Chapter 31

1459 Words
Habang nakaupo kami sa malaking salas sa bahay ni Hirae ay may nagdala sa amin ng mga tsaa na gawa sa bulaklak. At mga tinapay na Ilan ay gawa rin sa bulaklak. Natatandaan ko na ganito ang mga tinapay na dala ni hiraeng maging alipin kami sa gintas. Nakakapagtaka ay paano ito nakuha ng mga mangangalakal at maging alipin. Mga ilang minuto ang lumipas ay may dumating na Isang matandang babae na iba ang kasuotan. Nakita namin na nag bigay pugay ang ibang mga kababaihan sa kanya. " Magandang araw Picasa !". -bati nilang lahat sa magandang babae " Magandang araw sa inyo mga mariposa !". - Sabi nito, ibig sabihin ay mariposa ang tawag nito sa mga babaeng kaninang nag alalay sa amin papunta dito. May nabasa akong libro noon na ang mariposa ay isang taga pangalaga ng bulaklak at may kakayahan na magparami nito. Lumapit ang tinatawag nilang Picasa sa amin at umupo din ito kaharap kami. " Maligayang pag dating sa aming tahanan ! Ako ang Ina ni Hirae ako si Picasa , kinagagalak kong makita kayo!". - pagbati nito sa amin at tumungo, muli rin kaming bumati at tumungo bilang paggalang . Mukhang bata rin ito kahit matanda na katulad ni Eight kaya't masasabing walang kupas. " Kinagagalak po namin kayong makilala!". - Sabi ko " Sino sa inyo ang tinutukoy nyang nagligtas sa kanya ? Nais ko sanang pasalamatan!". - tanong nito na siguro ako ay tinutukoy nito. " Maraming salamat ngunit hinde ko sila iniligtas! Iniligtas lamang nila ang kanilang sarili. ". - Sabi ko, nagulat ako dahil pag kalingon ko sa aking paligid ay Wala na si Eight na kanina ay kumakain lamang . Mahirap talaga kasama ang mga pasaway. " ang ganda ni Hirae ginoo? Siguro ito ang iyong tinatangi!". - bulong sakin ni fussia na hanggang dito ay hinde parin nila malilimutan " Hinde ko tinatanggi si Hirae ! Maliwanag !". - bulong ko dito na may pagkadiin ang bigkas. Ngunit ngumisa lamang ito sa akin. Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na din si Hirae. Tila ibang iba ito sa Hirae na nakasama ko sa gintas. Tila mayumi at magarbo ang kanyang kasuotan. Makikita rin ang pagiging maharlika sa pananamit at kilos nito. Umupo ito sa tabi ng kanyang Ina. " Magandang araw Ina !". - bati nito sa kanyang Ina na si picasa " Tila Isa ka ngayong dyosa ng bulaklak aking anak?". - napansin nito ang pagiging mayumi ni Hirae " Palagi akong ganito sa araw araw Ina !". - Sabi nito at namumula ang mga pisngi. Nakita Kong nagbubulong bulungan ang dalawang mag kasintahan sa aking tabi na parang alam ko na ang kanilang pinag uusapan . Tiyak na iniisip nila na ang aking tinatangi ay si Hirae. Ngunit kung alam lamang nila na ang Reyna ang palaging nasa aking isipan. " Maiwan ko muna kayo dahil akoy may kailangan pang gawin ! ". - paalam ng Ina ni Hirae na si Picasa " Hirae! ". - tawag ni fussia " paumanhin ! Ngunit maari bang makita namin ang iyong Hardin. Nais lamang namin masulyapan kahit ngayon lamang ang ganda ng mga bulaklak. !". - paalam ni fussia " Maari ! Iapapahatid ko kayo sa aming mariposa !". - Sabi nito " Maari kong isama ang aking sinisinta ? ". - Sabi ni fussia, ngunit batid ko na gusto lamang nilang kaming dalawa ni Hirae ang maiwan. Siguro iniisip nang dalawang ito na makakapag usap kami ni Hirae kapag wala sila. Umalis na ang magkasintahan kasama ang Isang mariposa. Kaya't kaming dalawa na lamang ang naiwan ni Hirae . " Ginoo saan ka ngayon tumutuloy? ". - tanong nito " Hmm sa bahay ni fussia, kahapon ay naroon ako sa bahay nila Fuego dahil kaarawan nito. ". - sagot ko " Ahh! Gusto mo bang dito ka muna manirahan kasama namin? Dito ay maraming mag sisilbi sayo !". - pag aalok nito ngunit mas makakabuti na na nasa labas ako ng lugar ng maharlika. " Maraming salamat sa iyong alok ngunit may bahay ako sa Veril . Sa ngayon ay hinde ko pa nababalikan dahil naroroon ang mga batang inalagaan ni fussia. Kailangan din ako ni fussia sa kanilang tahanan upang may magliligtas sa kanila kung kinakailangan! Dahil delikado ngayon sa bayan nila fussia dahil sa pag patay ng magaling ng assasin sa kahariang ito!". - paliwanag ko dito at tila nalungkot naman ito " Kung ganon ginoo? Maari nalang ba kitang dalawin kapag may oras ako?". - tanong nito na tila gustong gusto nito akong makasama " Maari ngunit malayo ang Ywella sa Veril !". -sabi ko " Ayos lang ginoo! Nababagot na rin kasi ako dito !". - Sabi nito kaya pala ganito nalang ang pag kasabik nitong makasama ako . " Kapag may araw na kailangan kong manatili dito ay dito ako mananatili Hirae .". - Sabi ko upang mag pagaan ng kanyang loob. " Talaga ? Sige ginoo bukas ang aming tahanan sa iyong Pananatili!". - Sabi nito " Hmm Hirae itatanong ko lang kung paano ka napunta sa gintas? Dahil nakikita ko na mahigpit ang seguridad ng Frihill ? ". - tanong ko " Ang nangyare kase noon ginoo kaya ako nahuli ng mga mangangalakal ay dahil nga tumakas ako at nababagot ako dito sa aming Lugar. Bawal akong lumabas ng Frihill kaya't tumakas ako at hinde ko alam na makukuha ako at gagawing alipin. Nakita nga kitang nahuli ng mga taong mangangalakal, lasing na lasing at walang malay! May oras na sana ako para makatakas ngunit hinde kita kayang iwan mag Isa doon . Nilagnat ka ng gabing iyon, hinde ko alam kung dahil sa alak ! Kaya't inalagaan kita ng gabing iyon. Ngunit bago mag umaga ay kinuha nila ako at dinala sa gintas. Nauna akong dalhin sa gintas !". - kwento nito, kaya ganon sya sa akin at sunod ng sunod sa akin sa gintas " Ngunit hinde bat sinabi mo na ? Nagdala ka ng maraming tinapay bago ka mahuli ng mga mangangalakal?". - tanong ko " Nag sinungaling ako sa parteng iyon dahil ang totoo ay palagi akong nag lalagay ng pag kain sa ilalim ng aking damit lalo na ang mga tinapay! Dahil pinagbabawalan ako ng aking Ina na sumobra sa pag kain dahil bawal akong tumaba !". - paliwanag nito " Bakit bawal kang tumaba?". - nakakapagtaka ang bagay na ito, dahil kung isa akong maharlika ay kakainin ko na ang mga gusto kong pagkain. " Dahil kami ang Taga pangalaga ng kagandahan. Lahat ng mga halamang gamot o halamang bulaklak na pampaganda ay alam namin. Tradisyon na ito simula pa sa aming mga ninuno. Ang aking inang si Picasa ang taga pangalaga ng kagandahan ng Reyna kaya't araw araw ay pumupunta sya sa palasyo!". - kaya pala napakaraming bulaklak sa kanilang Hardin "Kaya pala natatangi ang ganda nang Reyna !". - bulong ko " Ano iyon ginoo?". " Ahhh Wala heheh!". - mabuti at hinde nya narinig " Sya nga pala ginoo? Bakit hinde mo nalang sinama si rodes at ang kanyang amain pa ang iyong sinama?". - tanong nito " Mag lalakbay si rodes patungo sa ibang kaharian. Tiyuhin ko ang amain nito kaya't sinama ko sa aking pag lalakbay. Babalik din ito ng ilang buwan sa kaharian ng Dracula's . Ngayon ay sinusulit namin ang oras naming mag kasama ng aking tiyuhin. Dahil kapag bumalik na din ako sa Feiliposna ay siguradong matatagalan ako para makita syang muli!". - paliwanag ko, ngunit Wala akong balak na bumalik pa sa kahariang iyon matapos ang aking misyon. Dahil ang huli kong misyon ay makuha ang puso ng Reyna. " Hmm ginoo may handog nga pala ako sayo sana ay magustuhan mo.". - at inabot nito ang Isang kahon . Pag bukas ko ay mga alahas at isang Rosas " Ano ito? Hinde mo naman siguro kailangan mag aabala para regaluhan ako Hirae!". - Sabi ko " Yang mga alahas na yan, ay yan ang mga gintong binigay mo sa akin. Pinagawa kong alahas upang iyong magamit. Ang rosas Naman na yan ay ang pinakamahal na Rosas sa buong mundo. Dahil yan ang rosas na hinde nalalanta. Natatagpuan lamang ito Isang beses Isang taon sa gilid ng puno ng Velvet!". - Sabi nito Tila mahiwagang talaga ang puno ng Velvet Di ko akalain na may Rosas na hinde nalalanta habang buhay. " Maraming salamat sa yong regalo Hirae ! Makakaasa kang iingatan ko ito!". " Pasasalamat ko rin yan sayo ginoo sa pagtulong mo sa Amin para makatakas sa pagiging alipin sa gintas. Kung hinde dahil sayo ay hinde kami makakalis sa kalbaryo sa gintas ! Mamatay nalang kaming gutom at walang kalayaan !". " Ginawa ko lang ang nararapat!". ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD