Hinde ko alam ang gagawin ko kung aawatin ko silang dalawa. Dahil baka makita ito ni Fuego at masira ang kanyang kaarawan. O kailangan kong hayaan sila upang masabi nila ang hinanakit sa isat Isa. Kapag iniwanan ko naman si fussia ay baka may mangyaring masama kayat dito na lamang ako hinde ko na lamang sila pakikinggan.
" Kahit ang totoo ay Ikaw ang lapit ng lapit sa kanya ? ". - Sabi ng kapatid ni fussia
" Tigilan na natin ang pag tatalong ito dahil kahit anong sabihin ko ay sarili mo lamang ang paniniwalaan mo! Sa dami ng kasalanan mo hanggang ngayon ay hinde mo parin alam ito at sa akin mo parin sinisisi !". - Sabi naman ni fussia na kitang kita sa mata nito ang tinatagong galit at lungkot dahil hinde rin naman biro ang mga nangyare sa kanya lalo't mismong kapatid nito ang nagtaksil sa kanya
" Oo Ikaw dahil hanggang ngayon Ikaw parin ang bukang bibig nya ! Ikaw parin ang palaging nasa isip nya! Kapag kasama nya ako walang gabi na hinde Ikaw ang binabanggit nya ! Kahit panaginip nya nandoon ka! Sige nga paanong hinde kita kakamuhian na kahit kasama nya ako Ikaw ! Ikaw paren ang hinahanap nya!". - umiiyak na sabi ng kapatid ni fussia
" Tsk ! Sa tingin mo kasalanan ko yon? Yan kase ang hirap sayo ! Hinde mo alam na kinakarma ka sa ginawa mo? Dahil una palang sakin sya ?! Tapos ako ang sisihin mo ? Dahil laman ako ng isip nya? Alam mo bang kinamumuhian ko sya ? Bakit ako lalapit sa taong dahilan kung bakit nasira ang pag katao ko? Alam mo na lahat ng ginawa mong mali bumabalik sayo ! Ayaw mo lang aminin sa sarili mo ! ". - makabuluhang sagot ni fussia
" Hayop ka !". - sigaw ng kapatid nito at akmang sasabunutan si fussia
Pupunta na sana ako para awayin sila ngunit nagulat ako sa mabilis na tumakbo papunta kala fussia .
" Fuego ?!". - gulat na gulat na tanong ng kapatid ni fussia nang harangan ni Fuego si fussia para protektahan ito
"Tigilan mo na ang kahibangan mo ! Tigilan mo na sya dahil kahit kailan hindeng hinde ako magiging sayo ! Tama ka ! Si fussia parin ang laman ng puso't isip ko ! Hanggang ngayon nais kong makasama sya sa araw araw hanggang sa malagutan ako ng hininga !". - Sabi ni Fuego sa harap MISMO ng kapatid ni fussia
**PAAAAK!!***. -Sinapal ng kapatid ni fussia si Fuego
" Binigay ko sayong lahat ! Tapos ganto lang ang sasabihin mo ? ". - galit na tanong nito kay Fuego
" Umalis kana dito sa tahanan ko! Kahit kailan huwag kanang babalik dito! Inimbitahan kita dahil pagrespeto ko sa magulang mo! Ngunit dahil sa ginawa mong to hinde kana makakapasok muli dito!". - Sabi ni Fuego
" Tandaan nyo to hinde pa tayo tapos ! Isusumpa ko na hinde kayong magiging masaya!". - sigaw ng kapatid ni fussia at tuluyang umalis
Humarap si Fuego kay fussia at hinawakan ang kamay nito. Nakatingin ito kay fussia ngunit ang dalaga ay nakatungo.
" Totoo ang sinabi nya ... na sa tagal nating nawalay ay hinde ka naalis sa isip ko. Kaya sa tuwing nag kikita tayo kahit nag aaway tayo ay ito ang paraan ko para makausap at makita ka ...". - Sabi ni Fuego kay fussia
Ang totoo ay ngayon lang ako nakakita ng ganito... Digmaan ng pagibig, mahirap alamin kung sino ang
panalo ...
" Hinde nararapat ang nararamdaman mo! Dahil ako matagal na kitang nakalimutan . Gusto kong mabuhay ka ng hinde mo ako iniisip ng hinde mo ako hinahanap ! Dahil pareho lang natin ginusto na magkahiwalay tayo ng landas . Gusto kong hinde mo na ako hanapin dyan sa puso at isapan mo !". - Sabi ni fussia
" Pero hinde ko gustong mag kahiwalay tayo fussia . Yung panlolokong ginawa ko ay matagal ko nang pinagsisihan. Hinde ako magiging masaya kapag wala ka sa buhay ko fussia...". - taos pusong Sabi ni fuego
" Patawad dahil hinde pa kita kayang patawarin ... Paalam Fuego!". - Sabi ni fussia at tuluyang umalis
Hinabol ko si fussia papunta sa loob ng kasiyahan. Nakita ko itong kausap si Eight na walang tigil sa pag kain ng handa . Lumapit ako at nakita kong pinunasan nya ang luha nito sa kanyang mata.
" Hinde mo dapat pinipigilan ang pag mamahal mo sa kanya !". - Sabi ko at nakakunot naman ang kilay ni Eight nagtataka kung ano ang aking sinabi kay fussia.
" Ngunit iyon ang maari upang hinde narin magkagulo pa ! Isa pa Isa syang maharlika at akoy pang karaniwang tao lamang !". - Sabi nito
" Tila binababa mo ang iyong sarili . Hinde ba ang kaharian nyo na ang nagsabi na pantay pantay ang pag iibigan sa Independentas ? At kung iniisip mo na guhuluhin ka ng iyon kapatid huwag kang matakot ! Hinde bat masarap umibig kung ang pag ibig na iyon ay iyong ipinaglaban kaysa sa pag ibig na iyong hinayaan ? Baka pag dating ng panahon ay iyong pag sisihan? Magandang sumugal sa pag ibig kaysa isipin mo na Ikaw ay talo. Pag isipan mong mabuti bago ka mag desisyon !". - payo ko rito na lalong pumatak ang mga luha nito.
" Maraming salamat sa inyo! Ngunit hinde na muna kita masasamahan ngayon sa ating pupuntahan na iyong kaibigan ! Dahil baka gabihin tayo at may kailangan pa akong puntahan !;". - Sabi ni fussia .
" Maari naman natin ipagpabukas ang pagpunta kay Hirae! Ngunit kung aalis ka ay paano kami makakauwi hinde namin alam ang Lugar dito?". - tanong ko dahil alam ko naman na pagod ito marahil gayundin ang kanyang isip
" Hinde kayo pababayaan ni Fuego. Kung hinde kayo makakauwi ay dadaanan ko na lamang kayo dito dahil ang Ywella ay malapit lamang dito. Kung hihintayin nyo ako sa tarangkahan ng palasyo ay mas lalo tayong mapapalayo . ". - paliwanag nito at syaka nag paalam ng umalis ito.
Sa kalayuan ay natatanaw ko si Fuego na umiinom ng alak at nakatingin pala sa aming gawi. Hinde naman din kalayuan ang kanyang pwesto kaya't siguro ay narinig at nakita nya ang pag uusap namin ni fussia. Hinayaan ko lang si Eight na kumain ng kumain ng kanyang gusto hanggang sya ay manawa. Ako ay pumunta sa gawi ni Fuego dahil na rin sa alak. Labis na akong nanabik sa alak.
" Ginoo maari ba akong makininom ng iyong alak ?". - bungad ko at inilayo nya ito
" Hinde maari dahil siguradong magagalit si fussia kung hahayaan na naman kitang malasing ginoo!" - pagbabawal nito, tila hinde ko na naman maiinom ang paborito kong alak
" Hay nako kung ako sayo ay magpakasaya na lamang lalo't sa araw ng aking kaarawan! Tignan mo ang iyong bisita tila lahat ay masaya sa iyong hinandang pag diriwang?". - Sabi ko dito para naman ay hinde lungkot ang nakikita ko
" Paano ako sasaya ginoo? Kung aking minamahal ay pilit lumalayo sa akin?". - Sabi nito at tumungga ng Isa pang alak
" Hayaan mo naman ba itong lumayo sayo? Kung ganon ay talagang hinde mo sya mapapabalik sayo? Duwag ka kung sa simpleng pagtaboy sayo ay apektado kana nito!". - Sabi ko at tumingin ito sa akin na tila nakakuha ng ideya
" Tama ka ginoo! Mabuti at narito ka sa aking kaarawan labis akong nag papasalamat! Tama hinde ko dapat sukuan ang pag mamahal ko kay fussia hanggang sa kamatayan !". - tila nakakuha na naman ito ng lakas ng loob .
Nang may makita akong maliit na bote ng alak ay aking kaagad binulsa na tiyak mamaya ay aking iinumin. Lahat ng alak na kasya sa aking lagayan ng pera ay aking ipupuslit.
" Nag papasalamat din kami sa iyo ginoo dahil inanyayahan mo kami rito! ".
" Kanina ay ginto ang nais mong ihandog? Kung iyo itong ihahandog ay maari mo itong ibigay sa akin bukas hehe dahil hinde ko na kaarawan!". - pabirong Sabi nito
" Ibinigay ko na ito kay fussia ! Kung nais mo ito ay sa kanya mo ito kunin hehehe!". - bawi ko
Nang matapos na itong uminom ng alak ay inihatid nya kami sa aming silid tulugan ni eight. Dahil sa kabusugan nito ay kanina pa sa palikuran. Pag silip ko ng bintana ay tanaw ko ang mga magagandang kabahayan ng nga maharlika. Inilabas ko ang aking alak upang inumin ito ngunit parang may naisip akong magandang ideya . Na tiyak ay mas masaya bukod sa pag Inom ng alak . Ito ay pumunta sa Puno ng Velvet upang doon inumin ang mga maliliit na boteng ito. Tila masaya nga ang aking naiisip. Wala ding iistorbo sa akin o dikayay mga mangangalakal na mangunguha kahit na akoy malasing.
***to be continued***