Nagulat si Moon at biglang pumasok sa tinayo nyang maliit na bahay ang dalaga.
" Anong kailangan mo?". - tanong ni moon
" Makikiusap sana ako ginoo kung maaring patuluyin mo muna ako sa ginawa mong bahay ? Malamig kasi ang simoy ng hangin sa labas !". - pakiusap ng dalaga
" Wala naman akong magagawa at kanina mo pa man din ako sinusundan !". - sabi ni Moon at nag labas ng tinapay ang dalaga at binigay kay Moon
" Sana ay tanggapin mo ang tinapay na iyan ginoo bilang pasasalamat sa pag payag mo dumito ako ngayong gabi !".
" Ano nga pala ang pangalan mo?". - tanong ni Moon
" Ang pangalan ko ay hirae! Ikaw ginoo ano ang iyong ngalan?". - sabi ni hirae at naupo sa mahabang kahoy na ginawang upuan ni Moon
" Tawagin mo nalang akong Mora o buwan!". - sabi ni Moon habang gumagawa naman ito ng higaan
" Buwan parang buwan sa kalangitan? Yan ba ang tunay mong ngalan ginoo?". - tanong ni hirae
" hinde pero ayokong malaman ng iba ang totoo kong pangalan dahil baka katakutan nila ito!'. - ang tinutukoy nya ay ang pangalan nyang moon na maaring kilala din ng ibang kaharian bilang magaling na assasin ng feiliposna.
" Ginoo bakit nga pala hinde mo binigay ang ginto mo sa kanila?". - nahihiwagaang tanong ni Hirae
" Sinabi ko na sa iyo na iipunin ko ang ginto para makaalis dito sa basurang kahariang ito!". - sabi ni Moon at kumuha ng prutas si hirae at pinagbalat nito si moon ng prutas pagkatapos ibigay sa ginoo
" Paano ka naman makakakain nyan kung wala kang ibibigay na ginto sa kanila ?". - tanong ni hirae
" Sa isang araw kukuha ako ng tatlong pirasong ginto , ang dalawang ginto ay itatago ko ang isa ay ibibigay ko sa kanila para ako'y makakakain ! Kung hinde naman itatanim ko ang nga buto ng prutas na to !".
- tila humanga si hirae sa talino ni Moon
" Kung ganon ay gagayahin kita ginoo !". - sabi ni hirae
" Matulog na tayo at bukas maaga tayong maghahanap ng ginto sa gayon ay magawan kita ng sarili mong bahay ! Hinde maganda na mag kasama tayo sa iisang bahay lalot ikaw ay babae. ". - sabi ni Moon
Tila namula naman ang pisngi nj hirae at nagsisimula na syang mag kagusto kay Moon . Sa ginawang tulugan ni Moon nya pinahiga si hirae samantalang si Moon ay nag hanap ng dahon na maaring ipanlatag sa lupa upang doon natulog. Habang natutulog si Moon ay pinagmamasdan ito ni Hirae.
" Matipuno, Makisig, Mapagbigay, May respeto , at Matalino ? Sinong hinde hahanga sa ginoo kahit na nasa gitna kami ng kalbaryo!". - bulong ni hirae sa kanyang sarili habang masayang pinag mamasdan ang wangis ni Moon. Sa unang kita nya palang sa ginoo ay alam nyang tutulungan at proprotekhan sya nito.
**KINABUKASAN**
Nagising si Moon na may sinag ng araw sa kanyang mukha .At kasabay non ang pag tunog ng tambuli. Ngunit si Hirae ay mahimbing pading natutulog at humihilik. Iniwan nya ang dalaga at nag simula mag hanap ng ginto. Nakita ni Moon si rhodes na umiinom sa batis . Kung mamasdan si rodes hinde ito masasabing masamang tao lalo't nakikisalamuha ito sa kanilang mga alipin.
"Labis na napakalinis ng batis ! Ito na lamang ang tanging malinis sa gintas !". - sabi ni rodes kay Moon
" Mabuti at hinde pinagkaitan ang mga alipin ng malinis na tubig ? At hinde na kailangan mag bayad ng ginto kapag nauuhaw?". - sabi ni Moon kay rodes
" Kapag pati ang tubig ay ipinagkait namin maaring kami din ang mahirapan sa pamimili ng alipin sa iba't ibang kaharian ! Gastos lamang iyon sa amin ! At San namin itatapon ang nga bangkay ng alipin kung sabay sabay kayong mawawalan ng buhay !". - sabi ni rodes
" Gusto nyong magdusa ang isang alipin ng parang hayop dito sa gintas? Alam mo ba ang maaring isipin nila ? Na mas maigi nalang patayin kaysa unti untjng mamatay sa lugar na puno ng basura ! Mabuti pa ang ibon ay malayang nakakalis ng matatas na pader !". - sabi ni Moon
" Kung papatayin sila ay wala ng mag hahanap ng ginto para sa maharlika!". - sabi ni rodes at akmang aalis sa pag uusap nila ni Moon
" Anong katayuan mo sa kaharian nang Rawsolen?". - tanong ni Moon ?". - at huminto sa paglalakad si rodes at muling humarap kay Moon
" Ikaw anong katayuan mo sa Kahariang Feiliposna? ". - nagulat si Moon sa tanong ni rodes na tila alam nito ang pag katao nya. Ngunit hinde nag pahalata si Moon dahil baka ay nanghuhula lamang ito o nag kataon lamang
" isa akong mananaliksik sa kahariang ng feiliposna! Sagutin mo ang tanong ko rodes?". - sabi ni Moon at matalim ang titig nya dito
" Anak ako ng hari ng kahariang ito!". - sabi ni rodes
" May anak pala ng hari na nangangasiwa sa mga alipin ng gintas ?". - pag iinsulto ni Moon
" May Assasin palang naging alipin ang kahariang ito?". - balik na insulto ni rodes kay Moon ngunit ngumisi lamang si Moon may roon palang taong makakakilala sa kanya sa ibang kaharian
" Paano mo nalaman kung sino ako? Prinsipe?". ,- tanong ni Moon
" Simple lamang ! Naalala ko lang noong pinakilala ka sa akin ng inyong hari sa feiliposna! Pinag mamalaki ka ng hari dahil sa iyong galing ! Ngunit tila nagkamali ang hari?". - sabi ni Rodes
" siguro alam mong hinde ako tinatablan ng insulto? Pero bakit nga ba narito ang isang prinsipe at nadudumihan ang kanyang mga damit at sapatos?". - sabi ni Moon at sumeryoso ang mukha n rodes at umupo sa tabi ng batis habang nakatingin sa di kalayuan
" Dahil anak ako sa labas ng aking ama ! Anak ako sa isang alipin ng hari! Kung tutuusin ay nais ng aking ama na ako'y patayin o di kaya'y gawing alipin ngunit ang kanyang reyna ay tumutol! Mabuti ang reyna kaysa sa aking ama ! Kaya ako pumunta sa kaharian ng feiliposna upang humingi dapat sayo ng tulong na patayin ang aking ama ngunit hinde kaya ng aking konsensya! ". ,- sabi ni rodes ng may pag alala sa kanyang mga nakaraan
" Kainaylangan mo ako ? Ngunit hinde kita matandaan ginoo ?". - pilit iniisip ni moon kung nakita nya na talaga si rodes noon.
" Hinde mo ako matandaan dahil nakasuot ako ng pang guwardiya sibil! ". - sabi naman ni rodes
" Sayang sana ay hinde ako narito ngayon kung maaga kong napatay ang hari ! " - pag bibiro ni Moon
" Sana hinde ako nag dalawang isip noon ! Dahil ngayon ay mas kinakasuklaman ko sya lalo sa ginagawa nyang pag aalila sa mga tao! Hinde ko gustong makita ang nga tao dito sa gintas. Dahil dito ako pinanganak ! Natatandaan ko pa noong ako'y mus mos pa lamang. Luntian at punong puno ng buhay ang gintas ! Kahit na mga alipin ang tao rito noon ay masasabing mayroon ng kalayaan !". - sabi ni rodes
" Gusto mo bang paslangin ko ngayon ang inyong hari?". - sabi ni Moon na kinagulat ni Rodes dahil hinde nya akalaing itatanong ito sa kanya ni Moon
" Gusto ko ngunit hinde pa ngayon dahil mabuti saken ang reyna hinde ko sya hahayaang masaktan!". - pagtanggi ni rodes
" Ika pitong araw makakaalis ako dito sa gintas ! at kailangan mo akong tulungan ! ". - Utos ni Moon
" Hinde kita matutulungan ginoo!". - pag tanggi ni Rodes
" wala kang magagawa dahil kapag hinde mo ako tinulungan ay mag kakagulo ang mga kaharian! Lalot hinde papayag ang aming kaharian na ako'y dito mamatay! Kung wala ang mga kadenang ito sa aking mga kamay ay mabilis akong makakatakas. Alam mo ang kapasidad ko lalo't sa pag paslang! Kaya ganon nalamang akong kahalaga sa hari. May misyon ako sa kaharian ng independentas na inutos ng aking hari!". ,- paliwanag ni Moon
Tila tama ang sinabi ni moon kay rodes. Dahil alam ni rodes na mahalaga si Moon sa kaharian ng feiliposna at maaring magdulot pa ng hinde pag kakasunduan.
" Kung gayon ay wala akong magagawa! Sa ikapitong araw ay makakatakas ka bilang alipin !". - pagsangayon ni rodes
" Mag hahanap na ako ng ginto maiwan na kita! ". - paalis na sana si Moon ngunit may gusto syang hilingin bago umalis ng kaharian ng rawsolen " Ginoo kinabukasan ng gabi ay gusto kong pumunta sa Horudea !".
" Para saan at gusto mong pumunta doon? Delikado kapag nalaman nilang isa kang alipin ! Maari ka nilang patayin !". - paalala ni rodes
" Madali lamang bigyan mo ako ng kasuotan na katulad ng maharlika at tanggalin ang nga kadena ! Gusto kong makita ang lugar na wawasakin ko balang araw !". - seryosong sabi ni Moon
" Pero ?!". - hinde nagawang pigilan ni rhodes si Moon at tuluyan na itong umalis.
Habang papunta si Moon sa minahan ay napapansin nya ang ibang alipin na tila payat at pagod na pagod ito. May mga bata rin kasama ng mga ito na lalong nag pahirap sa buhay ng nga magulang nito dahil ang kakainin nila ay para sa kanilang anak at para mabuhay. Nakaramdam ng kirot sa puso si Moon na kapag umalis sya at hinayaan ang ibang alipin dito ay mamatay lamang ang mga ito kasama ng mga bata. Kaya't napaisip si Moon na kung aalis sya ay dapat ay makalaya din ang ibang alipin.
**to be continued**