Napangiti si Moon dahil hinde nya akalain na makikita nya ang Reyna. At tatawagan nya itong Eve. " Eve? Hehehe hinde ata ako sanay na tawagin ang Reyna nang kahariang independentas sa kanyang pangalan lamang .". - Sabi ni Moon at inirapan lamang ito ng Reyna " Sabing huwag mong bangitin ang aking pangalan ! Kanina pa ako nag lilibot sa buong kaharian. Ginagawa ko ito araw araw upang matiyak ko kung ano ang totoong nang yayari sa labas ng aking palasyo. Nais kong makita ang lahat kaya't alam ko kung may nangyayaring pag babago sa aking kaharian!". - Sabi nang Reyna " Ikaw lamang ang tanging Reyna ang gumagawa ng ganitong paraan. Ibig sabihin lamang nito ay may malasakit ka sa iyong nasasakupan. ". - Sabi ni Moon " Ngunit Wala akong magawa para sa kanila. Pakiramdam ko ay kulang

