Nang makarating kami ng hangganan ng kaharian ng independentas. Mahigpit na hinaharang at tinitignan ang mga kagamitan na papasok sa kaharian. Binusisi nila kahit ang kasulok sulukan ng aming nga lalagyan . Nagulat sila ng makita ang mga natitira kong ginto dahil sa kaharian nila ay malaking halaga ito.
" Kayo bay mga maharlika?". - tanong ng kawal
" Sabihin na nating katulad ng isang maharlika ". - sagot ni Moon
" Moon mukhang may pag dududa ang mga kawal na ito !". - bulong sakin ni Eight
" Hinde dahil ang Isang pirasong ginto sa kahariang independentas ay kahalaga ng Isang lupain". - paliwanag ni Moon na si eight naman ang nabigla rito.
" Ano?? Totoo ba yang sinasabi mo? Kung ganon dapat dito na lamang ako bumili ng lupain !". - manghang mangha na sabi nito
" Ngunit hinde ka makakabili ng lupain kung hinde ka mamayan ng independentas!".
" Kung ganon ay sayang lang ang mga gintong dala dala natin kung hinde naten ito magagamit!". - panghihinayang ni Eight
" Paano masasayang kung pwede ka naman mag sabi sa Isang tao na talagang mamayan ng kaharian independentas . Bigyan mo ito ng ginto ay ikukuha ka nya ng kabahayaan at mga kagamitan !". - paliwanag ni Moon dito dahil ganon ang ginawa nya na dahilan kaya't meron syang bahay sa Veril sa pamamagitan ni fussia .
" Ahh hinde ko naisip yon ah hahaha !".
" Bakit tila wala kang kaalam alam sa kaharian Independentas ? Ilang linggo o araw kaba namalagi dito bago ka maging alipin?". - tanong ni Moon habang tapos na ang pananaliksik sa kanilang kagamitan ang mga kawal kaya't papasok na ito sa kaharian ng independentas. Sa tapat sila ng palasyo iba-baba ng karwahe dahil malayo ang Veril. Nais din ni Moon na puntahan muna si Fuego sa bahay aliwan nito at upang uminom muna ng alak .
"Dalawang araw lamang ako namalagi dito kaya't kung may malaman ako tungkol sa kahariang ito ay tiyak na nakalimutan ko na lalo't mahabang Panahon bago ulit ako nakabalik dito. Ang aking natatandaan lamang ay hinde pa ganito kaganda ang kaharian at walang makukulay na palamuti at hinde ganto ang patakaran kaya't malaya ang mga masasamang tao na magpagala gala noon sa kaharian !". - sabi ni Eight na binabalik tanaw ang itsura ng kaharian ng independentas.
.
Nakarating na din sila sa tapat ng palasyo ng independentas. Sa isip ni Moon na una nyang pupuntahan si Fuego para makita ito at makainom din ng alak. Kahit na dahil sa alak kaya ito nakuha ng mangangalakal ay hinde ito pinangangambahan ni Moon. Buhat buhat nila ang napaka raming dalang gamit ni Eight.
" Saan tayo pupunta Moon ?". - Sabi ni eight at tumigil si Moon aa kanyang pag lalakad nang maalala na hinde dapat ito ang itawag sa kanya dahil maaring may makakilala sa kanya sa ibang kaharian.
" Ginoo ? Maari bang huwag mo ako tawagin sa aking pangalan kapag nasa ibang kaharian dahil maaring may makilala sa akin lalo't Isa akong kilalang assasin !". - paalala nito kay eight
" Ngunit ano ang aking itatawag sayo ?Ginoo ? Ngunit hinde ako sanay na tawagin ang mas nakakabata sa akin na ginoo?". - tanong nito
" Mora ang itawag mo sa akin dahil kilala ako dito sa kaharian ng independentas bilang Mora ". - Sabi ni Moon
Nasa tapat na sila ng bahay aliwan ngunit sarado ito . Nag tataka si Moon dahil alam nya ay kahit Isang beses ay hinde nag sasara si Fuego . Dahil sarado ang bahay aliwan ay tila nanlumo si Moon dahil hinde ito makakainom ng paborito nitong alak. Humanap sila nang sasakyan kalesa dahil pupunta si Moon sa bahay ni fussia sa Coron. Dahil kapag pumunta itong Veril ay baka Wala ito dahil ilang linnggo nang nawawala ito. Hinde batid ni Moon na nag aalala sa kanya ang mga kaibigan at hinahanap sya nito. Kahit na Isang dayuhan si Moon ay nakatagpo ito ng kaibigan na dati ay miski Isa ay Wala lalo't sa kaharian ng Feiliposna ay kinakatakutan sya.
Walang nagtatangkang makipag kaibigan kay Moon simula pa lamang noong bata sya dahil takot din ang nga mamayan sa kanyang ama dahil tinaguriang magaling na assasin o manunugis . Habang lumalaki sya ay sumagi na sa isip ni Moon na Wala syang ibang pag kakatiwalaan kundi ang sarili dahil ang Pangarap nya ay maging kagaya ng kanyang ama .
Nakarating na sila Moon sa tahanan nila Fussia . Napansin ni Moon na maraming kawal sa Lugar na yon ang bawat kabahayaan ay may mga kawal . Nang bumaba na si Moon sa kalesa ay kumatok ito sa bahay nila fussia dahil sarado ang pinto nito.
" Fussia ! Fussia ! ". - tawag ni Moon
Biglang bumukas ang pinto ng tahanan nila Fussia at bumungad ang kagigising pa lamang na si Daisy na nasuot ng maiikling kasuotan kaya't tila napatulala si Eight dahil sa kaharian nila ay pinag babawal ito lalo't puro kalalakihan ang kanilang kaharian . Natulala din si daisy kung sino ang nasa kanyang harapan walang iba kundi si Moon na ilang araw na nilang pinag hahanap.
Dahil sa pag kagulat at tuwa ay napayakap ito Kay moon dahilan para mahimatay si Eight.
" Anong nangyare? !". - sigaw ni daisy at binuhat ni Moon si Eight sa loob ng bahay nila fussia. Pinunasan nila ang mukha ng malamig na tubig si Eight upang maalipungatan ito muna sa pag kakahimatay . Ngunit hinde parin ito nagiging dulat na rin siguro ng pagod sa paglalakbay nilang dalawa ni Moon. Dahil matanda na rin si Eight kaya't mabilis na din mapagod ang pangangatawan nito
Iniwan na muna nila Daisy at Moon si Eight sa kwarto upang makapag pahinga din ito.
" May pulso sya kaya't Wala ka dapat ipangamba". - Sabi ni Moon kay daisy
" Sana ay maayos lang ang kalagayan ng iyong kaibigan ginoo! Ngunit ginoo saan nga pala kayo galing bakit kayo nawala ng ilang araw hinde nyo po ba alam na si fussia ay alalang alala sa inyo gayundin si Fuego ?". - Sabi ni daisy
"Mahabang kwento pero dahil sa mangangalakal ng tao kinuha nila ako at ibinenta sa kaharian ng Horudea bilang alipin! Nakatakas lang ako kaya nakabalik ako dito sa kaharian ng independentas. ". - paliwanag ni Moon
" Hinde prin pala sila tumitigil na mag benta ng tao sa horudea . Sabi Sabi na kapag naging alipin ka ng Horudea ay hinde kana makakabalik ng buhay !". - Sabi ni daisy
" Dahil sa gutom at pagod sa pag hahanap ng ginto sa gintas. Syaka ko nalang ikwento kapag narito na sila fussia . Teka nasaan nga pala ang mga Bata at si Casu ?". - tanong ni Moon dahil napansin nito na malinis ang bahay at walang maliligalig na batang alaga ni fussia
" Kase ginoo kailangan muna lisanin itong bayan na ito dahil may nangyareng pag paslang sa pinaka magaling na assasin ng palasyo kaya't maraming kawal sa labas na nag babantay. Natatakot lamang ang Reyna sa possibilidad na naririto pa ang salarin. Kaya sila Casu nasa tahanan mo sa Veril kasama ang mga bata. At si fussia at Fuego at pupuntang palasyo para sa pagbibigay ng kanilang nalalaman dahil Isa sila sa huling nakausap ng Assasin para hanapin ka. Ngunit habang nag hahanap sayo ay pinsalang sya . Dudulog din sila fussia sa palasyo upang hanapin ka sasabihin nilang Isa kang maharlika sa kaharian ng Feiliposna kaya't hinde pwedeng ipawalang bahala ang pag kawala mo.". - paliwanag ni daisy
Ngunit hinde sang ayon si Moon sa paghingi ng tulog ni fussia at Fuego upang hanapin sya. Dahil ayaw nyang mas may makakilala sa kanya lalo na sa loob ng palasyo dahil sa kanyang mission. Naisip na ni Moon na hinde maari ito dahil kasabihan nya ito sa kanyang sarili na.
" Labis na pagkakilanlan ay hinde nakakabuti ..".
" Kailangan nating pigilan sila !". - Sabi ni Moon at nag mamadaling umalis ngunit hinabol ito ni Daisy
" Ginoo tiyak kong nasabi na nila ito sa palasyo . Pero maaring hinde ito madulog kung ipapasawalang bahala ito ng Reyna Eve .". - paliwanag ni daisy kahit hinde nito maintindihan ang pag mamadaling iyon ni Moon .
" Paano mo nasabing babaliwalain ito ng Reyna Isa pa ay hinde ako maharlika sa Feiliposna kung sasabihin nya ito sa Reyna ay parang kakahiyan na ito sa kaharian na nag sisinungaling na Isang maharlika ! ". - paliwanag ni Moon kahit hinde ito ang tunay nyang dahilan.
** to be continued***