Chapter 30

1545 Words
**MOON POV** Dahil naligaw kami sa Ywella ay napag desisyunan naming bumalik na lamang . Ang problema namin ay hinde namin alam kung saan hahanapin ang bahay ni Hirae . " Ano bang nakasaad sa liham?". - tanong saken ni Fuego na ngayon ay nag mamaneho ng kalesa at katabi ko ito dahil pinag hiwalay muna namin silang dalawa ni fussia. " Nakasaad sa liham na mag kita tayo sa Ywella. Ngunit walang nakalagay doon kung saan ?". - Sabi ko kay Fuego, siguro ay nalimutan lang ni Hirae na ilagay kung saan namin sya dapat puntahan sa Ywella . " May apat na Lugar sa Ywella, una ang Lugar kung saan naka katayo ang aking tahanan. Tinatawag na Wedhill kung saan matatapuan ang mababang uri nang maharlika. Ang sa tabi nito ay ang Monhill ang mga negosyanteng maharlika. Dito ay katulad Kong mga negosyante pero ang nakatira sa Monhill ay lahat ay nag nenegosyo sa ibang mga kaharian . Pangatlo na makikita mo sa kaliwang bahagi ng Ywella na nasa kaliwang bahig rin ng puno ng Velvet ito ang tinatawag nilang Frihill, kung saan nakatira ang Ilan sa magagandang dilag ng kaharian ito rin ang Isa sa pinaka mayayaman. Ang ikaapat ay ang Sunhill, ito ay matatapuan malapit sa bahagi ng Frihill. Dito nman naninirahan ang Ilan sa tagahatol sa palasyo. At dito mo din makikita ang pinaka mayayaman sa buong kaharian. Kung dito ka naninirahan ay doon ka nabibilanh . Ngunit ang Sunhill ay ang pinaka mamalulupit at masasama. ". - paliwanag ni Fuego " Mukhang mabait naman si Hirae kaya't alam kong hinde ito matatagpuan sa tinatawag nyong Sunhill. Sa tingin ko ay nababagay sya sa Frihill dahil Isa syang mayuming dalaga . Maari ba nating puntahan ang fri hill ?". - tanong ko " Maari ginoo upang makapamasyal na din ang aking binibini.". - Sabi nito at tumingin kay fussia na hanggang ngayon ay nagmumulmok parin dahil pinaghiwalay namin silang dalawa ni Fuego. Binalagtas namin ang Lugar ng Ywella lumabas muna kami sa bayan paikot ng palasyo dahil sa kabilang bahagi ang Frihill . Sana ay makita na namin si Hirae upang hinde din ito nag aalala sa amin. " Ang babae bang ating pupuntahan ang iyong iniibig?". - biglang tanong ni eight mula sa aking likuran na may nginunguyang baon nyang prutas. Nabigla din si Fuego at fussia sa katanungan nito " Ang kulit ng iyong apog matandang Eight ! Sinabi ko na nga na hinde sya ang aking tinatangi !". - Sabi ko na lalong kinagulat ni Fuego at fussia " Ginoo? May tinatangi kana?"; - tanong ni fussia " Hinde ko akalain na may nililihim pala sa atin ang ginoo!" -sabi naman ni Fuego " Wala akong tinatangi!". - biglang pag tanggi ko ngunit lalong nanlaki ang kanilang mga ngiti " Sabihin mo na ginoo? Sino ito ? Kung hinde ang ating pupuntahan ay sino ? Si daisy ba o si casu ?". - tanong ni fussia na tila hinde pinagisipan ito " Malayo sa lahat ng iyong binggalit!". - tanging sagot ko ngunit kung hinde ko sasabihin ay baka pag dating sa kinaroroonan ni Hirae ay mangaasar ang mga ito " Tatahimik na lamang ako kaysa madamay ako Dyan!". - Sabi ng matandang Eight " Kasalanan mo to! ". - sigaw ko sa kanya " Sabihin mo na kase kung hinde baka isipin ko na nasa dalawang dalagang kapatid ko ang iyong napupusuan . Hinde naman ito masama dahil ang dalawang yon ay may ankin din kagandahan. ". - Sabi ni fussia na tila nikilig kilig sa kilos nito " Makinig kayo , hinde si Casu ,hinde si daisy at higit sa lahat ay hinde si Hirae ang aking napupusuan. Marahil kilala nyo ito ngunit malayong isipin nyo na nakasama ko na ito kaya't mas lalo akong nabihag sa kanyang kagandahang tinataglay!". - Sabi ko " Hinde kaya ang aking sinisinta na si fussia ginoo? Huwag Naman sana dahil pag mamayari ko na sya !". - bigla akong napatawa sa sinabing iyon ni Fuego. Nakita ko din si eight an tumatawa ito " Woooh wag mo sabihing ako nga ? Kaya pinaghiwalay mo kaming dalawa ng aking Fuego!". - Sabi nito na tila hinde na naman ito nag iisip " Hay nako ! Mga siraulo na ba kayo ! Hinde Ikaw fussia dahil malabo ito. Malalaman nyo din kung sino ito sa takdang Panahon ! Na talagang ikakagulat nyo dahil hinde ako titigil hanggat hinde sya napapasaakin.". - Sabi ko at naalala ko naman ang magandang Reyna . Biglang huminto ang kalesa... Huminto ito sa tapat ng napaka laking parke . May mga sapa din na maaring pag lagyan ng mga bangka . Marami ding nag titinda ng kahit anong palamuti. Wala akong nakikitang mga kalalakihan tanging kaming tatlo lamang nila Fuego at Eight. Tama Ang sinabi ni Fuego na kung kumilos ang nga naritong babae ay mayuyumi at tila may magagandang mga wangis. " Ang ganda naman dito?". - namamanghang Sabi ni eight " Maganda ang Lugar o babae?". - tanong Naman ni Fuego dito " Ikaw Ang tatanungin ko anong maganda sa Lugar na ito? ". - Singit naman ni fussia na tila gusto lamang mag papansin Kay Fuego " Syempre Ikaw ang pinaka maganda sa Lugar na ito . ". - Sabi Naman ni Fuego . Nag ikot kami sa buong Parke at hinahanap ang Ang wangis ni Hirae . Ngunit wala akong Nakita . Mahihirapan kami mag hanap dahil ako lamang ang nakakakiala kay Hirae. Kung naririto lamang si rodes ay mabilis namin ito mahahanap. " Wala ang hinahanap natin ginoo!". - Sabi ni Fuego na kanina pa din nag hahanap " Tumigil kayo sa pag hahanap dahil hinde nyo alam ang itsura ni Hirae !". - Sabi ko " Ngunit alam namin ang pangalan maari.nating ipagtanong sa mga tao dito kung may kilala silang Hirae !". - mungkahi naman ni Eight Nagulat kami ng nag simulang palibutan kami ng mga magagandang kababaihan. At ang mga ito at tila nag bigay ng Daan . Maya Maya ay may babaeng papalapit sa amin . Ang kanilang kasuotan ay tila may mahahabang kasuotan tulad ng kay Hirae. Nagulat kami ng magbigay pugay ang mga ito sa amin. " Maraming salamat sa inyong pagpunta sa aming bayan! ". - sabay sabay nitong sabi at ako ang humarap sa babaeng nasa gitna namin na sa tingin ko ay kasing edad ni Eight " Bakit kayo nag bibigay pugay?". - tanong ko " Dahil hinahanap nyo ang aming pinuno ! Si Hirae ang anak ng binibining Picasa !". - Sabi ng matandang babae at doon ay nabuhayan kaming lahat dahil kilala nito si Hirae " Maari nyo ba kaming dalhin sa kanya !?". - tanong ko dito At hinde ito sumagot bagkus ay tumango lamang ito bilang pang sangayon. At umalis na din ang mga babaeng nasa palibot ang tanging ang babaeng matanda na lamang ang aming sinusundan. Maya Maya pa sa aming pag lalakad ay sumalubong sa amin ang malawak na Hardin na maraming bulaklak. Sa gitna nito ay may malaking bahay na punong puno ng kulay. Sa pag tapat namin ng pinto ay may sumalubong na mga babaeng nagpunas sa aming mga paa. Mas malaki at magarbo ito kaysa sa inaasahan kong maharlika. Tila kung malaki at maganda ang bahay ni Fuego ay mas maganda at malaki ang bahay nito ni Hirae. " Ngayon ko lamang nalaman na may gantong lugar sa Ywella ! Napakaganda at kahit ang mga bango ng bulaklak ay mamamoy mo dito!". - manghang mangha na sabi ni fussia . Ay huminto kami sa pinto ng Isang silid. " Pinunong Hirae ! Narito na ang inyong hinhintay!". - Sabi ng matandang babae at bumukas ang pinto. Pag pasok namin ay isang paliguan na punong puno ng mabangong bulaklak. Nagulat kami ng tumayo si Hirae na walang kahit anong saplot . Mabuti ay nakatalikod ito sa amin. Kaagad kaming tumalikod na tatlong lalaki dahil kahit ang likod nito ay labag itong makita . " Maari na kayong humarap !". - Sabi sa amin ni fussia na hanggang ngayon ay namamangha sa kanyang nakikita Pag harap namin ay may suot na damit na si Hirae ngunit basang basa parin ang mahaba nitong buhok. Lumapit ito sa at nakangiti sa akin " Ginoo! Tila matagal ang iyong naging pag babalik dito sa kaharian? Ilang araw kitang hinhintay!". - Sabi nito sabay yakap sa akin, na aking naman kinailang dahil ramdam ko ang dibdib nito dahil Wala itong suot na panloob kaya't kaagad ko syang tinulak. . "Paumanhin kung Ikaw ay naghintay ! Iniwan ko na si rodes sa kaharian ng Dracula's ! Ito ang kanyang amain at sinama ko dito sa kaharian ng independentas . Ang pangalan nya ay si Eight! Ito naman ang aking mga kaibigan na si Fuego at fussia.". - pakilala ko kay Hirae " Masaya ako at ligtas ka at hinanap mo kung nasaan ako! Magandang araw sa inyo! Paumanhin dahil akoy naliligo sa aming paliguan. Maari bang hintayin nyo muna ako sa aming Salas at ako muna ay mag bibihis ?". - Sabi nito " Hintayin ka namin !". - at lumabas kami sa silid at dinala kami nang matandang babae sa Salas ng bahay ni Hirae. ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD