Hinde nag papigil si Moon na umalis at puntahan si Fussia at Fuego sa palasyo ng independentas. Ngunit bago pa man makaalis ay saktong dating naman nila fussia. Nag mamadali itong yumakap kay Moon.
" Mabuti ay ligtas ka ginoo!". - Sabi ni fussia habang nakayakap ito kay moon
" Sinabi nyo ba sa palasyo ang tungkol sa pag kawala ko? ". - ito agad ang bungad ni Moon dahil hinde maalis sa isip nito ang maaring kahihinatnan ng pag sabi sa palasyo ang tungkol sa kanyang pag kawala at sabihin ay Isa syang maharlika sa kaharian ng Feiliposna. Kumalas sa pag kakayakap si fussia
" Hinde ginoo dahil may importanteng gagawin ang kamahalan .". - sagot naman ni Fuego
" Maaring doon na tayo mag usap sa loob ?". - sabat naman ni daisy.
Nang nasa loob na sila ay nakalimutan ni Moon na iayos ang mga kagamitan nito. Kaya't nakatakas ang pusa sa kulungan nito na hiningi nya kay Eight.
" Nawawala ang pusa ! ". - Sabi ni Moon
" Aling pusa ginoo?". - tanong ni dais
" Ang pusang aming dala dala ? Kulay abo !". - Sabi ni Moon
" Nako ginoo! Iyon ata yung pusang nakita kong lumabas kanina !". - Sabi ni daisy na kumakamot sa ulo nito
" Siguradong magagalit sa akin si Eight dahil napabayaan ko ang pusang hiningi ko sa kanya !". - Sabi ni Moon
" Sandali at hahanapin ko sa labas baka hinde pa nakakalayo ito!". - Sabi ni daisy
Tila pagod na pagod si fussia dahil ilang araw na silang pabalik balik sa palasyo at tumutulong sa imbestigasyon sa pag patay sa kilalang assasin sa kanilang kaharian .
" Saan ka nang galing ginoo? Labis kaming nag alala sayo ! Patawarin mo ako dahil hinayaan kitang makuha ng mga mangangalakal ! Sinaktan ka ba nila ginoo?". - pag aalala ni Fuego
" Oo nga ginoo! Sa susunod ay huwag kanang iinom ng alak ng anong oras ng Gabi dahil sa Gabi sumasalakay ang mga masasamang loob ! Alam mo ba ginoo na pinahanap ka namin sa isang assasin ngunit pinaslang ito at hinde malaman kung sino ay may gagawan nito. ". - Sabi naman ni fussia
" Kaya ko ang aking sarili ngunit kapag akoy nakainom ng alak ay tiyak mawawalan ako ng kontrol sa sarili. Hinde ko kayang lumaban kapag akoy nakainom ng alak. Ngunit naging mabuti na rin na nangyari iyon , dahil nagkaroon din ako ng bagong kaibigan ". - Sabi ni Moon at natagpuan nya din si Eight, kung hinde sya naging alipin ay siguro hinahanap nya parin si Eight o di kaya ay magisang sumabak sa mission
" Kaya naman ay hinde kana maaring uminom ng alak ! ". - pagbabawal ni fussia
" Hinde mo mapipigil ang ginoo sa naisiin nya fussia! Ngunit tiyakin nalang ng ginoo na mag iingat ito !". - pag tutol naman ni Fuego
" Sa sandaling nawala ako ay tila mag kalapit na kayong dalawa ? May nangyari ba ng Wala ako?". - pang aasar ni Moon kay fussia at Fuego kaya't tinulak ni fussia si Fuego papalayo sa kanya.
" Ano bang iniisip mo! Hinahanap kalang namin pareho dahil pareho kaming may pananagutan sa pag kawala mo! Yun lang at Wala ng iba !". - paglilinaw naman ni fussia ngunit tila namumula ang pisngi nito
" Ngunit anong ibig sabihin ng nangyari sa atin sa kagabi sa aking tahanan? At hinde lang yon dinalan mo din ako ng pagkain ! ". - Sabi naman ni fuego na nagtataka sa inasta ni fussia
" Kalimutan mo na iyon ! Nandito na ang ginoo kaya't balik sa dating gawi ! Hinde tayo ulit mag kaibigan ngunit magkaaway !". - pagpapakipot ni fussia
" Tila magulo ang iyong kaisipan ? Kailangan ko siguro sabihin sayo na hanggang ngayon ay umaasa pa Rin ako sayo ! Sa dinarami rami ng kababaihan sa kaharian miski Isang beses simula ng nag hiwalay tayo ay wala ng babae sa puso ko !". - lumabas ang emosyon ni Fuego ngunit si fussia ay nagugulihimanan dahil ayaw nyang maulit ang mga masasakit na nangyari sa kanilang dalawa.
" Kalimutan mo ako ginoo! Maaring binigyan lamang Tayo ng oras ngayon para mag kasama pero hinde yon dahilan para mabago mo ang kasalanan mo at mga sakit na naiwan mo sa akin !". - Sabi ni fussia at sabay pasok sa kanyang silid .
Lumapit naman si Moon kay Fuego at tinapik ang balikat nito.
" Hayaan mo muna syang makapag isip. Kung iyon ang kanyang kagustuhan ay sundin mo kung Mahal ka nya ay kusa syang lalapit sayo para sa muling pag iibigan nyo.". - payo ni Moon
" Salamat ginoo! Dahil gusto nyang mag kaaway ulit kami ay susundin ko. Pero ginoo bukas ay aanyayahan kita sa pag diriwang sa aking tahanan dahil aking kaarawan. Kung hinde sasama si fussia ay Ikaw ginoo ang aking aasahan. Magkita tayo sa bahay aliwan dahil tiyak na hinde mo alam ang papunta sa aming bayan !". - paanyaya ni Fuego
" Maari ko bang isama ang aking tiyuhin ang pangalan nya ay eight. Kasama ko syang bumalik dito sa Independentas nakita ko sya sa ibang kaharian. Sa ngayon ay nasa kwarto ito ni Daisy at nag papahinga mula sa pag kahimatay nito kanina !". - Sabi ni Moon na walang kaalam alam na kanina pa ito nakikita ni Fuego na dumaan sa likod ni Moon at sumenyas si Eight kay Fuego na huwag maingay at dumeretso sa lamesang punong puno ng prutas .
" Iyon ba ang tinutukoy mo??". - at binuko na ito ni Fuego at tinuro ang lamesa kung saan naroroon si Eight
Pag lingon ni Moon ay matakaw na kumakain ang matandang si Eight at lumapit sa kinaroroonan nila Moon na may dalang pag kain.
" Masssarapp pala ang prutttas dito !". - Sabi ni eight na punong puno ng pag kain ang bibig nito
" Hinde sayo yan tanda ibalik mo yan sa iyong pinag kuhaan !". - saway ni Moon kay eight na tila Isang bata
Samantalang pinipigilan naman ni Fuego na matawa.
" Tila pasaway ang iyong tiyuhin ginoo? ". - Sabi ni Fuego
" Hinde lang pasaway ! Matakaw ! Madaldal!". - Sabi ni Moon
" Hoy noong bata ka Ikaw ang pasaway ! Pinababantayan ka sa akin ng iyong ama bigla kang nawala iyon pala ay nasa taas ka ng puno ng bayabas ! Akoy papatayin ng iyong ama kung nag kataon !". - Sabi ni eight kahit kasinungalingan ang sinasabi nito para mag mukang sya ang nagpalaki kay Moon
" Hahaha ginoo! Ganon ka pala kapasaway noong Bata ka !". - tawa ni Fuego
" Kasinungalingan ang sinasabi ng aking tiyuhin ang totoo ay may sakit sya sa pag iisip!". - bawi naman ni Moon sa pang aasar ni eight
" Ayy totoo ang aking sinasabi ! Isang beses ay tumae pa nga yan sa ilog na kinukuhaan namin ng inumin!". - pag sisinungaling na naman nito dahilan para humagalpak ng tawa si Fuego . Ngunit ang totoo ay si eight ang gumawa noon nung Bata pa ito.
" Hahaha ginoo! Bakit mo naman iyon ginawa ? Haha ". - tawa ni Fuego
" Kaya pala sarap na sarap kang inunmin ang iniigib ko galing sa ilog na yon! Ikaw nga ay sinisilipan mo si aling mara sa batis ng paliguan!". - pang aasar ulit ni Moon at nag panggap si eight na kunwari ay inaalala ang pang yayaring sinabi ni Moon
" Hinde ko iyon maalala ngunit yung paninilip natin kay anestisia naalala ko ! Ikaw pa ang nag yaya saken wuyy!". - Sabi ni eight at lalong humagalpak sa tawa si Fuego at lumabas sa kanyang kwarto si fussia dahil naririnig ang tawa ni Fuego. Dahil lumabas si fussia sa kanyang kwarto ay biglang napatigil sa pag tawa si Fuego
" Tila hinde kana tumatawa ginoo?". - tanong na pang aasar ni Moon .
Nag tataka si Fussia kung sino ang kasama nila moon .
" Sino syaa??". - tanong ni fussia
" Ahh ako ang tiyuhin ni Mo~". - napatigil ito ng ilang minuto dahil hinde nito matandaan ang pangalan ni Moon sa Independentas " ni Mora ". - pakilala nito kay fussia
" Sya ang aking tiyuhin na natagpuan ko sa kaharian ng Dracula's ". - dugtong ni Moon
" ngunit hinde ba doon ka nag mula sa kaharian ng Feiliposna ? ". - tanong ni fussia
" Matagal na syang nawawala dahil sa dinukot din sya ng mangangalakal at naging alipin din sa horudea katulad ko! Nang makatakas sya sa horudea bilang alipin ay doon sya namuhay sa kaharian ng Dracula's !". - paliwanag ni Moon
" Naging alipin ka din ng Horudea mora? ". - tanong ni fussia
" Tama doon ako binenta ng mangangalakal ng kunin nila ako dahil sa aking kalasingan ! ". -aminadong Sabi ni Moon
" Ngunit bakit tumatawa ang lalaking Yan?". - inis na Sabi ni fussia na ang tinutukoy ay si Fuego
" Dahil... Dahil hinde daw sya titigil na mahalin ka kahit pinagpipilitan mo syang itaboy ! Diba Tito?". - Sabi ni Moon na kinukuchaba pa si Eight
" Ay Oo sinasabi nya na kanya ang huling halakhak ! Kaya sya tumatawa !". - Sabi naman ni eight
" Hinde totoo ang kanilang sinasabi ! Huwag kang maniwala sa kanila !". - takot na takot naman si Fuego .
" Ganon! tignan natin kung sino ang huling halakhak!".
***to be continued***