Pag pasok ko sa bintana ay saktong pagpasok ni Eight sa pinto na may dalang mga pag kain. Ang alam ko ay tulog na ito nang iniwan ko. Dahil hinde ko namalayan ang oras ay alas tres na pala ng madaling araw.
" Saan ka galing? Nagising ako at Wala ka hinanap kita sa buong bahay ni Fuego kaya eto nakakita ako ng hinde nga naubos na pag kain . Nakakapang hinayang naman kapag iniwan ko nalang doon .". - palusot nito ngunit ang totoo ay umubra na naman ang katawan nito . Hinde ko malaman kung saan nang gagaling ang mga pag kain na kanyang kinain samantalang ang katawan nya ay payat naman. Siguro ay miyat miya din ang kanyang pag dumi.
" Sabihin mo na nagising ka dahil kumalam ang iyong sikmura dahil nagugutom na naman. Pumunta ako sa Puno ng Velvet upang magpahangin.". - Sabi ko at nabulunan ito kaya't inabot ko ang tubig na kanya din dala dala
" Bakit hinde mo ako sinama? Akala ko ba bawal pumunta sa punong iyon dahil may lason?". - tanong nito
" Paano kita isasama kung tulog na tulog ka ! Pati tama ka hinde pwedeng pumunta don sadyang umakyat lang ako para makapasok . At hinde ako malalason kung Wala namang sugat ang mga katawan ko.". - paliwanag ko sa kanya habang sya ay nguya parin ng nguya .
Humiga na ako at tumingin sa kisama at inaalala ko parin ang kagandahang taglay ng Reyna Eve . Mas maganda pa pala ito sa malapitan at ngumingiti. Sana ay makasama ko pa sya ng mas matagal at makita ko syang muli. Ngunit ang pangamba ko ay makilala nya ako bilang Moon . Na kahit may maskara ako noong araw na ding iyon ay makikita Naman sa aking mata ang tunay kong pag katao. Pag katapos kong pumunta Kay Hirae ay sisimulan ko na din ang pag plaplano ko sa aking Misyon. Dahil hinde den pwedeng magtagal si Eight dito sa Independentas dahil may pamilya na nagaantay dito.
" Tila ngumingiti kang mag Isa ? Siguro ay iniisip mo ang binibining pumukaw sa iyong puso? ". - Sabi nito na tila nahulaan nya ang aking iniisip
" Maari ngunit malaking problema kung akoy mabilis nyang mapapaibig ! Kailangan ko munang kontrolin ang aking sarili!". - aking Sabi ngunit kapag malapit sa akin ang Reyna ay nawawala ako sa aking sarili . Maging Ang aking puso ay walang tigil sa lakas ng t***k nito. Sa tingin ko ay hinde ako nalalason ng Puno ng velvet ngunit nalason ako sa kagandahan ng Mahal na Reyna.
" Maari ko bang malaman kung sino ito?". - tanong nito ngunit tiyak akong pag babawalan nya ako kapag sinabi ko ang aking tinatangi ay ang Reyna dahil malabong mapasaakin din ito at lalong lalo dahil sa aking Misyon.
" Hinde maari dahil ako lamang ang tumatangi sa kanya at gusto ko itong isikreto.". - tanging Sabi ko
" Walang sikreto na makakalabas sa ating dalawa kahit ang iyong misyon ay aking pinagkatago tago sa aking pamilya .!". - pamimilit nito habang kinakagat ang malaking karne na hawak nito na nasa kanyang plato.
" Aishhh huwag mo na akong pilitin ginoo. Akin nalamang sasarilinin kung sino ang babaeng ito!". - Sabi ko at tumalikod sa kanya at muling ipinikit ang aking mata
" Sige ka ginoo? Iisipin ko na ang babaeng ito ay si Fussia ? O di kayay si daisy? Oh hinde kaya ang babaeng ating pupuntahan kinabukasan?". - pang huhula nito upang sabihin ko sa kanya kung sino ang aking tinatangi.
" Isipin mo ang gusto mong isipin ! Ngunit hinde ko sasabihin sayo kung sino ang babaeng bumihag sa aking puso .".
KINABUKASAN....
TLING! TLING! TLING! - malakas na tunog ng kampana na nag pagising sa aming dalawa ni matandang Eight. Kahit saan Lugar ay hinde ako nakatulog ng mahimbing pwera an lamang sa Veril .Dahil kahit saan dito sa kabihasnan ay may mga kampana o dikayay mga manok na nag sisigawan o kayay may tambuli.
" Kung sino man ang nag paingay ng kampana na iyan ay aking papatayin !". - Sabi ko at lumabas ng aming kwarto upang mag hilamos .
Pag kababa ko ng bahay ni Fuego ay bumungad agad ito na nag kakape at nakasuot na kaagad ng magarang kasuotan.
" Tila sobrang aga ng kampana upang manggising!". - Sabi ko at dumeretso sa palikuran upang mag hilamos pag katapos ay umupo ako sa tabi ni Fuego
" Ganito talaga sa Ywella ! Lahat ay gising kahit hinde pa tumilaok ang Tandang ! Dahil paniniwala nila na kapag maaga kang nagising ay maagang papasok din sayo ang swerte.". - Sabi nito at saktong nakikita ko si fussia sa labas dahil sa bukas na bukas ang malaking bintana ng bahay ni Fuego. Sumesenyas ito na lumabas ako dahil tiyak na ayaw nitong pumasok dahil sa mga nangyari kahapon .
" Tila ang iyong swerte ay dumating na ginoo! ". - mahinang Sabi ko ngunit narinig parin nya ito kaya't lumingon ito sa bintana kung saan ako nakatingin . Tatayo na sana ako para puntahan si Fussia ngunit sumenyas si Fuego na huwag akong tumayo sa aking kinauupuan.
" Akong bahala ginoo!". - Sabi nito, ngunit inaalala ko na baka mag bangayan ito lalo't kaaga aga. Bumaba narin si eight at nag hilamos at kinanawan din ako ng kape.
" Mora? Si fussia yun diba? Ano kayang ginagawa nya dito ng ka aga aga ?". - Sabi ng matandang si Eight
" Dahil siguro may pupuntahan tayo dito sa Ywella kaso nakalimutan ng matandang pangalan at eight!". - pilosopong sagot ko kaya't nabatukan ako. " Aray! Matanda na mabigat parin ang kamay !". - pang aasar ko at dumalawa pa itong batok.
Hinde namin dinig ang pag uusap ng dalawa ngunit makikita sa kanilang mukha na hinde ito nag tatalo.
" Nakikita mo ba ang mga ngiti nila sa isat Isa ?". - tanong ni matandang si Eight
" Oo ? Nakakapagtaka ? Ang alam ko ay hinde maganda ang kanilang tagpo kahapon ngunit ngayon ay tila mag kaibigan sila?". - pag tataka namin pareho .
Sabay kaming napabuga ng kapeng aming iniinom ni Eight nang bumati sila sa isat Isa na magdikit na pisngi ( beso). At ang nakakagulat ay pumayag si fussia na pumasok sa bahay ng ginoong Fuego?. Umupo ito sa aming harapan ni eight ngunit kami ay nakatulala lamang .
" Bakit ganyan ang mga mukha nyo? Tila gulat na gulat kayo sa inyong nakikita?". - tanong ni fussia
" Nasisilaw lang kami sa iyong kagandahan ! Hinde ba mora ?"; - pag papakusot ni eight at dinamay pa ako
" Ahh ehh oo !". - tanging Sabi ko
" Bilisan nyong mag umagahan at kaagad nating pupuntahan ang inyong kaibigan . Kailangan nyong maligo at magpalit ng inyong kasuotan. Dahil hinde natin alam kung Isang maharlikang pamilya ang makakaharap natin.". - paalala ni fussia
" Huwag kanang magalala sa inyong sasakyan dahil ako na ang bahalang mag maneho ng aking kalesa. Upang hinde na kayo mahirapan pa lalong lalo kana!". - Sabi ni Fuego at nakatingin lamang ito kay fussia . Malagkit ang mga tinginan ng mga ito .
***END OF POV ***
Tila sila fussia at Fuego lamang ang nakakaalam ng kanilang tagpo nang Gabi. Matapos ang pag diriwang kaya't nagtataka sila Moon at eight kung bakit gayon nalang Ang pagiging malagkit ng tinginan ng dalawang dating magkasintahan.
***BALIK TANAW MATAPOS ANG PAGDIRIWANG NG KAARAWAN NI FUEGO***
Hinde batid nila Fuego at Eight na umalis si Moon at pumuntang Puno ng velvet. Si Fuego ay hinhintay lamang na matapos ang pag lilipit ng mga kagamitan ng mga kanyang tauhan . Matapos ang pag lilinis ay hinde makatulog si Fuego kaya't lumabas muna ito sa kanyang Hardin at nanigarilyo. Hinde maalis sa isip ni Fuego ang lahat ng sinabi ni fussia . Nasasaktan ito na hinde na nito makikita pa ang kanyang sinisinta.
Umupo ito sa upuan na naroroon sa labas ang Hardin at inilalabas ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Dahil Isa syang lalaki ay hinde nya kayang mag pakita ng kahinaan kaya't sa pag kakataon to lahat ng kanyang pinagsisihan at sakit ay kanyang mailabas . Tumungo si Fuego at doon nya inilabas ang iyak na kanina pang gustong sumabog.
" Patawarin mo ako ...". - nagulat si Fuego ng may humawak sa kanyang ulo at sinabi ang mga katagang patawad . Pag taas ng kanyang ulo ay nagulat sya kung sino ito , walang iba kundi si fussia. Tumayo si Fuego at yumakap kay fussia at doon ay inilabas nya ang lahat ng kanyang sakit na nararamdaman.
" Ayokong mawala ka sa pangalawang pag kakataon fussia hinde ko na kakayanin pa .". - tanging nasabi ni Fuego habang nakayakap dito at tumutulo ang luha
***to be continued***