Naaninag ko na tila sobrang liwanag ng buwan na tila gusto nitong sumabog . Ngunit ang kinagulat ko ay biglang may pusang umupo sa aking dibdib na tila nakatitig ito sa akin. Maganda ang kulay nito kulay abo at mabalihibo at ang kulay ng kanyang mata ay mag kaiba Isang Kahel at isang asul . Hinimas ko ang ulo nito at nagulat ako sa kanyang ginawa dahil kinagat nito ang aking kamay .
" Aray! ". - Sabi ko at nakita kong dumudugo ang kagat nito.
" Meowww!". - Sabi nito na mapungay pungay ang mata .
Tila parang umuuga ako na parang may lindol.
" Ginoo!! Ginoo! Ginoo! ". - tawag sa akin ni rodes at pag mulat ko ng mata ay narito ako sa duyan
Ibig sabihin ang kagat ng pusang iyon ay panaginip dahil walang Marka ng kahit anong kagat nito. Hinde ko maintindihan dahil parang lahat ng aking mga panaginip ay katotohanan . Bukod don ay malinaw ito hinde kagaya ng iba kong panaginip noon lahat ay malabo.
" Nanaginip ka ginoo! ". - Sabi ni Alexis
" Syang tunay ! Napanaginipan kong kinagat ako ng Isang pusa !".
" Kung gayon isa lamang ang ibig sabihin ng iyong panaginip! Sinasabi kapag nakagat ka ng anumang hayop ay kailangan mong magalaga ng hayop na napanaginipan mo ". - paliwanag ni rodes . Tila tanghali na kaya pala mainit ang pakiramdam ko dahil sa sikat ng araw . Kailangan ko na ding bumalik sa Independentas dahil sigurado akong nag aalala na sila fussia .
" Kung ganon ay mag aalaga ako ng pusa ! Hinde ba Alexis na may mga alagang pusa ang iyong ama?". - tanong ko
" Marami syang alagang pusa na pakalat kalat sa loob ng bahay namin . Minsan mas anak nya pa itong ituring. ". - parang batang Sabi nito .
Sakto ay biglang lumabas si Eight at may dalang pusa ito. Kamukang kamukha ng pusa sa aking panaginip? Hinde kaya ay nag kataon lamang o hinde, dahil impossible na kamukhang kamukha ito sa aking panaginip.
" Tila nag papaaraw kayong tatlo tayo na at mananghalian!". - Sabi nito habang hawak ang pusa at hinihimas ang ulo nito
" Maari bang akin na lamang ang pusang dala mo ?". - Sabi ko
" Hmm mahilig kapala sa pusa ginoo". - Sabi ni eight
" Ama nanaginip kasi sya ng pusa at kinagat sya nito . Kaya sinabi namin na kailangan nyang mag alaga ng pusa dahil a kanyang panaginip.". - Sabi ni Alexis
" Kung babalik kana ng independentas ay ibibigay ko sa iyo ito . Ipapangako mo na alagaan mo ito dahil napakalambing at matalinong pusa ito. Ang pangalan nya ay Ace , Isang taon gulang pa lamang sya at pinanganak sya ng pebrero 28.". - halatang Mahal nito ang pusang si Ace dahil alam nito bawat detalye
" Aalis na ako mamayang hapon pabalik ng independentas nais ko sanang yayain ka upang tulungan ako sa aking Mission.". - walang paligoy ligoy kong sabi
" Ngunit ginoo matanda na ang aking ama !". - pagtutol ni Alexis at sumenyas si Eight ibig sabihin na sya na ang bahala
" Iyon din ang binabalak kong sabihin sayo nais kong tulungan ka sa iyong mission upang magkaroon na din ng kapayapaan ang aking isip. ". - Sabi nito
" Ngunit ama ? Paano si Ina ? Tiyak na magagalit ito !". - Sabi Naman ni Alexis na naiintindihan ko kung bakit dahil hinde lamang sya sanay na umalis ang kanyang ama
" Nag usap na kami ng iyong Ina tungkol dito... Pumayag sya sa aking kagustuhan na tulungan si Moon sa kanyang mission. Alam ng iyong Ina kung bakit ko ito gagawin .". - Sabi ni eight
" Wala akong magagawa kung iyan ang iyong kagustuhan . Ngunit mag iingat ka dahil hinde naten alam ang buhay sa ibang kaharian !". - pag alala nito sa kanyang ama
" Huwag kang mag alala ako munang bahala sa iyong pamilya Ama . ". - Sabi ni rodes at sabay akbay kay Alexis
" Salamat at mapapanatag ako sa aking pag alis ! Halinat pumasok na at mag tanghalian ."
Ilang oras oras ang naka lipas...
Nag paalam na si Eight sa kanyang asawa at anak upang sumamasa akin sa kaharian ng independentas . Tinulungan ko na rin syang buhatin ang ilang kagamitan. Dala din namin ang alaga nitong pusa na si Ace.
" Paalam na sa inyo lubos ako nag papasalamat sa susunod nating pag kikita ay puro kasiyahan lang ang ating gagawin! Sa susunod kong pagpunta dito ay may dala dala akong ginto ". - Sabi ko sa pamilya ni eight
" Mag iingat kayo! Makakaasa kayang proprotektahan ko ang pamilya mo eight". - pamamaalam ni rodes
Nag simula na kaming mag lakbay ni Eight . Ang una namin gagawin ay humanap ng kalesang aming sasakyan patungo sa kaharian ng independentas. Dahil kung lalakarin lamang namin ito ay tiyak na mawawalan kami ng lakas . Lalo't maraming dalang gamit si Eight
" Bakit napaka dami mo namang gamit na dala ? Tila Wala kang balak umuwi sa inyo ?". - tanong ko
" Hinde ako ang may kagustuhan nyan! Ang asawa ko ang nag ayos ng mga gamit na yan! Madaming habilin ganito ganyan! Ganyan ako kamahal ng asawa ko!". - Sabi nito na tila nangungulila agad sa kanyang pamilya
" Ang sabihin mo pinabit bit na sa iyo ang mga gamit mo dahil ayaw kana nyang pabalikin hahah ". - pang aasar ko
"Hay nako ginoo hinde mo alam kung gaano ako kamahal ng aking asawa ! Ikaw ba ay may asawa na ?". - tanong nito at nabigla ako
" Ayun may kalesa !". - sabay turo ko ng kalesa upang mabago ko din ang usapan. Nang nakasakay kami sa kalesa at nagbayad lamang kami ng kanilang salapi sa Dracula's. Malayang nakakapasok ang transportasyon ng kaharian ng Dracula's sa kaharian ng independentas dahil may mabuting ugnayan ito hinde tulad sa horudea.
" Ginoo hinde mo pa sinasagot ang tanong ko? May asawa kana ba ? ". - pag ulit nito sa tanong na iyon
" Wala pa akong asawa at anak !". - tanging sagot ko
" Hmm sabagay at nasa murang edad ka pa lamang . Kung gayon? May kasintahan? O iniirog?". - tanong muli nito, ngunit hinde ako kumportable sa mga ganitong katanungan
"Wala ngunit may babaeng laging laman ng aking isipan !". - Sabi ko at walang iba kundi ang Reyna Eve. Kahit pa napunta ako sa ibang kaharian ay tila palagi itong sumasagi sa aking isipan.
" Ang ibig mong sabihin Ikaw ay may tinatangii? Ngunit bakit hinde mo ito ligawan? Upang maranasan mo ang kasiyahan kapag Ikaw ay umiibig ?". - tanong muli ni Eight habang nilalabas sa kulungan ang pusa upang kalungin ito.
" Kailangan ko munang tapusin ang aking Misyon bago ko isipin ang mga ganyang bagay. Dahil ayokong may mag aalala sa akin kapag ako ay nasa misyon. Nais kong mag karoon ng kapayapaan kapag ako ay nag asawa o mag karon ng kasintahan. Ayokong may nag aalala sa akin tulad noon sa aking ama. Araw araw at Gabi Gabi kaming nag aalala kung buhay pa bang babalik ang aking ama!". - paliwanag ko sa kanya
" Ngunit kailan ka matatapos sa iyong pag lilingkod sa kaharian at gawin ang bawat misyon na kanilang inuutos sayo? ". - tanong nito
" Ito ang huli kong misyon , kapag maayos ko itong natapos ay maari na akong mag pokus sa buhay na meron ako tulad ng pag kakaroon ng pamilya. Mananatili ako sa Independentas tulad ng aking Plano.". - mahina Kong sabi dahil baka marinig kami ng nag mamaneho ng kalesa
" Independentas? Ibig mong sabihin ay ang iyong iniibig ay nasa kaharian ng independentas ?". - tanong ulit nito
" Tila marami kanang tanong sa akin? Makakabuting hinde mo malalaman ang lahat ng tungkol Dyan!". - Sabi ko at bigla itong kumamot ng ulo. Pakiramdam ko ay hinde sya matanda sa akin dahil sa kanyang itsura at pananamit ay isang kagalang galang at mukha itong binata.
" Huling tanong sino ang iyong ama? Dahil nabanggit mo kanina na ayaw mong mag alala ang iyong magiging pamilya tulad noon?". - huling tanong nya na daw ito ngunit hinde ako naniniwala
" Si Nicholas ang dating assasin ng palasyo ng feiliposna !". - tila nagulat ito sa kanyang narinig
" Ikaw ang anak ng matalik kong kaibigan? Kung gayon sinundan mo ang yapak ng iyong ama na maging isang assasin sa kaharian ! Kaya pala tila pareho kayong kumilos ?". - galak na sabi nito
" Ibig sabihin ay matalik kayong mag kaibigan ng aking ama ? "
" Tila hinde ka naniniwala ! Palagi nyang binabanggit ang kanyang pamilya at hinde nya kayong nakakalimutan ipag dasal .". - Sabi nito na aking kinalingkot dahil kahit malayo kami sa kanya ay kami ang kanyang inuuna.
**to be continued**