Chapter 19

1481 Words
" Anong mission ito???". - tanong nito " Pwede ba kitang makausap ng tayong dalawa lamang ?". - Sabi ko " Mga anak iwan nyo muna kame !". - Sabi nito kay rodes at Alexis Hinila nya ako sa malayo layo sa kanilang bahay at likod ng kanilang bahay ay isang bukirin. " Anong tungkol sa mission ng hari?". - garang gara nitong sabi siguro ay may kutob ito tungkol sa mission . Alam nya ang nais ng hari lalo't nag padala sya ng liham na nasa independentas ang nawawalang anak nito. " Siguro ay batid mo na kung ano ito?". - Sabi ko " Hinde ko alam ang tinutukoy mo!". - Maang maangan nito " Nais kong malaman kung saan mo dinala ang sanggol maari mo ba akong samahan sa kanya ?!". - tila balisa itong pabalik balik sa pag lalakad at may iniisip na kung ano " Ginoo?? Maari mo bang sabihin saken?". - tanong ko muli Bigla itong huminto sa aking harapan. " Hinde ako kumbinsido na misyon mo ito sa hari maaring Isa kang manlilinlang !". - Sabi nito, mabuti narin ay may katangian syang nag iingat sa kanyang pag sasabihan ng sikreto. " Tila maingat ka ginoo! Sasabihin ko ang aking mga nalalaman tungkol sa iyo ! Isa kang tagapangalaga noon ng kayamanan ng hari ng feiliposna na si Socar ... Bago ako pumunta ng independentas ay nag Padala ka ng liham sa hari na Ikaw lamang ang may alam ng tatak na iyon! O sa iyo lamang ang tatak na iyon . Kaya't alam ng haring totoo ang mga sinasabi mo sa liham ! Kaya't pumunta ako sa Independentas at tinangkang pasukin ang talaan na nasa kwarto ng Reyna Eve ! Ngunit hinde ako nag tagumpay ! Kaya't mas mabuting sayo ko na lamang itanong kung saan mo dinala ang anak ng hari?". - tanong ko sa kanya at dahil alam nyang nag sasabi ako ng totoo ay hinde na nitong magawang sumingit sa aking mga sinabi " Alam kong nasa talaan ng kaharian ng independentas ang pangalan ng sanggol na iniwan ko sa harap ng palasyo !". - Sabi nito na aking kinagulat . Ibig sabihin ay nasa loob ng palasyo ng independentas ang nawawalang anak ng hari? " Kung gayon ? Sinasabi mo bang nasa palasyo ng independentas ang nawawalang anak ng hari?". - tanong ko " Hinde ! hinde ko alam kung saan nila dinala ang sanggol ! ". - tila naguguluhan ito sa kanyang ginawa ! " Huh? Isipin mo ginoo kung saan mo dinala ang anak ng hari!". - sigaw ko sa kanya " Sasabihin ko sayo ang totoo kaya ako nag Padala ng liham sa hari dahil hanggang ngayon ay nakukunsensya parin ako sa pag iwan ng sanggol dahil kung inalagaan ko ito ay hinde sana ito napahamak ! Noong araw na iniwan ko ang sanggol sa harap ng palasyo ay nagtago ako sa di kalayuan at sinisilip kung sino ang maaring kumuha sa sanggol at kung alam kong hinde mabuting tao ang makakuha sa sanggol ay aking balak babawiin. Ngunit habang hinihintay ko ang sanggol na may kumuha at maging kanyang pamilya ay biglang may kung sino ang pumukpok sa aking ulo ! Kaya't nandilim ang aking paningin !". - salaysay nito ngayon ay nararamdaman ko na mahihirapan ako sa aking misyon. " Kung ganon nakita mo ba kung sino ang gumawa non sayo?". " Hinde ko alam kung sino ang gumawa non sakin ! Pag gising ko ay nasa Horudea na ako bilang Isang alipin ! ". - tama ang aking kutob na mahihirapan kami sa aking misyon " Kung gayon Wala na nang ibang paraan kundi ang kunin ang talaan sa taong iyon? Sa loob ng palasyo at silid ng Reyna !". " Patawarin mo ako ! Ang inutos lamang sakin ng hari noon ay alagaan ko ang kanyang anak ! Ngunit sa panahong iyon ay hinde ko kayang mag alaga ng Isang sanggol !". - maluha luha nitong Sabi. " Naiintindihan kita ginoo ! Hinde kita para sisihin sa iyong ginawa ! Hinde naten malalaman ang lahat kung hinde natin hahanapin at kukunin ang talaan . Ngunit kung sa palasyo mo iniwan ang sanggol noon ay maaring nasa loob lamang sya ng palasyo !". - hinde ko dapat sisihin sya dahil kung ako ang nasa kalagayan nya ay ito rin ang aking gagawin. " Pero dala dala ng aking kunsensya ang nangyareng iyon ! Iniisip ko kung nasa maayos bang kalagayan ang sanggol !" - malungkot na Sabi nito at inakbayan ko sya sa balikat at tinapik ito para hinde sya mag isip ng mag isip " Ginoo ! Kung ako sa posisyon mo ay ganon din ang aking gagawin! Isipin mong mabuti kung doon mo iniwan ang sanggol sa tapat ng palasyo ng independentas maaring nasa mabuti syang kamay ! Piliin mong maging positibo at walang pag sisihan sa lahat ng desisyon mo sa buhay! Pumasok na tayo sa loob ginoo at kumain dahil naamoy ko na ang masarap na pag kain ng iyong asawa !". - Sabi ko ngumiti na ito " Maraming salamat Moon !". Pumasok na kami sa bahay nila Eight at Nakita namin na nag hahanda na ng mga pagkain sa lamesa ang asawa nito . Saktong kumukulo ang tyan ko at nagugutom. " Halinat kayong dalawa at maupo na !". - Sabi sa Amin ng asawa ni Eight Umupo na ang lahat at nag simulang kumain. Pakiramdam ko ay masayang pamilya ang nabuo ni Eight na kung hinde nya ginawang iwan ang sanggol at hinde sya dinala sa kahariang Horudea ay hinde sya makakabuo ng masayang pamilya. Siguro ay kung inalagaan nya ang sanggol ay nasa independentas ito namumuhay. " Seryoso ang naging usapin nyo ng aking asawa ginoo? Ngunit tunay bang taga Feiliposna ka ?". - tanong sakin ng asawa ni Eight " Syang tunay ! ". - Sagot ko " Masarap ba ang luto ko?". - tanong nito " Masarap lahat ng niluto nyo maraming salamat sa pag kain ! Ngayon lamang ako nakatikim ng mga ganitong pampalasa !". - Sabi ko " Ayysshh pinapalaki mo ang ulo ng aking asawa !". - saway ni eight at siniko tuloy ito Napapansin kong tahimik lamang si rodes at si Alexis. Siguro ay iniisip ng dalawang ito kung anong napagusapan namin ng kanilang ama. Pag katapos namin kumain ay balak ko na sanang bumalik ng independentas . Iniisip ko kung isasama ko si Eight para matulungan nya ako sa aking misyon o hayaan ko syang manatili dito sa kanyang pamilya . " Ginoo!". - nagulat ako sa tawag ni Alexis lalo't malalim ang aking iniisip " Bakit??". " Pasensya kana ginoo? Kung itatanong ko ito? Hinde na sinabi mo na Isa kang asassin mula sa Feiliposna ? Kaya kaba narito dahil may kasalanan ang aking ama sa inyong kaharian?". - tanong nito sa akin na malayong malayo sa katotohanan " Walang kasalanan ang iyong ama sa kahit sino! Iba ang aking mission at hinde dahil may kasalanan ang iyong ama ! Kaya ko hinahanap ang iyong ama ay possibleng makakatulong sya sa aking misyon !". - paliwanag ko dito " Iniisip ko kasi ang palagi syang sinasabi saken noong bata ako na malaki ang kasalanan nya sa kahariang Feiliposna kaya't hinde nya magawang bumalik sa kanyang kinalakihan!". - Sabi nito " Ganon din ang palagi nyang sinasabi saken noong bata ako na malaki ang kanyang kasalanan sa inyong kaharian !". - pag dating naman ni rodes " Sabihin na nating hinde kasalanan ang kanyang ginawang desisyon ! Ginawa lamang nya ang sa tingin nyang nararapat ! Ngunit kaya nya sinasabi sa inyo na kasalanan nya ay dahil iniisip nya na kasalanan nya ito! " - paliwanag ko " Siguro nga ginoo! Ngunit ginoo maari ko bang itanong kung pumapatay ka ba ng tao !?". - anong klaseng tanong ito Bigla syang binatukan ni rodes " Mang mang ! Anong ginagawa ng Isang assasin ? Hinde bat pumatay ?". - inis na Sabi nito " Masakit yon ha ! " " Syempre pumapatay ako ng taong gusto lamang ipapatay sakin ! Hinde ako pumapatay ng alam kong mabuting tao !". - paliwanag ko " Hmmm kung eto kayang lalaking to ang patayin mo may natitira pa akong ginto na binigay mo". - biro nito na nakaturo kay rodes " Ahh ganon pala !! Halika dito Ikaw ang papaslangin ko!". - at nag simulang mag habulan sila at tila parang mag kapatid talaga sila . Mas mabuti kung dumito muna si rodes dahil nakahanap sya ng tunay na pamilya . Dahil buong Gabi na kami nag usap usap ay tila nakakaramdam ako ng antok kahit pasikat na ang araw. May nakita akong nakasabit na duyan sa labas ng bakuran doon masarap matulog lalo't banayad ang simoy ng hangin . " Maiwan ko muna kayo! Akoy maiidlip muna !". **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD