Chapter 29

1447 Words
###Huwag pigilan ang nilalaman ng iyong puso... Sundin mo ito upang Wala ka ding pag sisihan... Sa huli manalo man o matalo sa larangan ng pag ibig ang mahalaga ay sinunod mo ang iyong ninanais... Hinde mo malalaman kung hinde ka susubok.### Hinde makatulog si fussia at naiisip nya ang mga nasabi nya Kay Fuego na hinde naman talaga ito ang gusto ng kanyang puso. Kaya't kahit Gabi gabi na at magisang pumunta si fussia sa bahay nila Fuego . Hinde na nya kayang pigilan din ang kanyang nararamdaman sa dating kasintahan. At sa hinde inaasahan ay nakita nya ito sa labas ng Hardin. Niyakap sya nito at umiyak sa kanyang balikat. " Nandito na ako Fuego pwede mong sandalan habang buhay..". - tanging nasabi ni fussia at inangat nito ang mukha ni Fuego kahit madilim ang Gabi ay maliwanag ang buwan dagdag ang mga ilaw na nasa loob ng bahay. Pinunasan ni fussia ang mga luha ni Fuego. "Hinde ko rin kayang mawala ka Fuego! " - Sabi ni fussia na may ngiti sa mga labi Walang paglagyan ang saya ni Fuego dahil sa kanyang narinig. Hinde nya akalain na ang kanyang panalangin ay maririnig . Na sana ay buksan ang puso ni fussia. " Ipapangako ko sayo na kahit anong mangyare hinde ko na ulit gagawin ang mga bagay na dahilan kung bakit tayo nag kahiwalay dati fussia. Mahal na Mahal Kita fussia , pinagsisihan ko lahat ng maling ginawa ko sayo !". - Sabi ni Fuego na tagos sa puso nito " Ipangako mo na kakalimutan natin ang nakaraan ! Kakalimutan naten ang lahat ng masasakit na ala ala naten. Mag sisimula tayong ulit Fuego !". - Sabi ni fussia habang nakatingin sa mga mata ni Fuego. Malalim ang mga titigan na iyon na tila hinahatak sila pareho ng kanilang mga puso . Lumapit si Fuego kay fussia at hinalikan ito . Naramdaman nila ang saya na muli ay magkalapit ang kanilang mga puso . Lumalalim ang kanilang mga halik na tila sabik sa isat isat dahil sa mga nasayang nilang Panahon. Lalo din humigpit ang pag kakayakap ni Fuego sa bewang ni fussia . Samantalang ang mga kamay ni fussia ay nakapulupot sa batok ni Fuego. Nang bitawan nila ang mga halik ay kapwa sila nag hahabol ng hininga. " Haaa ... Kailangan ko nang umuwi Fuego!". - Sabi ni fussia ngunit bago pa.man makaalis si fussia ay hinawakan ni Fuego ang kamay nito at hinila papasok ng bahay nito. Nakarating sila sa dati nilang kwarto at hinde inaalis ni Fuego ang mga kagamitan ni fussia. Kinandado ni Fuego ang pinto ng dati nilang silid at binuksan ang mabangong kandila na tanging nag bibigay ng konting liwanag sa silid. Yinakap ni Fuego si fussia ng mahigpit ... " Maari bang dito kana matulog ? ". - hiling ni Fuego kay fussia " Ano pa nga bang magagawa ko at kinandadomo na Ang pinto ?". - Sabi ni fussia at tinggal ang yakap ng ginoo at pumanik sa kama . Umupo si Fuego sa tabi nito . " Maari ba akong tumabi sayo?". - Sabi ni Fuego. Tumango lamang at ngumiti si fussia at syaka humiga ito na nakatalikod kay Fuego. Hinde nakatiis ang ginoo kaya't Isang minuto ay yumakap si Fuego kay fussia mula sa likod nito. " Maari din bang yumakap ?". - tanong ni Fuego at kinalas ito ni fussia at humarap sa ginoo. Ngayon ay mag kalapit ang mga mukha nito Hinde na nakatiis si fussia at muling hinalikan si Fuego. Mas lalong lumalim ang kanilang halik na mas malalim pa sa Gabi. Ang init ng kanilang pag mamahalan ay tila pausbong sa mga sandaling ito. Tila nakahiga na I fussia at nasa ibabaw nya si Fuego habang nag aagaw hininga dahil sa kanilang pananabik. Sa pakiramdam ni Fuego ay tila walang pag lagyan ang kanyang pananabik sa kanyang sinisinta. " Maari ko bang gawin ang bagay na yon?". - tanong ni Fuego, marahil Wala na silang itatago sa isat Isa ngunit gusto nyang irespeto kagustuhan ni fussia. " Angkinin mo muli ako ginoo!". - may halong pananabik ang sagot nito . Walang hinhintay na oras ang dalawang nagiibigan sa gitna ng madilim na Gabi at bilog na buwan. At tuluyang inangkin ni Fuego si fussia. Matapos ang sandaling iyon ay masayang nakangiti ang dalawang nagiibigan. " Maraming salamat Mahal ko ..". - Sabi ni Fuego sabay halik sa noo ni fussia " maari kanang mag pahinga dahil siguradong bukas ay mag papaliwanag tayo sa dalawang dayuhan!". - Sabi ni Fuego na ang tinutukoy ay si Moon at Eight " Maari bang ilihim muna natin ang tungkol sa ating pag babalikan? Maging sa dalawang dayuhan?". - hiling ni fussia " Maari ngunit paano kung makita ka nilang naririto sa aking tahanan?". - tanong ni Fuego " May naiisip akong paraan ! Ngunit kailangan ay gumising tayo ng maaga upang hinde nila malaman na narito ako! Kaya't matulog na tayo Mahal ko!". - mungkahi ni fussia ***KASULUKUYAN*** Ngayon ay nakasakay na si Moon at Eight sa likod ng kalesa ni Fuego. Samantalang si fussia ay nasa tabi nito. Kanina pa din naguguluhan ang dalawang dayuhan dahil sa kinikilos ng mga ito na ang kanilang pag kakaalam ay halos kulang nalang ay isumpa ni fussia si Fuego. " Sandali ako'y naguguluhan? Tila kahapon ay sinabi mo na hinde kayo nararapat ng ginoo!". - hinde na nakatiis ang matandang si Eight at tinanong na ito, ngunit walang narinig si fussia at patuloy lang sa pag papaypay habang sumusulyap kay Fuego . " Ngunit tila hinde ka narinig? Kahit ako ay sumasakit ang aking ulo sa aking nakikita dahil hinde ako sanay na makita silang nag lakandian sa aking harapan!". - Sabi naman ni Moon " Hinde kaya ang iyong tinatangi ay si fussia? Nako ginoo mukhang may kung anong mahika ang nangyari pag katapos ng Gabi!". - Sabi Naman ng matandang si Eight " Hinde sya ang aking tinatanggi. Dahil tila isang dragon si fussia malayo sa aking binibini!". - pagtanggi naman ni Moon "Ngunit anong mahika ang aking nakikita sa aking harapan ! Nasaksihan natin ang kanyang luha kahapon? At ang pinoproblema ko ay kung tama ba ang ating dinaraanan dahil hinde na naka pokus ang ginoo sa ating dinaraanan !". - pag aalala ni eight "Kung anong mahika man yon ay hinde ko nagugustuhan dahil tila hinde bagay ang kanilang mga pasimpleng dikit na tila kalaswaan !". -sabi ni Moon na hinde sanay na makakita ng magkasintahan na naglalambingan " Fuego ! Fussia ! Tila Wala kayong respeto sa inyong nasa likuran ! Sa harapan pa namin MISMO kayo nag lalandian!". - sigaw ng matandang si Eight " Patawarin mo kami sa kawalang respeto namin sa nakakatanda ! Sino ang marunong mag maneho ng kalesa at sila ang mag maneho upang hinde kami makagambala sa mga mabubuti nyong kaisipan!". - pilosopong Sabi ni Fuego . Ngayon ay inihinto muna nila ang kalesa at nasa kanilang likuran na si Fuego at fussia na tila nalimutan nila na dapat ay isikretang kanilang relasyon. Ang matandang Eight na ang nag mamaneho sa kalesa at si Moon naman ay tinitigan ang dalawang mag kasintahan. " Ano iyang titig na yan ginoo?". - tanong ni Fuego kay Moon " Hinde ba kayo mag sasabi sa amin kung anong meron sa inyong dalawa?". - tanong ni Moon at tila napabitaw si fussia at Fuego sa kamay ng isat Isa nang malala na kanila dapat itong isekreto. Ngunit huli na dahil sa papanabik ay tila nakaligtaan " Ginoo! Pasensya na at hinde na namin kayang isikreto dahil magkasintahan na muli kami ni Fuego. Pumunta ako dito kagabi at nag usap kami tungkol sa aming nararamdaman. At hinde namin inaasahan na muli ay mg kakabalikan ang aming mga puso. Pinatawad ko na rin si Fuego at nagusap kami na magsisimula kaming muli. ". - paliwanag ni fussia "Ipinapangako ko din na hinde na muli mauulit ang aking dating pagkakamali... Ngayon ay mas lalo ko pa syang mamahalin at aalagaan !". - dugsong naman ni Fuego at hinawakan muli ang kamay ni fussia at hinalikan ito " Tama na! Tama na ! Batid ko na ang nangyari na Akala namin ay isang mahika ! Huwag nalamang kayong mag papakita ng kahit anong kalaswaan!". - Sabi ni Moon at bigla itong binatukan ni fussia gamit ang pamaypay nito. " Arayyy! Isa kang dragon ngunit pag kaharap mo si Fuego ay tila Isa kang pusa na maamo!". - inis na Sabi ni Fuego " Kalaswaan ba ang pag ibig! Kapag Ikay umibig malalaman mo ginoo! ". - sigaw ni fussia at tumatawa Naman si eight habang minamaneho ang kalesa. ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD