Chapter 23

1520 Words
Moon Pov Dahil nasa Veril ang mga Bata ay dito kami natulog sa bahay nila fussia . Ngayon ay nag hahanda kami para sa kaarawan ni Fuego . Pinipilit ko si fussia na sumama dahil gusto kong samahan nya kami sa Ywella dahil sa nakita kong liham ni Hirae ay balak namin itong puntahan para malaman din nito na ligtas kaming nakagabalik sa kaharian ng independentas. " Sumama kana muna sa amin sa kaarawan nila Fuego upang hinde na kami babalik dito papuntang Ywella ! ". - pag pipilit ko " Kung sasama ako ay huwag nyo kaming tutuksuhin dahil tapos na ang relasyon namin ng taong yon!" - Ines na sabi nito sa akin . " Alam mo iha kapag ganyang iniiwasan mo sya ay lalong iisipin nya na may pag tangi ka parin sa kanya ! Lalaki ako kaya alam ko ang pag iisip ng kapwa namin. ". - sabat naman ni Eight na mas kumportable pa dito sa bahay nila fussia dahil nakataas pa ang paa nito habang nag kakape . " Nako mas lalo nyang iisipin na dahil pumunta ako doon dahil gusto ko syang makita !". - pagpapakipot nya parin kung tutuusin ay halata naman talaga sa kanya na may pag tangi kay Fuego dahil kahit hinde ako bihasa sa pagibig ay ramdam ko ito . Talagang pinipigilan nya lang ang kanyang sarili. " Mag gayak kana at pupunta tayo sa Ywella upang makilala mo na din si Hirae ang kaibigan namin.". - Sabi ko at tumayo na ito upang magbihis ng kanyang damit . Mga ilang minuto ay pag labas nito ay tila pinaghandaan nya ang sarili at gayak na gayak maging palamuti sa kanyang mukha . " Ginoo alam mo ba ang Ywella? ". - bungad na tanong nito " Hinde saan ba ito? Hinde ko pa lubos na alam ang bawat Lugar dito sa kaharian ng independentas. " - sagot ko " Hmmm ang Ywella ay Lugar mula sa likod ng palasyo na bayan ng maharlikang pamilya ". - paliwanag nito ngunit kung ganon ay isang maharlika si Hirae ngunit bakit hinde nya ito sinabi. " Kung ganon ay isang maharlika ang taong aking pupuntahan ?". - tanong ko dahil sa aking kyuryosidad " Maari ngunit pwedeng hinde tulad ng ibang kaharian may nga naninilbihan sa mga maharlika dahil ang mga maharlika ay nag babayad din na pwedeng gumawa ng gawaing bahay sa kanilang tahanan !". - sabi nito sabagay ay kadalasan sa mga maharlika ay may alipin o di kayay naninilbihan . " Pansin ko iha nagnining ning ka sa suot mo ngayon at umaliwalas ang iyong mukha? ". - napansin ni Eight, dahil siguro ay nais pag handaan nito ang itsura para sa kaarawan ni Fuego . " Kapag ako ay dadalo sa pag diriwang ay gumagayak ako ! Ngunit araw araw akong isang bulaklak na namumukadkad !". - Sabi nito at napabuga si eight sa kanyang iniinom na kape. " Mabuti pa ay umalis na tayo hinde kung anong iniisip isip natin na walang katotohanan !". - biro ni eight at ngumingiti ngisi ito. " Mabuti pa nga Lolo!". - pang aasar din ni Fussia Umalis na rin kami at sumakay sa kalesa . Dala ko rin ang Ilan sa aking ginto na ipapalit ko sa kanilang salapit na dentas upang may magamit akong pambili na maari kong gamitin sa aking mission. Una kong bibilin ay mga panulat at mapa ng kaharian sunod ay mga damit ni Eight upang hinde sya mukhang dayuhan sa kanyang kasuotan . Pati narin ang ninanais Kong damit na gagamitin ko sa misyon dahil gusto ko ang damit na hinde makikita sa dilim kaya't lahat ay itim gayundin ang maskara pati narin ang baril. " Fussia ? Anong magandang I handog Kay Fuego para sa kanyang kaarawan ? - tanong ko kay fussia na nasa aming likuran dahil gusto nya doon pumwesto . Habang itong si eight ay walang sawang naninigarilyo " Handog? Ibig mong sabihin kagamitan na panregalo?". - tanong nito " Ahmm hinde kami nag reregalo sa kaharian ng mga kagamitan dahil pinaniniwalaan namin na ang kagamitan ay tanging sa Reyna lamang ito maaring ibigay . Ngunit nagbibigay kami ng Salapi sa nagdiriwang nang kaarawan !". - paliwanag nito " Bakit sa Reyna lamang dapat mag handog hinde ba sa lahat ito?". - tanong ko muli dahil sa kaharian namin sa Feiliposna ay palaging nag hahandog sa kahit anong pag diriwang " Paniniwala ito Mula ng sinaunang Panahon . Kahit maging sanggol o kahit anong bagay kahit pag kain ay hinde ito nireregalo sa ibang tao kung hinde ito ang Reyna !?". - paliwanag nito at biglang lumingon si Eight na kinagulat naming pareho ni fussia . " Anong sabi mo sanggol? Kung halimbawa mag iwan ako ng sanggol sa harapan ng palasyo? Malugod ba itong tatangapin ng palasyo? ". - tanong nito na alam ko na ang kanyang ibig sabihin. " Anong klaseng tanong mong yan? Sino ang taong mag iiwan ng sanggol sa harap ng palasyo ? Isa iyon sa walang kwentang tao sa mundo ! Ngunit kapag iniwan mo sa harap ito ng palasyo ang ibig sabihin ay hinahandog mo ito sa Reyna ay possibilidad na kanya itong tanggapin. ". - paliwanag ni fussia, nanlumo naman si Eight dahil tinamaan sya sa sinabi ni fussia at hanggang ngayon ay nasa kusensya nya ito Narito na kami sa pamilihan ng Independentas at pupunta sa palitan ng ginto . Bibilan ko na din ng kasuotan si Eight upang mag mukha itong naninirahang sa palasyo. Tinitignan ko ang mukha ng matandang si Eight ay tila apektado pa rin sa sinabi ni fussia . " Ilang taon na ang Reyna ng independentas ? ". - bulong ni eight sa akin " Huwag muna ngayon ginoo! Tanggalin mo muna yan sa iyong isip dahil maraming tao dito sa pamilihan mahirap kapag may nakarinig sayo na ibang tao !". - paalala ko dito lalo't marami din kawal na nag iikot sa pamilihan . Natatanaw ko si Fussia na pinapapunta na kami doon sa palitan ng ginto . Mahigpit Ang seguridad dahil ito lamang ang nag iisang palitan ng ginto sa buong kaharian at upang hinde rin pasukin ng masasamang tao . Sa tabi ng palitan ng ginto ay nakita ko ang magandang lagayan para sa aking mga perang dentas. Maisusuot ko to sa aking balikat at magaan gamitin kesa sa aking blusa. Nakita ko rin ang damit ng mga hayop na ginagawa ng mga kababaihan dito lalo na ang gantsilyo. Mabuti ay nakita ni daisy ang aking pusa kahapon at dinala nya ito sa Veril ngayong araw upang malawak din ang magalaan nito. Babalikan ko din ito kapag nakabalik na kami sa veril. Pinaiwan ko muna si Eight upang makapamili ng ganyan damit na susuotin. Dalawang ginto muna ang aking ipinapalit ngunit katumbas ito nang napakalaking halaga. Lumuwa ang mata at tenga ng mga Taga palit dahil iniisip nitong Isa akong maharlika. Pag labas namin ay binayaran ko na ang suot na damit ni Eight na lalong nag palitaw nang kagwapuhan nito kahit matanda na ito. " Sa susunod na pag babalik ginoo!". - Sabi ng tatlong babae kay eight at ang matanda ay tila tuwang tuwa dahil magagandang babae ang mga ito " Tila babalik ulit ako dito!". - Ani nito " Isusumbong kita sa iyong asawa !" Pag katapos ay nilakad nalang namin ang bahay aliwan dahil malapit lang ito sa pamilihan. Pag bukas namin ng pinto ay nakita namin si Fuego na umiinom ng alak . Agad kaming lumapit dito. " Tila nag uumpisa kana pala magsaya kaibigan! Maligayang kaarawan !". - bati ko dito at niyakap ito " Maraming salamat kaibigan !". - Sagot nito sakin " Maligayang kaarawan Fuego !". - bati naman ni eight at paglingon kay fussia ay tinatarayan nya lamang ang ginoo. " Tila kasama nyo ang alaga nyong dragon hahaha!". - pang aasar ni Fuego kay fussia na kasabay naman tumawa ang matandang si Eight Hinde na din kami nag tagal sa bahay aliwan at nag patawag na ito ng kalesa na aming sasakyan. Habang ako nag lalakad ay tila may nabunggo akong isang babae ngunit mukhang mandirigma dahil sa kasuotan nito " Paumanhin ginoo!". - Sabi nito " Ayos lamang !". - Sabi ko at nag katitigan kaming dalawa ngunit sa hinde ko inaasahan ay kakaiba ang babaeng ito pati narin ang mga mata nito. Tila kahit marami na akong napaslang ay kinikilabutan ako sa takot dahil lamang sa kanyang titig. Pakiramdam ko ay kilala nya ako . Tinignan ko sya kung saan siya tutungo ngunit papunta ito kinaroroonan ng palasyo . " Bakit anong problema?". - tanong saken ni Fuego " Kakaiba ang titig nang babaeng iyon!". - Sabi ko " Ay huwag mo iyon titignan ng katulad sa kanyang titig dahil kilala ang babaeng iyon na mandirigma ng palasyo iyon si Claura ! Likod pa lamang ay alam ko na !". - paliwanag sakin ni Fuego Sumakay na kami ng karwahe ngunit hinde parin maalis sa isip ko ang kilabot na naramdama ko sa titig nang tinatawag nilang Claura . ***to be continued***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD