Chapter 27

1431 Words
Tila nangangamba ang Reyna na unti unting bumabagsak ang kaharian ng independentas . Ngunit wala naman akong nakikita na dahilan para bumagsak ito kahit na ang Reyna lamang ang nag papatakbo sa kahariang ito. Kung pag mamasdan ang buong kaharian ay labis parin ang ganda nito at kahanga hanga parin ang patakaran dito. " Ngunit kamahalan kung Isa kang mamayan ng independentas ay masasabi mong labis na kay galing ng namumuno. Sa aking palagay ay hinde mo kailangan ng Hari para magtayo ng palasyo dahil Isa kang Reyna na kayang magtayo ng sarili mong kaharian!". - Sabi ko sa Reyna upang gumaan ang loob nito " Maraming salamat sa iyong mga magagandang papuri sa aking pamumuno. Ngunit kung Ikaw rin ang nasa aking posisyon ay makikita mo kung ano ang tinutukoy kong unti unting pag bagsak. Tumatagal ang Panahon ay hinde ko na kakayanin ang pagbabagong nangyayari.". - pag alala nito . Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa. Hinahayaan ko rin syang isipin ang mga kailangan nyang gawin. Siguro ay ito lamang ang araw na kanyang pahinga . Pag lingon ko sa kanya ay nakatingin lamang ito sa kalangitan at tinatanaw ang buwan . Nakikita ko din sa kanyang mga mata ang linwanag nito. Dahil may lumagpag pa pulang dahon sa kanyang buhok ay lumapit ako sa kanya at para kunin ang dahong iyon. Ngunit nabigla ang Reyna sa aking pag kuha ng dahon kaya't ang aming mga mata ay nag tama . Tila nakaramdam ako ng malakas na t***k ng aking puso . Mabilis nyang pinutol ang aming mga titig. Hinde ko alam ngunit tila kumakabog ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay nag iinit din ang aking mga mukha . Siguro ay dala ito ng alak na aming iniinom. " Alam mo ba na sinasabi nilang ang buwan daw ang tanging bagay sa Mundo na hinde ka iiwan? ". - Sabi nito na pumutol sa aming katahimikan " Hinde ko batid ito kamahalan ngunit hinde bat kapag sumapit ang umaga ay wala ng buwan kaya't nangiiwan din ito kapag may liwanag na ?". - aking Sabi at ngumiti ito " Tumingin ka sa kalangitan pag umaga . Pag katapos pumikit ka nakikita mo ang dilim at gayundin ang buwan. Kapag Gabi ay malaya mong makikita ito . Kaya't kapag bilog na bilog ito ay hinde ko na hinahayaan pang na hinde ko ito makita. ". - Sabi ng Reyna, na matanlinhanga nitong sambit. Lalo akong humahanga sa Reyna dahil sa bawat bigkas ng bibig nito ay tiyak na may bago akong matutunan. Hinde ko na namalayan na nakatitig ako sa kanyang mukha kaya't pag lingon nito sa akin ay bigla akong umiiwas. " Alam mo bang Ikaw lang ang tanging taong hinayaan kong lumapit sa akin ? Pakiramdam ko ay matagal na tayong makakilala?!". - Sabi nito kayat lumayo ako ng konti dahil baka naiilang ito na lumapit ako " Maraming salamat Mahal na Reyna at hinayaan nyo po akong makausap ang Isa sa pinakamagaling na Reyna. Ngayon pa lamang tayo nag kita siguro ay dahil sa alak kaya't nagiging kumportable tayo sa isat Isa kamahalan." - aking sabi, kailangan ko mag ingat dahil kaunting pag kakamali ko lamang ay baka mabisto nya ako na ako ang nag tangkang pumasok sa kanyang silid at hinde lang ay hinalikan ito. " Maraming salamat sayo ! ". - Sabi nito at tumayo na ako at kailangan ko nang bumalik sa bahay nila Fuego dahil maaring hinahanap na ako nito . Tumayo na rin ang Reyna at sinimulan ko na ring tumungo upang muling pag galang dito bago ako umalis. "Maraming salamat Mahal na Reyna sa inyong dakilang kabutihan. Akoy mag papaalam na sa inyo kamahalan dahil baka hinahanap na ako ng aking kaibigan. Patawad din sa pag pasok ng walang pahintulot sa Puno ng Velvet ..". - Sabi ko sa Reyna at ngumiti lamang ito at tumango bilang papaalam nya din sa akin. Tumalikod na ako at syaka umalis ngunit makakalimang hakbang palang ako ay may humawak sa aking kamay . Pag lingon ko ay nagulat ako dahil ito ang Reyna. Wala naman ibang tao dito kami lang dalawa. Ngayon Ang liwanag ng buwan ay nasasalo namin kaya't sa liwanag na iyo ay lalong kumikinang ang kagandahan ng Reyna. " Sandali may nais akong ibigay sayo.". - Sabi nito at ang hawak nitong kanang kamay ko ay kanyang nilahad at inilagay doon ang dahon nang velvet na kaninang nahulog sa kanyang buhok. " Tanggapin mo ito bilang aking handog... Kahit itoy nakakalason ngunit itoy iyong mapapakinabangan pag dating ng panahon... Sa muli nating pag kikita ginoo!". - Sabi nito at syaka umalis at pumasok sa palasyo. Ako ay naiwang nakatulala at tila iniisip kung anong ibig sabihin nang muli kaming mag kikita . Ibig sabihin ay gusto nya ulit akong makita? Tila labis na natutuwa ang aking puso na may kinahinatnan ang pagtakas ko papunta sa Puno ng velvet. Umayat na muli ako sa pader upang bumalik sa bahay nila Fuego. Ngunit tila may naririnig akong usapan sa mga kawal ?Mapakinggan nga muna bago umalis ? " Nakita nyo ba yun? May kausap kanina ang Reyna ? Ngunit Wala namang ibang makakapasok sa loob ng pader kung hinde sya lamang?". - Sabi ng Isang kawal siguro ako ang tinutukoy nila siguro ay hinde lamang nila ako Nakita. " Tama ! Sinasabi na walang ibang pumapasok sa palasyo ngunit tanging sa lamang dahil ang Reyna lamang ang may alam ng Daan mula sa loob ng palasyo patungo sa Puno ng velvet ?". - Sabi Naman ng Isang kawal na mahaba ang taenga " Sinasabi daw noong unang Panahon may nakalibing daw Dyan na Isa ring Reyna. Araw araw daw umiiyak at dumadalaw ang mga mamayan dahil sa pag kawala nito. Sinasabi na katulad ng Reynang eve ang Reynang ito . Kaya't biglang tumubo ang puno ng Velvet dahil ito raw ang dating Reyna ! Kaya't hinde natin alam kung ang Reynang yun ang kausap ng kamahalan kanina !". - Sabi naman ng malaking katawan na kawal . Tiantakot lamang nila ang kanilang sarili sa kanilang mga alamat . Ang kausap ng kamahalan ay walang iba kundi ako. " Kung gayon kaya masagana ang ating kaharian ay dahil sa dating Reyna? Ngunit nakakakilabot kung iisipin!". - Sabi pa ng Isang kawal " Hinde dapat kayo matakot dahil Isa kayong kawal ng palasyo ! Kailangan nyong maging matapang !". - sigaw nang lalaking malaki ang pangangatawan. " Sinabi ko na sa inyo na huwag na kayong sumilip kapag naroroon ang Reyna ! Ngayon ay tiantakot nyo ang inyong sarili !". - Sabi pa ng Isa Dahil nagkakatakutan na din naman ay hinde kaya ay takutin ko sila ? Hinde naman siguro ako makikita ng dating Reyna na tinutukoy nila sa sarili nilang alamat? Tamang tama ay may nakahanda akong bato rito. Dahil kaya ko naman mabilis na makaalis dito ay hinde naman ako mahuhuli hmm? Hinagis ko ang isang bato ngunit walang nakapansin nito. Hinagis Kong muli ang Isa at tinamaan ang Isa sa balikat nito ngunit hinde nya ito ininda. Hinagis ko ang pangatlo ay sapul sa pinaka malaking katawan na kawal . " Aray sino yon?". - pag tingin nila taas ay mabilis akong nakasabit salikod ng pader upang hinde nila makita. " Kanina pa may bumabato sa atin!". - Sabi ng Isa " Hinde kaya ang puno ng Velvet?". Dahil hinde ako nakuntento ay mas gusto ko pa silang takutin. " Hinde dapat kayo nakikinig sa usapan ng iba ! Hinde dapat kayo sumisilip kapag narito ang Reyna !!!". - Sabi ko na inipit ko ang boses upang mag mukha itong matinis . " Narinig nyo ba yong narinig ko? ". - Sabi ng Isang kawal " Nako tiantakot nyo lang ang sarili nyo! Huwag na kayong mag pangggap kayo lang naman yon?". - Sabi ng kawal na malaki ang katawan. " Hinde pakinggan nyo ako, huwag kayong sisilip kapag narito ang Reyna kung hinde ay paparuhasahan ko kayo waahhhahaha !". - Sabi ko at matinis parin ang boses na animoy natatawa " Alam nyong magandang gawin ?". - tanong ng Isang kawal " Alam ko!". - Sabi ng malaki ang pangangatawan " Isa ! Dalawa! Tatlo!". - sabay sabay silang nag bibilang "Takbooooooo!". - at sabay sabay din silang tumakbo. Habang pabalik ako sa bahay nila Fuego ay walang pag sidlan ang aking kasiyahan . Labis akong natuwa sa pananakot ko sa mga kawal . Ngunit ang pinaka masaya sa lahat ay nais ulit akong makita ng Reyna. Matutulog na naman akong may mga ngiti sa aking labi. ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD