**KINABUKASAN**
"Ginoo? Bakit ganyan ang iyong mga kasuotan ?". - tanong ni hirae
"Pupunta ako sa kabilang bahagi ng kaharian ng Rawsolen! ". - sagot ni Moon
"Sa horudea? Paano ka naman makakapunta don ? Tiyak na malalagot ka kay rodes !". - sabi ni Hirae
" Ginoong Moon ! Bilisan mo at hinde ako pwedeng mag tagal !". - Sigaw ni rodes at gulat na gulat naman si hirae at hinarangan ang dadaanan ni Moon
" Ginoo! si Rodes ! Hinde ka pwedeng makita ng ganyan ang kasuotan !". - takot na takot Na bulong ni Hirae at ngumisi lamang si Moon at tinapik ang balikat ni Hirae
" Sya ang mag papasok saken aa horudea!". - sabi ni Moon na lalong pinag taka ni Hirae
" Paanongg?~"
Lumabas si Moon at tinanggal ni Rodes ang mga kadena sa kamay nito.
" Magiingat ka ginoo! ". - tanging nasabi ni Hirae
Kinagabihan ay handa na si Moon para sa pagpunta nya sa horudea. Nakasuot si Moon ng kasuotan ng horudea tulad sa matatas na antas. May subero, itim na tuksedo, itim na pantalon at sapatos para sa mga kalalakihan. Magarbong saya, may subrero, mga alahas , at may dalang mga pamaypay ang sa mga kababaihan.
" Ginoo hinde ka pwedeng mag tagal sa loob ng horudea dahil may patakaran sa horudea na kapag tumapat na ang buwan sa tore ng Typos ay hinde na pwedeng lumabas ang lahat ng mamayan !". - paalala ni Rodes
" Alam ko hinde rin naman ako mag tatagal dahil gusto ko lang naman malaman kung anong klaseng pamumuhay ang nasa horudea !". - sabi ni moon ngunit ang totoo ay gusto lamang nitong bumili ng alak lalot limang piraso ng ginto ang kanyang nahukay ng buong araw.
"Ginoo pakiusap hinde ka gagawa ng kaguluhan sa loob ng horudea ! Sa tatlong oras ay magkita tayo sa typos para maihatid kita muli dito!". - sabi ni Rodes .
Dumaan sila sa tagong lagusan upang hinde sila makita ng mga tagapagbantay ng horudea. Nang makarating na sila sa Pinto ay biglang namangha si Moon sa kanyang nakita isang masaganang kaharian na ibang iba sa gintas. Puno ng saya ng mamayan ng horudea. Sumenyas si Rodes na hanggang dito na lamang at kailangan nilang maghiwalay dahil may kailangan pang gawin si rodes sa palasyo.
Nakaramdam si Moon ng kirot sa kanyang puso lalot ng maalala nya ang kalagayan ng mga alipin samantalang ang mga taga horudea ay masagana sa pagkain. Maraming pailaw at mga tindahan ng mga pagkain. Ibat ibang tindahan ang nasa paligid at buhay na buhay ang kaharian nito.
" Magandang gabi ginoo? ". - bati sa kanya ng magandang babae habang nag papay pay
" Magandang gabi rin sa iyo!". - bati ni moon at lumaki ang mga ngiti nito, hindi batid ni Moon na lalong kumisig ito sa kanyang kasuotan kayat maraming babae ang tumitingin sa kanya
" Ginoo? Maari ko bang mahingi ang inyong pangalan?". - tanong ng babaeng sumusunod sa kanya, napapakamot si Moon sa kanyang ulo dahil kung iisipin ay palagi na lamang may mga babaeng umaaligid sa kanya tulad ni hirae
" Ako so Beni !". - pag sisinungaling ni Moon
" Ginoong Beni pwede mo akong dalhin sa bahay mo ngayong gabi para ikaw ay bigyan ko ng aliw!". - sabi ng babae at tila nabigla si Moon
" Hinde ako bumibili ng babae!". - pagsusungit ni Moon at binilisan nito ang kanyang pag lalakad
" Tatlong ginto lamang ginoo!". - tila napahinto si Moon dahil sa narinig nyang ginto, napaisip ito na maaring ito ang ginagamit ng mga mamayan ng horudea bilang salapi
" Saan mo nakuha ang iyong ginto?". - tanong ni Moon at nagpungay ang mga mata ng babae para sa pang aakit kay Moon.
" Hinde ba't sa mga alipin sa gintas nanggagaling ang ating ginto?! Halina't pumayag kang ikay aking paligayahin .". - sabi ng babae at may pakagat labi pa ito
Tila tumingin si Moon sa buong paligid, nakita nya na ibinabayad ng mamayan ang ginto sa mga tindahan. Nakita nya na pasasa ang mga mamayan ng horudea sa ginto na pinaghirapan ng alipin para lang mag aksaya ng pagkain at pagbayad sa mga gusto ng aliw. Tila nangangatog si Moon sa galit dahil ang mga taga gintas ay halos mamatay at nagugutom upang makahanap lamang ng ginto.
" Bukas mag kita muli tayo dito! Maiwan muna kita !". - sabi ni Moon sa babae ngunit hinde alam nito na pinipigilan lamang ni Moon ang sarili dahil sa galit nito sa maharlika ng kaharian.
Nag ikot si Moon at nasaksaksihan nya ang lahat ng maharlika na makasarili at ganid.
" Mama ! Gusto ko po nun!". - sabi ng batang lalaki sa kanyang ina
" Kahit ano anak ay bibilihin ko dahil bukas paniguradong may libreng ginto na naman tayong makukuha dahil nag tratrabahong mabuti ang iyong ina!". - sabi ng ina ng bata at binili ang gusto ng anak na tila hinuhubog ang anak nito bilang makasarili paglaki nito.
Nang mag sawa ang bata sa hawak nitong pag kain ay tinapon nito ang pag kain sa basuran na may nakasulat na tirang pagkain para sa alipin.
Tila nanginginig ang laman ni Moon ang makita ang mga sulat na iyon. Kung kailangan nyang patayin ang hari ay gagawin nya para mag karoon ng kapayapaan ang mga alipin sa kaharian nito. Ngunit alam ni Moon na hinde pa sa ngayon ang tamang oras dahil kapag ginagawa nya iyon ay maaring hinde nya matapos ang mission sa Independentas.
Habang naglilibot si Moon ay nakita nya ang isang Lugar Sugalan... Pumasok sya dito at nakita nya ang napakaraming manunugal. At talagang ginto ang salapi ng mga ito. Nag dadamihang ginto ang mga nasa kamay ng manunugal.
" Ang dayuhang pener ay narito na !". - Sigaw ng isang manunugal na pinakilala ang malaking lalaki na kakarating pa lamang
" May mga dayuhan din pala dito..?". - bulong ni Moon
" Oo meron maraming dayuhan dito na galing sa Ibat ibang kaharian! Ang hinde lamang nakakapasok dito ay ang kaharian ng independentas !". - sabi ng isang lalaki na nakarinig ng bulong ni Moon " isa akong dayuhan galing sa kaharian ng Draculas". - dagdag nito
**MOON POV**
Kaya pala pinipilit nilang mag trabaho ang alipin oara sa mga ginto na ipangsusugal nila. Ang akala ko ay dahil lamang sa mga luho ng mga mamayan dito. Sigurado akong ginagawang negosyo ito ng palasyo para sa mga sarili nilang interes lalot ang kaharian ng Rawsolen ang pangunahing pinagkukuhaan ng ginto. Malayo pa ang oras na para bumalik sa gintas kaya't gamitin ko ang mga gintong ito para palaguin nang sa gayon ang lahat ng mga alipin bukas ay hinde mag tratrabaho at lahat ay hinde magugutom.
" Sino ang gustong makakalaban ni Pener?". - sigaw ng nang taga kolekta, ngunit mukhang lahat sila ay walang tapang na kalabanin ang dayuhan.
" Bakit walang lumalaban ?". - tanong ko sa dayuhan galing draculas, alam ko naman na hinde nya akong pag hihinaalan na hinde ako maharlika dahil na din sa mga kasuotang bigay ni rodes. Dahil manunugal ako sa aming kahariang feiliposna ay alam kong matatalo ko ang lalaking ito sa pag lalaro ng baraha.
" Sya ang pinaka magaling na manunugal kaya't karamihan sa manunugal dito ay hinde lumalaban sa kanya lalot alam nilang matatalo sila ! Isa pa sa dahilan ay kapag natalo ang kalaban nya ay papatayin ! ". - paliwanag ng lalaking dayuhan, hinde siguro patas kung pati buhay ay kailangan isugal.
" Ngunit pag nanalo ang lumaban sa kanya? ". - tanong ko
" hmm impossible na may nanalo sa kanya? Marami ng sumubok ngunit walang nanalo !". - sabi nya sa akin , siguro ay natatakot lang silang mamatay o kayay pinangunahan ng kaba.
" Ang aking tanong kung anong mapapanalunan kung sakaling matalo ko ang taong yan ?". - sabi ko at napatitig sya sa akin na tila hinde sya makapaniwala na sa lahat ng sinabi nya ay wala man lang akong naramdamang takot. Ganito siguro talaga kung isang manunugis
" Ginoo binabalaan kita ! Hinde magandang kalabanin mo ang taong yan!". - muli nyang babala sa akin
" sagutin mo na lamang ang aking tanong ! ".
" Isang sakong ginto ang maari mong mapanalunan !". - sagot nya
" Kapag ako ay nanalo bibigyan kita ng benteng pirasong ginto! Kaoag sya ang nanalo ay katapusan na ng kanyang buhay!". - matapang kong sabi
Lumapit ako sa aking kakalabanin na tinatawag nilang Pener. Ang mga tao ay nag sisimulang tumingin sakin. Alam kong gwapo ako ngunit gusto kong dukutin ang mga matang yon.
" Nais kitang kalabanin! ". - sabi ko sabay hampas ng lamesa, narinig ko na ang nga bulong bulungan.
"hahaha nagpapatawa kaba? Ikaw lalabanan ang pinuno namin !". - sabi ng kalbong lalaki na mas nakakatawa pa ang kanyang wangis. Lumingon ako sa kanya at binigyan sya ng Matalim na tingin.
" Kung sabihin kong kakalabanin ko sya at kapag natalo ko sya ay kasama ng ulo mo ang mapapanalunan ko!". - sabi ko at kita ko ang takot sa mga mata nya
" Kung gayon ay simulan na naten! Ilang ginto ang iyong ipupusta kasama ang ulo mo ?". - tanong in pener
" umatras kana !! ". - Sigaw ng mga manunugal sa paligid
." Limang piraso ng ginto!". - sagot ko at ang mga mata namin ay tila nanlilisik
" SIMULAN NA ANG LABAN!".
**to be continued**