Hirae. Tsaa na gawa sa bulaklak ng frihill. Sinabi nito na inumin ko daw ang tsaa tuwing gabi at gagaan daw ang aking pakiramdam pag kagising . Tama ang sabi nito, marami silang pinabaon na oag kain at bulaklak na gamot sa amin. Tuwang tuwa ang mag kasintahan na Fussia at Fuego dahil sinulit nila ang nga sandali nila dahil dito na naman kami natulog sa bahay ni fuego. Siguradong maganda ang gabi ng dalawang ito. Pag labas ko ng hardin ay nakita ko si Eight na tumatakbo at nag eehersiyo. Mukhang uminom din ito ng tsaa na galing kay hirae . " Oh moon gising kana pala!" . - sabi nito sa akin ngunit nakalimutan ata nito na huwag akong tawagin sa aking tunay na pangalan . " Ginoo tila nalilimutan mo ata kung sino ako ? " - sabi ko dito at biglang naisip na mali ang tawag nito sa akin " Pasenya na ikaw nga pala si Mora !" . .- sabi nito " Akala ko ay hinde ka marunong mag exersisyo at puro pag kain lamang ang nasa iyong isip ?" . - pang aasar ko dito " kahit akoy matanda na ay kailangan ko din naman panatalihin ang aking kagwapuhan at kakisigan ng pangangatawan. Kaya ako kain ng kain ay nag iipon ako ng lakas para sa aking pagpapalakas ng katawan ! Hinde naten inaasahan kung kailan darating ang gyera kayat palaging maging handa !" . .- seryosong sabi nito, tila kita naman sa kanyang katawan ang ginagawa nitong pagaalaga. " Gyera dahil papuntahin ko ang iyong asawa upang dukutin ang iyong mga mata dahil busog na busog ito sa mga magagandang binibini dito sa kaharian ng independentas !" . .- sabi ko dito dahil kahapon ay nakita ko syang kasama ang mga mariposa sa paliguan nong nililibot ako ni hirae sa kanilang tahanan " Hinde mo yun mapapaniwala ! Dahil alam nya na kahit maraming magagandang binibini sa paligid sya lang ang aking iibigin! " . . - sabi nito na umaksyon pang pahawak hawak sa kanyang puso " Hinde mo ba batid na mamayang gabi na ang tinakda kong pag pasok sa talaan sa loob ng silid ng mahal na Reyna ?" . . - sabi ko dito dahil wala namang tao sa paligid ay malaya namin mapapag usapan ang plano tungkol sa misyon. " Nakalimutan ko na bilog ang buwan ngayong gabi! Dahil naganda ang panahon! Ngunit ano ang iyong plano?" . .- tanong nito sa akin at tinigil ang kanyang ginagawang pag ehersiyo " Napag alaman ko na may lihim na pinto papunta sa silid ng reyna, na matatagpuan ang pintong iyon sa Puno ng velvet. Nalaman ko din sa bahay nila hirae na may daan papuntang palasyo. Sa dalawang iyon lamang ang tanging daan na maari kong pasukin. Dahil kapag sa bintana muli ako ng reyna dumaan ay mahuhuli na ako nito dahil alam kong magiingat na ito!" . .- paliwanag ko " Ano ang iyong desisyon? Saan ka dadaan para makuha mo ang talaan?" - tanong nito " Kung sa bahay nila hirae ako dadaan ay naisip ko na hinde ito deretsyo sa silid ng reyna kaya ang magiging problema ko ay ang mga kawal na pakalat kalat sa palasyo. Kung sa pinto mula sa puno ng velvet ay tiyak akong kailangan ng susi kayat ngayong araw ay kailangan kong pumunta sa puno ng velvet at ihulma ang susi at ipagawa ko sa gawaan ng susi! " . . " Paano kung ang susian ng pintong iyon ay bukod tangi ? at alam ng nga gawaan ng susi kung para saan ang hinulma mong susian? " . . .- palaisipan nito . . " Tama ka sa iyong palaisipan ang alam ko ay isa lang ang gawaan ng susi dito sa kanilang kaharian kaya posibleng alam nito kung ano ang susian sa pinto na nakatago sa malapit sa puno ng velvet! Walang ibang tanging paraan kundi ako ang gumawa ng susi . " . .- sabi ko kay eight at tumango tango lamang ito bilang pangsang ayon. " Kailangan mo ba ng tulong? " . . - ilang araw ko na itong pinagiispan kung isasama ko sya sa pag pasok ng palasyo o hinde. Dahil kung sinama ko sya ay maaring bumagal ang misyon at hinde ko rin pwedeng isa alang ala si Eight ! Kung isasama ko sya at mahuli kaming dalawa ng palasyo ay tiyak kong katapusan na ng aking misyon. Ngunit kapag ako lamang ang napahamak ay tiyak akong tutulungan ako ni eight . " Hinde dahil kailangan kita sa ibang bagay... Ang tanging gagawin mo lang ay mag hintay at huwag mong sasabihin sa iba ang tungkol sa misyon at ang sikreto ng hari ng feiliposna ! Maliwanag?" - paalala ko dito " Maliwanag ! Hinde ko rin naman gustong sumama sa loob ng palasyo dahil ayoko pang mamatay ! Sana ay mag tagumpay ka Moon!" Ilang oras ang nakalipas ~~~ " Ginoo!" . .- tawag ko kay fuego na pinapaliguan ang kanyang kabayo " Anong kailangan mo ginoo?" . .- tanong nito. " Nais ko sanang hiramin ang iyong kabayo! Gusto lang ang puno ng velvet!" . .- sabi ko "Nako ginoo hinde ka makaka pasok sa Puno ng velvet dahil may mga nagbabantay na kawal doon at may malaking pader na ang nag proprotekta sa puno ng velvet ." . .- paalala nito. " batid ko ginoo ngunit hinde naman ako papasok doon lamang ako sa labas at tatanawin ang nga nakalitaw na dahon! " - para akong batang nangungulit na payagan ako nag lagayag " Ginoo! pinapaalalahanan lang kita ! Ang puno ng Velvet ay lason!" " Batid ko lahat ang mga bagay na tungkol sa puno ng velvet ginoo! Nais ko lang talaga ito nasulyapan bago kami umuwi ng veril mamaya !" . - kung gabi lang ay sa bubong nalang ako dadaan ng walang nakakalam na kahit sino ngunit dahil kailangan ko ng oras sa paggawa ng susi ay kailangan kong pumunta nang mas maaga pa dito . " Hayss hinde na kita mapipilit kaya eto at gamitin mo ang aking kabayo! alagaan mo ito dahil bigay ito ni fussia !" . . - pag papaalaa nito. Ang tanging problema ko na lamang ay paano ako makakalusot sa mga kawal lalot ngayon ay maliwanag at may sikat pa ng araw . Tamang tama din ang binigay sa akin ni hirae na itim na kasuotan at maskara. Binigyan nya ako nito dahil sa isa daw akong tagapagligtas kayat nababagay ang kasuotan at maskarang iyon. Isa din pala sa dapat kong alalahanin ay ang reyna. Dahil possibleng gising pa ito sa kabilugan ng buwan. Batid ko na gustong gusto ng reyna ang liwanag na nanggagaling sa buwan . Inihanda ko na ang aking gagamitin para hulmahin ang susian na daan papunta sa silid ng reyna. Nakahanda na rin ang aking kabayo na sasaakyan gayundin ang aking espada. Mas maigi nang maging handa sa anumang posibilidad na mangyari. Papunta na ako sa puno ng velvet at ilang minuto lang ay natatanaw ko ang mga kawal . Dalawa lamang ang nag babantay sa sandaling ito. " Mga ginoo! " . .- tawag ko dito " Maari bang iwanan ko muna sa inyo ang kabayong ito dahil nais ko lang larain ang aking pupuntahan mula dito?" . . - aking sabi " Ngunit ginoo? maari mo naman dalhin ang iyong kabayo sa iyong pupuntahan!" . - pagtanggi ng isang kawal " Nais ko sanang isurpresa ang aking tinatangi ng jsang kabayo! kayat balak ko syang sunduin sa kanilang tahanan at dalhin dito! dahil kung dadalin ko ang kabayo ay tiyak ay wala nang surpresa ?!" . . " Sandali lamang ginoo! Dahil kailangan namin mapanatili ang siguridad ng Puno ng velvet!" . - sabi nito " Naiintindihan ko! Ayoko kasing iwan ang kabayong iyan kung saan saan dahil nabili ko itong kabayo ng tatlong pirasong ginto !" . .- aking sabi " ang mahal naman ng kabayong ito!?" . - gulat nilang sabi Umalis na ako at kunwari ay umalis na para punatahan ang kasintahan pero ang hinde nila alam ay umakyat akk kaagad ng pader ng makarating ako sa tuktok ay syka ko sinimulan ang aking plano. Dahil nilagyan ko ng langgam ang paa ng kabayo kayat bigla itong nag wala at tumakbo . hinde alam ang gagawin ng mga kawal. natatawa ako sa aking kalokohan ngunit kawawa ang kabayong iyon nu fuego. Tiyak akong hahabulin ng kawal ang kabayo dahil iisipin palang nila ang halaga nito ay tiyak na matatakot itong mawala ang kabayo. Bumaba na din ako sa puno ng velvel. Ngayong umaga ay kitang kita ang kulay pulang mga dahon nito. Hinanap ko ang pinto na tinuro ng reyna Ngunit hinde ko makita ang buong paligid. Tila nakatago ito dahil sa mga parehong mga wangis ng pader. Kinapa kapa ko ang buong paligid ngunit wala akong makitang nga ginto. Hinde kaya ay panaginip na naman ang pintong iyon . ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD