Dahil mag Isa lamang sa Veril si Moon ay tila nababagot ito. Kaya't gumawa sya ng mga pwede nyang pag libangan. Ngunit hinde parin napapawi ang pag kabagot nito. Naisipan nyang pumunta sa pamilihan upang sa ganon ay pasalubong sa mga Bata kung sakaling dadalaw sya sa bahay nila hirae. Habang nag lalakad ay may nakita itong mga kabataan na pinag kakaguluhan ang Isang pilay na babae. Tinutukso nila ito dahil sa kaniyang kapansanan. " Pilay pilay! Mabuti nga napilay ka! ". - sigaw ng Isang batang babae sa batang pilay " Kaya ka palaging iniwan ng nanay mo kase salot ka!". - sigaw naman ng Isang batang lalake. Base sa pag oobserba ni Moon ay galing ito sa paaralan dahil sa mga kasuotan nito. Lumapit si Moon dito upang awatin ang ginagawang pang aapi ng mga Bata sa batang may kapansanan

