Chapter 26

1446 Words
Tumalon ako mula sa bintana at dito ako dadaan sa bubong patungong puno ng Velvet . Dahil gabi ay wala na ding makikitang tao sa labas . Pagsibol na ding ang buwan kaya't kailangan ko mag madali at hinde maabutan ng liwanag nito. Nang makarating ako sa pader na nakaharang ng puno velvet ay nakikita ko ang apat na kawal na nang babantay sa pintuan papasok dito. Wala akong ibang pag pipilian kundi ang akyatin ang pader. Tumawid ako sa kalsada at inakyat ang pader ng puno ng Velvet. Mabuti ay walang dumadaang kalesa o mga tao.Iningatan ko ang alak na aking iinumin upang hinde ito mabasag o matapon dahil sa aking pag akyat. Nang nakarating na ako sa pinaka dulo ng pader ay natatanaw ko na ang kabuuan nito. Mabilis akong bumaba ng dahan dahan at hinde gumawa ng kahit anong ingay. Pumwesto ako sa pinaka likod para kung may papasok na kawal ay hinde agad ako makikita nito. Sumandal ako sa puno at walang hinhintay na oras at binuksan ko ang dala kong alak. " Sa wakas ay maiinom ko na rin ang aking inaasam asam na alak !". - Sabi ko at tinungga ito, nararamdaman kong humahagod ito sa aking lalamunan. " Hayss ang sarap !". - Sabi ko Tumingala ako sa puno at napansin kong ang wangis nito ay katulad na katulad sa aking panaginip. Ngunit ang tanging pinagkaiba nito ay ang liwanag na nanggagaling dito at pati na rin ang tinig na nag mumula dito. Habang pinag mamasdan ko ang buwan ay tila unti unti nang nag papakita ang kabuuan nito. Babayad ang hangin at masarap sa pakiramdam ang Pananatili ko sa punong ito . Huwag lamang akong malalason dahil marami pa akong gustong gawin. Naalala ko ang tagpo kanina nila fussia at Fuego dahil sa kanilang pag iibigan. Alam kong hinde pa ako umiibig ng katulad sa kanila ngunit batid ko kung anong nangyayare sa kanilang relasyon. Ano kaya ang pakiramdam na umibig at masaktan? Hinde ko rin alam bakit kaakibat ng pagibig ay sakit ? " Sino ka ??". - nagulat ako dahil biglang sumulpot ang Reyna sa aking harapan . Kaagad ako nag bigay pugay dito upang hinde ako maparusahan nito. Habang ako ay nakatungo ay pansin ko ang kanyang kasuotan na parehong pareho ito sa aking panaginip kaya't sinampal ko ang aking sarili ngunit tila Isa itong katotohanan. " Paumanhin ako po si Mora kamahalan ! Sumadya ako dito upang makapag pahinga patawarin nyo po ako !". - Sabi ko na nakayuko parin dahil ayokong makita muli ang kanyang mukha hinde ko alam dahil baka madala ulit ako nito sa tinataglay nitong kagandahan. " Ngunit paano ka nakapasok dito?". - tanong nito, hinde ko alam ang aking sasabihin " Ahmm umakyat po ako sa pader na nag haharang sa Puno ng Velvet ! Paumanhin kamahalan !". - Pagamin ko dahil kapag sinabi kong pinapasok ako ng kawal ay baka tanungin ito ng Reyna at sabihin nitong nag sisinungaling ako " Paano ko nakapanil sa mataas na pader na iyan?". - tanong nito sa akin " Gamit lang po ang kutsilyo sinasaksak ko po ito sa pader upang aking hawakan at makapanik!". - paliwanag ko " Paano kung hinde matibay ? Ikaw pa ay napahamak ?!". - pag aalala nito na akala ko ay magagalit ito sa akin. " Salamat po sa pag aalala kamahalan ! Hinde na po mauulit na pupuslit ako sa punong ito ng Velvet . ". - paalis na sana ako upang bumalik sa bahay ni Fuego " Huwag kang umalis ! Hinde ko pinag babawalan ang mamayan ng kahariang ito upang protektahan ang puno ! Ngunit para protektahan kayong mga mamayan ko! ". -hinde ko na naiwasan napatingin sa mga mata nito dahil hinde lamang ito taglay ang natatanging kagandahan ngunit taglay din nito ang pagiging maalalahaning Reyna sa kanyang nasasakupan "Ibig sabihin ay pwede akong manatili dito kahamahalan ? ". - tanong ko at tumango lamang ito . Umupo ito sa gilid ng puno velvet at timungala upang makita ang kalangitan. " Nais ko ding pag masdan ang liwanag ng buwan ngayong Gabi. Labis ang kay ganda nito.". - Sabi nito at hinde ko akalain na makikita ko ang Reyna dito nais ko lamang ay mag inom ng alak na aking kinuha . Umupo din ako malayo ng Isang metro sa kanya upang maging kumportable ito at muling ininom ko ang aking alak. " Paumanhin Mahal na Reyna dahil kaya ako pumunta rito sa Puno ng Velvet upang inumin ang alak na ito ! Kaya napili ko dito dahil alam kong dito ang ligtas na Lugar kung sakaling malasing ako !". - Sabi ko dito ngunit nakatanaw parin ito sa buwan " Hmmm ngunit kapag Ikaw ay nalasing at nasugatan baka hinde kana magising dahil Ikaw ay nalason! Maari din na makita ka ng kawal ! Ngunit may patakaran ako na kahit sila ay bawal pumasok dito sadyang ang trabaho lamang nila ay mag trabaho sa labas ng pader na ito. ". - paliwanag nito sa akin " Ngunit kamahalan maari ko bang itanong kung saan kayo dumaan papunta dito?". - tanong ko at tinuro nya ang pinto sa dilim . Hinde ko naaninag ito kanina dahil sa madilim ang paligid . Natutuwa ako at kumportable kaming dalawa ng Reyna . Lumingon ako sa kanya at sadyang labis ang kagandahan nito . Tila nakakatunaw kapag tinitigan ito. Porselana ang kanyang kutis at mapupungay na mata kahit na tila parang ang mata nito ay inaantok na nakakapang akin. (Sleepy eyes). Ang nga labi nito ay malambot ! Hinde mali naalala ko naman ang halik na iyon na naging dahilan kaya't hinde ko nagawa ang aking mission. " May Isa kapa ba ng bote ng alak? Nais akong makahingi? ". - nagulat ako sa sinabi nito dahil alam kong pinagbabawal ang alak sa mga kababaihan sa kanilang kaharian " Ngunit Mahal na Reyna hinde kaya bawal ito sa inyo? ". - tanong ko upang hinde rin ako mapahamak dahil kapag may mangyaring masama sa Reyna ay ako lamang ang sisihin walang iba. " Huwag kang magalala dahil umiinom ako ng alak sa aking silid . Ito ang ginagawang pang gamot sa akin dahil nahihirapan akong makatulog . Kaya't alam ko nang kontrolin ang aking sarili kapag akoy nakakainom ng alak !". - paliwanag nito sa akin habang nakangiti. Kaya't inabot ko na ang isa pang bote na aking dala dala. Kaagad nya itong ininom. " Huwag nyo akong sisihin kamahalan kapag kayo ay nalasing dahil ang alak na yan ay mataas na kalidad ng alcohol!". - paalala ko sa kanya at ngumisi lamang ito Lalo syang gumaganda kapag ngumingiti ... Humahanga din talaga ako sa kanya dahil sa magaling nitong pamumuno sa kanilang kaharian. " Kamahalan may katanungan lamang po ako? Bakit tila noong kaarawan ng Velvet ay wala ang mga pader na ito ?". -alam kong simple lamang ang aking katanungan ngunit gusto kong kausapin ang Reyna. " Hmmm dahil kanyang kaawaran bukas ang lahat sa gustong humiling ng kanilang kahilingan sa velvet lalo sa kanyang kaarawan . Ngunit pag katapos nito ay kailangan ko ulit mag patayo ng pader upang protektahan ang mga taong magtatangkang lumapit dito.". - paliwanag nito " Maraming salamat kamahalan .". - tanging Sabi ko " Lahat ng mamayan ay alam ang tungkol sa velvet ngunit Ikaw ay tila bagong mamayan? ". - napansin nito , ngunit hinde ako pwedeng mag pakilala bilang dayuhan dahil maaring marami itong itanong sa akin kung bakit naririto ako sa kanilang kaharian . " Syang tunay kamahalan .". - tanging sagot ko at uminom ng alak " Ginoo? May katanungan ako na hinde ko kayang tanungin sa kahit sino? Ngunit sa tingin ko ay mabuti ka namang mamayan ng independentas kaya't Ikaw ang karapat dapat sa aking katanungan.". - bigla akong kinabahan dahil humarap ito sa akin at tinitigan ang aking mata . Umiiwas ako sa titig nito dahil maaring matandaan nya ang aking mata na ako ang taong nagtangkang pumuslit sa kanyang silid . " Isa ba akong magaling na Reyna ? Nang kahariang ito?". - nagulat ako sa tanong nito dahil hinde ba nya batid na halos ng ibang kaharian ay tinitingala ito. " Isa kang kahanga hangang Reyna dahil sa patas na pamumuno mo dito sa kaharian. Isa pa ay hinde biro ang maging isang Reyna na tanging nag iisang namumuno sa napakalaking kahariang ito. ". - Sabi ko " Maraming salamat pero hinde maalis sa aking isipan Ang sinabi sa akin ng Isang tagahatol na kailangan ko nang magkaroon ng hari dahil unti unti daw bumabagsak ang ating kaharian!". - malungkot na paliwanag nito ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD