Mag kaibang kalesa kami nila Fuego sa kalesa ko ay kasama ko si Eight doon namin pinasama si fussia kay Fuego upang mag init pa ang kanilang pag ibig. Nauuna sila sa amin upang sundan ng kalesa namin kung saan ang tahanan ni Fuego . Sa pag kakaalam ko ay may dugong maharlika si Fuego kaya't maraming maharlika ang nag pupunta sa kanyang bahay aliwan . Kung titignan silang dalawa ay labis ang kanilang pananabik sa isat isa na kanilang pinipigilan sa isat Isa.
" Sobrang ganda ng kahariang ito! Malinis at magaganda ang tanawin " - Sabi ni matandang Eight
" Kaya't mas gugustuhin ko nang manirahan ito kaysa sa ating kaharian . Ngunit naroroon ang aking Ina at ama .". - Sabi ko
" Hmmm maari mo naman silang puntahan doon kung dito kana maninirahan . Sigurado ako kapag natapos mo ang misyon mong ito ay tiyak na malaki ang magiging utang na loob sayo ng hari !". - Sabi nito habang ngumunguya ng prutas na kinuha nya sa bahay aliwan
" Hinde ko binibigay ang serbisyo para sa utang na loob talagang nangako ako sa aking ama na magiging kagaya nya ako na mag papanatili ng kapayapaan ng kahariang Feiliposna . Nag aalala lamang ako ngayon dahil possibleng mag karoon ng kaguluhan sa kaharian kapag nalaman nilang wala ako dahil sa isang misyon.". - paliwanag ko sa kanya at malalim ang iniisip
" Ang inaalala ko rin ang Reyna Wilyana ? Paano kapag nahanap natin ang anak ng hari tiyak na mag wawala ito sa galit !". - Sabi nito at naalala ko naman ang pasimpleng pasaring namin ng Reyna Wilyana. Sa totoo ay hinde ako natatakot sa reynang iyon dahil alam kong mas matinik parin ako kaysa sa kanya.
" Dahil hinde kami magkasundo ng Reyna Wilyana ay tiyak na hahanapin ako nito dahil palagi akong nasa palasyo!".
" Ay naku ! Hinde ko rin iyan kasundo noong Taga pangalaga pa ako ng kayamanan ng hari ! Masyadong mapagmataas at gahaman kaya't walang kahit sino noon sa palasyo ang kanyang nakakasundo lahat ay galit sa kanya !". - Sabi nito
Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo ang kabayo at umalulong ito.
" Narito tayo sa Puno ng Velvet !!! Magbigay pugay !". - sigaw ng nagmamaneho sa kabayo .
Nag bigay pugay kami at ginaya lamang ni Eight ang aking ginawa lumuhod at yumuko sa Puno ng Velvet. Dahil may harang ay hinde makikita ang katawan nito ngunit may ilang sanga nakikita namin kaya't kitang kita ang pulang dahon nito. Nakakapagtaka lang na alam din ng kabayo ang punong ito siguro ay talagang mahiwaga ito tulad ng aking panaginip ng makita ko ang lumiliwanag na pulang puno .
Pag katapos namin mag pugay ay tumakbo ulit ang kalesa.
" Narinig ko na ang pangalan ng punong yan ngunit hinde ko akalain na totoo ito. Nakakamangha na pula na pula ang puno ! Ngayon lang ako nakakita ng katulad nyan, siguro ay maganda ito sa malapitan ! Maari ba nating puntahan kapag tapos ng pag diriwang ?". - Sabi ng matandang Eight
" Pinagbabawal sa kaharian ng independentas na pumasok sa loob ng pader na hinaharang sa punong iyon. Dahil prinoprotektahan ito ng palasyo, ay kailangan mo munang mag paalam sa Reyna Eve bago pumasok dito!". - paliwanag ko sa matandang si Eight
"Bakit lubos na mahalaga sa Kahariang ito ang punong iyon?". - tanong nito na ganito din ang unang pumapasok sa aking isip noong unang malaman ko ang tungkol sa punong ito.
" Yan din ang katanungan ko nung una ngunit noong nalaman ko ay nais ko ding protektahan ang punong yan. Sinasabing yan ang nagbibigay buhay sa kaharian ng independentas o nag dadala ng swerte. Alam mo ba ang punong yan ay puno ng hiwaga dahil sa ito lamang ang punong kulay pula kahit ang dagta nito ay kulay pula . Sinasabing hinde ito tumutubo sa kahit saan kahit pa sa tabi nitong lupa. Kusang tumubo ang punong ito at natagpuan ito dalawangpung taon na ang nakakalipas. Ang buong puno din na ito ay nag tataglay ng lason na ilang segundo lamang ay tiyak ang iyong kamatayan. Sinasabi nila nakapag Ikaw ay umakyat sa puno at mag karoon ng maliit na sugat ay at dumapi lamang ito sa Puno ay Ikaw ay malalason na walang ibang lunas. ". - paliwanag ko kay Eight at tila humahanga ito sa Puno .
" Ngayon alam ko na kung bakit kailangan itong pangalagaan . Nararamdaman ko ang kanyang presensya na kakaiba ang dulot nito sa buong kaharian ! Siguro kaya't walang ibang nag tatangkang sumakop sa kahariang ito dahil sa takot na gawing sandata ang punong iyan sa kalaban !". - palaisipan nito
"Siguro ay tama ka !".
Huminto na ang kalesa at bumungad sa amin ang napaka laking bahay ni Fuego. Pag pasok namin ay tila marami na itong bisita magaganda ang mga dekorasyon at mararaming pag kain .
"Ganito pala ang handaan ng Isang maharlika ?". - tanong ni Eight na biglang kinulbit ni Fussia na wag itong maingay. " Bakit?". - tanong nito
" Hinde dapat nilang malaman na hinde ka Isang maharlika ! Dahil kadalasan sa maharlika ay tila galit sa hinde nila kapwa maharlika !". - bulong ni fussia ngunit dinig ko parin ito.
" Hinde mawawala sa kaharian ang pag silip ng antas ". mahinang Sabi ko
Hinde naman mahahalata na Isa kaming dukha dahil an din sa aming kagwapuhan. Kahit si Eight ay may angking kagwapuhan mabuti nalang ay binilihan ko sya ng kanyang damit na bumagay sa kanya. Dinala kami ni Fuego sa bilog na lamesa . Lahat ay ngumingiti sa Amin at bumabati kahit hinde namin kilala. Maya Maya ay may nag dala sa amin ng pag kain at mga inumin at alak.
" Hinay lang sa alak ginoo!". - pag papaalala sakin ni fussia
Pumunta sa gitna si Fuego at syaka pumalakpak para pang agaw ng atensyon ng kanyang mga bisita.
" Maraming salamat sa pagpunta nyo sa aking kaawaran . Labis kong kinagagalak na lahat ng malapit sa akin ay nakikita ko at naririto ! Maraming salamat !". - Sabi nito at pumalakpak at hiyawan naman ang buong paligid.
Biglang may tumugtog na musika at si Fuego ay umupo sa tila Isang trono na maraming palamuti.
" Magbibigayan na ng dentas ! Kapag narinig nyo ang tunog ng gitara at ukelele ay kailangan nang magbigay na handog na salapi.". - paliwanag ni fussia .
" Ngunit Wala akong salapi !". - bulong ni eight sa akin kaya't inabutan ko ito ng Isang dangkal na dentas . Gulat na gulat naman ito sa aking Ibinigay.
"Napakarami naman nito Mora !". - pag rereklamo pa nito
Nagsimula nang magbigay ang mga panauhin sa kaarawan ni Fuego . Sa Dami ng bisita nito ay tiyak na marami itong maiipon . Masaya palang magkaroon ng kaarawan dito sa kaharian ng independentas. Dahil may Isang ginto pa ako dito ay ito na lamang ang ibibigay ko sa kanya . Tumayo na rin si fussia upang bigyan ito ng dentas , sumunod naman ay si Eight . Gulat na gulat din sa dami ng binigay ni Eight ngunit alam kong binawasan nya pa ito. Tumayo na ako para ibigay naman ang akin.
" Binawasan ko Sayang ! Sakin nalang tong natitira salamat heheh !". - bulong ni eight sa akin ng kami ay mag kasalubong
Inabot ko sa kanya ang ginto...
" Ginoo! Hinde ka maaring mag abot sa akin ng ginto kailangan ay salapi lamang !". - bulong sa akin ni Fuego mabuti ay hinde nakita ng mga bisita ang ginto na Sana ay aking ibibigay
" Bakit bawal ito ginoo?". - tanong ko
" Dahil Isang bagay ang ginto kahit malaki ang halaga nito!". - paliwanag nito kaya't nilabas ko ang Isang dangkal na dentas . Ngayon ay gulat na gulat ito pati narin ang mga nasa paligid .
" Ngunit napakalaki namang halaga nito ginoo?". - pagtanggi pa nito
" Tanggapin mo dahil iyan ay handog ko saiyo! ". -Tyaka ako umalis at bumalik sa aming kinauupuan
Pag balik ko ay wala si Fussia at si Eight lamang ang naririto sa lamesa at kumakain. Nilibot ko ang aking mata at nakita ko na hila hila ito ng Isang babae ngunit saan sila tutungo? Sinundan ko sila dahil hinde ko alam kung ligtas ba si fussia dahil base sa aking interpretasyon ay mahigpit ang hawak nito kay fussia .
Nakita ko sila sa Hardin ng bahay ni Fuego at tila may pagkakahawig ito kay fussia. Nagtago ako sa pinaka gilid .
" Bakit ka narito? ". - mataray na Sabi ng babaeng humila kay fussia
" Hinde ako narito para agawin sya sayo! Sinamahan ko lamang ang mga kaibigan ko!". - sigaw ni fussia at aalis na sana ngunit pinigilan parin ito ng babae.
" Hinde ako natatakot na agawin mo sya dahil alam kong hinde na sya babalik sayo!". - sigaw naman ng Isang babae , iniisip ko siguro ito ang sinasabi sakin ni casu na kapatid ni fussia
" Kaya pala sinabi nya sa akin na umaasa parin sya sa aming dalawa ! Sino kaya sa inyo ang nagsasabi ng katotohanan !". - galit na Sabi ni fussia.
***to be continued***